CARMELA Masama ang pakiramdam ko dahil sa period ko. Pero hindi ko inaasahan na magigising ako na siya ang katabi ko. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kanya dahil ako pa talaga ang nakayakap sa kanya. Bakit ba ako nakayakap sa h*yop na ito? Tanong ko sa sarili ko. Ewan ko ba pero naiirita ako sa gwapo niyang mukha. Pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap. At sumiksik siya sa kili-kili ko. Ito na naman ang puso ko sobrang bilis na naman ng pintig ko. Hanggang sa hindi ko mapigilan ang sarili ko na sinukin. Mabilis kong pinalo ang dibdib ko na naging dahilan para magising siya. “What happened?” tanong niya na nakabukas lang ang isa niyang mata na para bang nasisilaw. “W–Wala,” nauutal na sagot ko sa kanya. “May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya sa akin. Kaya naninibago