Chapter 3

2101 Words
CALERO. Ganado akong tumugtog. Nadagdagan ang excitement ko nang malaman ko na manonood si Matt sa jamming namin ngayon. Dapat galingan ko, nakakahiya naman na first time niya ko mapanood tapos magkakamali pa ako.   May mga ibang banda rin na tumatambay sa studio, mga college boys. Madami sa kanila ay mag-aaral ng State U. May isa ngang cute roon, si Jet. Siya 'yong madalas magtono ng gitara ko.   May isang acoustic guitar kami sa bahay at isang electric guitar. Nasa banda rin ang kuya ko kaya palagi niya ‘yon ginagamit. Kung minsan nahihiram ko ang mga gamit niya. Wala naman akong sariling electric guitar.  Kapag may trabaho na ako, bibili talaga ako ng sa akin.   Si Jet ang pinagkakatiwalaan ng may-ari ng studio. Siya ang nagtotono ng mga instruments dito. Palibhasa halos dito na inuumaga ang ibang banda sa kaka-jamming. Paminsan-minsan nag-iinuman din sila sa salas kaya si Jet ang nagiging tagasaway. Buti na lang hindi nagrereklamo ang mga kapitbahay. Malamang nae-enjoy din nilang makinig ng mga kanta.   Umakyat na kami sa 2nd floor kasi roon nakapwesto ang mga gamit. Simple lang ang studio ng "Rhythm and Blues". May egg crates ang lahat ng dingding, may pinto, at maliit na bintanang de-bubog na hindi nabubuksan. Air conditioned din dito kaya masarap talagang mag-jamming.   Nakapwesto ako malapit sa bintana at hindi ko maiwasang sumulyap kapag may pagkakataon. Naka-half hour na kami pero wala pa ring Matt na dumadating.   Naisip ko, maaga pa naman.  Baka mamaya pa siya manonood. I just hope he comes and see me play. That would make my day.    That was when someone knocked on the glass window and waved. It's Jet. As he entered the door, my band mates greeted him while I just smiled at him. He has that rugged handsome face the girls are swooning for.    "Hello, ladies!" nakangiting sabi niya sa mga kabanda ko. Tapos tumingin siya sa akin. "Hey, Gabe. How are you?"    O di ba, ako lang ang kinumusta niya. Naismid ako sa naisip ko. "I'm fine. How are you?"   "Okay na. Nakita na kita," swabe ng sagot niya. Nakita kong naghagikhikan ang mga kasama ko bago siya nagtangong ulit. "Okay na ba ‘yang gitara mo?"   "Parang okay naman na. Do you still want to check it?" Sinimulan kong tanggalin ang strap sa leeg ko. Ako kasi 'yong gitaristang hirap magtono ng gitara. Ang weird lang? Marunong akong tumugtog pero pagdating talaga sa pagtotono, my ears go deaf.    "Don't bother taking it off. It's okay."   Para-paraan din itong lalaking ito. Pumwesto siya sa gilid ko at ramdam ko na halos ang hininga niya sa gilid ng mukha ko. In fairness, mabango naman si Jet mukhang bagong paligo, at bagong sepilyo. Tinotono niya 'yong gitara ko habang hawak ko. Ang lapit-lapit namin. Iyon nga lang, bakit walang kilig?   "Strum mo nga," sabi ni Jet. I strummed my guitar softly.   Jet is a few years older than us. Engineering student siya sa State U. Medyo may kahabaan ang buhok niya at may konting facial hair. Matangos ang ilong niya at malamlam ang mata. In short, pogi siya at madaming nagkakagusto sa kanya. Idagdag mo pa na magaling talaga siya mag-gitara. Madalas siyang palipadan ng hangin ng ibang female bands na nakiki-jamming dito sa studio at maging sa mga Battle of the Bands. Iyong iba, sadyang groupies pa kung magpapansin, as in kumpol-kumpol.   "Okay na. Salamat ha," nakangiting sabi ko.   "Okay, good. Sige labas muna ako. Mamaya nga pala, tambay kayo sa baba kung hindi pa kayo uuwi. May mga dala akong chocolates baka gusto n’yo. Bagong dating si erpat galing Dubai kaya may mga pasalubong,” anunsyo ni Jet, tapos bago siya lumabas, bumulong siya sa akin, "May isang bag ako roon para sa iyo."    Sweet na nga 'yong chocolate sweet pa ang ngiti niya. Tumango na lang ako at natawang bahagya. Hindi naman talaga ako mahilig sa chocolate pero hindi ko tatanggihan ‘yon dahil mahilig doon ang mga kapatid ko.   Paglabas na paglabas ni Jet ng pinto, "Uyyyyy... ." chorus ng mga kabanda ko. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Hindi pa rin sila huminto. "Strum mo nga!" sabay-sabay nilang sabi bago naghagikhikan.   Binato ko sila ng songhits. "Grabe makapang-asar.  Wagas!" natatawa kong sabi pero ang totoo, nahihiya rin ako. "He was just being helpful. Alam n’yo namang hindi ako magaling magtono ng gitara.  Kayo talaga." Napailing ako.   "Hahaha! Totoo naman na may crush sa iyo si Jet," Yanna said that while grinning.   Umiling na lang ako kasi walang point makipagkulitan sa kanilang tatlo. Once they set their mind into something, there's no changing it, lalo at pang-aasar ang gusto nilang gawin.   "You always underestimate yourself, Gabe. You are very pretty. No wonder he likes you," Alexa said.   "I agree with that. Most guys like girls na walang arte sa katawan at kolorete sa mukha. And the fact that you play guitar adds to your charm, lady!" dagdag pa ni Charis.   "Hay nako! Kayo talaga! Practice na tayo kasi sayang ang bayad." Napatingin ako ulit sa bintana at napabuntunghininga. Wala pa rin si Matt.   Nagpatuloy na kami sa pag-eensayo. Mahal pa naman ang gamit ng studio, siento-bente kada oras. Todo-tipid kami sa mga baon namin araw-araw.   We played "Runaway" by the Corrs. This is one of Yanna's favorite songs.   Say it's true, there's nothing like me and you Not alone, tell me you feel it too And I would runaway I would runaway, yeah I would runaway I would runaway with you 'Cause I have fallen in love With you, no never have I'm never gonna stop falling in love, with you   Malamyos ang boses niya at feel na feel niya ang kanta. Naisip ko uli si Matt kaya tumingin ako uli sa bintana. Wala pa rin. Masama bang umasa ako na manonood siya? Nakakainis lang, nag-expect ako tapos hindi naman pala manonood.    Natapos na 'yong practice namin at uwian na. Hanggang sa huli, wala pa rin siya. Baka na-misinterpret lang nina Charis kanina ang sinabi ni Matt at sadyang wala siyang balak manood. May ganoon naman eh, for the sake of conversation, magtatanong ng mga bagay bagay. kunyari interesado. Hindi naman pala.   Napansin din pala nina Charis ang palagi kong pagtingin sa bintana. "Ano? Nagpakita na ba?"   "Wala naman akong nakita," nakasimangot kong sabi.   "Hmm? Bakit parang disappointed ka?" nanunudyong tanong niya sa akin.   "Akala ko kasi pupunta siya. I was thinking it's about time I have a little bit of conversation with him." I meant that. I want to know him and be friends with him at least.   "Ah, baka naman may pinuntahan lang. Hayaan mo na. Sa sunod manonood na ‘yon," alo niya sa akin.   Pagbaba namin sa main floor ay naroon na ang ibang mga banda. Black Wolves waved at us and they went upstairs to jam.   "Vixens! Ganda ng tugtugan nyo kanina," sabi ni Adi.   "Salamat!" nakangiting sabi naman ni Charis. Crush niya si Adi. Pareho silang drummer at kung minsan ay tinuturuan ng mga palo ni Adi si Charis. Hindi na ako magtataka kung maging mag-on silang dalawa. The sparks are definitely flying.   "Hey guys, tatambay pa ba kayo or uwi na?" tanong ni Jet. Warthogs ang banda nila at naroon na rin ang iba pang mga miyembro.   "Uuwi na kami. Baka ma-late kami sa dinner sa bahay, mapagalitan pa kami."   Tumayo si Jet at iniabot sa akin ang plastic ng chocolate na sinasabi niya kanina. "Hatid na kita."   Nagulat ako. Hindi siya nagtatanong. He's making a statement. Bakit naman ako ihahatid nito? Anong meron? "Salamat dito. Pero hindi mo na ako kailangan ihatid. Okay lang ako kasi kasabay ko naman si Alexa." Tipid akong ngumiti sa kanya.   Nakatingin sa akin sina Charis at Yanna. Expected na ba nila ang sinabi ni Jet? Nanunukso ang mukha ng mga loko. "Mauna na kami sa inyo. Jet, ikaw na bahala sa kanila."   Tinanguan ni Jet sina Charis. "Hapon na rin naman. Hatid na kita sa inyo para alam kong safe ka."   "Nakakahiya naman. Ang layo kaya ng bahay namin sa inyo. At saka may practice pa kayo. "   "I insist. mamaya pa naman ang jamming namin." Tumingin ito sa mga kabanda niya at nag-thumbs up sa kanya ang mga ito. His gaze went back to me. Since wala naman siyang sasakyan, nag-commute kami kasama ni Alexa. Pumara kami ng jeep at sumakay na. Iba ang direksyon ng bahay nila Charis at si Yanna kaya nauna na sila sa amin kanina.           MATT     "PARE, paano yan may ibang pumoporma. Mukhang rakista," sabi ni Rick sa akin.   Tahimik lang ako. Galing kami nina Rick at Gian sa studio para manood ng jamming nila Gabe kanina. Sobrang excited pa ako manood at gusto ko rin siyang ihatid pauwi. Tutal, on the way naman sa bahay namin ang address nila. Una nga lang sasapitin ang bahay namin pero hindi naman problema ‘yon kasi isang sakay ko lang ulit ang pabalik sa amin. Ang mahalaga, mas mahabang oras ko pa siyang kasama.    Kaso pagdating ko sa huling baitang ng hagdanan kanina, nasilip ko na may lalaki sa loob ng studio. Sobrang lapit pa niya  kay Gabe. Iyon 'yong lalaking naghatid sa kanya pauwi. Naiinis ako o mas tamang sabihin na nagseselos ako. Napansin nila Rick na hindi ako komportable kaya inaya nila akong magpalamig muna sa kanto at mag-isaw. Magpakalma muna raw ako sabi ni Rick.  Si Gian naman, nagdahilan na gutom daw siya. Tss! Palagi naman gutom ang isang ‘yon.   "Mukhang college boy," sabi naman ni Gian.   "Yup, definitely older than us. Mukhang lapitin ng chicks at punong-puno ng karisma. Napatawa pa nga niya si Gabe kanina."   "Oo nga, pansin ko rin ‘yon. Pero kapag si Matt ang nakatingin, balik-tingin lang din si Gabe. Hindi mo man lang mapangiti. Tsk!"   "Paano naman ngingiti si Gabe, eh ni-hindi nga ginagamitan ni Matt ng mga damoves." naghalakhakan na sina Rick at Gian. "Matt, kung nakakabuntis lang ang titig, ang dami n’yo na sigurong anak ni Gabe!"   Pabirong sinuntok ko si Gian sa braso "Puro ka kalokohan! Magsitigil nga kayo!" natatawang napipikon na sabi ko. "Syempre pareho silang nasa music scene kaya magkasundo sila. I don't think they are together. More like platonic."   "Platonic siguro kay Gabe, pero roon kay Pogi,  malakas ang tama niyon sa future wife mo, tol."   I won't deny it. lalaki rin ako. Alam kong malaki ang gusto ng lalaking ‘yon kay Gabe. I can feel it. I just have to move a little faster. "Ah basta, balang-araw pakakasalan ko yang si Gabe. At pag dumating ang araw na ‘yon, hindi kayo imbitado!" nakangising sabi ko na lang.   "Susmaryosep Matteo Blanco!" Napabuga si Rick ng coke. "Kasal na agad ang naiisip mo, e hindi mo pa nga nililigawan nang pormal ‘yong tao. Kahit nga simpleng pag-uusap, hindi n’yo magawa!" Namimilipit na ito sa pagtawa.   "Pare naman, hinay-hinay lang. Kasal na agad hindi ka pa nga pumoporma. Sulatan mo kaya o haranahin mo?" namumuwalang  sabi namn ni Gian. Kumakain ito ng isaw at puno ang bibig.   "Gian, ubusin mo muna ‘yang nasa bibig mo. At saka anong sulat at harana?" tanong ko.   "Given na nasa banda si Gabe, she maybe boyish sometimes pero pusong-babae pa rin ‘yon. Meaning, magugustuhan niya 'yong mga love letters, bulaklak, o kaya mga kanta. Sabi kasi roon sa nabasa ko, may romantic side raw ang mga rakista kahit hindi masyadong obvious." kumakain pa rin ito.   "Hmmm...  Aling libro ba ‘yang binasa mo? Vogue?" sabi ni Rick at humagalpak na ng tawa. Nag-apir kami.   "Haha sige tumawa kayo, but I know I am right. I am just saying, you can write her a letter."   "Seryoso ka talaga?"   "Oo nga! Wala namang masama sa letter. Hindi ka rin lang maka-damoves d’yan eh, isulat mo na lang."   May point naman si Gian. "I'll think about it."   "On second thought, huwag mo na lang haranahin. Baka lalo ng maunsiyami kapag narinig ang boses mong wala sa tono."   Binatukan ko siya kahit totoo naman ang sinabi niya. "Gagi!" Nagtawanan kami.   "Alright! Kaya huwag ka muna mag-isip ng mga kasal=kasal. Isa pa, highschool pa lang tayo. Ang tagal pa ng journey n’yong dalawa. Ang tanong eh, kung kayo pa rin ang magkakatuluyan. Forever's a long time, dude. Madami pang ibang babae d’yan. Isa pa, maganda si Gabe. Ngayon pa nga lang may umaaligid na."   "Basta tandaan n’yo ‘yong sinabi ko. Kami rin sa huli," seryosong sabi ko sa kanila. I am determined to have her and if that means spending forever with her, then forever it is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD