GABE
THIRD year na kami kaagad. Fast forward na natin dahil wala naman masyadong nangyari noong unang dalawang taon namin sa highschool. Sila Yanna, Anne, Rafe, at Jerry pa rin ang mga kasama ko. But I also met some new friends, at hilig nila ang pagtugtog.
Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa musika at natutong tumugtog ng gitara. Self-taught. Basa-basa lang ng chords sa songhits, ganoon. Buong pamilya namin ay musically inclined.
Si Charis ay isa sa mga bago kong kaibigan. Gustong-gusto niya na bumuo ng all female band. Common friend namin si Yanna at nalaman niya rito na marunong akong tumipa ng gitara.
Hindi naman ako magaling. Marunong lang ako tumugtog at siguro sa panay ang ensayo. Siguro masasabi ko na ring advance ang level ko.
Sumali ako sa banda nila Charis. At ngayong araw na ito, may schedule kami ng ensayo sa Calero. Twice a week pagkatapos ng klase ang napagkasunduan naming lahat na practice schedule.
Malapit lang ang studio at pwedeng lakarin mula sa St. Bridget. Para sa mga estudyanteng katulad namin, sayang pa rin ang pamasahe kung magji-jeep kami. Titipirin na lang namin ang pera pangdagdag sa pang-jamming.
Ang totoo niyan, gitarista rin si Charis at may dalawa kaming kaklase dati na nagprisintang maging drummer at bahista. Kaya lang noong oras na mismo ng ensayo, nalaman namin na wala talaga silang idea sa posisyong gusto nila.
Fast learner si Charis at desido siya na maging drummer namin. Gitarista rin si Alexa at siya ang naging bahista. Problem solved. We named our band ‘Vixens’. Sounds fierce huh? Well, we liked it and we all voted for it.
"Nakatingin na naman siya sa 'yo." natatawang sabi ni Yanna. Inaayos ko ang mga gamit ko sa ngayon. Uwian na kasi, kanina pa nag-ring ang bell.
Naghihintay na si Charis at Alexa sa gate habang nandito pa kami sa classroom ni Yanna. Magkakaibang section kasi kami nina Charis, PE pa namin today kaya nagpalit pa kami ng damit ni Yanna.
"Sino?" tanong ko sa kanya. Hindi na ko nag-abalang mag-angat ng tingin. Inaayos ko kasi ang salansan ng ma gamit ko sa bag para magkasya 'yong plastic ng uniform ko. Ayoko ng may ibang bitbit kasi madalas nalilimutan ko kung saan. Dati nga 'yong dala kong payong sa jeep, naiwan ko sa may likod ng driver. Hindi ko na mabilang kung ilang payong ang naiwala ko.
Sinasanay ko talaga ang sarili ko na ayusin ang bag ko. Kapag kasi nakita ni Nanay ang bag ko pag-uwi — papagalitan na naman ako niyon. Dalaga na raw ako kaya dapat lagyan ng konting pino ang mga ginagawa ko. Aaminin ko naman, may pagka-boyish ako dahil apat ang kuya ko. Kahit nga ang ate ko ay may kaunting pagkabarumbado rin pero pusong babae ‘yon. Sa katunayan tatlo na ang anak nila ng asawa niya.
"Sino ba ang lagi nakatitig sa 'yo kapag hindi ka nakatingin?" sagot ni Yanna. Nag-angat tuloy ako ng tingin at lumingon sa gilid. Nakita ko si Matt na nakatingin na naman sa akin. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pinto ng classroom. Signature niya yata ‘yon. Ganoon rin siya noong first year kami. Nakatingin lang, pero hindi ngumingiti.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Alam mo 'yong pinapanood lang niya ako sa pag-ayos ng bag ko? Kung sana lumapit na lang siya at tinutulungan niya ako dito di ba? Edi napadali sana ang ginagawa ko.
Teka lang, baka naman hinihintay niya ako? Pero hindi lang naman kaming dalawa ang nasa classroom ngayong oras na ito. May ilan pa kaming mga kaklase na nag-aayos din ng gamit nila. That was when Matt finally smiled. Ngingiti sana ako pabalik kaso nabitin ang ngiti ko. May epal kasing dumating-- si Ria.
Ria Burnaventura is a tall girl. Sa unang tingin mo pa lang ay alam mo nang galing siya sa prominenteng pamilya. Siya ang babaeng laging fresh. Parang hindi niya kilala ang salitang pawis.
Sa edad naming kinse ay kasing-taas na siya nina Rafe. Mas mataas lang ng ilang pulgada si Matt sa kanya dahil 5'9'' ito. Dark brown ang buhok niya, matangos ang ilong, at medyo may kalakihan ang bibig na bumagay naman sa mukha niya. Maputi din siya at dahil long legged, madami rin ang nagkakagusto sa kanya. In short, maganda siya. Potential model ang datingan.
Pero sa dinami-dami ng naririnig kong nagkakagusto sa kanya, ang mga mata niya ay nakatuon lang sa isang tao. Worse? Pareho kami ng nagugustuhan-- si Matt.
"I'm ready, let's go," narinig kong masayang sabi ni Ria. Nilapitan niya si Matt at kinawit pa ang braso niya kay Matt. It's like she's letting the world know that he's hers.
Selos na selos ako. How can she clung to his arms so easily?
Napansin niyang hindi kumikilos si Matt kaya sinundan niya ang tingin nito. Nagtama ang mga mata namin ni Ria. Ngumiti siya sa akin pero halatang pilit. Ako naman iyong tipong hindi mo mapapangiti kapag hindi ko feel ang kaharap ko. Kaya ang ginawa ko, nagbaba ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng bag.
"Umalis na sila," pukaw nj Yanna.
"Good," maikling tugon ko naman.
Bubulong-bulong ako habang nag-aayos ng gamit, 'yong halos hindi marinig ni Yanna. Naiinis pa rin kasi ako. "Hindi naman pala ako ang hinihintay, tingin pa nang tingin. Dukitin ko kaya ang mga mata niya? Arggh!"
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay naglakad na kami palabas. Nasa kabilang dulo ang classroom namin kaya nasa sampung minuto rin bago kami nakarating sa main gate.
"Are you okay? May problema ka?" Napansin ni Yanna na makulimlim ang mukha ko.
"Wala." Nayayamot pa rin ako kapag naaalala ko si Ria at Matt.
"Eh, kanina lang okay ka naman noong nag-aayos ka ng gamit mo sa classroom. Excited ka pa nga sa jamming, tapos sabi ko sa iyo nakatingin si Matt, pagtingin mo lumapit si Ria. Iyon ang naaalala ko. Next doon, nalukot na 'yong mukha mo, para ka pa ngang maiiyak e. Care to tell me about it?" usisa niya sa akin.
"Ano naman ang sasabihin ko sa iyo?" Kahit alam ko na ang pinupunto niya, syempre susubukan ko pa rin mag-deny. Libre rin manahimik minsan.
"Do you like Matt?" Diretso ang tanong niya. Walang alinlangan.
"No?" Kahit pa ilang daming "no" ang isagot ko, pinagkakanulo pa rin ako ng mukha ko. Namula kasi ako. I am obviously lying.
Natawa siya nang mahina at umiling. "Gabe, tatlong taon na tayong magkaibigan at first day pa lang ng school, lagi nang nakatingin sa iyo si Matt. Huwag na nating idagdag 'yong ‘finally’ statement niya. Gwapo si Matt at talagang madaming nagkakagusto sa kanya. Okay lang naman sa akin kung sabihin mong crush mo rin siya, eh. So... do you like him?"
Hindi ako nakaimik agad. Pero since kaming dalawa lang ni Yanna ang nandito ngayon, naglakas loob na rin ako. I don't think she'll tease me. "I don't think I'm his type."
There, I've said it. Totoo naman ang sinabi ni Yanna na gwapo si Matt at madami talagang nagkakandarapa sa kanya. Bigla tuloy bumaba ang self-esteem ko. Ano naman ang panama ko sa mga babaeng ‘yon? I don't see anything special about me. Pero hindi rin naman ako pangit. Nagkataon lang talaga na may higit na maganda.
Hay! This is what I mean. Pagdating kay Matt humihina ang bilib ko sa sarili ko pero kapag nasa tugtugan kami ang dami kong fans na hindi ko pinagaaksayahang bigyan ng pansin.
"If you really like him, hindi mo siya makukuha sa paiwas-iwas mo. Why don't you befriend him? It was so easy for you to be friends with everyone, pero pagdating kay Matt, lagi kang speechless. Ni hindi ka pa yata nakabuo ng sentence kapag kausap mo siya."
"Grabe ka naman!" I rolled my eyes.
"Asus! Dela Torre, huwag mo akong pinaglololoko d’yan ha. Ang pula pula mo na kaya."
"Ikaw, Dalangin. Tumigil ka ha!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Anong aaminin?" sabad naman ni Alexa. Hindi ko man lang napansin na nakaabot na kami sa gate ni Yanna.
"Wala! Wag ka nga makinig d’yan kay Yanna!"
"Eh bakit ang pula mo? Hmm... Si Matt?" banat nama ni Charis. Nakatingin silang tatlo sa akin at lalo na ‘kong namula.
"Anong si Matt?" nagtataka kong tanong sa kanila. Bigla tuloy akong nag-scan ng paligid. Wala naman. Nakahinga ako.
"Tinanong niya ko kanina kung pwede raw manood ng jamming natin. Parang may hinahanap siya eh. Kayo lang naman ni Yanna ang wala rito. Tapos, imposible namang si Yanna ang hinahanap niya dahil matagal na kaming magkaka-schoolmates. Plus, kahit kailan ay hindi namin siya nakitaan ng ibang interes maliban sa pakikipagkaibigan."
Totoo ‘yon. Sa St. Bridget rin nag-elementary si Charis pero si Alexa sa Divine Academy.
"Anong sinabi mo?" na-curious tuloy ako. Bakit naman niya ako hahanapin? Isa pa, kanina pa sila umalis ni Ria. Baka nga magde-date sila. Naiisip ko pa lang ‘yon ay naiirita na ako.
"Sabi ko dalawang oras ang practice natin mamaya sa Calero, kaya kung gusto niyang manood, pumunta na lang siya." Nanunukso ang tingin niya sa akin. Tumikhim pa ito at sinabing, "Para naman makita ka niya."
I rolled my eyes again, and avoided their teasing gaze. Naglakad na kami papunta sa studio and I am secretly hoping he'd come.
MATT
I enjoyed watching her fix her things. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Walang pakialam kung sabog-sabog 'yong buhok niya na ilang beses na niyang iniipit sa tenga niya. I really find her cute.
She finally looked up to me when Yanna said something to her. That felt like my chance, so I gave her the sweetest smile I have. When our eyes met, the corner of her lips started to turn up. Tapos biglang nanigas ang ngiti niya. Inirapan pa ako. Napakunot-noo naman ako at napaisip. Did she get annoyed because of Ria?
Naglalakad na kami ni Ria ng magsalita siya. "Earth to Matt!"
Biglang naputol ang pagiisip ko nang tampalin ako ni Ria sa braso. "Hey, are you even listening?"
I just gave her a look. We've known each other since kindergarten. Hindi pa rin niya inaalis ang kapit niya sa braso ko. Walang malisiya sa akin ‘yon, but I know she likes me more than a friend. Wala talaga akong maramdamang attraction sa kanya. She is pretty I give her that, but Gabe is... refreshingly breathtaking. Hindi nakakasawang tingnan.
"Do you like that girl?" usisa niya sa akin.
"Who?" nagpatay-malisiya na lang ako.
"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko," nakalabing sabi niya
Noon ko lang siya tinignan. "Yes, why?"
May gumuhit na sakit sa mga mata ni Ria pero mabilis ding nawala. She hides her pain well. "You know I like you, right?" diretsong pag-amin niya at hindi nahihiya sa akin.
"You're my friend, Ria." This is hard.
"And that's the best foundation of any relationship, di ba? Friendship." Confident ang pagkakasabi niya.
"I don't know how to say this, but I just want you to be my friend. I don't want you to expect anything more than that. I like someone else."
"Why do you even like her? What did you see in her? I am so much better than her," naglitaniya na siya kung bakit iba ang kailangan kong gustuhin.
"I liked her the first time I saw her, and I don't even know her name then. There's something in her that draws me. And I am sorry but I don't feel the same way about you." Masakit man sa akin ay kailangan kong sabihin sa kanya ‘yon para hindi na siya umasa.
Bumalatay ulit ang sakit sa mukha ni Ria at hindi na nagsalita pagkatapos ng sinabi ko. Ayaw ko rin makasakit ng damdamin. However, it is better to tell her straight instead of leading her on.
Hinatid ko siya sa service nila sa may simbahan. I still have to meet my friends after this. May lakad kasi kami mamaya. Wala pa ang mga kaibigan ko pagbalik ko sa gate. Nonetheless, I saw Charis and Alexa. I asked them if I can see them practice. They told me the time and place.
I am excited to see Gabr play. I think this is the perfect time to pursue her. Dalawang taon ko nang pinag-iipunan ng lakas ng loob ang araw na ito at kahit malakas ang kumpyansa ko sa sarili ko na hindi ako mabibogo ay kinakabahan pa rin ako.
Being in a band means being around guys-- lots of them.
It is a common knowledge that a lot of girls swoon around rockstars. Who wouldn't? They look badass. There's something about them when they play their instruments. While I... I can't even play a single instrument even if my life depends on it!
Breathe, Matt. Now is not the time to feel inferior.