Prologue
Gabe | Thirteen years ago
DOSE anyos lang ako noong una ko siyang makita sa jeep. Traffic at halos dikit-dikit ang mga sasakyan. May burda ng St. Bridget ‘yong uniform niya. Isa ang St. Bridget sa mga Catholic Schools sa probinsya ng Batangas at magkatapat lang ang mga eskwelahan namin.
Grade six ako rito sa Western University, isang private school pero hindi eksklusibo sa mga Katoliko. Dito ko piniling mag-elementarya dahil dito pumasok ang mga kapatid ko noon. Mas matatanda sila sa akin at sa Maynila sila nag-aaral ng kolehiyo.
Medyo napaaga ang dating ko sa school ngayong araw. Sa totoo lang ay bihirang-bihira itong mangyari. Mas madalas akong mahuli ng ilang minuto sa flag ceremony. Siguro nakatadhana talaga na maaga akong makapasok ngayon para makita ko ang lalaking ‘yon.
May kalahating oras pa bago mag-ring ang bell kaya naman tumambay muna kami ng mga kaibigan ko sa bleachers na malapit sa gate. Pinagmamasdan ko siya habang nakaupo pa rin siya sa jeep. Feeling ko naiinis siya. Ang likot-likot niya kasi na parang hindi mairing pusa. Siguro ay gusto na niyang bumaba, pero nag-aalinlangan siya na baka mahuli ng mga pulis ang jeep na sinasakyan niya.
He looks mixed with his dark brown hair, aristocratic nose, and full lips. Maputi rin ang balat niya, in short, mestizo. Pati mga mata niya ay kakaiba-- parang nakakahipnotismo na hindi mo malaman. Hindi ko masyadong maaninag kung gray o asul ba ang kulay ng mga mata niya dahil sa layo ng jeep. Ganoon pa man, hindi ko rin maalis-alis ang tingin ko sa mga ‘yon. Tinitigan ko siya hanggang tapikin ako sa braso ng kaibigan kong si Jane.
"Hoy! Kanina pa ‘ko daldal nang daldal dito, hindi ka naman pala nakikinig? Sino ba ‘yang tinitignan mo d’yan?" Si Jane. Palakatak talaga siya magsalita. Panganay siya sa tatlong magkakapatid at parehong OFW ang magulang niya. Tanging lola niya lang ang kasama nila sa bahay.
"Sorry naman." Sandali ko siyang tinignan. Noong ibalik ko ang tingin ko sa lalaki sa jeep ay wala na siya. Sayang naman. Sana makita ko siya ulit. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. Bakit pakiramdam ko ay magiging malaking parte siya ng buhay ko?
"Sino kasi ang tinatanaw mo d’yan? Kanina ka pa nakatanghod sa labas," sabi naman ni Renee habang ngumunguya ng sitsiriya. Siya ang class president namin. Maganda siya, maputi, matalino, at higit sa lahat black-belter. May boyfriend na rin siya. In fact, nakakailan na. Ako lang naman ang walang boyfriend sa aming tatlo eh. Nagka-crush din naman ako, pero hanggang doon lang.
"No, wala ‘yon. May nakita lang ako sa jeep na akala ko kakilala ko," sabi ko sa kanila. Hindi na ko nagkwento. Besides, Malabo na rin namang makita ko pa ulit ang lalaking ‘yon. Hindi pa man, wala na ako agad pag-asa.
"Sure ka? Baka love life na ‘yan, yiee..." nang-aasar na sabi ni Jane. Naglalakad na kami papuntang classroom ngayon habang ang ibang mga estudyante ay nagtatakbuhan sa pagpunta sa kani-kanilang klase.
"Ikaw talaga, Jane! Puro ka lovelife!" paingos kong sagot sa kanya. Natatawa na rin ako. Lalo na akong hindi magkukwento sa kanila dahil siguradong walang-katapusang tuksuhan lang ang mapapala ko.
"Pogi ba ‘yong tinitignan mo, Gabe?" tuloy pa rin siya ng pagtatanong.
"Ikaw talaga! Alam mo ba ang kasabihan na, curiosity kills the cat?" biro ko.
"Sus! Hayan ka na naman sa mga kasabihan na ‘yan." Umasim ang mukha ni Jane.
"Sshh! Magtigil na kayong dalawa, padating na si Miss Javier," sumabad ulit si Renee.
Natapos ang maghapon na hindi siya nawala sa isip ko. Palaging lumilitaw sa balintataw ko ang maamong mukha niya. Naisip ko tuloy ang eskwelahan na pinapasukan niya ngayon. Matagal na akong kinukulit ng nanay ko na kumuha ng entrance exam sa St. Bridget. Palibhasa ay sa St. Bridget din nag-highschool ang ate ko. Sabi ni Nanay, gusto rin niya na roon ako pumasok ng sekondarya.
Noong una ay mas gusto ko rito sa Western U kasi kilala ko na ang mga magiging kaklase ko. Kaibigan ko rin ang karamihan sa kanila. Pero dahil sa lalaking ‘yon ay nagbago ang isip ko. Pagbibigyan ko si Nanay. Kukuha ako ng entrance exam sa St. Bridget.
PRESENT TIME | TORONTO, CANADA
The night is cold and no matter how long I try to stay away, our memories kept haunting me. What do I have to do to forget? It has been several years. It is not like he still remember me anyway. However, he made a promise and I've been holding on to that.
Siguro ay dapat ko nang subukan na makipagrelasyon sa iba at bigyan ng chance ang sarili ko. Gusto ko rin namang maging masaya. Katrabaho ko sa nursing home si Andrew at isa siya sa mga nasa management team. Kapag binigyan ko ba ng chance si Andrew, rebound pa rin ba ang tawag doon? Pitong taon na kasi mula nang iwan ako ni Matt.
At pitong taon ko na rin siyang hinihintay pero wala pa rin. Kung tutuusin, madami siyang pagkakataon para hagilapin ako. Sa dami naming mutual friends sa social media ay madali na para sa kanyang makita ako at makausap kugn gugustuhin niya. What I need is closure so I can fully move on. Pagod na akong umasa at maghintay sa wala. How hard is it to say "We are done"? Tatlong salita na nga lang nahihirapan pa siya.
P’wes kung ayaw niyang tapusin ang lahat sa amin, ako na lang ang magsasabi na tapos na kami. Bukas na bukas, uumpisahan ko ang bagong yugto ng buhay ko. Iyong hindi ko na siya iisipin, para hindi na rin ako masaktan.
Pero sa kabila ng mga naiisip ko ngayon at mga desisyong pilit kong isinisiksik sa isip at puso ko, bakit kaya ang sakit-sakit pa rin?
FLASHBACK | 7 years ago
Maaga akong nagising at naghanda para pumasok sa school. Independent study kami ngayong umaga at mamayang hapon ay may isang non-nursing subject lang kami.
Nakita ko ang kaibigan ko. "Hi Roni!" Kapag ganitong Lunes ay sa Sto. Tomas siya nagmumula. Tuwing Byernes naman ay umuuwi siya sa kanila at doon nagpapalipas ng weekend.
Malapit lang dito ang pad niya. It's a one bedroom apartment with kitchen dinette and a full bathroom. Masasabi kong may kaya ang pamilya ni Roni dahil hindi biro ang magrenta ng ganoong apartment lalo na kung malapit sa unibersidad. Madalas nga ay bedspace lang ang kaya ng mga nagbo-board dito at maging iyon ay mahal na ang upa.
"Good morning!" bati niya sa akin. Kasing-tangkad ko si Roni, esponghado ang buhok, at may biloy sa magkabilang pisngi.
"Have you seen Matt?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Kararating ko lang din. Bakit?"
Tumango-tango ako. "Hindi ko pa kasi siya nakikita. Baka tinanghali lang."
Madalas ay nauuna siyang dumating sa akin. Baka na-late lang ng gising. Nag-uusap pa kami ni Roni nang dumating sina Jose at Erick.
Lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin dumarating si Matt. Ano kayang nangyari sa kanya? Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa kahit hindi ako makapag-concentrate. Parang may mali sa araw na ito.
Sumapit ang alas-dose nang tanghali pero hindi pa rin siya dumarating. Wala rin siyang text sa akin o tawag. Talagang nag-aalala na ako sa kanya Mag-uumpisa na ang mga pang-hapong klase namin. Bago ako pumasok sa classroom ay sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone. Out of the coverage area. What the hell is going on? Hindi naman niya ugaling lumiban sa klase. May sakit ba siya? Mamaya ay tatawag ako sa landline nila. Who knows, baka nasa bahay lang siya, di ba? Pumasok na ako sa classroom at naupo sa silya ko.
"Are you okay? Parang balisa ka." Roni has that worried look on her face when she asked.
"Nag-aalala ako kay Matt. Hindi naman niya ugaling umabsent, di ba?" Nasapo ko ang ulo ko. Tumitibok na kasi ang ugat ko sa gilid ng sentido ko kakaisip.
"Tinawagan mo na ba?" tanong niya.
"Oo, tinawagan ko ang cell niya kanina pero out of coverage areaang response. Imposible namang na-lowbat siya kasi palaging naka-charge ang cellphone niya.”
"May landline sila, tawagan mo na lang kaya mamaya pagkatapos ng klase natin. O gusto mo bang pumunta sa bahay nila? Pwede kitang samahan."
Mas gusto ko ang offer niya na samahan ako pero susubukan ko pa rin tumawag mamaya.
"Puntahan na lang natin," Iyon ang napagpasiyahan kong gawin. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalamang okay lang siya.
Kasama ko si Roni na pumunta sa bahay nila Matt. Ilang beses na rin akong pumunta rito simula nang maging magkasintahan kami. Nag-doorbell ako at pagkatapos nang ilang minuto ay lumabas si Manang.
"Hi Manang!" bati ko sa kanya.
"Ineng, ikaw pala. Pasok kayo," nakangiting sagot ng matandang babae sa akin.
"Ay Manang, Si Roni po, kaibigan namin ni Matt," pagpapakilala ko sa kaibigan kong kasalukuyang nasa likuran ko. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob at nagpahanda naman ng maiinom si Manang kay Ate Ludy na isa sa mga katulong nila.
"Manang, andito po ba si Matt? Hindi po kasi siya pumasok kanina. Tinawagan ko ang cellphone niya pero hindi ko makontak," diretso ang tanong ko at walang paligoy-ligoy.
Noon dumating si Ate Ludy at ibinaba sa coffee table ang dalawang basong juice. Umupo na rin sa harapan namin si Manang habang si Ate Ludy ay nanatiling nakatayo. Kinuha namin ni Roni ang mga juice at uminom. Napakainit ng panahon ngayon at nakakauhaw.
"Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?" nakakunot-noong tanong ni Manang sa akin.
Kinabahan ako. "Bakit po? Umalis po ba siya?"
"May tumawag kagabi pagkatapos ng hapunan. Kinausap siya agad ng Daddy niya noong dumating. Mukhang nagtalo sila dahil malalakas ang mga boses nila. Pagkatapos ay nag-empake na si Matt ng ilang gamit niya."
"Saan daw po siya pupunta?" Hindi mawala-wala at palakas nang palakas ang kaba ko.
"Ang sabi niya sa’kin, pupunta raw siya sa Mommy niya."
Sa New York? Nasabi ni Matt sa akin na roon nagtatrabaho si Tita Mimi. "May sinabi po ba siya kung kailan siya babalik?"
"Wala eh. May dumating na kotse kagabi at hinatid siya sa airport," matapat na sabi ni Manang.
"Ganun po ba?" Bumagsak ang mga balikat ko. Umalis pala siya, hindi man lang ako nakuhang i-text. Ganoon ba kasama ang nangyari at nakalimutan niya ako bigla?
"Pasensiya na, ineng. Wala na akong ibang alam sa nangyari. Hindi ko ugaling mag-usisa sa usaping pang-pamilya nila," humihingi ng dispensa si Manang.
"Okay lang po ‘yon. Naiintindihan ko po. Maraming salamat po. Tutuloy na rin kami." Gusto ko nang makaalis dito sa bahay nila. Lalo ko lang kasi siyang naaalala.
Tulala pa rin ako hanggang sa naglalakad na kami ni Roni Mabuti na lang at kasama ko siya, kasi ang totoo, hindi ko alam kung paano uuwi dahil sa gulo ng isip ko.
Napansin pala ni Roni ang pagkabalisa ko kaya inakbayan niya ako. Hinagod-hagod din niya ang likod ko. "Babalik din kaagad ‘yon. Huwag kang magalala. Kapag nakahanap ng pagkakataon iyon, tiyak na tatawag agad ‘yon sa iyo."
"Sana nga... "
Gabe | End of flashback
But days turned into weeks, and weeks turned into months. Sa unang linggo ay naiintindihan ko pa kung bakit hindi siya agad naka-contact. Bukod sa jetlag ay baka may matinding emergency sila.
After a week na hindi pa rin siya nagparamdam, medyo nalungkot na ako. Sobrang miss ko na siya. I just needed to know he's okay. I need to hear his voice kahit isang minuto ang. Pero wala eh. I cried every night. Nahirapan akong mag-concentrate sa school but I can't afford to fail either. I stared at our picture before I close my eyes at night. Paborito ko ang litrato naming ito. Jerry took this shot nang minsang nag-out of town kaming magkakaibigan.
My friends were always there for me. Nilibang nila ako. At pagkatapos ng tatlong buwan buhat ng umalis siya ay nagdesisyon na akong lumimot. Itinago ko sa kahon lahat ng makakapagpaalala sa akin ng tungkol sa kanya. Wala na ring bumanggit ng pangalan niya sa akin. Sinikap kong makatapos at makuha ang lisensiya ko bilang isang nurse.
May mga nanligaw sa akin lalo na noong huling taon ko sa kolehiyo pero wala akong binigyan ng pansin. Sa sobrang pagkadala ko sa nangyari sa amin ni Matt ay halos ikadena ko na ang puso ko at ibalibag ang susi noon. Maging sa ospital na una kong pinasukan ay may mga nagkainteres din sa akin.
Katulad na lang ni Doc. Pogi si Adam Gonzales, isang surgeon. Palagi niya akong binibilhan ng pagkain at pinapatawa kaya naging kaibigan ko siya. Pero parang may sariling isip ang puso ko at alam nito kung sino ang gusto ko. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay kay Adam.
Pagkatapos ng isang taon kong pagtatrabaho sa ospital ng mga Gonzales ay na-approve ang application ko papuntang Canada. Nagpaalam ako ng maayos sa hospital at nagpasalamat sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa akin.
Adam kept in touch and is currently dating a model.
Canada, here I come.