GABE
GANITO pala ang pakiramdam ng highschool. Nakaka-overwhelm. Wala pa naman akong masyadong kilala rito sa bagong school ko. Kumuha kaming tatlo nina Jane at Renee ng entrance exams dito sa St. Bridget, kaso ako lang ang pinalad na makapasa. Nagtatalo tuloy ang isip ko na manatili na lang sa Western U para makasama ko sila. Sabi naman ni Nanay, magkakaroon din naman ako ng mga bagong kaibigan. At saka nandito na ako eh, wala nang urungan.
Hindi ko pa rin nakakalimutan si pogi. Isa ‘yon sa dahilan kung bakit ako napadpad sa school na ito. Ngayon ko lang naisip, paano pala kung hindi na siya rito magha-highschool? Kung sa bagay, wala naman akong magagawa, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Hula ko lang din naman na grade six siya noon tulad ko.
Ako nga pala si Gabe. May kahabaan ang buong pangalan ko, Gabrielle Dominique Dela Torre. I came from a middle-class family. Tipikal na seaman ang tatay ko at housewife ang nanay ko. Anim kaming magkakapatid at bunso ako. Mayroon akong apat na kuya at isang ate. Menopause baby ang tawag sa akin ng mga kapatid ko kasi sampung taon ang pagitan namin ng sinundan ko. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako menopause baby kasi si Nanay, kahit kwarenta na noong pinanganak ako, hanggang ngayon may period pa rin. Fifty three na siya.
Ngayon ang unang araw ng klase. Sinubukan kong matulog nang maaga kagabi pero talagang mailap ang antok sa akin. Buti na lang at maaga pa rin akong ginising ni Nanay. Nakapag-almusal pa rin naman ako kahit papaano. Alas-siete ang bell at 9:30AM naman ang unang break. Syempre traffic dito sa Batangas at siguradong punuan na naman sa jeep, kaya ipinahatid na ako ni Nanay sa kapatid ko.
SJE Bldg. Malapit ito sa gilid ng simbahan. Lumang building na ito at parang isang malakas na bagyo na lang ang hinihintay ay magigiba na. Panahon pa yata ng mga prayle noong itinayo ito. May malaking puno sa gitna ng quadrangle. Hindi ko alam ano ang eksaktong puno na ‘yon, Narra ba o Ipil-Ipil? May nakapaligid na bench dito. Kung titignan sa malayo ang harapan ng school namin, mapapagkamalan mong dito kinuhanan ang TV show na Batibot.
1-E ang section ko nakalagay sa admission letter. Bago kayo mag-isip na hindi ako matalino at pang-huli ang section ko, hello... may Section F pa po. Ang totoo niyan ay pinaghalohalo nila kami. Kaya naman hindi ibig sabihin na kapag Section A , matalino lahat.
Ang gugulo ng mga nadadaanan kong classroom habang naglalakad ako sa pasilyo. May ilang estudyante rin na nakatambay sa labas. Kanina lang, nakita ko rin 'yong batang lalaki na kapitbahay namin sa village. Hindi ko siya ka-close at sa totoo lang yabang na yabang ako sa kanya lalo na kapag naglalaro siya ng basketball. May mga liga kasi sa village at siguradong varsity siya rito sa St. Bridget. Binati niya ako, tinanguan ko na lang siya kasi ayoko naman maging bastos.
Napansin ko lang ha, madaming grupo rito. Tingin ko magkakakilala na sila noon pang mga elementarya sila. Nakakainggit. May grupo na rin sana ako kung nanatili ako sa Western U. Pitong taon din akong pumasok doon kaya kilala ko na halos lahat ng ka-batch ko.
Sa wakas, nahanap ko rin 'yong classroom ko. Ang dami namin, humigit kumulang sa singkwenta. May ilang pamilyar na mukha na galing sa dati kong school, pero hindi ko naging ka-close. May mga pangalan ang silya at mukhang alphabetical. Hinanap ko ang upuan na may pangalan ko at umupo roon. Mayamaya pa ay nagsimula na akong makiramdam sa paligid.
"Hi! You're Gabrielle, right? Do you still remember me?" Maputing babae itong bumati sa akin. Matangkad din siya at itim na esponghado ang buhok. Nakangiti siya sa akin at halatang gustong makipagkaibigan.
Saglit akong nag-isip at pinakatitigan siya. Ano nga ba ang pangalan nito? "Yanna?"
"Yes! Buti naman natatandaan mo pa ako."
Nakahinga ako nang maluwag. Nakilala ko siya noong entrance exams. Dito rin pala siya sa St. Bridget nag-elementarya. "I am so glad classmates tayo. Nice to see you again. You can call me Gabe. Parang galit ka sa akin kapag Gabrielle ang tawag mo eh,” sabi ko sa kanya. At least may isa na akong kilala. Hindi na ako masyadong malungkot.
Siya si Alyanna Dalangin or Yanna. Nagkatabi kami ng upuan noong entrance exams. Palibhasa, parehas kaming "D" ang simula ng last name kaya nagkasunod kami sa listahan.
Sandali lang kami nagkakwentuhan noon. Solo siyang anak at sa Mahabang Parang sila nakatira. Kamukha niya si Brooke sa isang sikat na TV show.
"Sige. Gabe na lang ang tawag ko sa 'yo. Sabay tayo mag-lunch mamaya ha. Sama ka sa amin ni Anne" nakangiting sabi ni Yanna.
"Hi, Gabe. I'm Anne Cervantes. Nice to meet you! Pakilala ko na rin sa’yo si Rafe at Jerry." Si Anne ‘yong tipo ng babaeng sa unang tingin, akala mo mataray pero mabait pala. Kahawig niya si Eva, 'yong latinang aktres. Halos magkasing-taas kami, morena, at esponghado rin ang buhok na maiksi. May nunal siya malapit sa labi at masayahin.
Magkakatabi kaming tatlo sa upuan habang si Jerry at Rafe naman ay nasa kabilang dulo ng row. Sinadya lang talaga nila si Yanna rito.
Jericho Ryan Sevilla, or Jerry for short, ay nag-iisang anak ng mga Sevilla. Si Rafe Julian Pastor naman ay bunso sa dalawang magkapatid na galing sa may kayang angkan. Pareho silang moreno, at 5'8'' ang taas nila. Kung si Jerry kahawig ni McDreamy, si Rafe naman ay hindi rin magpapatalo-- kahawig niya si Nathan na ka-partner ni Brooke sa TV show na sinasabi ko.
"Hi Gabe! Nice to meet you. Magkakaklase kami nina Yanna at Jerry dito sa St Briget since elemnentay. Matagal na ring crush ni Jerry si Yanna, Ayieeeee!" sinabayan ni Rafe nang malakas na tawa ang pambubuska. Mahina namang sinuntok sa balikat ni Jerry si Rafe. Namula ng todo ang mukha ni Yanna. Natawa tuloy kami ni Anne.
Kami lang ni Anne ang galing sa ibang school. Kahit kakikilala pa lang namin, pakiramdam ko ay matagal ko na silang mga kaibigan. I don't feel overwhelmed anymore. I made new friends. At nararamdaman ko na magtatagal ang pagkakaibigan namin.
May nagbabatuhan ng papel sa loob ng klase. Ang kukulit ng mga kaklase namin. Palibhasa wala pang teacher kaya harutan nang harutan. Masaya ko silang pinanood habang nakikinig sa usapan nina Jerry. Pinag-uusapan nila ang mga ginawa nila at pinuntahan noong summer vacation.
That was when I felt something weird. Nag-iinit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Ayaw kong isipin na may multo rito sa classroom. Talaga namang napakaluma na nitong building at hindi nakakapagtakang may mga ligaw na kaluluwa rito. Mahilig pa naman ako manood ng horror.
Huminga ako nang malalim at nagpalinga-linga. Pakiramdam ko may nagmamasid talaga sa akin. I surveyed the classroom and found him. Nakasandal siyaa pader with his arms folded on his chest. Titig na titig siya sa akin na parang sinasaulo ang mukha ko. Staring contest ba ito?
Hindi ko rin naman maalis ang tingin ko sa kanya. Ang ganda talaga ng mga mata niya, parang may magnet. Ngumiti siya sa akin. Lalo na naman akong natulala. Hindi ko alam kung ngingiti rin ako o magbababa ng tingin. Dating-gawi na lang kaya? Irapan ko na lang kaya? Tss! Para na talaga akong tanga rito.
"Hoy Gabe!" Anne snapped her fingers in front of me and brought me back to reality. "Sino tinitignan mo d’yan?" natatawang sabi niya.
"Isn't it obvious, Anne? She's looking at the golden boy." Napakalawak ng ngiti ni Yanna at halatang nanunukso. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Iyong mga galawan nila kasi alam ko na agad. Bubuskahin nila ako, buti na lang mahina ang boses nila. Sobrang nakakahiya kapag may nakarinig.
"Sino 'yong golden boy?" I asked innocently.
"That golden boy's name is Matteo Blanco. We call him Matt. Kanina pa namin ‘yan napansin na nakatingin rin sa 'yo," sabi ni Jerry. "Ingat ka, chick magnet ‘yan," dagdag pa niya.
So that's his name. Iyong pogi sa jeep!
"Kilala mo?" tanong ni Rafe. Napansin niya siguro ang expression sa mukha ko.
Umiling naman ako. "Nakita ko lang siya dati sa jeep." Totoo namang hindi ko siya kilala. Mukha lang ang natandaan ko sa kanya. Paano ko ba naman makakalimutan eh, dala ko sa memorya ko ang mukha niya hanggang pagtulog.
"Pogi ‘no? Yiee bagay kayo! " Alaskador din talaga itong si Rafe.
Pinandilatan ko siya ng mata "Tse! Dami mong alam."
Nanahimik sila bigla kaya napatingin ako sa kanila. Pambihira, lahat sila ay nakangisi at nakatingin sa likod ko. Bigla akong kinabahan kaya pumihit ako at hindi napigilang lumunok.
"Hi, I'm Matt." Kung maganda ang mga mata niya ay mas maganda ang ngiti niya. Makalaglag panty ‘ika nga. Mapusiyaw na asul na halos maging abo ang kulay ng mata niya. Iyon pala ‘yon! Hindi ko kasi masyado naaninag sa jeep noon.
Natulala ako kaya hindi ako nakapagsalita. Bumulong sa akin si Anne. "Hoy, nakikipagkilala na siya. Say something."
"Hi?" kunot-noo kong nasabi. Pinagpapawisan na talaga ako. I must have looked like an idiot by now. Tumaas naman ang mga gilid ng labi ni Matt. Mukhang na-amuse.
Sa pagkagulat ko ‘hi’ lang talaga ang nasabi ko. Pati pangalan ko nakalimutan ko na! Masama na talaga ang tama ko sa kanya. Ang special powers niya-- magnet at amnesia!
Umubo si Jerry at mukhang nakahalata. "Matt, this is Gabe." Ngumiti si Matt at hindi inalis ang tingin sa akin. Ampogi niya talaga. Nasusuka na ko sa bilis ng t***k ng puso ko.
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin nang magtanong siya. "Have I seen you before?"
"N-no. I... don't think so."
Tumango-tango naman si Matt na mukhang hindi kumbinsido. Well, unless parehas ang panaginip naming dalawa at nagkita kami roon-- malamang na magkakilala nga kami.
The silence was deafening at naramdaman ng mga kaibigan ko ‘yon. Binasag ni Rafe ang katahimikan. "Sabay-sabay na tayong mag-lunch mamaya. Treat ko kayo sa restaurant namin since first day ng klase. Malapit lang ‘yon. Lakarin na lang natin."
"Okay! Basta libre mo e!" sabay pang sabi ni Anne at Yanna. Ngumiti lang ako at tumango.
"Thanks Rafe, I'll join you next time. May usapan na kasi kaming sabay mag-lunch nina Gian at Rick mamaya eh." Nakatingin pa rin siya sa akin. "Nice to meet you, Gabe. Finally..." He gave me another shy smile and walked towards his seat.
Napanganga ako. Ano 'yong ‘finally’?
Hindi ko na ulit tiningnan si Matt. Napapikit ako nang saglit at kumuha ng ballpen at papel bilang paghahanda sa pagdating ng teacher namin. Tumayo na rin sina Rafe at Jerry para umupo sa designated seats nila.
Natatakot akong lumingon, baka kasi mamaya nakatingin na naman siya akin. May magnet pa naman ang mga mata ni Matt. Naghahagikhikan sina Anne at Yanna kaya naman napatingin ako sa kanila. Kumunot ang noo ko at nagtanong. "What's so funny?"
"Sorry, Gabe. Sabi mo hindi mo siya kilala... But then he said ‘finally...’" Nagmuwestra pa si Anne ng quotation gamit ang dalawang kamay niya.
"Nagtaka nga rin ako e. Sa jeep ko lang naman siya nakita dati at nasa kabilang school pa ako noon. Just forget about it."
Our teacher came and everyone went quiet. Since first day naman ng klase, puro pagpapakilala lang ang giniawa namin. Wala pang assignments. Ang bilis ng oras.
MATT
FINALLY, nalaman ko rin ang pangalan niya. Gabrielle Dominique Dela Torre. Napangiti ako nang wala sa oras. Kumakain na kami ng lunch sa KFC ng mga kaibigan ko. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko napagbigyan si Rafe kanina noong imbitahin niya ako.
Pilit kong inaalala ang itsura niya kanina. She's not very tall when I saw her walked in the classroom, around 5'2''. She has straight long black hair, abot ‘yon sa baywang niya. Nakalugay lang at walang adorno ang buhok niya. Mas mapusiyaw nang kaunti sa morena ang kanyang balat. Doe-eyed siya, mahaba ang pilik na hindi malantik, katamtaman ang tangos ng ilong, at may full lips. Wala siyng kahit anong kolorete sa mukha. Kahit lipgloss wala rin siya. Siya iyong tipong babasain lang ang mga labi niya ng walang ka-effort-effort, tapos wala sa loob na kakagatin niya ang babang labi niya-- Iyon na ‘yon, biglang mapula na! Panakaw-nakaw ko siyang sinusulyapan kanina sa classroom. She was probably doing the lip biting without malice but Dear God! Pinagpawisan ako nang malamig tuwing ginagawa niya ‘yon. I groaned.
"So, ngayon alam mo na ang pangalan ng future wife mo? " tanong ni Rick.
"Akalain mo 'yong pagkakataon ‘no? Kaklase pa talaga natin? Noong bakasyon nagpaplano pa lang tayo kung saan natin siya hahanapin." Tuloy lang sa pagkain ng chicken si Gian. Bumawas pa sa fries ko.
Napangiti ako. Totoo ‘yong sinabi niya. Nakita ko siya sa bleachers sa Western U noong nasa huling taon ako ng elementarya. Gandang-ganda ako sa kanya noon. Iyong kahit hindi mag-effort sa makeup, maganda pa rin. Kahit nga yata bagong gising at hindi pa nagsusuklay, maganda pa rin siya sa paningin ko. I am going to pursue her. Pero teka, paano nga ba manligaw?