Gideon-7

1220 Words
Sa maghapon niya sa eskwelaan na halos kasama sa loob ng classroom si Gideon at ang tatlong mean girls. Hindi niya magawang makapag focus sa klase nila dahil tila nararamdaman niya ang mga mata ni Gideon sa likod niya, hindi niya magawang lumingon dahil ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata. Matapos ang huling klase nila agad na niyang inayos ang mga gamit para makauna na sa paglabas baka kasi harangin na naman siya ni Veronica o di kaya naman ay ni Gideon. "Are you in hurry?" Tanong sa may likuran niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Kabisado na niya ang tinig na iyon. Alam na alam niya kung sino ang may-ari. Si Gideon. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago ito hinarap. Halos pangapusan pa siya ng hininga nang sa pagharap niya ay halos kahibla lang layo ng mukha nila sa isat-isa nasamyo pa niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa mukha niya. Isama pa ang naaamoy niyang expensive cologne nito. Alam niyang mula ulo hanggang paa nagsusumigaw ang karangyaan sa isang Gideon Saavedra. Well, hindi rin naman siya magpapatalo dahil alam niyang aware din si Gideon kung sino siya, kung gaano rin siya kayaman. "What do you want?" Tanong niya na hindi man umatras at hinayaan lang niya na magkalapit ang kanilang mga mukha. "I can give you a ride, para na rin makapag hi ako sa grandparents mo," Gideon answered with a seductive smirk. Napalunok siya at pasimple ng umatras ng isang hakbang dahil nakaramdam na naman siya ng kakaiba. "Gideon, you told me na ihahatid mo ko," tinig ni Veronica sa di kalayuan. Mukhang narinig nito ang pag anyaya ni Gideon sa kanya. "You hear that," taas kilay niyang sabi kay Gideon at mabilis na hinila ang mga gamit sa desk at lumakad na palayo. "Olivia," tawag sa kanya ni Gideon. "Gideon, ihatid mo na lang ako," narinig pa niyang pakiusap ni Veronica kay Gideon bago siya tuluyang nakalabas ng classroom. Inis pa niyang iniling-iling ang ulo habang naglalakad sa lobby. Nakaramdam siya ng inis, dahil nais pa yata siyang ibilang ni Gideon sa mga babae nito. "Olivia," nagulat pa siya nang marinig ang tawag ni Gideon. Bibilisan pa sana niya ang paglalakad nang magulat na lang siya at nasa harapan na niya si Gideon at harangin siya sa paglalakad. "What?!" Hiyaw niya rito sa inis. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko. Ako ang maghahatid sa iyo sa bahay niyo," sabi nito. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalake. Nakatingala pa nga rito dahil matangkad ito. Papasa nga itong basketball player o baka nga isa itong varsity player sa school nila. "Ayoko. May sarili akong kotse at driver," mataray niyang tugon kag Gideon. "Are you sure about that?" Gideon asked at sumilay na naman ang kakaibang ngiti nito. Kumunot ang noo niya. Pansin din niyang marami ang mga dumadaan na napapatingin sa kanila. Kung sa bagay mukha famous naman si Gideon sa highschool department. "Actually kanina break time natin kinausap ko ang lolo Gabriel ko para tawagan ang lolo mo, at sabihin na ako ang maghahatid sa iyo sa bahay niyo," litanya nito na lalong kinalalim ng kunot sa noo niya. Saka nagtaas ng kilay nang maunawaan ang sinasabi nito. Naalala niyang hindi gusto ng lolo niya si Gideon dahil pasaway at sakit daw ito ng ulo. Kaya walang duda na nasampolan na ito ng lolo niya. "No doubt, hindi pumayag ang lolo ko," confident niyang sabi rito. Saka ngumiti pa. "Ano naman ang dahilan ng lolo mo para tanggian ang lolo ko?" Gideon asked her. "I don't know really, but, I know hindi papayag si lolo na ihatid mo ko sa bahay namin," taas mukhang sabi pa niya rito. "Well, you are wrong about that," Gideon said with a smirk. "What do you mean?" Kunot noong tanong niya. "Pumayag ang lolo mo na ihatid kita sa bahay niyo. Infact walang driver na naghihintay sa iyo sa labas," Gideon said. "No," she whispered. Hindi makapaniwala sa sinasabi ni Gideon. Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan ang lola niya. Matiyaga namang nakatayo sa tapat niya si Gideon, habang nakatingin ito sa kanya. Agad niyang tinanong sa lola niya kung hindi nga darating ang driver para sunduin siya sa eskwelaan. "Nabanggit sa akin ng lolo mo na pinakiusap ka raw maihatid ng isa sa apo ni Mr. Saavedra," sabi ng lola niya sa kabilang linya. "Opo lola, si Gideon Saavedra," tugon niya na sadyang pinakadiinan ang pangalan nj Gideon para maalala ng lola niya na ito ang sinasabi ng lolo niya na pasaway. "Sige, na hija sumabay ka na kay Gideon at ipaghahanda ko kayo ng meryenda dito," sabi pa ng lola niya at bago pa siya makapagprotesta nagpaalam na agad sa kanya ang ito nawala na sa kabilang linya. "s**t," mahinang nura niya at sinulyapan si Gideon na nakangisi habang nakatingin sa kanya. "Hindi ko alam kung paano napapayag ng lolo mo ang lolo ko, " iling ulong sabi niya rito. "Easy they are friends," Gideon answered. Mukhang wala naman siyang magagawa kundi pumayag na, dahil wala siyang masasakyan pauwi. Hindi pa siya pamilyar sa lugar. Bahay, eskwela pa lang siya at hatid, sundo pa. Kaya hindi pa siya sanay umuwi mag isa. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang alok ni Gideon sa kanya, na ihatid siya sa nito sa bahay. Kaya naman agaw atensyon sila habang sabay silang naglalakad patungo sa sasakyan ni Gideon. Paulit-ulit siyang bumubulong na narito siya sa San Sebastian para makapagsimula muli ng bagong buhay, pero bakit ikalawang araw palang niya at eto na kasama na niya ang isang notorious pa yata sa bayan ng San Sebastian. Hindi niya alam kung anong nangyari at nagbago yata ang isip ng lolo niya at pumayag itong ihatid siya ni Gideon. Para saan pa ang pagbibilin nito sa kanya na iwasan si Gideon. "Gideon, what the h*ll is this?" Tanong ni Veronica na sumunod pa sa kanila hanggang parking lot. "Ihahatid ko lang si Olivia," Gideon answered. "But, why?" Kunot noong tanong ni Veronica na sa kanya nakatingin. Nagkibit balikat siya at pinakita ang pagkairita sa mukha. "Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa iyo?" Gideon asked Veronica back. Nakita rin niya ang masamang tingin ni Gideon kay Veronica, na siyang dahilan ng pag atras ni Veronica kasunod ang mga alagad nito. "Get in the car, Olivia," utos sa kanya ni Gideon nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Walang kibo na lang siyang sumakay sa passenger seat. Hindi na rin niya sinulyapan pa si Veronica at mga kasama nito, ayaw na niyang masira pa ang araw niya, dahil kay Gideon palang sirang-sira na. Agad nang sumakay si Gideon sa may driver seat. Well, maganda at talaga namang mamahalin ang sinasakyan nila. Walang duda na nagsusumigaw ang kayaman ni Gideon, lalo na't tila araw-araw yata ay iba ang sasakyang dala nito. "Alam mo ba ang address namin?" Tanong niya habang tinatahak na nila ang kalsada. "Yeah, binigay ng lolo mo," Gideon answered. "Close ba kayo ng lolo ko?" Taas kilay niyang tanong. "No, hindi kami close ng lolo mo. Ang lolo ko at lolo mo ang close, kaya nga pumayag agad ang lolo mo nang pakiusapan ng lolo ko," litanya ni Gideon sa kanya. Mukhang matalik ngang magkaibigan ang mga lolo nila. Dahil naipagkatiwala siya agad ng lolo niya kay Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD