Pagdating sa bahay ng grandparents niya agad pinapasok ng guard ang sasakyan ni Gideon, mukhang nakapagtimbre na agad ang lola niya sa guard.
Hininto ni Gideon ang sasakyan sa tapat ng pintuan ng malaking bahay saka ito naunang bumaba. Hinintay naman niya itong buksan ang pintuan ng passenger seat para sa kanya. Wala siyang balak bumaba mag isa lalo na nasanay siyang mag tagabukas ng pintuan sa kanya at laging nakaalalay sa kanyang pagbaba ng sasakyan.
"Salamat," pasalamat niya kay Gideon nang makababa na siya sa sasakyan.
"Nariyan na pala kayo," narinug niya ang tinig ng lola niyang nasa may pintuan at pasalubong sa kanila ni Gideon. Hindi niya alam kung bakit naiba ang ihip ng hangin, ganoon pa man sasabay na lang siya muna at mamaya aalamin niya sa lola niya kung anong nangyari sa pagbabago bigla ng ihip ng hangin.
Nakita niyang magalang na binati ni Gideon ang lola niya, nakangiti pa ito, malayo sa laging malamig at walang ekspresyon nitong mukha.
"Halina kayo sa loob at naghanda ako ng meryenda para sa inyo," masiglang anyaya ng lola niya sa kanila. Kaya naman sabay-sabay na silang lumakad papasok sa loob ng bahay. Pansin nga niya ang masiglang pagtanggap ng lola niya kay Gideon.
Sa may komedor sila tumuloy tatlo at nakahain na ang meryendang inihanda ng lola niya para sa kanila.
"Wow, paborito ko po ito," sabi pa ni Gideon nang makita ang cheese roll sa mesa at mainit na tsokolate na ang lola pa niya mismo ang may gawa.
"Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo iyan hijo," nakangiting sabi ng lola niya.
Magkatapat silang naupo ni Gideon sa harap ng mesa. Hindi na siya nagulat pa nang magpaalam ang lola niya at iwan sila ni Gideon sa komedor.
Bumuntong hininga lang siya at napasulyap kay Gideon na maganang kumakain. Halatang enjoy na enjoy ito sa kinakain na cheese roll na sinasawsaw pa nito sa tsokolate.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong sa kanya ni Gideon.
"Mamaya na," tanging tugon niya.
"Alam mo bang ito ang paboritong cheese roll ng lola ko," sabi pa ni Gideon at sinulyapan siya.
Hindi siya kumibo sumabay na lang sa pagkain rito, magana kasi itong kumain kaya napasabay na siya rito.
Halos matapos na nila ang pagkain hindi pa rin bumabalik ang lola niya. Mukhang tama nga ang hinala niya na sadya silang iniwan ng lola niya para makapag-usap sila marahil. Iyon nga lang wala naman silang dapat pang pag-usapan ni Gideon. Hindi siya interesado rito sa ngayon, lalo na't wala siyang balak mag entertain ng kahit na sino.
"Matagal ka na bang naka stay rito, Olivia?" Gideon asked nang matapos na silang kumain.
"3 days," she answered.
"I see, kaya pala hindi pa kita nakita before, sa Colegio de San Sebastian lang kita nakita," Gideon said. Tumango na lang siya. Nais niyang huwag nang humaba pa ang usapan nila dahil baka bigla nitong matanong kung bakit siya lumipat sa bayan ng San Sebastian. Wala siyang planong sabihin kanino man maliban sa pamilya niya ang kinasangkutan niyang eskandalo na siyang dahilan kung bakit siya narito sa San Sebastian.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya kay Gideon. Nakita niya itong ngumiti sa kanya. Wala siyang mapipintas kay Gideon, gwapo talaga ito, at mas gwapo pa tuwing nakangiti.
"Masyado ka naman yatang nagmamadaling paalisin ako, Olivia," Gideon said.
"Pwede ba Gideon, Via na lang ang itawag mo sa akin, masyado akong kinikilabutan sa pagtawag mo ng Olivia," sita niya rito. Hindi siya sanay na may tumatawag sa kanya sa buong pangalan niya.
"Olivia is better," Gideon said sabay kindat pa sa kanya.
"Stop it!" Saway niya.
"I am not who you think I am. Hindi tayo close, wala akong balak makipag kaibigan sa iyo o kanino man. Andito ako sa San Sebastian para makapagtapos ng highschool at babalik rin ako sa San Rafael," mataray niyang litanya kay Gideon.
"4th year ka na, bakit ngayon mo pa naisipang lumipat ng school?" Gideon asked. Ito ang tanong na iniiwasan niya, kaya naman mabilis siyan tumayo mula sa kinauupuan.
"Makakaalis ka na Gideon," she said.
"Ok fine," Gideon said sabay tayo sa kinauupuan at nagtaas pa ng kamay.
"Sasabihin ko na lang sa lolo mo, na mula ngayon ako na ang maghahatid, sundo sa maganda niyang apo," Gideon said with a smile.
"Don't you dare do that, Gideon!" Asik niya at napahakbang pa palapit kay Gideon sa inis na naramdaman. Nagulat pa siya nang salubungin siya nito at halos madulas pa siya kung hindi lang nito nahawakan ang bewang niya at kinabig siya nito palapit rito.
"Gideon," halos hindi makahingang tawag niya sa lalake na kahibla na lang ang layo ng kanilang mga labi. Nakayuko ito sa kanya, habang nakatingala naman siya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Kumakabog ang dibdib niya. Sinisigaw ng isip niya na itulak si Gideon palayo, pero iba ang sinasabi ng katawan niya, na tila ba nais nito ang ganitong pagkakalapit ng mga katawan nila ni Gideon.
"Olivia," Gideon call her name.
"You are beautiful, Olivia," bulong pa sa kanya nj Gideon na sakto lang umabot sa pandinig niya.
Napalunok siya habang hindi pa rin mabawi-bawi ang tingin rito. Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya sa papuri sa kanya ni Gideon.
"Your lips, Olivia, can kiss you?" Gideon asked. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makakurap sa narinig niyang salita mula rito. Parang tumigil ang pag ikot ng orasan at walang ibang tao sa mundo kundi sila lang ni Gideon. Hindi rin siya sigurado kung tama na ang narinig niya mula rito na nais siya nitong halikan. Kung bakit ay hindi naman niya alam.
"I want to kiss your lips, Olivia," Gideon said at hinaplos siya sa pisngi. Para siyang nasa marathon sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hiling niya huwag naman sanang marinig ni Gideon ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
Walang salitang lumalabas sa dibdib niya, nais niyang sabihin na hindi at itulak na ito palayo. Dapat nga sampalin rin niya ito sa pambabastos nito sa kanya, pero hindi niya magawa.
Napansin niyang unti-unting lumalapit ang labi nito sa labi niya. Wala naman siyang magawa dahil hindi siya makakilos. Na para bang hinihintay ang pagdampi ng labi nito sa labi niya. Napansin na lang niyang nakapikit na lang siya at hinihintay ang pagdampi ng labi ni Gideon sa labi niya.
"Via, Gideon."
Nagbukas siya ng mga mata at malakas na tinulak si Gideon palayo sa kanya, nang marinig ang tinig ng lola niya. Nagpapasalamat siyang tila nagising siya sa tinig ng lola niya at hindi nagawa ni Gideon na halikan siya sa labi. Kung natuloy iyon ni Gideon iyon ang magiging first kiss niya. Sa edad niyang seveteen wala pang lalaking nakahalik sa kanya, wala pa rin siyang nagiging boyfriend sa buong buhay niya. Bata pa naman siya at dapat lang na pag-aaral muna ang atupagin niya.
Nakita niya ang pagkadismaya sa gwapong mukha ni Gideon. Hinahaplos pa nito ang labi nito na para bang hinayang na hinayang ito. Well, siya man ay nanghihinayang, sadyang wala lang siyang magawa.
"Tapos na ba kayong kumain?" Tanong ng lola niya nang makapasok na ito sa komedor. Buti na lang narinig niya ang tawag nito sa kanila, kung hindi baka himatayin pa ito pag nakita nitong naghahalikan sila ni Gideon.
"Yes po lola and uuwi na daw po si Gideon," mabilis na sabi niya para hindi na makatanggi pa si Gideon. Nakita niyang pinandilatan siya nito ng mga mata. Mukhang wala pa itong balak umalis.
"Uuwi ka na ba hijo. Sandali lang at ihahanda ko ang cheese roll para sa Mama mo at lola," sabi pa ng lola niya at nagtawag ng kasambahay para ipahanda ang dadalhin ni Gideon.
"Damn you, Gideon!" Asik na mura niya sa lalake nang sinamahan ng lola niya ang kasambahay sa may kusina.
"Don't you dare do that again!" Asik niya at ini na hinampas pa ito.
"Why? Dahil for sure bibigay ka na," Gideon said and smirk.
"Damn you! Subukan mo pang gawin iyon makakatikim ka na sa akin!" Banta pa niya. Tinawanan lang naman si Gideon. Tawang nang-aasar at napipikon siya, dahil aaminin niyang nadala siya kanina, muntik na siyang bumigay talaga, kundi pa dumating ang lola niya. Ayaw na nga niyang isipin kung ano ang mangyayari kung hindi dumating ang lola niya. Baka tuluyan na siyang nahalikan ni Gideon.
"Come on, Olivia, I know you want it too. Hayaan mo lang magpakatotoo ka," Gideon said.
Lalo namang nanlisik ang mga mata niya at umigkas ang kamay niya para sampalin ito. Ngunit nahuli nito ang braso niya bago pa man dumapo sa pisngi nito.