Gideon-1
"Take care yourself Via, isang taon ka lang naman mag-aaral sa Colegio de San Sebastian, then after that pwede ka na ulit bumalik ng San Rafael," sabi sa kanya ng Mommy niya nang ihatid siya sa bahay ng kanyang Lolo at Lola sa San Sebastian. Kinaialangan niyang lumipat sa eskwelaan dahil sa kinasangkutan niyang eskandalo na gawa-gawa ng mga taong galit at inggit sa kanya. Wala siyang choice nang sabihin ng mga magulang na kailangan niya munang umalis sa bayan ng San Rafael kung saan siya lumaki at nagka isip kasama ang masaya niyang pamilya, ngunit sa isang gabing pagkakamali nagbago ang lahat sa buhay niya, na lubos niyang pinagsisihan. Seventeen years old pa lang siya at nasa huling taon ng highschool, pero pakiramdam niya ang laki, laki na ng problemang pinapasan niya, na siya naman mismo ang may kagagawan.
"Yes po, Mommy," matamlay niyang tugon sa ina. Ang Mommy niya at ang driver lang nila ang naghatid sa kanya sa San Sebastian, dahil galit sa kanya ang Daddy niya sa kinasangkutan niyang eskandalo, hindi naman sumama pa ang nakababata niyang kapatid dahim may practice ito sa school ng football.
"Via, always listen to your Grandpa and Grandma, don't do something,-"
"Mom," putol niya sa sasabihin pa ng ina. Sawa na siya sa sermon at sa pakikinig sa kasalanan niya. Alam naman niya ang totoo, wala siyang ginawang masama na set up lang siya ng mga taong inakala niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan.
"Ok, ok. Sabi mo nga you want to start all over again. Let's forget what happened, and start again, ok sweety," malambing ng sabi ng Mommy niya sa kanya. Her Mom Julia Sebastian is really a sweet mom and beautiful and she loves her so much. Alam niyang ginagawa ito ng mga magulang niya para sa ikabubuti niya. Para mailayo siya sa mga masasamang taong iyon.
"I love you mom," sabi niya sa ina at niyakap ito.
"Tell Dad, I am sorry and I love him so much," sabi pa niya.
"Of course Via, your Dad love you so much. Alam mo naman na ikaw ang prinsesa ng Daddy mo," malambing na tugon sa kanya ng Mommy niya. Lalo pa niya itong niyakap ng mahigpit.
"Every weekend dadalawin ka namin ng Daddy mo at ni Julian, para naman hindi mo kami ma miss masyado, and also lagi tayong magtawagan, ok?" Her Mom said.
"Yes, mom," she answered and nodded.
Pinapangako niyang next year pagbalik niya ng Sa Rafael makakaharap na niya ang mga taong sumira sa kanya at kinaladkad ang buong pamilya niya sa eskandalo. Kilala pa naman sa bayan ng San Rafael ang mga Sebastian, ang Daddy niya ang nagmamay-ari sa malaking asyenda roon ang Hacienda Sebastian, at hindi niya hahayaan na ganun-ganon na lang siya masisira ng mga taong tinuring niyang kaibigan.
Pumasok ang sinasakyan nilang mamahaling SUV sa isang malaking gate. Madalas naman silang mag anak na magtungo sa bahay ng kanyang Lolo at Lola sa San Sebastian. Mayamang pamilya din kasi ang pinanggalingan ng Mommy niya. Negosyante ang Lolo niya at may malaking share sa pinaka malaking ospital sa bayan ang Saavedra Santillan Hospital, kung saan isang doktor ang kuya ng Mommy niya na si Dr. Dylan Santillan na siya ring katulong ng Lolo niya sa ibat-iba pang negosyo ng pamilya Santillan. Mas pinili na lang kasi ng Mommy niya na mag stay sa San Rafael at tumulong sa Daddy niya na magpalago sa Hacienda Sebastian.
Sumalubong sa kanya ang niyang lola na parang hindi man tumatanda, always maganda at talaga namang mapustura lagi.
"Lola," salubong niya at agad ba yumakap rito ng mahigpit.
"Ohh.. Ang maganda kong apo," sabi naman nito at gumanti ng yakap sa kanya.
"You'll be ok here, you are safe here," bulong pa sa kanya ng Lola niya.
"I know po Lola," she said. Naiiyak pa nga siya pero pinigila na lang niya. Isa pa pinangako niyang hindi na niya iiyakan pa ang nangyari sa kanya, hinding-hindi na.
"Halina kayo sa loob nagpahanda ako ng pagkain," anyaya sa kanila ng Lola niya matapos makipag beso, beso nito sa Mommy niya.
Dumeretso sila sa likod bahay kung saan naroon ang malaking swimming pool. Noong mga bata pa sila ni Julian madalas silang mag swimming roon magkapatid.
Tahimik siya habang kumakain, at nakikinig sa usapan ng Mommy niya at Lola niya.
"Buti na lang napakiusapan ng Daddy mo si Gael Saavedra para ipakiusap si Via na makapasok sa Colegio de San Sebastian," narinig niyang sabi ng lola. Hindi niya personal na kilala ang binabanggit ng mga itong pamilya Saavedra, pero narinig na niyang ang mga Saavedra ang pinakamayaman sa bayan ng San Sebastian.
"Oo nga po Mommy," tugon ng Mommy niya sa Lola niya.
"Bukas Via, pwede ka nang pumasok sa ekswela. Makakapag simula ka muli," seryosong sabi ng lola niya sa kanya. Alam ng lahat ng kapamilya niya ang tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya sa San Rafael, kaya naman mas pinili na lang ng mga ito na ilayo na muna siya sa San Rafael
"Thank you po Lola," pasalamat niya at ngumiti kahit papano.
Matapos nilang kumain sunod na pinakita sa kanya ng Mommy niya ang magiging silid niya sa malaking bahay. Excited ang Mommy niyang maipakita ang dati nitong silid.
"This is my old room," nakangiting sabi ng ina sa kanya, at nilibot siya ng ina a malaking silid. Masigla at excited na excited ang Mommy niya habang nililibot ang nila ang silid.
Malaki ang silid at kumpleto sa modernong kagamitan. Malinis ang buong silid, at mukhang magugustuhan naman niya, dahil pwede siyang magkulong sa silid dahil kumpleto naman na sa kagamitan, may bathroom and closet din.
"You like it?" Her mom asked.
"Yes po Mommy nagustuhan ko po," tugon niya.
"Via, anak," seryosong tawag sa kanya ng ina. Hinawakan pa nito ang kamay niya.
"Always think about the positive future anak," sabi pa ng ina sa kanya.
"Ang pagkakadapa mo ng isang beses ay hindi senyales na susuko ka na at hahayaan mong maging masaya ang mga taong nais kang masira. Forget them, and start again, start a new life Via. And never forget who you are. You are Olivia Santillan Sebastian. You are my daughter, you are brave and strong like me."
She is Olivia Sebastian 17 years. Maganda, matalino, palakaibigan. Isama pang galing siya sa kilalang pamilya sa bayan ng San Rafael ang Daddy niya ay si Lance Sebastian, kilalang negosyante ay haciendero. Ang Mommy naman niya ay si Julia Santillan Sebastian galing din sa mayamang pamilya. Hindi basta, basta ang apelidong dala niya. May nakababata siyang kapatid si Julian Sebastian na kapwa niya nasa highschool at at Sullivan University din nag-aaral ang kapatid.
Isa siya sa mga sikat na estudyante noon sa Sullivan University, marami sa mga ka eskwela niyang lalake ang nagparamdam sa kanya at nagtangkang ligawan siya. Iyun nga lang sa edad niyang seveteen wala pa siyang planong pumasok sa ano mang relasyo, nais muna niyang unahin ang pag-aaral niya kesa sa magdagdag na agad ng sakit sa ulo. Masaya naman siya kasama ang mga kabarkada niya, mga kaibigan mula pa elementarya na inakala niyang totoo sa kanya at hindi siya ipapahamak. Dala ng inggir at selos sa kanya, nagawa siyang ipahamak ng mga tinuring niyang kaibigan. Kaya nag desisyon ang mga magulang niyang ilipat na muna siya ng eskwelaan. Pumayag na rin siya para naman kahit papano manahimik muna ang mga taong walang ibang nais ay ang siraan at ipahiya siya.
"Pagbalik ko ng San Rafael magkakaharap muli tayo Erika!" Mariing sabi niya na halos magbasagan na ang mga ngipin niya sa harapan, saka naramdaman ang pagtulo ng kanyang luha na mabilis niyang pinunasan.
"Huling luha na itong papatak," taas mukhang sabi niya sa sarili. She had enough, and that's it.