Gideo-6

1301 Words
"Nag enjoy ka ba sa party kagabi?" Tanong sa kanya ng lolo niya habang nag-aalmusal silang tatlo kasama ang lola niya. Hindi man napansin ng mga ito ang pagkawala niya saglit kagabi sa party, dahil sa pagkakulong nila no Gideon sa isang silid na natitiyak niyang ang may kagagawan ay ang babaing kahalikan ni Gideon sa silid na iyon. Baka nainis ito sa bigla niyang pagsulpot. Nabitin marahil ito sa kalaswaang ginawa nito at ni Gideon. "Ok naman po lolo," tanging tugon niya at tinuon ang atensyon sa pagkain. "May na meet ka bang ka eskwela mo sa party kagabi? Sa pagkakaalam ko kasi marami sa mga anak o apo ng mga investor ng Saavedra ay sa Colegio de San Sebastian nagsisipag-aral," litanya ng lolo niya. "Oo nga apo, may kaklase ka bang nakita kagabi?" Tanong naman ng lola niya. "Hindi ko pa po masyadong napansin, isang araw palang po kasi akong pumapasok sa Colegio de San Sebastian," tugon naman niya sa mga ito. "Kung sa bagay. Pero kagabi ang mga apo ni Mr. Saavedra ay kumpleto, wala ka bang nakilala ni isa man sa mga batang Saavedra? Karamihan sa mga batang Saavedra ay lalake," sabi pa ng lolo niya. Nagkunwari muna siyang nag-isip para hindi mahalata ng lolo niya na halos nasundan niya ang mga kilos ni Gideon kagabi, at natandaan niya ang mukha ng mga nilapitan nito kagabi. "May isa po akong classmate na Saavedra. He is Gideon Saavedra," sabi niya sa lolo. "Ah. Yeah nabanggit nga sa akin ng lola mo. Ka edaran mo nga pala ang anak na panganay ni Gael," sabi ng lolo niya. Tumango na lang siya kunwari ay hindi siya interesado sa usapan. But, deep inside interesado siya at nais pang makilala si Gideon Saavedra. "Balita ko matigas ang ulo ng batang iyan. Mukhang nagmana sa ama niya. Iwasan mo na lang muna para hindi ka masanggot sa ano mang gulo," sabi pa ng lolo niya. "Gulo po?" She asked. "Ano ka ba. Huwag ka namang magsalita ng ganyan sa batang Saavedra,' saway ng lola niya. "Para ngayon palang alam na nitong si Via kung sino si Gideon Saavedra," tugon naman ng lolo niya. Sa mga naririnig niyang hindi maganda kay Gideon, ay naroon pa rin ang kagustuhan niyang makilala pa ito. Siya man ay nagtataka kung bakit. "Mabuti pang makilala niya ang anak ni Gavin Saavedra. Sa pagkakaalam ko sa Colegio de San Sebastian rin nag-aaral ang batang iyon. Mabuti pa iyon hindi sakit sa ulo ng mga Saavedra," sabi pa ng lolo niya. Kung anak ni Gavin Saavedra ang tinutukoy ng lolo niya ay iyon ang lalaking nagbukas ng pintuan sa kanila ni Gideon kagabi. Garreth ang pangalan ng lalake kung hindi siya nagkakamali. "Huwag kang makinig sa lolo mo Via, mas mabuting makipagkaibigan sa mga ka edaran mo na gusto mong makasama," sabi naman ng lola niya sa malambing na tinig. "Kailangan pa rin niyang mag ingat at baka maulit na naman ang nangyari sa kanya sa San Rafael," sabi ng lolo niya. "Tumigil ka nga diyan," saway ng lola niya sa lolo niya. Hindi na lang siya kumibo pa. Tinuon na lang ang atensyon sa pagkain. Alam niyang hindi lahat sa pamilya niya naniniwala sa kanya na wala talaga siyang alam sa nangyaring eskandalo, na na set up lang siya at pinagplanuhan ng mga inakala niyang kaibigan. Matapos mag almusal nagpaalam na siya para pumasok sa ekswelaan. May driver na naghahatid sa kanya gamit ang mamahaing kotse ng lolo niya. Kaya alam niyang hindi siya nahuhuli sa mga mayayamang estudyanteg naroon. "Salamat po," pasalamat niya sa driver nang pagbuksan siya nito ng pintuan at alalayang makababa. "Via," narinig niyang tawag sa kanya sa di kalayuan. Napalingon siya at nakita si Veronica kasama na ang dalawa pa nitong alagad. Inikot niya ang mga mata. Mukhang masisira na naman kasi ang araw niya. Napansin niyang nakatingin ang tatlong babae sa kotse binabaan niya. Mukhang napansin ng mga ito na mamahalin at limited edition ang kotseng service niya. "Hi," bati pa sa kanya ng tatlo. "Hi," bati rin niya at nauna na sa paglalakad papasok sa gate. "Wait, Via, sabay tayo," habol sa kanya ni Veronica at binilisan pa ang paglalakad palapit sa kanya. Agad ding sumunod kay Veronica ang dalawa pang babae. "Why?" She asked at huminto sa paglalakad. "Why not? Magkakaklase naman tayo, walang masama kung sabay-sabay tayong papasok," Veronica said. "Yeah, she is right," secunda ng dalawang babae. Tatanggi sana siya dahil ayaw naman niyang maging kaibigan ang mga ito. Malayo palang ang mga ito naamoy na niyang mag mean girls ito at bully, isama pa ang mukha ni Veronica na nagsusumigaw sa pagka b*tch. Nasa gala at mukha nito ang bully b*tch sa isang teen movie, kaya never niya itong pagkakatiwalaan. As in never. "Hi, girls," bati ni Gideon sa kanila nang huminto ang sinasakyan nito sa tapat nila. Bukas ang bintana nito at nakatingin sa kanya. Iba na naman ang dala nitong sasakyan kesa kahapon. Narinig niyang nagtilian ang grupo ni Veronica at ilang pang mga babaing malapit sa kanila na hindi maitgo ang kilig kay Gideon. Iniling na lang niya ang ulo at mabilis na lumakad palayo roon. "Olivia!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Gideon, ngunit binilisan na niya ang pagpasok sa campus para makaiwas na kay Gideon. Nang lumingon siya nakita niyang isa-isang sumakay sa sasakyan niya ang grupo ni Veronica. Sa harapan pa sumakay si Veronica. Narinig pa niya ang mga bulungan ng mga naroon na marahil ay inis kay Veronica at mga kasama nito. Siya man ay bigla ring nainis sa nakita. Lalo na nang dumaan sa kanya ang sinasakyan ng mga ito. Paano kasi ni hindi man siya sinulyapan ni Gideon nang dumaan ito, nakabukas naman ang bintana nito, nakita pa nga niya ang malapad na ngiti ni Veronica na nakasakay sa passenger seat. "Kainis," bulong niya at nagtuloy na sa paglalakad na nakataas ang mukha at parang modelo kung lumakad na umaagaw ng atensyon sa marami lalo na sa mga kalalakihan. Wala siyang balak na makilala sa bagong paaralan at malagay sa spot light, dahil natitiyak niyang pag nangyari iyo magkakaroon siya ng mga kalaban na pwedeng manghalungkat sa nakaraan niya. Hanggat maaari sana ay wala makapansin sa kanya sa bagong eskwelaan, pero mukhang mahirap yata iyon, ikalawang araw palang niya pero mukhang umaagaw na siya ng atensyon. Pagpasok sa building nagmamadali na siya para sana wala nang makapansin pa sa kanya nang bumunggo siya sa isang malapad na dibdib. Akala pa nga niya babagsak na naman siya sa sahig katulad kahapon nang may makabunggo din siya. Mukhang araw-araw na lang yata ay may makakabunggo siya. Naramdaman niyang may mga kamay na pumulupot sa bewang niya na siyang pumigil sa pagbagsak niya sa sahig. Naphawak siya dibdib ng lalaking nakabunggo. Nanlaki pa ang mga mata niya nang mamukhaan ang lalaking kaharap. Ito man ay napakunot ng noo habang nakatingin sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Ito si Garreth na pinsan ni Gideon. "You are Olivia right?" Tanong sa kanya ng lalake nang maiayos na siya sa pagkakatayo ay unti-unti na nitong inaalis ang kamay sa bewang niya. "Ah... Yeah... I'm Via," pakilala niya sa lalake. "I see, are you ok?" Tanong pa nito sa kanya. "Yeah, yeah," tugon naman niya sa gwapong lalake. Napalunok pa siya nang mapansin titig na titig siya sa lalake. "I'm Garreth, do you remember me? I'm Gideon's cousin," pakilala pa nito. "Ah... Yeah... Yeah..., I remember you," she answered. "Sorry, kung nabunggo kita," paumanhin pa nito. "It's ok, kasalanan ko rin naman nagmamadali kasi ako," sabi naman niya. "Olivia, Garreth?" Sabay silang napalingon ni Garreth sa tumawag sa pangalan niya. Nakita niya si Gideon na kunot noong nakatingin sa kanila, kasunod pa nito ang tatlong b*tches. Mabilis na lang siyang nagpaalam kay Garreth para makaiwas na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD