Gideon-5

2005 Words
"What's wrong?" Nagtatakang tanong niya nang marinig ang pagmumura ni Gideon habang hawak ang handle ng pintuan. "Lock," tugon nito at inikot ang mga mata. "What do you mean?" She asked at lumapit ito sa may pintuan para siya naman ang sumubok bumukas sa pintuan. Ayaw bumukas at mukhang naka lock sa labas. "Naka lock!" Hiyaw niya at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Gideon. Wala naman siyang ano mang pangambang nakita sa mga mata nito, nakatingin lang din ito sa kanya. "Gumawa ka ng paraan para makalabas tayo rito, Gideon! Baka hinahanap na ko nina Lola!" Taratang sabi pa niya. Hindi pwedeng may ibang makaalam na naroon siya sa silid na iyon at tanging kasama ay si Gideon. Hindi maganda ang naging repustasyon niya nitong mga nakaraang buwan sa bayan ng San Rafael, kaya nga napadpad siya ng San Sebastian. At kung may makaalam na na lock siya sa isang silid kasama ang isang lalake, tiyak na pag-iisipan na naman siya ng masama. "Damn," napamura na rin siya habang pinipilit buksan pintuan. "Pwede ba calm down," Gideon said. "I need to get out of here now!" Esterikal na sabi niya. Wala siyang kasalanan noon, na set up lang siya, pero sinong maniniwala sa kanya, gayon nakuhanan siya ng video. At kung malaman ng iba nasa silid siya ngayon kasama ang isang lalake, tiyak na lalo lang siyang sasabihan na isang masamang babae. "Relax ok, tatawagan ko sa pinsan ko para mabuksan ang pintuan. Maupo ka muna at mag relax diyan," Gideon said. "Bilisan mo na," utos niya at lumakad palapit sa sofa at naupo muna roon. Habang nakatingin kay Gideon na nag di-dial sa cellphone nito. "Walang duda na ang babaing kasama mo kanina ang nag lock ng pintuan na iyan," she said at inikot ang mga mata. Kung bakit pa kasi siya pumasok sa silid na ito, ayan tuloy at mukhang malalagay na naman siya sa kahihiyan. "Bakit naman iyon gagawin ni Emma?" Tanong sa kanya ni Gideon at sinulyapan siya habang nasa tenga ang cellphone nito. "I don't know, maybe she is a b*tch!" Mariing tugon niya. Unang kita palang niya sa babae kanina ramdam na niyang isa itong mean girl, may tinatagong kasamaan. Isama pang nahalata naman niya na hindi ito isang teenager na katulad nila, mukhang nasa 30's na ito, kaya nga walang pakaialam kung ano man ang gawin ni Gideon rito. "Watch your mouth young lady," seryosong sabi sa kanya ni Gideon. Bumuntong hininga na lang siya at sinandal ang likod sa sofa na naroon. Obvious naman nais lang ipagtanggol ni Gideon ang babae nito. Hindi nga siya makapaniwala na papatol ito sa babaing doble ng edad nito. Well, ganyan naman yata halos ng lalaking bata, bata pa, dahil nga mas madaling mapapayag ang mga babaeng may edad pagdating sa pagpaparaos. But, still turn off sa kanya ang pagpatol ni Gideon sa may edad na babae. Tahimik na lang siya sa kinauupuan habang nagbabasa sa cellphone niya. Marami siyang naka save na mga pwedeng basahin sa cellphone niya. Wala na siyang ano mang socail media sa ngayo, dahil na rin sa nangyari sa kanya sa San Rafael, maigi na iyon kesa maya't maya at makakita siya ng kung anu-anong post sa social media. "Yeah, pumunta ka na dito ngayon din Garreth," narinig niyang sabi ni Gideon sa kausap nito sa cellphone. "May magbubukas na ba sa pintuan?" She asked matapos ang pakikipag usap nito. "Yeah, my cousin Garreth," Gideon answered. "That's good news," she said at bumalik sa pagbabasa sa cellphone. Napansin niyang humakbang palapit sa kinauupuan niya si Gideon at naupo sa tabi niya. Makahulugang tingin ang pinukol niya rito, at umusog palayo sa lalake. "Why? Ayaw mo bang makatabi sa upuan ang isang Saavedra?" May pagmamalaking tanong pa nito. Wala naman siyang idea kung sino ba ang mga Saavedra talaga. Basta ang alam lang niya mayaman ang mga ito, mas mayaman kesa sa kanila. Ganoon pa man mayaman din naman siya kaya mataas din ang tingin niya sa sarili niya. Inikot lang niya ang mga mata at nagpakita ng iritasyon sa lalake, saka binalik ang atensyon sa pagbabasa. "Boring," narinig niyang bulong ni Gideon. Bumuntong hininga lang siya at hindi pinansin ang panunuya nito, baka kasi mapatulan lang niya ito. "Olivia, why don't you tell me about your self, while naghihintay tayo ng magbubukas ng pintuan," Gideon said. Sinulyapan niya ang lalake. Ilang pulgada lang ang layo nila sa isat-isa kaya napansin niyang hindi lang basta gwapo itong Gideon. Malinis rin ang mukha nito sa edad nilang seventeen, wala pa itong tumutubong tigyawat. Makinis ito na para bang babae at alaga ng derma. Kung sa bagay may pera ito baka pinapaalaga na nito ang mukha sa derma. Pansin rin niya ang tila may patubo na itong bigote o balbas na bibihira sa edad nito, na bumagay naman rito at lalong nagpagwapo rito at nagpalakas sa appeal nito. "I have nothing to tell," mataray niyang tugon at nagtaas pa ng kilay. Kailangan niyang magtaray baka magulat na lang siya attracted na siya kay Gideon. Mukha namang wala itong pinagkaiba kay Basty na mahilig sa babae, tiyak na gulo din ang hatid ni Gideon sa buhay niya kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Isa pa narito siya sa San Sebastian hindi para sa panibagong problema kundi para makalimot sa eskandalo niya. "You know what, Olivia, you are cute," Gideon said at bahagya itong ngumiti sa kanya. Ngiting hindi man lumitaw ang ngipin, meaning ngiting makamandag. "I know," taas kilay niyang tugon at umusog para lumayo ng bahagya sa lalake. "Bakit ka lumipat sa Colegio de San Sebastian?" Gideon askes her. Nalipat ang mga mata niya rito saglit saka muling binalik ang mga mata sa binabasa sa cellphone na hindi naman niya maintindihan dahil na kay Gideon ang buong atensyon niya. "I know na family mo ang may-ari sa school. But, I have my personal reason na pwede kong i keep na lang," she said na sa cellphone nakatingin. "My uncle Gavin ang nagpapatakbo sa school," tugon pa nito sa kanya. Nagtaas na lang siya ng balikat bilang tugon. "Magkaklase tayo, Olivia, so wala naman sigurong masama kung may malaman akong information sa iyo," sabi pa nito na tila ba interesado ito sa kanya. Kilala na niya ang ganitong tipo ni Gideon. Ang mga ganitong klaseng lalake ang dapat iwasan ng marami, dahil bad news ang mga ito. Marunong magpakilig at magpanggap, but after na makuha na ang gusto who you ka na lang sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya magtitiwala pa sa kahit na sinong gwapong lalake. "Via, just call me Via, like the others," tanging sabi niya. "But, Olivia is much better than Via," Gideon said. "Walang tumatawag sa aking Olivia. Mas sanay akong tawaging Via. So call me Via, not Olivia," pamimilit niya sa lalake. "Olivia," sabi pa nito sa kakaibang tinig na naghatid sa kanya ng kakaibang kilabot. Nilingon niya ang lalake at masamang tingin ang pinukol niya rito. Nakipagsukatan pa ito ng tingin sa kanya. Hindi niya malaman kung gaano sila katagal nagkatitigan nu Gideon nang biglang bumukas ang pintuan na umagaw sa atensyon nila. "Gideon!" Narinig niyang tawag ng isang lalaking pumasok sa silid. "We're here," tugon ni Gideon at tumayo mula sa kinauupuan. "We're safe now," sabi pa nito sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag at tumayo mula sa kinauupuan. "Hey, Gideon," tawag ng lalaking lumapit sa kanila ni Gideon. Natigilan siya ng makita ang lalaking bagong dating. Gwapo rin ito katulad ni Gideon, matangkad, malinis at malakas din ang appeal. Hindi nga niya naiwasang pagmasdan ang lalaking bagong dating. Napasulyap pa sa kanya ang lalaki saglit. "Hey, Garreth, thank you for saving us," pasalamat ni Gideon sa lalaking tinawag nitong Garreth. Garreth is a nice name, bumagay sa gwapong lalake. "Olivia," tawag sa kanya ni Gideon na marahil napasin ang pagkakatitig niya kay Garreth. "This is Garreth my uncle Gavin son. Garreth this is Olivia Sebastian, from Santillan and Sebastian clan," pakilala ni Gideon sa kanilang dalawa ng lalake. Napansin niyang kumpleto ang pagpapakilala sa kanya ni Gideon, ibig bang sabihin kilala talaga siya nito? "Hi, Olivia nice meeting you," bati sa kanya ni Garreth. "Hello, Garreth, just call me Via," she said. "Nice name," Garreth said at iniaabot pa ang kamay nito para makipagkamay sa kanya. Tatanggapin na sana niya nang biglang umakbay si Gideon kay Garreth para maiiwas siya nito sa kanya. "Tayo na sa labas baka hinahanap na tayo," sabi ni Gideon at lumakad na ito kasabay si Garreth. Napasimangot na lang siya at inis na sinundan ng tingin sina Gideon at Garreth na patungo na sa bukas na pintuan. "Bakit ba kayo na lock dito sa loob?" Narinig niyang tanong ni Garreth habang sumusunod na siya sa mga ito palabas. "It's a long story," tugon ni Gideon at sinulyapan siya. Nagtaas lang siya kilay sa lalake, para ipakita ang pagkadisgusto rito. Paglabas nila hindi na siya nagulat pa nang makita niya si Veronica ang mean girl niyang classmate na palapit sa dalawang lalake. Napahinto ito nang makita siya sa may gilid ni Gideon. Nagtaas ng kilay at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib nitong halos cleavage ang pinanglalaban. Sa edad nitong seventeen hinahayaan na ito ng mga magulang nitong magsuot ng ganoon ka revealing na dress. Siya nga pag nagsusuot ng maiksi ayaw ng Daddy Lance niya. "Oh gosh, is that you, Via?" Gulat na gulat na tanong ni Veronica sa kanya na tila ba ito nakakita ng multo. Inikot niya ang mga mata para ipakita ang iritasyon. "Hi, Gideon, Hi, Garreth," maarteng bati pa ni Veronica sa dalawang lalakeng nasa harapan nito. Halata naman niyang nagpapa cute ito sa dalawa at sadyang binibilad ang cleavage nito sa harapan nina Gideon at Garreth. Masyadong halata. "Hey," si Garreth lang ang narinig niyang bumati kay Veronica. Nabaling muli ang atensyon sa kanya ni Veronica. "What is she doing here, Gideon?" Tanong ni Veronica. "Ask her," tugon ni Gideon at niyaya na nito si Garreth na lumakad na. Naiwan sila ni Veronica na magkaharap. Ayaw na pa naman niyang pumatol pa sa kung kanino mang mean girl, lalo na kung hindi naman din worth of her time. "Excuse me," she said at akmang lalakad na nang humarang sa kanya si Veronica. "Damn," bulong na mura niya at napasulyap kag Gideon na mag isa na lang at may hawak pa itong kopital. Ibig sabihin at seventeen allowed na itong uminom ng alcohol. Sa dako niya ito nakatingin, na tila ba nais nitong mapanood kung paano sila magsabong ni Veronica. As if naman na papatulan niya ang mean girl na ito. "Bakit mo kasama ang magpinsang Saavedra?" Taas kilay nitong tanong sa kanya. "Bakit ko naman sasagutin iyang tanong mo. Sino ka ba?" Taas mukhang sabi niya sa babae. Kahit saang bayan pa siya dalhin ilalabas at ilalabas niya ang pagiging mataray niya at pagka b*tch niya kung kinakailangan lalo na sa katulad ni Veronica na halatang takot masapawan. Buti nga at mag isa lang ito, wala ang mga kagrupo nitong mean girls. "Who do you think you are para sagutin ako ng ganyan?" Galit na tanong sa kanya ni Veronica. Bakas na bakas ang galit sa mukha nito. Magaling naman pala siyang mang asar. "You can search my name if you want any information about me. I am Olivia Santillan Sebastian. And also you can asked you parents or grandparent kung sino ang mga Santillan Sebastian sa bayan na ito," taas mukhang sabi niya sa babae na lalong lumalim ang kunot sa noo. "What?" Kunot noong tanong nito. "See you around," sabi pa niya kay Veronica at tuluyan ng nilagpasan ang babae. Nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya si Gideon. Sinalubong niya ang mga mata nito, kahit ramdam niya ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa lalake. Kahit Basty hindi niya naramdaman ang ganitong kaba, hindi nagawang mapabilis ni Basty ang t***k ng puso niya. Is this bad news? She asked herself. Well, obviously Gideon Saavedra is a bad news for her. Ngayon palang kailangan na niyang umiwas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD