Gideon-4

1120 Words
Pagdating sa party namangha siya sa magandang pagkakaayos ng buong paligid, pansin rin niyang hindi ganoon karami ang mga taong naroon, pansin nga niya tila ang lahat ng naroon na imbitado ay mga mayayaman lang sa bayan ng San Sebastian. Kung sa bagay nabanggit nga pala ng lolo niya na ang mga Saavedra ang pinakamayaman sa bayan ng San Sebastian. "Are you ok hija?" Tanon ng lola niya nang mapansin ang pananahimik niya sa upuan. Wala ang lolo niya sa mesa nila, tumayo ito at nagtungo sa mga kaedaran nito at mukhang enjoy na enjoy sa pakikipagkwentuhan nito, at naiwan sila ng lola niya sa mesa. "Opo, lola," tugon niya, saka pilit na ngumiti. "Hindi ka yata nag e-enjoy," pansin pa ng lola niya. "Hindi naman po sa ganoon lola," she said. "Amiga, Santillan," tinig ng isang babae na lumapit sa mesa nila. Agad siyang pinakilala ng lola niya sa nakapusturang amiga nito. Magalang naman siyang bumati sa magandang babae. Matapos nagpaalam ang lola niya na sasamahan muna ang amiga nito, kaya naman naiwan siya sa mesang mag isa. Nagbuga siya ng hangin, at inikot ang mga mata sa paligid. Karamihan sa mga naroon halos may edad. "Where is Gideon?" Bulong niyang tanong sa sarili. Kaya nga siya sumama para sana makita at makilala pa ang isang Gideon Saavedra na mukhang kilalang-kilala sa buong eskwelaan. Napasimangot siya at tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos pa niya ang evening dress na binili sa kanya ng lola niya. Saka naglakad-lakad. Nakakita siya ng waiter na nagbibigay ng alak. Mapait siyang napangiti. Sinumpa na niya ang alak. Kailanman ay hindi na siya iinom pa ng alak, dahil hindi na niya hahayaan pang mangyari ulit ang nangyari noon. Sa paglakad-lakad niya namamangha siya sa magarbong ayos ng buong paligid. Halatang ginastusan nagsusumigaw ang karangyaan. Sa kanyang paglalakad dinala siya ng kanyang mga paa sa isang nakasaradong pintuan. Nilingon pa niya ang paligid kung may nakatingin sa kanya. Nais kasi muna niyang maupo sa isang tabi at huwag makarinig ng ano mang ingay. Dala naman niya ang cellphone niya at pwede siyang magbasa-basa habang hinihintay matapos ang party. Hindi naman boring ang party, sadyang nais lang niyang umiwas sa maraming tao, maingay at puno ng ilaw. Pagpasok niya sa loob napangiti siya nang makakita ng sofa na pwede niyang maupuan. "Buti na lang," bulong niya at uupo na sana nang makarinig ng kaluskos sa loob. Kumunot ang noo niya. Patuloy ang kaluskos at tila hinihingal na tao. Dahan-dahan siyang lumakad para sundan ang naririnig niyang ingay. Hindi lamang siya ang tao sa loob, meron pa. Kaya naman nais niyang makita kung sino ang taong naroon. "Aaahhh... Ahhh," tila umuungol o humihingal ang naririnig niya at palapit na palapit iyon. Kaya naman hindi siya tumigil hanggang sa makita ang dalawang bulto na nakatayo at nakadikit sa pader. Natuptop pa niya ang bibig nang makita ang malapad na katawan ng isang lalake na tumatakip sa katawan ng isang babae, habang naghahalikan ang mga ito. Una siyang nakita ng babae na agad tinulak ang lalaking kahalikan nito. Nanlalaki pa ang mga mata ng babae na nakatingin sa kanya na agad inayos ang suot nitong dress na halos mahubad na rin naman. "Why?" Tanong ng lalake na nanatiling nakatalikod sa kanya. "May tao," tugon ng babae na masama ang tingin sa kanya at tinulak pa muli ang lalaking nakatalikod at lumakad palapit sa kanya. "Who are you?" Tanong ng babae sa kanya na agad niyang napansin na may edad na na tila ba nasa thirty na ito pataas. "Ah....," tanging nasabi niya at nanlaki ang mga mata niya nang lumingon ang lalaking nakatalikod sa kanya. Hindi siya makapaniwala nang makilala niya ito. "Gideon," mahinang anas niya habang nakatingin sa lalake na lumalim ang kunot sa noo. "I have to go, Gideon," sabi ng babae. Pinaglipat-lipat niya ang mga mata kay Gideon sa babaing malayo ang agwat ng edad sa kanila ni Gideon. "Emma wait," pigil ni Gideon sa babae at humakbang ito para pigilan ang babae na nagmamadaling makalayo. "Emma," tawag pa ni Gideon sa babae at hinabol ito, sa pagmamadali pa ni Gideon ay bumunggo ito sa kanya at nawalan siya ng balanse sa malakas sa na pagkakabungo ni Gideon sa kanya, kaya bumagsak siya sa sahig. Napatili pa siya ng malakas nang bumagsak siya sa sahig at masaktan ang pang upo niya. "Ouch!" hiyaw pa niya sa sakit. "What the hell are you doing here, Olivia?!" Sita sa kanya ni Gideon na hindi pala tinuloy ang paghabol sa babaing tinawag nitong Emma. Nakita niya itong nakatayo sa harapan niya at nakatunghay. Napansin rin niyang tinawag siyang Olivia ni Gideon, tanda pa rin pala nito ang buong pangalan niya. "Pwede ba tulungan mo muna akong makatayo!" Asik niya sa lalake. "Come here," sabi nito at hinawakan ang kamay niya para matulungan siyang makatayo. Napansin niya ang tila mainit na palad nu Gideon na sumakop sa kamay niya, pati na rin at tila kuryente na dumaloy sa buong katawan niya. Kaya naman nang makatayo na siya ay agad niyang binawi ang kamay sa lalake at umatras ng isang hakbang palayo, dahil sa hindi maipaliwanag naramdaman sa paghawak ni Gideon sa kamay niya. "Ok, Olivia, what are you doing here?" Kunot noong tanong sa kanya ni Gideon. Nailang pa siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Walang tumatawag sa kanyang Olivia, lahat ng nakakakilala sa kanya ay Via ang tawag sa kanya hindi Olivia. Pansin rin niya ang kakaibang tono sa pagbanggit nito sa pangalan niya, kaya naghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit saglit ang mga mata saka muling sinulyapan si Gideon. Napansin niyang nakasuot ito ng coat and tie, formal na formal ang dating nito, at iisa lang ang masasabi niya, napakagwapo nitong tignan. Mas gwapo pala ito pag naka formal attire, hindi mukang bad boy. "Naghahanap lang ako ng tahimik na space kaya ako napadpad rito," amin niya kay Gideon na hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa kanya. "I mean what are you doing here, sa party ni lolo?" Tanong nito. Hindi pa nga pala siya kilala ni Gideon, kaya marahil nagtataka ito kung bakit naroon siya sa party. "Sinama ako ng grandparents ko, kaibigan yata sila ng lolo mo," she said. "I see," tanging sabi nito. Tumango na lamang siya. Nais sana niyang itanong kung ano ang ginagawa nito sa silid na iyon, pero alam naman na niya ang sagot nito. Nasa silid ito kasama ang babaing doble ng edad nito para magparaos. Hindi siya makapaniwala na papatol ang isang katulas ni Gideon sa may edad ng babae. "Tara na sa labas, baka may makapansin na wala tayo,' anyaya sa kanya ni Gideon. "Sige," tugon na lamang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD