Kinabukasan dumating nga si Gideon sa bahay nila para sunduin siya, hindi nga ito nagbibiro sa sinabi nito. Kung sa bagay napapayag naman nito ang lolo niya. Ewan nga ba niya kung bakit bigla ang pag iba ng ihip ng hangin sa lolo niya at pinayagan siyang sumama sa katulad ni Gideon na walang pinagkaiba sa mga taong iniwasan niya sa Sullivan University. "Good morning, Olivia," bati sa kanya ni Gideon. Hindi ito nakangiti, kundi nakangisi ito o ano man. "Via, Gideon, just call me Via," pagtatama niya rito. Naiilang kasi siya sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang buong pangalan niya. Wala pa man din tumatawag sa kanyang Olivia, even her Mom and Dad Via ang tawag sa kanya. "Olivia is fits you better," Gideon said. She rolled her eyes. Ayaw na lang niyang makipag bangayan pa, bahal