"Where have you been, Olivia?" Kunot noong salubong sa kanya ni Gideon nang pumasok siya sa classroom nila. "Bakit basta ka na lang nawala sa parking lot? You supposed to wait for me, at sabay tayo papasok," patuloy nito. Masamang tingin lang ang naging tugon niya at nagtuloy sa upuan niya. "Olivia, I'm talking to you," Gideon said sabay pigil pa sa braso niya. Nilingon niya ito at masamang tingin ang pinukol niya. "Get off!" Mariing utos niya kay Gideon. Mukhang nakuha naman sa tingin si Gideon at binitiwan siya nito. "Don't you dare touch me again. Wala ka ring karapatang tanungin ako sa kung anong gusto kong gawin. Wala akong pakialam Gideon kung sino ka sa bayan na ito, gagawin at gagawin ko pa rin ang gusto ko!" Taas mukhang sabi niya. Naasar na kasi siya sa tila pagmamanipula n