"You mean lola, pinagkasundo si Mommy at si Mr. Gael Saavedra ni lolo at lolo ni Gideon?" Tanong niya sa lola niya matapos maikwento ng lola niya kung paano napadpad ang Mommy niya sa San Rafael at nakilala ng Mommy niya roon ang Daddy niya. "Yes, apo," tugon ng lola niya. Kinabahan tuloy paano kung ganoon rin ang gawin ng lolo niya ipagkasundo siya sa isa sa mga Saavedra para sa negosyo, at worst kung kay Gideon pa siya ipagkasundo. Hindi niya naiwasang mangamba dahil baka i manipulate rin siya ng lolo niya katulad ng ginawa nito sa Mommy niya noon. Umasa daw ang Mommy niya dahil noong mga panahon na iyon mahal daw ng Mommy niya si Mr. Gael Saavedra, iyun nga lang ibang babae daw ang pinakasalan ni Mr. Saavedra at binalewala nito ang Mommy niya. Ganoon pa man natagpuan naman ng Mommy