Gideon-3

2003 Words
Matapos ang unang klase nila sabay, sabay silang lumabas ng classroom, pansin niyang halos lahat ng babae dumidikit sa lalaking tinatawag ng mga itong Gideon. Well, gwapo naman nga kasi ito, matangkad, may pagka mysterious ang looks, isama pang malakas ang appeal nito. Hindi nga niya naiwasan itong sulyapan ng ilang beses. "Damn," bulong na mura niya nang madako sa kanya ang mga mata ni Gideon. Nahuli tuloy siya nitong nakatingin rito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at natataranta pang lumakad palayo. Sa pagkataranta niya nabunggo siya sa isang lalake, bumagsak siya paupo sa sahig. "Ohh! I'm sorry. Are you ok?" Agad na tanong ng lalaking nakabunggo niya at akmang tutulungan siyang makatayo mula sa pagkakaupo sa sahig, nang umagaw sa atensyon nila ang lalaking lumapit sa kanila at agad na nag offer ng tulong sa kanya. "Ah?" Nganga pa niya nang makilala ang lalaking nasa harapan niya at iniaabot ang kamay nito. Si Gideon ang lalaking nakatayo sa harapan niya, nakatingin ito sa mga mata niya. Napalunok pa siya, pakiramdam niya sila lang nito ang tao sa paligid. Naramdaman rin niya ang pag kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa gwapong lalake. Marami na siyang nakilalang gwapo katulad ng nasa harapan niya ngayon, pero wala pa naman yatang nagpakaba sa kanya ng ganito. "Are you ok?" The tall, handsome guy asked her. Naghatid rin ng kakaibang kabog sa dibdib niya ang baritonong boses nito. Lalaking-lalaki ito, iyon bang mararamdaman mong nanonoot ang tinig nito sa iyo. Hindi niya nagawang sumagot, isang tango lang ang naging tugon niya. Tinulungan siyang makatayo ng lalake. Halos hindi nga siya humihinga nang hawakan nito ang kamay niya para itayo. "Sa.. Salamat..," utal pang pasalamat niya nang makatayo at bitiwan na nito ang kamay niya. "Next time, mag iingat ka!" Sabi ng lalake sa lalaking nakabunggo sa kanya. Agad naman itong humingi ng paumanhin sa kanya, saka dali-dali nang umalis roon, na tila ba takot na takot sa lalaking tumulong sa kanya. "Are you a newbie here?" The man asked her. "Yes," she answered. "I am Gideon Saavedra," pakilala sa kanya ng lalaking kaharap. "I'm Olivia Sebastian," pakilala rin niya sa lalake. "Olivia Sebastian?" Bangit nito sa pangalan niya na tila napaisip pa ito. Nag iba rin ang pakiramdam niya sa simpleng pag banggit lang nito sa panganlan niya, kakaiba kasi ang tunog. "Sounds familiar eh," sabi pa nito. Ang Saavedra na apelido nito ay pamilyar din sa kanya. Hindi lang siya sigurado kung saan niya narinig, pero alam niyang narinig na niya. "Anyway, welcome to our school, Colegio de San Sebastian," sabi pa sa kanya ng lalake na walang kangiti-ngiti sa labi. Napaka seryoso ng gwapong mukha nito. "Thank you," pasalamat naman niya sa lalake. "Olivia Sebastian," muli pa nitong banggit sa pangalan niya. Napalunok pa siya at naramdaman ang kaba sa simpleng pagbanggit lang nito sa pangalan niya. "Hey, Gideon! Let's go!" Tawag ng isang lalake lalaking kaharap niya. "Yeah, I'm coming," tugon pa nito habang hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. Hindi naman niya malaman kung ano ang sasabihin o paano kikilos sa kaharap. "See around, Oliva," sabi pa nito bago lumakad palayo sa kanya at sumunod sa isang grupo na naghihintay rito. Wala sa sariling napasunod naman siya ng tingin sa lalake, at sa tatlo pan kasama nito na palayo na. Nang biglang mapalingon ang lalake at magtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyag nag-iwas ng tingi at tumalikod rito, para hindi na niya ito makita. "Hi," nagulat pa siya nang pagharap niya at may tatlong magagandang babae sa harapan niya. Pinakamaganda ang nasa gitna na siyang bumati sa kanya ng walang kangiti-ngiti. Ganoon rin ang dalawang babaing katabi nito, wala ring ngiting nakatingin sa kanya. "You are?" Taas kilay na tanong ng babae sa gitna. Maganda ito, maiksi ang buhok pero bumagay naman sa maliit nitong mukha. Masyado lang makapal ang make up, pero pwede na rin papasa na itong Miss mean girl sa school, kasama ang dalawa pa nitong side kick. "Olivia," tugon niya kahit naiinis na sa pagtaas ng kilay sa kanya ng babae. Mukhang sinundan pa rin yata siya ng mga mean girls. Umalis siya ng San Rafael para iwasan ang mga mean girls, pero mukhang meron naman dito sa San Sebastian. Ignore, that's her first rule. "I'm Veronica Sanchez, share holder ang Daddy ko dito sa school. And they are my friends Tami and Nina," pakilala ng babae na lalo pang nagtaas ng kilay sa kanya. Alam niyang hindi nakikipagkaibigan sa kanya ang tatlo kung bakit siya nilapitan at nagpakilala sa kanya. "Yung kausap mo kanina, that's Gideon Saavedra. Anak siya ni Mr. Gael Saavedra, na bunsong kapatid ni Mr. Gavin Saavedra na siyang C.E.O dito sa Colegio de San Sebastian," litanya ng babae. Kaya pala pamilyar ang Saavedra sa kanya kanina. Sila pala ang may-ari sa school. Hindi naman niya alam kung saan patungo ang sinasabi ng babae sa kanya. Basta nakikinig lang siya rito, habang pinag-aaralan niya ang kilos nito. Well, ang type ni Veronica ay iyung takot na takot na manguusan, takot malamangan sa lahat ng bagay, ingetera at competitive, walang pinagkaiba sa mga tinuring niyang kaibigan na nag traydor sa kanya sa Sullivan University. "Kung gusto mong makagrduate ng maayos dito, iwasan mo si Gideon," sabi pa nito. "Ok," tanging sagot niya, saka na lang niya ito papatulan. Unang araw palang niya ngayon, baka ibalik siya ng Lolo niya sa San Rafael pag nakagaw siya ng gulo sa unang araw niya sa eskwela. "Good," taas kilay pang sabi pa nito, saka lumakad na linagpasan siya, kasunod ng dalawang side kick nito. "B*tch!" Bulong niya habang iniiling ang ulo. She knows how to deal with those b*tch, sadyang hindi muna ngayon. Isa pa she wants a new life, a new beginning. Iyung tahimik lang, makakagraduate siya ng highschool ng walang magiging problema. Alas kwatro na ng hapon nang matapos ang maghapon niyang klase. Kaklase nga pala niya ang tatlong mean girls pati na si Gideon Saavedra na mukha ding trouble kung madidikit siya rito. Habang naglalakad sa hallway magkakasama ang mga mean girls at ang grupo ni Gideon. Nagtatawanan pa ang mga ito, ang ingay-ingay s buong hallway. Kung sa bagay baka walag sumasaway kasi nga may mga posisyon sa school ang mga pamilya. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Gideon. Kaya naman binilisan niya ang paglalakad para makaiwas na sa mga ito, baka kasi mapagtripan pa siya ng mga ito. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng makalayo sa mga kaklase. Wala pa siyang nakikilalang matino sa mga kaklase niya, kaya mag isa pa rin siya, kung sa bagay first day palang naman. Baka bukas may makilala na siya. Nagulat pa siya nang sa pagsundo sa kanya ng driver ng lolo niya at kasama ang isang babae na nagpakilalang secretary ng lolo niya. Pinasama daw ito ng lolo niya para samahan siyang magtungo sa mall at bumili ng elegante dress para sa bithday party na pupuntahan daw nila. Wala pang nababanggit sa kanya ang lolo at lola niya, baka nakaligtaan lang dahil nga busy. "Sino na ang may birthday at bakit kailangan ko pang magsuot ng elegante?" Tanong niya nang makasakay na siya sa likod ng kotse. Sa passenger seat naupo ang secretary ng lolo niya. "Birthday po ni Mr. Saavedra ngayon. May malaking party po na gaganapin sa Saavedra Hotel," tugon ng secretary sa kanya. "Saavedra?" Kunot noong tanong niya. Related kaya ito sa kaklase niyang si Gideon Saavedra? "Yes po, Miss Via, si Mr. Gabriel Saavedra po isang malapit na kaibigan po ng lolo niyo," sabi nito. "I see. Anyway, do you know who is Gideon Saavedra?" She asked. Tiyak na kung related si Gideon Saavedra na kilala ng lolo niya ay kilala ng secretary kung sino si Gideon. "Si Mr. Gideon Saavedra po ay ang panganay na anak ni Mr. Gael and Mrs. Anya Saavedra. Si Mr. Gael naman po ang bunsong anak ni Mr. Gabriel Saavedra na kaibigan po ng lolo niyo," paliwanag ng secretary sa kanya. Kaya pala pamilyar sa kanya ang Saavedra kanina. Small world yata para sa kanila ni Gideon. Tiyak kasi na magkikita sila nito mamaya sa birthday party ng lolo nito. Baka magulat pa ito pag nakita siya. Napangiti siya. Ewan niya bigla siyang naging interesado sa party. Parang nais niyang mag enjoy. Pagdating sa mall nakasunod sa kanya ang secretary ng lolo niya at ang driver. Para tuloy siyang may bodyguard na nakasunod sa kanya. Hindi naman niya ito gusto, sinubukan nga niyang kausapin ang dalawa na hintayin na lang siya, para hindi na siya sinusundan pa. Ayaw naman ng mga ito, dahil nga sumusunod lang daw ang mga ito sa utos ng lolo niya. Isang mamahaling evening dress ang napili niyang bilhin, gaya ng gusto ng lolo niya elegante. Sinamantala na rin niya dahil ang lolo naman niya ang magbabayad, binili na niya ang lahat ng gusto niya at kakailanganin niya para mamaya sa party. Pag-uwi nila sa mansyon ng lolo at lola niya agas siyang sinalubong ng maganda niyang lola na kahit may edad na maganda pa rin ito at donyang-donya. "How's your first day of school, Via?" Her loving lola asked. "Ok naman po lola," tugon niya at humalik sa pisngi nito. "Halika ka sa komedor, ipagpapahanda kita ng meryenda," anyaya ng lola niya sa kanya, matapos makapagpaalam ng secretary ng lolo niya at maibaba ng driver ang mga pinamili niya. Sumunod naman siya kahit busog pa siya dahil nagkape siya kanina habang namimili. Nais kasi niyang magtanong-tanong sa lola niya tungkol sa mga Saavedra lalo na tungkol kay Gideon. "Tikman mo ito, Via banana cake, ako ang nag bake niyan," sabi ng lola niya nang makaupo na sila sa may komedor at sinimulan na ng kasambahay ang paghahanda sa kanila ng pagkain. "Wow," bulalas pa niya. "Alam mo bang paborito ng Mommy mo ang gawa ko ng ganyang banana cake," pagmamalaki pa ng lola niya habang hinihiwa ang mabangong banana cake, nagutom tuloy siya bigla. Pihikan siya sa pagdating sa pagkain, kaya nga payat siya, pero mukhang magugustuhan niya ang luto ng lola niya. "Lola sino po ang may birthday mamaya?" Tanong niya habang maganang kumakain. "Si Gabriel Saavedra, kasosyo ng lolo mo sa negosyo at matalik na kaibigan," tugon nito tumango-tango naman siya. "Ang mga Saavedra ang pinakamayaman sa bayan natin, halos lahat ng nakikita mo dito sa San Sebastian, sila ang nagmamay-ari," dagdag pa ng lola niya. "Ang yaman po pala nila," tanging komento niya. "Anak ni Gabriel ang kasosyo ng Tito Dylan mo sa Saavedra Santillan Hospital na si Gael Saavedra," patuloy pa nito. Medyo nalilito pa siya dahil nga magkakatunog ang mga pangalan. "Lola, may classmate po ako pangalan niya Gideon Saavedra," painosente kunwari niyang kwento, para hindi makahalata ang lola niya na nais lang niya ng inpormasyon tungkol kay Gideon Saavedra. "Gideon Saavedra?" Ulit ng lola niya sa pangalan, saka nag isip sandali. "Sa pagkakaalam ko anak ni Gael si Gideon," tugon ng lola niya. Ganoon rin naman ang nakuha niyang inpormasyon sa secretary ng lolo niya kanina. She wants more. "Nagkakilala na ba kayo?" Tanong ng lola niya. "Kanina po nagpakilala siya sa akin," tugon niya at tinuloy ang pagkain. "Well, mabait naman daw iyang si Gideon, iyon nga lang medyo sakit yata ng ulo ng mga magulang, dahil pasaway, at pala barkada," sabi pa ng lola niya. Ganoon rin naman ang pansin niya kay Gideon kanina, lalo na't mukhang kagrupo pa nito ang mga mean girls. "Baka mamaya sa birthday party ng lolo niya makikita mo ang batang iyon," tumango-tango lang siya sa lola niya. Tiyak na makikilala siya ni Gideon pag nakita siya nito mamaya. Baka magulat pa ito kung bakit naroon siya. Kaya nga siya narito sa San Sebastian, dahil nais niyang makapagsimula muli, at umiwas sa mga lalaking katulad ni Gideon Saavedra. Pero bakit tila interesado siya agad sa lalake? Kanina palang niya ito nakilala, masyado naman yata siyang interesadong makilala ito. Baka sumablay na naman siya at hindi makagraduate ng highschool kung madidikit siyang muli sa katulad ni Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD