Gideon-2

1704 Words
Kinabukasan maaga siyang ginising ng isang kasambahay, unang araw niya ngayon sa klase sa Colegio de San Sebastian. Sa sobra sarap ng tulog niya hindi yata niya narinig tumunog ang alarm lock na nasa side table. "Alas syeye kinse na po Ma'am Via, kaya po pinapanhik na po ako ng Lola niyo," magalang na sabi ng kasambahay na marahil nasa trenta palang pataas. "Ah.. Sige po salamat. Maliligo na po ako," tugon naman niya at agad nang bumangon at nagtungo sa bathroom. Wala na siyang oras kaya bibilisan na lang niya ang pagligo, unang araw niya sa bago niyang eskwela ngayon hindi siya dapat ma late. Lalo na't wala pa siyang idea kung anong meron sa Colegio de San Sebastian. "Forget them Olivia," bulong niya sa sarili habang nakatutok ang katawan sa shower. "New school, new life, new me," taas mukhang sabi pa niya sa sarili. "Enjoy your first day of school apo, mababait ang mga bata dito sa bayan ng San Sebastian," nakangiting sabi pa ng lola niya sa kanya, habang nag aalmusal silang tatlo kasama ang lolo niya. Silang tatlo lang ang nakatira sa malaking bahay ang uncle Dylan niya ay sa kaparehong subdivision din nakatira di naman kalayuan sa bahay ng lolo at lola niya, kasama ang pamilya nito. "Basta pag nagkaproblema ka sa school tawagan mo ko agad, ako na ang kakausap kay Mr. Gavin Saavedra siya ang namamahala at may ari sa Colegio de San Sebastian," sabi naman ng lolo niya. "Opo Lolo, Lola, maraming salamat po," nakangiting pasalamat niya. Pinagpapasalamat niyang tanggap at walang nagbago sa pamilya niya sa nangayaring eskandalo sa kanya. Sila ang naging sandalan niya at nagpatatag sa kanya para makabangon muli at harapin ang bagong hamon ng buhay sa isang katulad niyang seventeen years old pa lamang. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang bawat madaanan ng sinasakyang mamahaling kotse na pinagamit ng lolo niya sa kanya para ihatid siya sa pinaka kilalang paaralan sa bayan ng San Sebastian. Maganda, malinis, puno ng mga nagtataasang building, at establisemento ang bayan ng San Ssbastian, halatang maunlad ito sa dami ng mga nakapalibot na malaki at maliit na negosyo, hindi marahil nalalayo sa bayan nila. "Ang ganda," hindi niya naiwasang isantinig. "Maganda po talaga dito, Ma'am Olivia. Kung naaalala niyo pa po noong bata pa kayo, madalas po kayong ipasyal ng Mommy niyo sa magagandang lugar ng bayan ng San Sebastian," sabi naman ng driver nilang si Mang Lito. Bata pa lang siyang nagisnan na niyang family driver na ng Lolo at Lola niya si Mang Lito. Walang dudang malaki ang tiwala ng Lolo at Lola niya kay Mang Lito kayo tumagal ito sa serbisyo. "Oo nga po Mang Lito, madalas nga po noon sa may park, yung may mga slide po, kami ni Julian naglalaro doon," nakangiti namang tugon niya. Madalas naman kasi silang mamasyal sa bahay ng Lolo at Lola niya kahit noong bata pa siya, kaya naman sanay na rin siya kahit papano sa malaking bayan. Huminto ang kotse sa tapat ng mataas at malaking gate, kung saan maraming nakauniporme na katulad ng suot niya. Puting pang itaas at sky love na palda sa mga babae. Puting polo at itim na slacks naman sa mga lalake. Tiningala niya ang malaking arkong nakasulat sa gate ng eskwelaan. Colegeio de San Sebastian ang nakalagay. Napangiti siya, umaasa siyang makakapagsimula siyang muli sa eskwelaan na ito. Pinangako din niyang hindi na siya basta, basta magtitiwala. Kung iyun ngang halos sampung taon na niyang kakilala sinaksak pa siya sa likod, eh paano pa ngayon lang niya makikilala. Pinagbuksan siya ni Mang Lito nga pintuan sa liko ng kotse at inalalayan makababa. "Salamat po," pasalamat niya. "Mag ingat po kayo Ma'am Via at mag enjoy po sana kayo sa bago niyong school," nakangiting sabi pa sa kanya ni Mang Lito. Ngumiti naman siya sabay tango at nagpaalam na rito. Mabagal ang bawat hakbang niya papasok sa malaking gate. Pasimple niyang sinusuri ang mga papasok at papalabas na mga estudyante. Ang una niyang napansin ay ang mga babaing estudyante na tila pa nasa fashion show ng mga branded na damit at sapatos. Nagsusumigaw sa mga mamahaling bag at sapatos na suot ng mga ito. Bahagya siyang napangiti. Buti na lang at mahilig din siya at ang Mommy niya sa mga luxury bag, kaya makakasabay siya. Mukhang mga matataas na antas lang yata ang nakakapasok sa ganitong eskwelaan. Huminto siya nang makapasok sa loob ng eskwelaan. Malaki at mataas building ng eskwelaan, napakalawak din ng labas nito. Walang pinagkaiba sa Sullivan University. Walang duda rin na maraming mga b*tches na nag-aaral dito, kaya kailangan niyang maging alerto sa mga kinakausap niya. Maraming mga babaeng estudyante ang nagsitabi at huminto sa paglalakad, may mga ilan pang inilabas ang mamahaling cellphone ng mga ito. Tila ba may celebrity na paparating. Pansin niyang hindi lang ang mga babae ang napatigil may mga lalake din. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ng mga ito, unang dumapo ang mga mata niya sa kulay itim na Lamborghini na papasok sa gate. Nakita pa niyang sumaludo ang dalawang gwardyang naka duty roon, habang nagtitilian naman ang mga kababaihang nadadaanan ng itim na sasakyan. May kumukuha pa ng picture or video na mga babae at may lalake rin na marahil humahanga sa mamahaling sports car, at ang mga babae naman ay baka sa nag da-drive naman humahanga. Tumabi siya para na rin makitingin-tingin kung sino na ang papararing at bakit pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Bawat madaanan ng sasakyan tumitili ang mga babae na tila ba naiipit o ano. Masyadong OA, sana na lang worth it ang pag sigaw ng mga ito. Napansin niyang bukas bintana ng driver seat, kaya naman nakitingin na rin kasama ang marami pang babae roon. Nakita niya ang driver na nakaderetso lang naman ang tingin, at hindi lumilingon sa mga nagtitilian na naroon, para nga itong walang pakialam. Ewan nga lang kung bakit nakabukas pa ang bintana nito. Nanatili siyang nakasunod ng tingin sa lalake. Well, gwapo nga ito, walang duda roon. Hindi nga rin niya alam kung bakit hindi na niya magawang alisin ang mga mata sa lalake. Nagulat pa siya at napalunok nang mapasulyap ang lalake sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, na tila ba nag slow motion ang lahat tulad ng mga napapanood sa telebisyon. Saglit lang naman silang nagkatinginan ng lalake, pero parang tumatak na sa kanya ang magadang mga mata nito, at hindi na siya nakakilos pa sa kinatatayuan. "My gosh! Gideon is so handsome," tili ng isang babae malapit sa kanya na sinundan pa ng tili ng ibang mga naroon. She hear it clear, Gideon ang pangalan ng lalaking dumaan sakay ng mamahalin at limited edition na Lamborghini. No doubt anak ng mayaman iyon kaya may pambili ng ganoong kamahal na sasakyan. Galing sa mayamang magulang ang pinambili. Nagbuga siya ng hangin at nagtuloy na muli sa paglalakad. First day niya sa bagong school, no friends, wala din kahit isang kakilala. Wala siyang mapipintas sa maganda at modernong eskwelaan, parang mas maganda pa nga ito kesa sa Sullivan University. Hinanap niya muna ang school office sa malaking building, para maihatid siya sa magiging classroom niya. Iyon kasi ang instruction na sinabi sa kanya. Pansin niyang may mga napapasulyap sa kanya, marahil napapansin na ngayon lang siya nakita ng mga ito sa loob ng campus. Nakataas naman ang mukha niya habang naglalakad at confident na confident pa, para naman kung may magtangkang mam bully sa kanya, magdadalawang isip na ito. Kumatok siya sa isang pintuan, at sumilip sa loob. Sinenyasan naman siyang pumasok ng may makakita sa kanya. "Good morning, I'm Olivia Sebastian," pakilala niya nang makapasok na para bang nagpapakilala siya sa isang beauty pageant. "Miss Sebastian," masiglang tawag sa kanya ng isang babae na mukhang nasa 40's na pero makikay pa rin at mapustura. "Ang ganda mo naman palang bata,' sabi ng babae at lumakad palapit sa kanya. "I'm Mrs. Dela Cruz, sa akin ka personal na binilin ni Sir Gavin," nakangiting pakilala ng babae sa kanya. Wala siyang idea kung sino ang binabanggit ng babae, ang Lolo kasi niya ang nakikipag communicate para makalipat siya ng eskwelaan. "Welcome sa Colegio de San Sebastian, Miss. Olivia Sebastian," bati pa nito sa kanya. "Salamat po," pasalamat naman niya. "Let's go Miss Sebastian ihahatid na kita sa magiging classroom mo," sabi pa nito. Tumango naman siya saka na sila lumakad palabas. Habang naglalakad sa hallway, sinasabi na sa kanya lahat ni Mrs. Dela Cruz ang mga rules sa eskwelaan. Sinabi rin nito na kung nahihirapan siya ay pwede siya nito tulungan. Nagpasalamat naman siya. Kumatok si Mrs. Dela Cruz sa isang pintuan. Bahagya pa siyang kinakabahan dahil bagong mukha na naman ang makakasalamuha niya. Pagpasok nila halos naroon na yata lahat ng estudyante at umagaw sila ni Mrs. Dela Cruz ng atensyon sa mga naroon, mabilis lang niyang inikot ang mga mata sa mga magiging kaklase niya at pinatayo na siya sa harapan para ipakilala siya bilang bagong estudyante sa Colegeio de San Sebastian. "Go ahead magpakilala ka na sa mga bago mong classmates, Miss. Sebastian,' sabi naman ng gurong naroon na nagpakilala sa kanyang. Mrs. Torres. Tumayo siya sa gitna para magpakilala na sa mga magiging kaklase niya na halos nakatingin lahat sa kanya. Well kinakabahan siya, dahil bago ang ganito sa kanya, ni isa wala siyang kakilala. Buong buhay kasi niya mula nursery hanggang highschool ay sa Sullivan University lang siya nag-aaral. Magsasalita na sana niya nang biglang bumukas ang pintuan, lahat ng atensyon natuon sa bagonh dating, even her napalingon na rin. Bahagya pang kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ng lalake. "Hi, Gideon," bati pa ng ilang babaeng naroon aa bagong dating. "Pare dito," tawag naman ng ilang lalake. "Mr. Saavedra, you are late again," narinig niyang sabi ni Mrs. Torres sa lalake. "Sorry po Mrs. Torres," paumanhin naman ng lalake, at nadako ang mga mata nito sa kanya. Napalunok siya nang magtagpo ang kanilang mga mata. "Go to your place Mr. Saavedra," sabi ni Mrs. Torres sa lalaking nanatiling nakatingin sa kanya. Una niyang napansin ang pagkabog ng kanyang dibdib, pati na ang mga tila paro-paro sa tiyan na naglalaro. "Hi, Gideon Saavedra," narinig niyang bati ng isang babaeng nakaupo sa harapan ng lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD