Kabanata 7

1268 Words
Nakayuko akong nakasunod lamang kay Aling Rosa. Hangang sa napa-angat ako ng tingin nang tumambad sa akin ang mahaba at malaking lamesa. At naroon ang lalaking si Noah. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Maupo ka.” Nakangiting sambit niya habang tinuturo niya kung saan niya ako gustong paupuin. Pakiramdam ko wala akong karapatan na umupo sa tapat niya. At nahihiya din ako sa pagtrato niya sa akin. “Pwede pong kay Aling Rosa na lamang ako sasabay?” Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya. “Umupo na rin po kayo Aling Rosa.” Utos niya dito na ikinapagtataka ko dahil alam kong kasambahay si Aling Rosa dito. “Halika na, wag ka ng mahiya. Hindi na iba sa amin si Aling Rosa kaya sinasabay na rin siya namin sa pagkain.” Dagdag pa niya. Kaagad naman akong hinila ni Aling Rosa upang mai-upo sa harapan niya at tumabi naman siya sa akin. Napansin kong nakaligo na rin siya at nakapagpalit na rin ng buhok. Basa pa rin ang buhok niya at maayos na nakasuklay ito. “Wag kang mahihiya, tayo lang naman ang nandito dahil sila Mom at Dad ay nasa business pa namin.” Inabot niya sa akin ang ang kanin at ulam. Sa amoy pa lamang ng pagkain na nasa harapan ko ay nakaramdam na ako ng gutom. Nahihiya man ay kinapalan ko na ang mukha ko upang kumuha ng pagkain. Dahil naglalaway na rin ako sa piniritong manok na nasa harapan ko. Mukhang masarap ang pagkakaluto nito. Kaya kaagad akong kumuha ng isang hita ng manok at kanin. Ngayon ko naramdaman na nanginginig na pala ako sa gutom. Abala ako sa maganang pagkain nang napansin ko siyang nakatitig sa akin. Pinahid ko ang aking bibig dahil baka sa sobrang laki ng pagkagat ko sa manok ay nagkalat na ito sa aking pisngi. “Gusto mo ng gravy?” Alok niya sabay abot ng isang lagayan na may nakalagay na kulay brown na sabaw. “Masarap ang fried chicken pag may gravy.” Sambit niya. Kumuha siya ng isa at sinawsaw sa brown na sabaw. Tapos malutong niyang kinagat. Dinig ko pa ang pagpagkagat at pagnguya niya. Tapos pinahid niya ng diliri niya ang kanyang labi at dinilaan yun. Ginaya ko ang ginawa niya at nakisawsaw na rin ako dahil parang masarap nga. Lalo pa kapag tinitignan ko siyang maganang kumain. “Iha, subukan mo rin tong sinampalukan kong sugpo. Masarap ito at favorite din ni Senyorito Noah.” Alok ni Aling Rosa sa akin na hindi ko na rin tinangihan dahil sa sobrang gutom. Ikinuha niya ako sa maliit na mangkok ng sabaw at tatlong pirasong sugpo na nakikita ko lang sa palengke dahil hindi naman kami nakakabili ng ganun ni Inay dahil masyadong mahal. Hinigop ko ang mainit na sabaw at pakiramdam ko ay tumulay ang init papunta sa aking tiyan. Masarap dahil maasim at mainit ang sabaw. Tama lang din ang lasa. Kinuha ko ang isang piraso ng sugpo at sinubo ko. Pero nabitin ang pagsubo ko nang kuhanin niya yun sa kutsara ko. Nagtataka ko siyang tinignan. Kung gusto niya pwede pa naman siyang kumuha sa malaking mangkok. Bakit kailangan agawin pa niya sa akin yung isusubo ko na? “Marunong ka bang kumain nito?” Tanong niya sa akin. Umiling ako dahil hindi ko naman alam na may paraan pala ng pagkain noon. Inilagay niya ang sugpo sa plato niya at ginamit niya ang tinidor at kutsara. Tapos ay may tingal siyang balat na parang kakulay ng sugpo. Tinanggal din niya ang ulo nito. Pagkatapos ay inilipat sa plato ko. “Oh ayan, kainin muna.” Wika niya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Kahit hindi ko pa siya gaanong kilala ay alam kong mabait talaga siya. Kinuha pa niya ang dalawa na nasa mangkok ko at tinangal din niya ang balat at ulo na gaya ng nauna. Pagtapos ay inilagay niya ulit sa plato ko. Napangiti ako sa ginawa niya at nagpatuloy sa pagkain. Ganun din siya at nang silipin ko si Aling Rosa at nakangiti din siyang nakatingin sa amin. Siguro natutuwa din siya sa pinakita ni Noah. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin akong kumain. Pero nagulat ako dahil mas marami pa akong nakain sa kaysa sa kanila. Ebedensiya ang naiwan na buto ng manok sa plato ko. At naubos ko rin yung sabaw sa mangkok. Bibigyan pa sana niya ako kanina ng sugpo pero umiling na ako. “Aling Rosa, tulungan ko na po kayo bago ako umalis.” Wika ko sa kaniya nang mag-umpisa na siyang iligpit ang hapag. “Naku wag na Iha, kaya ko na ito.” Pigil niya sa akin. Tumayo si Noah at lumapit sa gawi ko. “Oo nga kaya na yan ni Aling Rosa. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka talaga nakatira sa subdivision na ito para maihatid na kita dahil baka nag-alala na sa’yo ang guardians mo.” Wika pa ni Noah. Alam ko naman na hindi ko kailangang magtagal dito. Gusto ko lang naman suklian ang kabaitan nila sa akin. Kaya lang mukhang ayaw niya talaga akong patulungin. Napabuntong hininga na lamang akong humarap kay Noah. “Halika sa sofa tayo mag-usap.” Wika niya sabay hila sa kamay ko patungo sa sala. Pinaupo niya ako sa malawak at kulay itim na sofa. Kahit kaunti lang ang gamit ng bahay nila ay malinis, maayos at mabango pa dito sa loob. Malamig din, mga mayayaman lang naman ang nakakapaglagay ng aircon sa bahay. Kami nga ni Inay nasanay na kami sa gasera at pamaypay. Kulambo naman ang gamit namin upang hindi kami lamukin o kaya gapangin ng insekto. “Ngayon lang kita nakita dito. Halos kilala ko ang lahat ng nasa subdivision na ito kaya maaring hindi ka rin taga dito. Ayoko namang isipin na isa kang anghel na bumaba dito sa lupa kahit ganun ang itsura mo dahil hindi naman nagugutom ang mga anghel. Saan ba kita ihahatid? O gusto mo dito ka na lang tumira?” Nakangiting tanong niya sa akin. Pero noong sabihin niyang mukha akong anghel ay may naramdaman ako kahit kaunting tuwa. “Okay lang po ako, pwede na rin akong lumabas ng bahay niyo. Alam kong nakakaabala na ako sa—“ “Hindi ka nakakaabala.” Putol niya sa sasabihin ko. Umupo siya sa harapan ko at nagpantay ang tingin naming dalawa. “Emerald right? Kung wala kang uuwian dumito ka na lang ako na ang kakausap kay Mom at Dad.” “Naku hindi po!” Tutol ko sa kanya. Labis na nga ang  ginawa niyang pagtulong sa akin eh tapos gusto pa niya na dito ako patirahin? Sasagot pa sana ako ulit nang makaramdam ako ng pangangati ng ilong kaya napa-aching ako ng malakas. Sabay ingos ko dahil baka tumalsik ang sipon ko. “Sabi ko na nga ba eh, magkakasakit ka sa ginawa mo kanina. Sandali ikukuha kita ng gamot.” Wika niya akmang tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. “Wag na po, malakas naman ang resistensiya ko kayang-kaya ko ito.” Sambit ko. Nagkatingin kaming dalawa. Pero katok ng pinto ang nagpabalik sa aming dalawa sa sitwasyon. Kaagad kong binitawan ang braso niya at umupo akong muli. Siya naman ay nagtungo sa pintuan at dahan-dahan na binuksan ang pinto. “Best!” Malakas sa sigaw ng boses ang bumungad sa kanya at bigla nalang niya itong dinamba ng yakap. Ngunit napatayo ako sa kinauupuan ko nang mapagsino ko ang babaeng tumawag sa kanya at yumakap. Walang iba kundi ang anak ni Ingrid. Si Christine at kasama niya si Itay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD