Akala ko ay ihahatid lang kami ni Noah. Pero niyaya siya ni Ate sa loob ng bahay magkahawak-kamay pa silang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Habang ako ay nasa likuran at gusto ko nang unahan sila sa paglalakad kasi para silang naglalakad sa buwan. Nang makapasok na kami ay umupo muna silang dalawa sa sofa. Nagpaa-alam na akong papanhik sa taas para makapagbihis na rin ng damit. Dahil tutulungan ko pa si Aling Melda na mag-asikaso ng hapunan. Pagpasok ko ng kwarto ay huminga muna ako ng malalalim. Pakiramdam ko kasi habang nasa loob ako ng sasakyan ni Noah naninikip ang dibdib ko. Bakit ko ba kasi nararamdaman ang ganito? Dapat nga masaya na ako dahil masaya na silang dalawa. Pero bakit parang gusto ko naman umiyak? Nanghihina na nilagay ko ang aking gamit sa ibabaw ng table. K