Hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong halikan. Ang unang halik na hindi ko inasahan na mangyayari ay nangyari na ngayon araw. Ano na ang gagawin ko? Malapit na ang uwian, kinakabahan pa rin ako. Paano ba naman kasi sasabay na naman ako kila Noah. Kung may paraan lang sana para makaiwas sa kanila gagawin ko. Kaya lang kahit anong iwas ko nagtatagpo pa din kami dahil best friend niya si Ate. Wala akong choice kundi kapalan ang mukha ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niyang gusto niya ako at nagseselos siya kaya siya nagagalit. Kung tutuusin wala naman kaming relasyon. Bakit kailangan niyang magalit ng ganon? Bakit ba ang hirap niyang spellingin? Maige pa yung isang yun. Pangiti-ngiti lang, magaan kasama. Parang walang problema sa buhay at madaling pakisamahan. “Hoy! Bakit mo tinit