Kabanata 26

1607 Words

“Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? Umamin ka nga sa akin, tumitira ka ba ng katol sa gabi?” Salubong na tanong sa akin ni Clare. Wala akong gana makipag biruan sa kanya ngayon kaya hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Kakababa ko lang sa sasakyan ni Noah. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa sipsipan at balatan na nangyari. Isama na rin yung harutan sa sala. Pakiramdam ko ay lutang na lutang ako ngayong araw. Sobrang sakit din ng aking ulo. Tapos hindi pa ako kumain ng almusal dahil wala talaga akong gana. Pakiramdam ko may sakit ako pero hindi naman ako nilalagnat. “Emerald! Okay ka lang ba talaga!?” Habol sa akin ni Clare. Hinawakan pa niya ang kamay ko pati ang noo ko. Kinapa din niya yung noo niya para ipag-kumpara ang sa akin. “Wala ka namang lagnat ah? Ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD