Nang makabawi napahagalpak ng tawa si Carlota dahil sa narinig na sinabi ni Solomon. Sino bang sira ulo ang maniniwala sa sinasabi nito lalo na at tila walang kabuhay-buhay ang pagkakasabi. Ang nakakainis nga lang ay narinig ng mga marites na nasa pilahan ng tricycle ang sinabi nito kaya naman siguradong bantog na naman siya sa kanilang purok. Pero okay lang naman iyon, wala namang kaso do'n. Ang talagang problema niya eh kung dapat ba niyang seryosohin ang sinabi ni Solomon o hindi. Impossible naman kasing seryoso ito, unang-una sa paraan ng pagkakasabi nito at isa pa kakakilala lamang nilang dalawa. Kung tutuusin tatlong beses pa lamang silang nagkita ang dalawa noong una kayong nag extra siya rito, pangalawa kahapon at syempre ngayon kaya paano siya maniniwala sa sinasabi nito. Hindi n