Kabanata 12

1440 Words

"Ano bang sinasabi ng kapatid mo Carlota?" kunot-noong tanong ng kanyang inay. "Ah naku, wala po iyon Inay. Si Solomon po iyon kasamahan ko sa bago kong trabaho inihatid lamang niya ako kanina diyan sa may arko. Kaya lang alam mo naman po ang mga marites dito sa atin, pugad nila ang outpost kaya nakita nila kami. Mukhang pinagana pa nga po ang pagiging online marites nila dahil nakarating na pala agad sa kapitbahay," naiiling na sagot niya sa ina. "Pero ate Carlota sa video narinig ko na sinasabi ng lalaki na gusto ka daw niya at kung pwede daw na kayo na kaya alam na po namin na manliligaw mo iyong lalaking kasama mo. Ang pogi pa naman niya akala ko nga talaga kasama mo dito, sayang." Wika nito, nanulis pa ang nguso nito tila hindi nagustuhan na hindi naabutan sa bahay nila ang pakay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD