Kabanata 10

1707 Words
Napaawang ang bibig ng lahat ng biglang may pumaradang isang black Ducati Diavel 1260 sa harap ng karinderyang kinakainan nila. Isa iyon sa mga bigbike niya, wala siyang bisyo pero iyon talaga ang nakahiligan niya. May tatlo pang kasama ito na nasa villa, pero ito ang pinakapaborito niyang gamitin lalo na kapag nais niyang magrides. "Grabe! Ang ganda! Alam mo Gabriel pangarap kong makasakay sa ganyan, tapos pangarap ko ring maranasang makapagdrive ng ganyan kagandang motor. Grabe sobrang yaman siguro ng may-ari niyan no? Alam nyo bang balita ko ang anak ng mga Montilla mahilig sa ganyang klase ng motor. Nagawi kasi doon ang isa sa mga pinsan ko noon, bale nakasama siya noon sa pag-aani ng mais sa farm tapos may ipinakuha daw sa kanila sa villa at nakita daw niya na may mga big bike sa garahe ng villa. Grabe, sana lang talaga makapunta ako sa villa nila at makita ang nagagandahang big bike na pag-aari ng nag-iisang anak ng Montilla. Kayo ba nakapunta na siguro kayo doon noh? Syempre matagal na kayong nagtatrabaho don diba? Hayyy sana talaga makarating din ako doon," mahabang pahayag ng babae na tila nangangarap ng gising na nakatuon ang malamlam na mga mata sa bigbike na nasa labas. Napatigil naman ang apat at pasimpleng tumingin sa kanya. Tila sinasabi ng mga ito na mukhang mabubuking siya ng babae. Siguro naisip ng mga ito na gagamitin niya ang big bike lalo pa at nag-offer siya na ihahatid ang babae. Sabagay iyon naman talaga ang plano niya kaya nga tinawagan niya ang kanyang sekretarya para madala sa palengke ang big bike niya. Hindi naman niya naisip na maaari nga palang ipagtaka iyon ni Carlota. Maaaring magtanong ito sa kanya. "T-Teka, parang kilala ko iyon ah!" kunwa'y bulalas niya. Kunot noo namang napatingin sa kanya ang apat. Tumayo siya at nakangiting nilapitan ang inutusan ni Nilda. "Senyorito!" tawag niya sa lalaki. Halatang nagulat ito pero sininyasan niya na wag maingay. Naintindihan naman nito ang nais niyang sabihin kaya sinakyan siya nito. Nakikita niya mula sa kinatatayuan si Carlota maging ang tatlo. Tila nahihiwagaan sa ginagawa niya. Maya-maya ay pakunwari pa siyang sumaludo sa lalaki ng iabot sa kanya ang susi ng motor bago ito umalis. Maluwang ang pagkakangiting bumalik siya sa loob ng karendirya. "Kita nyo iyon, tamang-tama lamang na sinabi ko na ako ang maghahatid kay Carlota. Nahiram ko kay Senyorito ang bigbike niya!" kunwa'y masayang turan niya. Napakamot naman ng ulo ang tatlo sabay ngumiti na parang ngiting aso. "Wow! Grabe, ang galing mo naman Solomon!" masayang bulalas nito, marahil gusto talaga nitong maranasang sumakay ng bigbike. "Oo naman Carlota, alam mo kung hindi mo naitatanong, sanggang balikat kami niyan ni Senyorito. Kita mo, ang dami nagsasabi na masungit siya at masama ang ugali pero ayan mukhang matutupad na ang pangarap mo Carlota. Pano, tayo na?" nakangiting aya niya dito. Kandasamid-samid naman ang tatlo habang napapakamot pa sa ulo. Syempre batid ng mga ito na siya talaga ang nag-iisang anak ng mga Montilla, pero syempre bawal i-reveal iyon. Napakamot naman sa ulo si Gabriel marahil iniisip nito na mukhang hindi na sasakay dito si Carlota. "Sige na Carlota kay Solomon ka na sumakay, next time na lang siguro kapag wala na ang bigbike ni boss," nakangiting wika ni Gabriel. "Buti naman, sige na, umalis na kayo Solomon, tapos na rin naman tayong kumain. Ako na ang bahala sa truck, ako na rin ang bahalang magpaliwanag kay Senyora Nyebez," nakangiti namang wika ni Mang Emong. "Sige salamat Mang Emong, ingat kayo," sagot naman niya dito. "Tayo na Carlota," aya muli niya dito. Medyo nag-aalangan ito kaya hinawakan na niya ito sa kamay at inaya na palabas ng karendirya. Si Carlota naman ay napasunod na lamang kay Solomon. Naguguluhan siya sa inaasal ng lalaki, lalo na at hinawakan siya nito sa kanyang kamay. Hindi pa nga siya pumapayag pero heto at inilagay na ng lalaki ang helmet sa ulo niya at ito na rin ang nag-ayos niyon. Nahihiya tuloy siya lalo na ng mapatingin siya sa mga kasamahan. Pero si Mang Emong at Esteban todo ngiti pa ang mga ito. Siya naman ay naiilang, maging sa tingin ni Gabriel. Pagkuway sumakay na si Solomon, at pinasakay na siya nito. Kakatwang basta na lamang siya sumunod sa nais nito, kailan pa siya naging sunod-sunuran sa isang lalaki? Pero wala na siyang magagawa lalo pa at umarangkada na sila, nasa palengke pa sila kaya hindi pa ito makapatakbo ng mabilis pero ng marating nila ang maluwang na kalsada. Biglang nagpabilis ito ng takbo at napahiyaw siya dahil halos sumayad na sila sa semento dahil sa pagbangking nito para tuloy silang nakikipag-karera pero gustong-gusto niya. Napapatayo pa nga siya dahil sa sobrang saya ng mga sandaling iyon. Kanina naiilang pa siya dito pero ngayon animo super close na sila ni Solomon. Ayos din kasi ang lalaki kahit sa pagda-drive ng ganong klase ng motor animo sanay na sanay. "Saan ba kayo sa Basud?!" pasigaw na tanong nito. "Sa Purok 4 ako Solomon, pero kahit sa may labasan mo nalang ako ibaba doon sa mismong may arko para hindi ka na rin maabala tsaka nakakahiya din na isama kita sa aming bahay dahil baka pag-isipan ka pa ng masama ng iba naming kapitbahay lalo na mga kamag-anak ko," wika niya dito. "Okay sabihin mo na lang kung saan," pasigaw muli na wika nito. Ilang sandali pa at nasa tapat na sila ng arko papasok sa Purok 4. May mga nakakakilala sa kanya na nandoon kaya naman medyo nakaramdam siya ng hiya dahil kakaiba ang tingin ng mga ito. Hirap talaga pag may mga marites siguradong pag makalayo na siya sa lugar na iyon ay tampulan na naman siya ng kwento. Pero noon pa man sanay na siya sa mga ito kaya hinahayaan na lamang niya. Minsan nga na chismis na siyang buntis kahit hindi pa naman siya nagkaka-boyfriend. Minsan kasi nahimatay siya at naisugod sa clinic ng baranggay nila. Pero dahil iyon sa matinding pag-atake ng dysmenorrhea niya, hindi niya kinaya ang sakit kaya nahimatay siya. Malaman niya, ayon nakunan daw siya kaya dinugo natatawa na nga lang siya sa chismis sa kanya. Mabuti pa ang mga marites alam na nabuntis siya at alam din kung sino ang ama. Siyang may katawan walang kaalam-alam kung sinong poncio pilato ang nakabuntis sa kanya. Kahit nga holding hands dipa niya naranasan. Iyon pa kayang ganong bagay, malala talaga ang mga tao kaya lang hindi na lamang niya pinapatulan, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. "Ayaw mo na bang ihatid kita sa loob?" tanong nito. "Okay na ako dito salamat sa paghatid at ingat sa pag-uwi," nakangiting pasasalamat niya dito pero nagpupumilit pa rin nito na ihatid siya sa mismong bahay nila pero hindi siya pumayag. May mga marites na nga na nandito sa may pilahan ng tricycle sa may arko pero mas malala naman ang kanyang mga kapitbahay lalo na ang mga kamag-anakan nila. Baka kahit ngayon ay wala siyang boyfriend bigla siyang magkaroon ng boyfriend sa mga kapitbahay nilang mga Marites. Baka nga mas malala pa na ikakasal na pala siya ng hindi niya nalalaman. "Mahihirapan ka pang maglakad, mabilis lang naman kung ihahatid kita hanggang sa mismong bahay niyo," muling wika nito. "Hindi na Solomon baka hinahanap ka na rin sa inyo. Malapit na lang naman iyong sa amin kaya wag ka na mag-alala kayang-kaya kung lakarin iyon," paniniguro niya dito para umuwi na ito. Nakakahiya na nga na inihatid siya nito kahit na unang araw pa lamang niya sa trabaho kaya naman kalabisan na iyon kung hanggang sa bahay pa nila siya magpapahatid tapos wala itong kaalam-alam na matityismis na pala. "Sige ikaw ang bahala, alis na ako kita na lamang tayo dito bukas," nakangiting wika nito. "Solomon, anong ibig sabihin mo paanong dito tayo magkikita? Sa palengke na lang tayo magkikita di ba?" naguguluhang tanong niya dito. "Anong oras ka ba pupunta bukas ng palengke?" tanong nito. "Bakit mo tinatanong?" kunot noong tanong niya dito. "Para alam ko kung anong oras kita susunduin," nakangiting sagot nito. "Ano?! Naku, pasaway ka, wag na ah. Ako na lamang ang magtutungo sa palengke bukas ng madaling araw. Maaabala lamang kita ng husto kapag sinundo mo pa ako," tanggi niya dito. Pasaway kasi, ano naman kaya ang naisip nito at bakit nais pa yata siya nitong ihatid sundo. Hindi naman na tama iyong ganon, parang nakakailang lang. Hini pa naman sila ganon ka-close para ihatid sundo siya nito. Isa pa, ang alam niyang pumapayag na hatid sundo ei magkasintahan. Hindi naman sila ganon at malabong mangyari iyon. "Naku po, hindi kaya may binabalak ang lalaking ito sa akin kaya ang bait-bait niya?" tanong niya sa sarili. "Pero imposible naman, napakabait na nga sa akin ni Solomon nakuha ko pang pag-isipan siya ng masama," biglang bawi niya. "Okey lang naman iyon Carlota, may sarili naman akong motor, ito kasi ibabalik ko na kay Senyorito. Pero kung nais mong maranasang mag-drive nito gaya ng sinabi mo kanina, maaari ko itong hiramin ulit sa kanya para bukas subukan mong mag-drive," nakangiting wika muli nito. "Hala sya, totoo ba? Hahayaan mo akong magdrive nito bukas?" bulalas niya. "Oo naman, basta ba marunong kang mag-drive ei," wika nito. "Oo naman, marunong ako magdrive ng motor kahit nga tricycle kaya ko rin. Naging delivery girl na rin kasi ako diyan sa bayan ng mineral water kya lang masyadong mababa ang sahod kaya umalis ako," wika niya dito. Hilig talaga niya ang magdrive, lalo na ang motor dahil dati meron sila nito kaya lang simula ng hindi na magtrabaho ang kanyang Tatay. Nabenta na nila ito, kahit na ang ilang kagamitang naipundar ng kanyang Tatay "Ah ganon ba? Mas okey yon!" masayang turan nito. Napakabait talaga nito pero nagtataka siya kung bakit paglalaanan pa siya nito ng oras. "Ahm, thank you sa kabaitan mo sa akin Solomon ha. Pero nagtataka lang kasi ako, bakit napakabait mo sa akin ei nagkakilala pa lamang naman tayo," hindi napigilang tanong niya dito. "Gusto kasi kita Carlota, pwede bang tayo na?" tila walang kabuhay-buhay na wika nito. Napatunganga na lamang siya dito habang nakaawang ang kanyang bibig. Narinig pa niya ng mapasinghap ang mga taong nasa may pilahan ng tricycle. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD