PROLOGUE
S-Sino ka?!" Gulat na bulalas ni Carlota sa lalaking ngayon ay nasa kanyang kandungan. Madilim man sa kanilang master bedroom pero batid niyang ibang lalaki ang kanyang kaulayaw.
Agad niyang sinipa ng ubod lakas ang lalaki, kaya naman patihaya itong nahulog sa kama. Tsaka mabilis niyang binuksan ang lamp shade na nasa side table ng kama nila.
"GABRIEL?!" Bulalas muli niya ng mapagsino ang lalaki. Agad niyang nahablot ang kumot at ibinalot sa kanyang hubad na katawan. "Ipapapulis kitang hay*p ka!" Muling bulyaw niya dito.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa matinding galit. Pano nito nagawang makapasok sa kanilang silid? Papanong ito ang kanyang kasiping imbis na ang kanyang asawang si Solomon? Lumapit siya sa telepono at akmang tatawag sa police station para madampot ang lapastangang lalaking ito na nasa kanyang harapan.
"Carlota, w-wag! Magpapaliwanag ako, w-wala ang kasalanan! Ang asawa mong si Solomon ang tanungin mo tungkol dito!" Nahihintakutang turan nito.
"A-Ano?! S-Si Solomon?!" Natitigilang tanong niya dito.
"Oo, Carlota! Ang asawa mo ang may kagustuhan nito, b-binayaran niya ako ng malaking halaga kapalit ang kasunduang buntisin ka!" Pagsisiwalat nito, na tila bombang sumabog sa kanyang pandinig.
Biglang tila namanhid ang kanyang buong katawan, kasunod ang panlalamig niyon at tila may matalim na bagay na ngayon ay unti-unting tumutusok sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay ikamamatay niya ang sandaling iyon.
"Kahit noong unang nabuntis ka Carlota, ako ang ama ng pinagbubuntis mo noon at hindi si Solomon! Binayaran niya ako noon para buntisin ka lang, at dahil gipit ako nagawa ko ang bagay na iyon. Gumawa lamang siya ng paraan para hindi mo ako makilala, ewan ko kung papano niya ginagawa iyon. Pero nakunan ka dahil sa aksidenteng inyong kinasangkutan kaya naman heto ulit siya, nakiusap sa akin para gawin ang bagay na ito. Pero Carlota, hindi ko tinanggap ang binabayad niyang pera dahil mahal kita! At naaawa ako sayo, dahil g-ginagawa ka lang tang* ng asawa mo! Ang tingin niya sa iyo ay isang baboy na maaaring ipabuntis sa kahit na sino. Mahal kita kaya sinadya kong ipaalam sa iyo na ako ang kaulayaw mo at hindi ang hay*p na asawa mo!" Muling mahabang pahayag ni Gabriel.
Mas tumindi ang nararamdamang galit ni Carlota, nararamdaman niya ang panginginig ng tuhod at tila pagkawala ng lakas niyon kaya pabagsak siyang napaupo sa sahig na tiles ng kanilang silid ng pinakamamahal na asawa.
Lumapit si Gabriel sa kanya at tila nais siyang alalayan pero agad niyang itinaas ang kamay at tila babala iyon na wag na wag siyang hahawakan. Maya-maya ay bumalong na ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata at ang pusong nasasaktan ngayon ay tila mas tumindi pa ang sakit, tripling sakit pa nga dahil sa mga natuklasan. Hindi man lang niya naisip na magagawa iyon sa kanya ng asawa. Ang tahimik na pagbalong ng luha ay unti-unting lumakas, hanggang sa tuluyan ng nanaghoy ang kanyang puso. Hindi na niya alintana ang malakas na pag-iyak kahit pa marinig iyon ng kanilang mga kasambahay.
Punong-puno ng paghihinagpis ang kanyang puso sa natuklasan. Papanong nagawa iyon sa kanya ng asawa? Papano nito naatim na hayaang madungisan ng ibang lalaki ang katawang inilaan lamang niya para dito. Para kay Solomon, ang lalaking kanyang pinakasalan, ang kanyang asawa. Umiyak siya ng umiyak mas tumindi ang kanyang paghihinagpis ng kanyang puso ngunit unti-unting napalitan na iyon ng poot at hinanakit. Pakiramdam niya ay lampas langit ang galit niya kay Solomon dahil sa napakalaking kasalanang ginawa nito. At kahit kailan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Patuloy lamang siya sa malakas na pag-iyak, habang paulit-ulit na sumisigaw ng "h*yop!" Ngunit maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang luhaang si Solomon. Agad siyang natigilan at napatitig dito, pero saglit lang iyon, dahil mabilis siyang tumayo muntik pa nga siyang matumba dahil sa tila nanghihina pa rin ang kanyang mga tuhod. Hindi na rin siya nag-abala pang pulutin ang nahulog na kumot na nakabalabal sa kanyang hubad ng katawan. Mabilis siyang lumapit kay Solomon at sinampal ito sa magkabilang pisngi ng ubod ng lakas
"Hay*p ka! Hay*p! P-Pano mo nagawa ito sa akin?! Wala kang kasing sama!" Umiiyak na paulit-ulit niyang pasigaw na sinasabi dito. Habang pinagsasampal niya ito sa mukha at kung saang parte ng katawan nito.
Hinahayaan lamang siya nito, habang ito ay tila basang sisiw na nakatungo lamang. At hindi makatingin sa kanyang mga mata pero paulit-ulit nitong sinasabi ang katagang "patawad".
"P-Patawad?! Para saan? Kahit kailan hindi kita mapapatawad Solomon! Hay*p ka, hindi ka tao! Paano mo nagawang ipakagalaw ako sa iba ha?! Sa tingin mo mapapatawad pa kita?! Sa tingin mo matutuwa pa ako sa ginawa mo! Inihalintulad mo ako sa isang baboy na pwedeng buntisin ng kong sino-sino! Hay*p! Hayooopp! Hayop ka!" Humahagulgol na sigaw niya habang patuloy sa pananakit dito, hanggang sa napagod na siya at muntikan na siyang matumba pero naging maagap si Solomon at inalalayan siya.
"Bitiwan mo ako!" Bulyaw niya dito tsaka itinulak niya ng ubod lakas. Marahil hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa kaya naman nawalan ito ng balanse at bumagsak ito sa sahig, napatid pa ang isang paa sa upuan kaya nalugmok ito doon.
Pero hindi ito nag-abalang tumayo, bagkus lumuluha siyang tiningala at lumuhod sa kanyang harapan.
"H-Honey, patawarin mo ako. M-Masakit din ito sa akin, ang totoo halos ikamatay ko ang sandaling ito! P-Pero wala akong magawa, mahal na mahal kita at gusto ko ibigay ang lahat sa iyo. Kaya lang hindi ko kasi kayang ipagkaloob ang pinakang minimithi mo eh. Hindi kita kayang b-bigyan ng anak! A-Ayoko maiwang mag-isa, a-ayokong bumalik don sa time na halos hindi mo na ako pinapansin. Ang s-sakit ei, ang sakit-sakit. K-Kaya nagawa ko ito, gusto ko lang pagbigyan ang kagustuhan mong bumuo ng isang pamilya. At ang m-masaklap hindi ko kayang ibigay iyon sayo. Hindi mo lang alam kong gaano kahirap para sa akin na makasurvived sa araw-araw, lalo na ng mabuntis ka na. P-Pero kasi, m-makita ko lang ang maganda mong ngiti noon, kong gaano ka kasaya na sa wakas nabuntis ka na at natupad mo na ang pangarap mo. Iyon lang sapat na para kahit papano m-mabawasan iyong sakit. Alam ko walang kapatawaran ang nagawa ko mahal ko, p-pero sana wag mo akong iwan. Hindi ko makakaya, ikamamatay ko kapag iniwan mo ako. Please, maawa ka sa akin!" Wika nito habang walang tigil sa paghagulhol.
Napangiti siya ng mapait, habang patuloy na lumuluha hanggang sa ang ngiti ay naging iyak at tawa na.
"S-Sa tingin mo talaga hindi kita iiwan pagkatapos ng ginawa mo?!" Tanong niya dito, habang umiiyak at tumatawa.
Parang pinipiga ang kanyang puso ng mga sandaling iyon.
Si Solomon naman ay patuloy lamang sa paghagulhol. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, kong bakit pumalpak sa pangalawang pagkakataon. Pero sa nakikitang galit at sakit na idinulot ng kanyang maling desisyon sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Carlota. Parang napakaraming punyal ang ngayon ay paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso. Sa luhang namamalisbis sa maganda nitong mukha ay tila dobleng sakit ang dulot niyon sa kanya.
Gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa, tila may mataas na pader na ngayon ay nakapagitan sa kanila. Sa patuloy nitong pagluha, pag-iyak at pagtawa, animo ikamamatay niya iyon. Sising-sisi siya sa nagawa pero tapos na, huli na at kahit kailan hindi na niya maibabalik ang lahat.
"Carlota, sumama ka na lang sa akin. Mamuhay tayo bilang mag-asawa, mahal kita at tiyak kong kayang-kaya kitang bigyan ng maraming anak kong nais mo," Wika naman ni Gabriel na nandoon pa rin sa loob ng silid nilang mag-asawa at tila pauyam pang sinabi iyon habang matiim na nakatingin sa kanya.
Tila ipinamumukha nito sa kanya na, baog siya at kahit kailan hindi niya maaaring mabigyan ng anak ang kanyang si Carlota. Matalim ang paninging ipinukol niya dito.
"Lumabas ka na dito Gabriel! Mag-uusap kami ng asawa ko!" Puno ng awtoridad na wika niya dito.
"WAG! Walang lalabas ng silid na ito Solomon!" Galit na wika ni Carlota habang nakatingin sa kanyang mga mata. Mababanaag sa mga mata nito ang matinding galit at hinanakit. Pero hilam pa rin ito ng luha ngunit napakunot noo siya ng ngumisi ito na tila wala sa sarili tsaka lumapit kay Gabriel.
"Hindi ba't ito ang gusto mo?! Pano ba iyan, hindi pa kami tapos ei! Actually, wala pang nakakaraos sa amin. Kaya naman, mas mainam kong ituloy namin diba? At mas maganda kong pinapanood mo kami, para matiyak mo!" Tila wala sa sariling pahayag nito na agad na ikinabahala niya.
Mabilis siyang napatayo at agad na nilapitan ang asawa. Kinabig ito palayo kay Gabriel. At umiiyak na ikinulong ang mukha nito sa kanyang malaking palad.
"H-Honey, please huminahon ka ha. Hindi mo naman iyan gagawin sa akin diba? Please wag mong gawin sakin yan, hindi ko naman gusto na hayaan ang ibang lalaking gawin ang bagay na iyon sa'yo ei. N-Napilitan lang ako, gusto ko lang ibigay ang nais mong anak. K-kaya lang hindi ko kayang ibigay iyon, p-pero alam kong nagkamali ako. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko, pero wag naman ganito. Saktan mo na ako, gawin mo na lahat pero wag naman iyong ganito." Humahagulgol na wika niya, tsaka ginagap niya ang palad nito at dinala sa kanyang labi.
Humahagulgol naman ito habang sunod-sunod na umiling. Tsaka dahan-dahan sa kanyang lumayo.
"B-Bakit ha? Sinusunod ko lang naman ang nais mo, ayaw mo non hindi mo na kailangang itago pa sa akin! Kaya, manood ka! At damhin mo ang sakit, na nararamdaman ko ngayon! Wag na wag kang makikialam, dahil kapag nakialam ka sa gusto kong gawin! Bukas na bukas din, iiwan kita!" Punong-puno ng galit na banta nito sa kanya, habang patuloy sa pagbalong ang luha sa maganda nitong mukha.
"Wagggg! Diyos ko! Carlota wag, pleasee wag mong gawin ito!" Umiiyak na pakiusap niya dito, halos maglumuhod na siya.
Pero ito na mismo ang lumapit kay Gabriel at inaya sa kama ang lalaki. Siya naman ay napasabunot sa sariling buhok at patuloy na nakikiusap kay Carlota pero heto at tila wala itong naririnig. Bagkus, agad nitong itinulak si Gabriel sa kama at ito na mismo ang pumwesto sa ibabaw ng lalaki na noon ay kitang-kita niyang handa ng gawin ang bagay na tiyak niyang ikababaliw niya kapag matuloy. Mabilis siyang lumapit sa mga ito pero tiningnan siya ng masama ni Carlota, tingin na tila nagbabantang kapag gumawa pa siya ng bagay na ayaw nito. Tuluyan na siya nitong iiwan. Kaya naman nanginginig ang tuhod na dahan-dahan siyang lumayo sa kama habang hilam ng luha ang mga mata. Parang sasabog ang kanyang ulo sa sobrang sakit kaya nagsabunutan na niya iyon habang malakas na umiiyak. Paulit-ulit na binibigkas. "Wag, maawa ka!"
Ngunit agad na nanlamig ang kanyang buong katawan ng kitang-kita niya ng tuluyang upuan ni Carlota ang naghuhumindig ng alaga ni Gabriel, at ginawa iyon ni Carlota habang deritsong nakatingin sa kanyang mga mata. Wala siyang nagawa kundi tumingin na lang sa magandang mukha ng kanyang asawa na hilam din sa luha, pero punong-puno ng galit at hinanakit ang mababanaag sa mga mata nito. Habang mabilis na umiindayog sa ibabaw ni Gabriel na noon ay halos mabaliw-baliw na sa sarap na nararamdaman. Napapahiyaw pa ito at sinasalubong ang bawat pagbaba ng balakang ni Carlota. Tila nakadagdag pa sa excitement ng lalaki ang kaalamang nanonood siya dahil napapahiyaw pa ito at tila sinasadyang ipakita sa kanya na ito ang nanalo.
Napansin niya na tila nadadala na ang kanyang mahal na asawa dahil nakikita niya sa maganda nitong mukha, napapanganga na ito ng bahagya at naririnig na rin niya ang mahinang pagdaing nito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay merong napakaraming punyal ang paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso, tila wala na siyang ibang maramdaman kundi puro sakit. Minabuti niyang tumalikod na lamang at takpan ng kamay ang kanyang dalawang tenga, gusto niyang lumabas ng silid na iyon pero nais ni Carlota na manatili lamang siya doon. At panoorin kung paano ito maghiganti at nais nitong maramdaman din niya ang sakit na nararamdaman nito. Pero natitiyak niyang hindi kasing sakit ng nararamdaman nito ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Hanggang sa ang mga ungol ng lalaki at impit na pagdaing ni Carlota na tila mga palasong tumutusok sa kanya puso ay tila nagdulot pa sa kanyang ng nakaliliyong pakiramdam at panlalamig ng kanyang katawan. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin at bago siya bumagsak sa sahig, narinig pa niya ang nag-aalalang boses ng kanyang pinakamamahal na asawa. Ang napakagandang boses na palaging nagdudulot ng kasiyahan sa kanyang puso.
End of Prologue