Alas tres na ng hapon, hindi nasunod pa ang nais ni Solomon na magtungo kina Carlota dahil kailangang bantayan pa niya ang panganganak ng kalabaw. Hindi kasi basta-basta pwedeng iwan ang inahing kalabaw sa kanyang kanilang mga tauhan. Hindi kasi nakarating ang beterinaryo dahil may sinadya daw ito sa Manila kaya wala siyang maasahan kundi ang sarili lamang. Isa kasi sa pangunahing produkto ng kanilang farm ay ang kalabaw. Kaya naman sinisigurado niyang maayos ang lahat lalo na ang mga inahin. Kaya lang hindi na siya nakapunta sa bahay nina Carlota. Nakakahiya namang magtungo pa dahil hapon na rin naman kaya nagpasya siya na hindi na lamang magtungo doon. Kaya lang wala namang cellphone si Carlota para ma-contact sana niya at masabi dito ang reason niya kaya hindi siya nakapunta. Wala pa