Kinabukasan maagang gumising si Solomon upang magtungo na sa farm para personal na i-check ang lahat ng mga deliveries nila ngayong araw. Pero kahit na napaka-aga pa, eh buhay na buhay ang kanyang pakiramdam hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa kanyang puso. Iniisip kasi niya na ilang oras na lang ay makikita na naman niya si Carlota dahil balak niya na magtungo ulit sa bahay ng mga ito. Syempre maaga siyang magtutungo doon kaya mamaya pagdating nilansa palengke, magsisimula na sila kahit wala pa sa tamang oras. Kailangan niyang maging maaga kasi nais niyang matiyak kung nag-almusal ang mag-iina. Balak niyang ipagluto ng bulalo ang mga ito para naman mas maging magana ang pagkain ni Carlota, syempre pati na ang Nanay nito at mga kapatid. Syempre hindi na rin siya maka paghihintay na ma