"Ay sorry po boss! Mali S-Solomon pala, na-excite lang talaga ako kaya diko napigilan ang sarili ko," nahihiyang paumanhin ito.
"Okay lang, nagulat lang talaga ako. Oh paano nais mo na bang magsimula ngayon o bukas na lang?" tanong niya dito.
"Kung hindi pa ho kayo tapos mag-deliver pwede naman po mag simula na po ako ngayon kayo nalang po ang bahala sa sahod ko," sagot naman nito.
"Okay tayo na para masabi ko na rin kina Mang Emong na magtatrabaho ka na kasama namin," aya niya dito.
Sumunod naman ito sa kanya at ilang sandali lamang ay Nasa tapat na sila ng kanilang truck kung saan nagbababa ng mga karneng manok.
"Oh Carlota,kumusta? Bakit magkasama kayong dalawa ni Solomon?" Tanong ni Mang Emong.
"Dito na siya sa atin Mang Emong magtatrabaho bilang kargador kasi nakita ko siya kanina na nasangkot na naman siya sa gulo kaya naman naisipan ko nang alukin siya na magtrabaho sa atin," paliwanag niya sa matanda.
"Mas mabuti pa nga ang gano'n kesa naman na palipat-lipat siya ng kanyang trabaho o paano maghanda ka na ha marami pa tayong dapat buhatin," nakangiting wika naman ng matanda. Marahil nagustuhan din ito ang kanyang naging desisyon na tuluyan na nilang makakasama si Carlota. Kahit noong una ay nagustuhan na nito ang galaw ng babae. Talaga namang masipag ito maliksi pang kumilos kaya natitiyak niya na nagustuhan din ni Mang Emong ang ugali nitong iyon.
"Sige Solomon maiwan muna kita tutulong lang muna ako sa kanila." Nakangiting paalam ng babae at saka nagtungo na ito sa mga kasamahan nilang abala sa pagbubuhat.
Matapos nilang i-deliver ang lahat ng laman ng kanilang truck, nag-aya na muli siya na kumain kasama ang mga ito.
"O baka naman Carlota hindi mo nanaman kainin yang pagkain mo. Ang dami mong binuhat kanina siguradong gutom ka na at isa pa nagbuhat ka rin yata sa iba kaya dapat busugin mo ang sarili mo dahil kailangan mo ng lakas," wika ni Mang Emong dito.
"Okay lang po ako Mang Emong, wag po kayong mag-alala kakainin ko po ang pagkain na inorder natin dahil meron naman na po akong budget para sa pambili ng gamot at pagkain namin," nakangiting wika nito.
"Mabuti naman kung ganon," nakangiting wika din ng matanda.
"Magpasalamat muna tayo sa Maykapal bago tayo kumain," nakangiting wika naman niya sa mga ito. Tumango naman ang babae at nauna nang pinagsalikop ang palad at pumikit.
"Ama naming nasa langit maraming salamat po sa pagkain ito na nasa aming harapan at maging ang lahat ng biyayang ipinagkaloob ninyo sa amin ngayong araw, Amen." taimtim niyang panalangin habang nakapikit.
"Let's eat." nakangiting wika niya sa mga ito tsaka kinuha na ang kubyertos at nagsimula ng kumain.
Siya ulit ang umorder ng pagkain nito at bulalo ulit ang binili niya dahil nabatid niya na favorite nito iyon. Nagsimula na silang kumain at naging magana ang pagkain ng babae iniisip niya na bumili ulit ng ulam na maaaring iuwi sa pamilya nito.
Nang matapos silang kumain, nagpabalot nga siya ng tatlong order na ulam sa serbidora, iba't-ibang putahe para may pagpiliian ang pamilya ni Carlota.
"Solomon, wag na sana. Wala akong pambayad diyan ei tsaka sapat na itong pera kong maiuuwi sa pamilya ko, may pambili na kami ng ulam dito," wika nito.
"Hayaan mo na ngayon lang naman ei," wika niya dito.
"Kahit na, nakakahiya Solomon. Ganito na lang, ikaltas mo na lamang ito sa sahod ko sa katapusan para hindi na rin ako makonsensya. Isa pa, alam ko naman na maliit lang din ang sahod mo, kaya bakit ang hilig mong manlibre tsaka ang laki na ng ibinigay mo sa akin nong isang linggo. Alam ko na sa sahod mo iyon kinuha kaya nga nakokonsensya talaga ako ei. Iniisip ko na baka naawa ka lamang sa akin n'on kaya napilitan kang ibigay sakin ang sahod mo ng araw na iyon. Doon nga hindi na ako matahimik tapos dadagdagan mo nanaman," wika nito.
"Wag mo na Ening ipakaltas, alam mo mabait talaga iyan si Solomon. Kahit kami nga palagi libre niyan sa pagkain kahit na may allowance naman kami para sa pagkain. Binata pa kasi siya kaya ayan walang mapaglagyan ng sweldo niya, buti nga naisipan niyang magpanggap ay este naisipan niyang magpadestino dito sa truck na dinadala namin. Kaya naman hayahay tuloy kami sa pagkain, naiuuwi pa namin sa aming pamilya ang allowance," masayang wika naman ni Mang Emong. Napakamot pa nga ito sa ulo dahil siguro muntik na itong madulas.
Medyo nahiya tuloy siya, parang sinasadya ng may edad na driver na pabanguhin ang pangalan niya sa babae. Sabagay totoo naman ang sinasabi nito pero hindi naman niya nais na ipangalandakan iyon. Ito ang talagang driver ng track na sa ngayon ay minamaneho niya. Tumutulong na lamang ito sa pagbubuhat at pagrerecord ng mga idedeliver nila dahil siya na pansamantala ang nagda-drive ng truck. Ayaw niya nga sana itong pagbuhatin pero mapilit kaya ayon minsan may pasimple siyang abot dito lalo pa at may bunsong anak pa itong pinapaaral. Itong truck kasi na ito ang napili niya dahil ito lamang ang nasa malapit, bale sa mismong palengke lamang ng kanilang bayan ang sinusuplayan ng truck hindi katulad ng iba na sa mga karatig na bayan at sa Manila pa.
Isa pa ayaw din niyang maghanap ng magiging kabiyak sa ibang lugar. Mas nais niyang taga probensya din para hindi na siya mahirapan.
Kapag kasi taga siyudad o taga Manila siguradong mahihirapan pa siya sa pagkumbinsi dito na manirahan sa probinsya. Syempre nasanay na manirahan sa siyudad kaya siguradong hindi niya ito basta-basta mapapapayag.
"Sige papayag ako ngayon Solomon pero wag mo na sana itong gawin pa sa sunod. Sige ka maiilang talaga ako nito sayo iisipin ko na ikaw talaga ang boss namin kaya ganyan ka kung umasta, at saka kahit hindi mo na ako ilibre sa pagkain kasi kung may allowance naman hayaan mong iyon na lamang ang gagastusin ko para sa aking pagkain. Dapat iniisip mo rin ang kinabukasan mo hindi iyong mayapat wala ka pang asawa sa ngayon ay hindi mo na kailangang mag-ipon. Paano na lamang kung nais mo ng lumagay sa tahimik diba dapat may ipon ka lalo na dahil ikaw ang lalaki." mahabang pahayag ng babae na ikina-ngiti tuloy siya.
Talagang mature na ito kung mag-isip hindi katulad ng mga kasing edad nito na kadalagahan na tiyak niya na puro pagpapasarap sa buhay at puro gala lamang ang nasa isipan. Pansin niya, ang lahat yata ng katangian na nais niya sa isang babae ay taglay na nito pero batid niya na hindi niya ito basta-basta mapapapayag kung sakaling mag-propose siya dito. Batid niya sa kanyang sarili na may something sa kanyang puso na hindi naman niya mapangalanan kung ano basta masaya lamang siya na nakikita niya ang babae at tiyak niya na hindi na ito madadawit sa kahit anong gulo. Tsaka iniisip niya na matulungan talaga ito.
Masyado na talaga yata siyang ma-attach na magkaroon na rin ng pamilya dahil kahit na batid niyang hindi naman ito magkakagusto sa kanya ei nagiging advance na ang kanyang isipan.
"Tama ka naman doon Carlota, sige sa susunod hindi na ako oorder ng para sa pamilya mo pero ngayon tanggapin mo na ito at huwag mo nang bayaran at sa susunod hindi ako papayag na gastusin mo pa ang allowance mo dahil malaking tulong din iyon sa inyo. Tsaka diba sila Mang Emong naman libre ko sa pagkain pati na itong si Esteban at Gabriel, kaya wag mo nang tanggihan kasi kaya naman sa budget. Masaya na akong nakatulong sa inyo. Ang totoo isang buwan lang naman ako mananatili bilang driver ng truck na ito kasi baka ipadala na rin ako ni boss sa malayo kapag natapos na ang pag extra ko dito sa truck kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko dahil masaya ako dito," nakangiting pahayag niya dito.
Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito at pagbahid ng kalungkutan sa mga mata nito.
"Aalis ka rin pala? Akala ko magkakasama tayo dito nang matagal," malungkot na tanong nito.
"Kailangan eh, kasi extra lang talaga ako dito. Pero kapag napadalaw naman ako dito sa probinsya, maaari ko naman kayong dalawin dito. Kaya wag ka na malungkot dyan at saka hindi pa naman tapos ang pinapagawa sa akin ni boss kaya habang nandito ako dapat maging masaya tayo kaya naman hayaan mo ng ako ang bahala sa pagkain mo," nakangiting wika niya dito.
Napansin din niya na tila lumungkot ang mukha ng tatlo pa nilang kasama. Marahil malaki talagang kaginhawahan sa mga ito ang panlilibre niya ng pananghalian. Lalo pa at naikwento na rin ng tatlo ang sitwasyon ng pamilya ng mga ito sa kanya.
Matapos nilang kumain oras na para umuwi sila pasado alas dyes na nang mga oras na iyon kaya kailangan ng nilang makauwi dahil tapos na rin naman ang lahat ng delivery nila. Iniabot niya ang sahod nito ng araw na iyon. Hindi naman talaga iyan maituturing na sahod dahil sa katapusan pa ang sweldo ng mga ito. Ang natatanggap ng mga ito sa araw-araw ay ang porsyento kung ilang kilo ang nabuhat. Hindi na rin masama kung ikukumpara sa iba, sa ibang may mga farm kasi sweldo lamang sa isang buwan o arawan ang nangyayari sa mga trabahador pero dahil mahal ng kanyang Papa ang mga trabahante nila at naiintindihan nito ang pangangailangan ng mga ito. May sweldo na buwan-buwan, at may porsyento pa sa bawat kilo ng karne at gulay na maidedeliver at mabubuhat ng mga ito.
Matapos magpasalamat ang babae, nagpaalam na ito sa kanya. Sila naman ay umalis na rin pero hindi katulad noong una nilang paghihiwalay ng babae. Noon mabigat ang kanyang kalooban at nakokonsensya sa kanyang ginawa dito pero ngayon hindi na, parehas pa nga silang nakangiti at kumaway pa ang babae sa kanila. Parang ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam hindi tuloy nakaligtas kina Mang Emong ang kasiyahan niya dahil sa daan ei naging tampulan siya ng tukso ng mga ito. Kesyo bagay daw sila ni Carlota, kesyo mukhang nahanap na daw niya ang babaeng kanyang mapapangasawa. Pero sa tingin naman ni Solomon, malabo iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila at isa pa puro pamilya at kumita ng pera ang nasa isip ni Carlota, malabong magkaron ito ng panahon sa mga katulad niya.
ITUTULOY