5

1979 Words
Ride... Napayukyok ako sa lamesa habang nasa kalagitnaan ng klase. Grabe, inaantok talaga ako ng sobra. Hindi ko naman alam na nakakaubos pala ng lakas makasama ang Puntavega pati yung mga babae. Si Ice, wala siyang ginawa kung hindi matulog sa sala. Si Mattee lang ang nangiistorbo sa kanya at nakakaamaze dahil walang talab. Kinurot pa nga ni Mattee yung tyan niya kaya lang ang magandang naidulot lang noon e nahagip ng mata ko yung abs niya. Nakakaloka, akala ko si Lexo lang yung maganda amg katawan, o baka lahat talaga sila? Si Keso naman ay parang tuko kung makakapit kay Andrea. Magyakap lang lagi at akala mo miss na miss ang isa't isa. Akala mo pinaghiwalay dati ng tadhana. Tapos, si Milan at Dee, di ko maintindihan kung anong meron, bangayan ng bangayan pero palagi naman magkatabi. Kapag tumayo si Dakota, nakasunod agad si Milan. Kulang na lang pasukin niya hanggang sa banyo. Si Ulap at Lexo, sobrang weird. Hindi naman sila ang kambal pero ayaw nila maghiwalay. Gago nga to si Ulap, gusto niya akong isama sa pool ulit. Sa sobrang inis ko sinipa ko siya pabalik sa pool. Ang gago imbes na magalit tuwang tuwa kase akala nakikipaglaro ako sa kanila. Nagpasipa din si Lexo, ang walangya. My whole afternoon had been so eventful. Habang tambay ako sa sala at dinadaldal ako ng mga babae, si Cloud bigla na lang susulpot tapos akung ano ano ang dala. Pareho sila ni Lexo.  He really is a kid. Pero grabe, ang pinakakinabahan ako ay dun sa kay Lantis. Kase di ko siya napansin the entire time. Nagulat na lang ako kase katabi ko na siya sa kotse nung pauwi na. Hindi ko na siya kinausap kase sobrang tahimik. Nakatingin lang siya sa labas parang may iniisip. Hinatid ako ni Ice at Mattee.  Si Aedree at Xantha bumalik lang nung susunduin na yung mga lalaki. Sila ang amg uwi dun sa dalawang kung ano ano ang hinuli. Mga pagod, lagpak sa backseat nung huli kong nakita. Yun nga, maghapon kami kila Andrea. Uminom naman ako ng gamot pero nung makauwi ako, sumama na naman ng konti ang pakiramdam ko kaya ayan, absent ako kanina sa dalawang klase. Kung hindi ko lang major ang huli kong klase na to ay hindi ako babangon sa higaan. Kasalanan talaga ito ni Cloud.  Sinulyapan ko ang prof namin na busy sa binabasa. May pinasagutan siya samin na tinapos ko naman agad para di ako lalo mahilo.  Inilibot ko ng bahagya ang aking paningin sa buong klase. Nakita ko pa ang isa na naghihkab din. Meron pa nga yatang tulog na. Good, hindi lang ako ang walang gana.  Muli kong ipinikit ang aking mga mata para maibsan ang kirot na nararamdaman. Oo nga pala, kailangan ko pang bumili ng bagong cellphone. Nag give up na yung phone ko nung nalaglag sa pool. Buti na lang gumagana pa naman yung sim. Napailing ako. Sayang naman yung pambili ko ng bagong telepono. Pambayad na sana yun ng kung ano anong projects at makakabili pa sana ko ng mga bagong damit. Agad na pumasok sa isip ko si Cloud.Papahirapan ko talaga ang lalaking yun. Sa isip isip ko ay kung ano ano ng kawalangyaan ang nagawa ko kay Cloud. Hindi ko pa nakikita yung aso niya daw e pero balita ko nagbabra. Punyeta, sobrang weird talaga. Napaangat ang aking ulo mula sa pagkakayukyok ng may madinig akong katok sa may pintuan.  "Mr. Puntavega, ano ang maipaglilingkod ko at nadalaw mo ako bigla sa klase?" nakangiting tanong ng prof namin. Medyo may edad na siya pero mabait naman. Napakunot noo ako. Anong ginagawa dito ni Cloud? "Hala ma'am hindi po kayo yung dinadalaw ko po," natawa ako sa naging sagot ng loko. Si ma'am naman parang natawa lang at sanay na kay Ulap. Sabagay, medyo kilala nga silang magkakapatid at magpipinsan dito. He was wearing a plain black shirt and denim pants tapos may nakabaligtad na cap sa kanyang ulo. Sobrang casual pero yung mga kaklase ko lalo na yung mga babae parang biglang nabuhayan. Kanina lang parang mga patay na bata tong mga to. "Hi Ulap! Nasaan kuya mo?" "Ulap! Hello! Cute mo!" Napairap naman ako. Parang mga kiti kiti. Si Ulap naman nag peace sign dun sa mga babae, siraulo. Ayun, parang nagisay yung mga babae, naghahampasan. Ako kaya humampas sa kanila? "Tsk," ingos ko. Peace peace sign pa, kala ko ba Cloud tawag pag di close. "Ikaw talaga Cloud. Kamusta naman ang parents ninyo?" Nakita ko pang tumingin sa kisame si Cloud na parang ang lalim pa ng iniisip bago sumagot. "Hindi ko pa po nakakausap pero gusto niyo tawagan natin si Mommy tapos ikakamusta ko po kayo?" inosente niyang turan. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko pati si ma'am. Kung iba siguro ang sumagot ng ganon baka napapunta na ng guidance. "No need iho. What brings you here?" nakangiting tanong pa din ng prof namin. Bilib din ako kay Ma'am, tibay ng pasensya. Bigla namang inilibot ni Cloud ang tingin niya sa buong klase hanggang sa maglanding ang kanyang mga mata sa direksyon ko. Napaayos tuloy ako bigla ng upo.  Ano na naman kaya ang trip ng damulag na to? "Ma'am, pwede po i-excuse si Bobbie?" turo niya sakin bago ngumiti ng matamis sa prof ko. Napaangat pa ako ng kilay ng halos lahat sila ay napatingin sa akin. Yung ibang babae kung makatingin akala mo ang gaganda din. Dukutin ko kaya mata ng mga to. "Oh," mukhang naging interesado naman bigla si ma'am. Iba din, tsismis mode. "What business do you need with Miss Madrigal?" Napapout pa ako. Kaya nga, ano na naman kelangan niya sakin e palagi niya kaya akong tinatakasan.  "Kase po ang init niya nung yakap ko siya kahapon. Nagkasakit yata siya nung nahulog ko po siya sa pool!" Napapikit naman ako sa kanyang sinabi. Ang galing galing, detalyado. Dinig na dinig ko ang pagsinghap ng iba kong mga kaklase. Agad na kumalat ang bulong bulungan sa loob. "Girlfriend ka ni Cloud?!" nanlalaki ang matang tanong ng babae sa tabi ko. Yung katabi niya ang talim ng tingin, sarap saksakin ng ballpen e. "No," I answered flatly. "Then why did he hug you?" mataray na tanong niya. "Why do you care?" sagot ko naman pabalik. Antipatika. Hindi siya nakakibo.  Hindi ako palaaway pero ayoko ng naaapi ako. Napatingin naman ako kay Ulap at sinamaan siya ng tingin. Gusto niya bang awayin ako ng mga babae sa school na ito? Si Ulap parang di naman nakaramdam. Kinawayan pa ako.  "Barbara! Dali! Binili kita gamot o, dali para gumaling ka na. Sabi ko kila kuya aalagaan kita e," parang proud pa ang loko.  Natawa naman si ma'am.  I grunted internally.  Baliw talaga. "Miss Madrigal, kaya pala mukha kang lantang gulay dyan. Kung tapos ka naman na din, pwede ka ng umuwi. Tutal ay may sakit ka naman pala," Napanganga ako sa sinabi niya. "Seryoso po?" hindi ko makapaniwalang turan. E ang strikto kaya nito ni Ma'am. Galit nganto pag late ka. Kaya nga din hindi ko.man lang naisipang mag absent tapos eto, napapatawa siya ng ganun ganun ni Ulap? "Bobbie bilis, hindi naman joker si ma'am. Tara! Tara! Ma'am ang bait niyo talaga kaya favorite ko kayo e," He was beaming so happily with our professor samantalang ako ay parang tuod na hindi agad maligpit ang aking gamit sa pagkagulat. Ganun ganun na lang yun? Kahit hanggang sa maiabot ko ang aking papel at mahatak ni Ulap sa palabas ay parang hindi pa din ako makapaniwala.  "Akina nga yang bag mo," nagulat ako ng abutin niya ang aking gamit. Ayoko sanang ibigay pero masyado akong lutang. Bago pa ako nakapag isip ay nakuha na niya sa akin ang bag ko. "Ako na magdadala nito," napatitig ako sa kanyang mukha ng bigla siyang ngumiti.  He has a boxy grin and it's beautiful. Naipilig ko ang aking ulo.  Focus Bobbie. Inirapan ko siya bigla.  "Bakit mo ginawa yon?" pagalit kong tanong sa kanya. Napansin ko na may mga estudyanteng napapatingin sa gawi namin. Siguro dahil hindi nga naman normal na may kasamangnibang babae ang isang Puntavega maliban kila Dee, Xantha at Chaese. And of course, may masama ang tingin. Inirapan pa ako. Irapan ko nga pabalik. Hindi ako nagpapa api ha. Napakunot naman ang kanyang noo. "Alin? Ayaw mo bang kunin ko bag mo? O ayan," napanganga ako ng akmang ibabalik niya ulit yon sakin pero naitulak ko naman agad sa kanya pabalik dahil sa inis. Bwisit talaga. "Bitbitin mo yan! Hindi tayo bati, naiinis ako sayo!" pagtataray ko sa kanya. He was pouting like a kid which he is. Pero nakakainis lang dahil wala siyang kaalam alam kung anong bigat ang dala ng ginawa niya sa buhay ko. "Bobbieeee!!!" napalingon kami ng madinig ang impit na tili ni Andrea. Halos magtatakbo na siya palapit sa akin. I didn't know that she's like this. Kase ang tahimik niya lang dati nung nakikita ko soya kasama ang kapatid niya. Niyakap naman niya ako agad. Si Xantha na nasa kanyang tabi ay natawa na din tsaka ako niyakap ng bitawan ako ni Chaese. "Pasensya na. Excited sa kaibigan yang si Andeng. Palibhasa hindi makasabay sa trip ng ate niya at ni Mattee," sagot ni Xantha na ikinailing ko. I get it. Medyo walanghiya ang dila ng pinsan ko. Ganoon din naman ako pero madalas talaga sa utak ko lang ako nangwawalanghiya. Si Dee naman ay napansin kong medyo prim and proper kumilos pero yung kamay ang layo ng naaabot. Nakailang batok nga siya kila Lexo nung nakaraan. Napalingon ako sa paligid. Wala yata ang mga lalaki. Mukhang napansin naman ni Andrea ang ginawa ko kaya siya biglang ngumiti.  "Wala silang pasok. Tara sa Rkive. Nandoon sila," naiangkla niya na agad ang kanyang kamay sa aking braso at napatingin na lang ako kay Ulap na salubong na agad ang kilay. "Bakit ka nakasimangot?" tanong ko habang naglalakad kami.  "Wala. Akala ko ba hindi mo ko bati?" masungit na sagot niya na ikinataas ng aking kilay. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa parking lot. "Si Ulap ang magdadrive?" taka kong tanong. Natawa naman si Andrea bago pumasok agad sa backseat. Sumunod din agad si Xantha.  Nilingon ko si Ulap na naglakad na sa tabi ko. Pagbubuksan pa yata ako ng pintuan sa harap. "You're driving? Sayo ba to?" tanong ko ulit. Seryoso na ang kanyang mukha. "Kay Lexo. I don't have a car. Naibangga na din dati ni Lantis. I don't usually drive but I have a license Barbara,"  Inirapan ko naman siya agad. "Naninigurado lang,"  I was about to open the door when he beat me into it. Napatingin ako sa kanya at ganoon na lamang ang gulat ko ng marealize na halos magkadikit na ang aming mukha dahil sa pagkakayuko niya. Damn. "Huwag kang mag alalaa. Makakarating ka sa gusto mong puntahan," umpisa niya. His voice was so deep, parang hinugot sa kailaliman ng dagat. "You're safe when you ride with me," dagdag niya na nakapagpalaglag ng panga ko.  Shit. Napalunok ako. Bakit parang iba yata sa pandinig ko yun? I saw him smirk when he saw my reaction at agad na din niyang binuksan ang pinto tsaka ako pinapasok. Para akong tanga na sumunod naman agad. I watch as he jog on the driver's side.  Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Andrea.  "Okay ka lang?" tanong niya. Bago pa ako nakasagot ay bumukas na ang pintuan at agad nakapasok si Ulap.  He looked at me and raised his eyebrows.  "Seatbelt, Barbara. O gusto mong tulungan kita?" nakangisi niyang turan.  Para akong sira ulong hindi magkadamayaw sa pagsuot ng seatbelt. Baka lumapit na naman siya e ang weird weird niya pag ganon. Ay tangina. Bakit parang ibang Ulap to? Napalunok ako. Parang hindi na siya yung lalaking tumatakas kapag tinuturuan ko. What the hell is wrong with him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD