6

2738 Words
Kalmot... My body was sprawled on my bed. It's Sunday pero lantang gulay ako dito sa kama.  Dalawang linggo na ang lumipas pero sabi ng utak ko ay hindi pa din ako magaling, nagpapabebe. Pagkatapos gumawa ng eksena ni Ulap sa room ng sunduin niya ako ay dumiretso kami sa Rkive. Yun pala yung sinasabi ng mga estudyante na tambayan din ng mga Puntavega. Sa ibaba noon ay archade shop.  It was quite fascinating. I'm not into games pero nakakaaliw din tumambay doon. Mayroon ding cafeteria so wala ka na talagang kailangan pa. Iyon nga lamang ay napakadaming babae. Pero sa taas naman kami nakatambay dahil personal space nila iyon. Isang bagay lang talaga ang napansin ko sa pamilya nila, they value their space and privacy so much. They try to live as quietly as possible kaya siguro iilan lang din ang malapit sa kanila. Parang napakadami nilang lihim at mailap sa mga tao. Mailap in a sense na hindi sila pabida kahit pwede naman. As much as possible, ayaw nilang nakakakuha ng atensyon mula sa mga tao. Ganoon ang mga Puntavega, mailap. Alam kong mayaman sila pero kung umasta sila ay para silang mahihirap. Ang kita daw ng Rkive ay sa magpipinsan daw talaga napupunta dahil tinayo nila ito sa sarili nilang pera, pero si Kuya Julio ang nagmamanage.  Sabagay, puro laro lang naman kase ang inaatupag nila Ulap at Lexo. Si Kuya Milan parang alipin ni Dakota tapos si Kuya Ice nawawala na lang parang bula, malamang tulog. Si Keso nakakapit lang kay Andeng tapos si Kuya Aedree naman ay nabubuhay na lang yata sa pambubwisit kay Xantha at pagiging Mr. Friendly. All in all, they are all so weird. Ayun pa pala, may kaibigan pa sila, yung si Cinco na pinsan ni Xantha pero parang pinaglihi sa sama ng loob. Napakataray at palagi nakasimangot. Pero pansin ko na close si Andeng sa kanya kahit palagi niyang pinapalayas kapag kumakapit sa kanya. And Chase, kahit mukhang nagseselos, I can feel that he trust the man enough to let Andrea stay with him kapag wala siya. In short, I met a lot of weird people. Ang dating tahimik kong college life ay medyo gumulo. There were days when I don't see them and I continue my usual routine. Kapag kase ang mga babae ang kasama ko ay nauuwi sa shopping lalo na kapag kasama ang pinsan kong si Mattee. Napilitan na din akong dumalaw sa resto nila Mattee dahil nandun madalas sila tita.  Galit na galit nga kay Papa. Hindi na lang din ako kumibo dahil mas lalo ko lamang namimiss ang mga magulang ko. Sabi ni Tita ay pumunta ako sa resto kapag may kailangan ako. Si Mattee, hindi pumayag na hindi ako mabilhan ng bagong phone. Hindi niya din ako pinapagastos kapag bumibili kami ng mga damit. She's spoiling me pero hindi na ako nagreklamo. Gusto ko din naman e. Napagulong ako sa kama at napaungol habang nag iinat ng aking katawan. Kung normal na araw to ay baka nakakadalawang tasa na ko ng kape. I love the smell of coffee kaya madalas akong tumambay sa coffee shop malapit dito sa dorm. Doon ako minsan nag rereview ng notes o kaya naman ay nagsusulat ng mga articles ko. May coffee shop daw ang mama ni Chaese pero hindi pa ako nakasama doon.  Pero dahil nanlalata pa din ako ay wala akong ganang lumabas. Narinig kong nag ring ang aking phone. Napakunot noo ako. Sunday ngayon, huwag mong sabihing may gala na naman ang mga babae? Iniabot ko ang aking telepono at napabuntong hininga ng makita kung sino ang tumatawag. "Ano na naman Ulap? Hindi kita sasamahan kung anuman yang trip mo. Ano-" "Babaeng mainit..." isang malamig na tinig ng babae ang bumungad sakin. "Ha? Babaeng ano?" taka kong tanong. Napatingin ako ulit sa phone. Number ni Ulap to ah. "Babaeng mainit nakasave dito sa phone ni Ulap," Ano daw? "Si Barbara to no?" Hindi ko alam kung bakit para akong lalong kinabahan at napaayos ako ng upo. Kinilabutan akong bigla. Napalunok ako. "Lantis?" tanong ko.  Ito pa pala ang isa, si Atlantis Grey - ang nag iisang babae ng mga Puntavega. Hindi ko masyadong kilala ang babaeng ito dahil tatlong beses ko pa lang siya nakita, sa bahay nila Andrea tapos yung dalawa sa school na. Bigla na alng siyang sumusulpot parang aswang. Tapos nakakakanerbyos. Lantis tawag nila sa kanya pero minsan nadidinig ko na Grey tawag sa kanya. Ayoko namang kulitin si Ulap tungkol sa kanya kase parang naiinis minsan si Ulap sa kanya. "Sunduin mo ko. Wala akong pera,"  "Ha?" naguguluhan kong tanong. Ano ba tong batang to. Walang ka emo-emosyon. Parang di napapakain ng maayos. Tsaka bakit sakin to nagpapasundo e ang dami niyang kapatid? "Bakit hindi ka sa kapatid o pinsan mo magpasundo?" taka kong tanong. Isa din tong perwisyo. "Wala akong kapatid at pinsan. Tapos tinatawagan ko yung nga kuya ni Grey pero ayaw sagutin. Bilis. Puntahan mo ko sa Cafe Oliveros," "Pero-" bago pa ko nakakontra ay namatay na ang tawag. Napatitig ako sa phone ko.  Hala tangina. Tinatamad nga akong lumabas di ba?  Napahiga ako ulit at nagpapadyak! "Wahhh!!!" parang malapit ko na yatang maisumpa yung angkan nila. Napadapa ako ng higa bago naisipang tawagan si Mattee. Nakakalimang ring na bago niya sinagot. "Hmmmm?" paos ang kanyang tinig at parang tulog pa ang diwa. Magpinsan nga kami. "Nasaan yung mga Kuya ni Ulap? Tumawag sakin si Grey gamit phone ni Ulap, hindi daw sinasagot ng mga kuya niya yung tawag," sumbong ko. Baka pwedeng sila na lang sumundo. Isa pa wala naman akong kotse. Hindi din kami close, baka maging awkward kami. "Gamit niya phone ni Ulap? Hindi talaga siya sasagutin. Puro kagaguhan si Ulap kapag tumatawag e. Sunduin mo na lang," sagot niya at ang walangya, pinatayan din ako ng tawag. Nagsalubong ang aking kilay. Bakit ba wala akong number ng mga pinsan at kapatid ni Ulap? Nanggigigil ako. Naisip ko bigla ang seryoso pero cute na mukha ni Lantis. Baka mapano yun, konsensya ko pa. Nanlalata man ay napabangon na ako at mabilis kumuha ng damit na pampalit. Mabilis lang akong nagbuhos dahil ayokong lumabas na hindi naliligo. Hindi nagtagal ay papunta na din ako sa sinasabi niyang cafe. Malapit lang pala yun sa school ni Mattee. Napasimangot ako. Sayang bayad ko sa taxi. Sisingilin ko to si Ulap. Nang dumating ako sa cafe ay agad kong iginala ang aking tingin. Buti na lang sa cafe niya gustong magkita. Makakapagkape ako kahit paano. Nasaan na kaya ang babae na yun? Wala namang masyadong tao. "Tawagan mo naman sila o. O kaya pwede ko bang makuha number ni Milan?" "s**t, si Julio sobrang gwapo! Tawagin mo mga kuya mo please!" "Friends na tayo, bakit ang sungit mo naman!" "Kahit kay Alexo Gold na lang! Oh my God, super hot niya!" Napalingon ako sa mga nagsasalita. Parang gets ko na kung nasaan siya.  On the far corner of the cafe, merong tatlong babaeng nakatayo harap ng isang cube. Napakunot ako ng noo ng mapansing inaawat na sila nung isang crew. "Ma'am, sorry po talaga pero please po tama na," panay ang kanyang yuko samantalang yung tatlo parang inis na. "Hindi naman namin siya inaano ah!" nagtaas pa ng boses yung isa.  "Tsaka ang arte mo naman. Hinihingi lang namin number ng mga kuya mo!" "Ibigay mo na samin. O kaya amin na yung phone mo. Wala kang silbi kami na lang hahanap," "Ang arte!" "Kuya...." may nadinig akong parang umiiyak. "Miss Grey..." parang nagpapanic na yung crew at bigla akong kinabahan. Napalakad ako agad sa direksyon nila. "Lantis?" tawag ko at napalingon silang lahat sa akin. Nagkaroon ng space sa pagitan nila at parang nadurog ang puso ko ng makita ko si Lantis, takip takip niya ang kanyang tengga at bakas sa kanyang pisngi ang mga luha. I saw how she was trying to catch her breath, her body shaking. Nakaupo na siya sa bandang dulo at parang takot na takot sa nangyayari, ibang iba sa itsura niya kapag nakikita ko siya sa school. Our eyes met and recognition filled her expression. Parang dinukot ang puso ko ng maaninag ang takot sa kanyang mga mata. Yung inis ko kanina ng tawagan niya ako ay parang bulang biglang naglaho. Para siyang si Lexo na naging baby bigla. "Oh my God..." bulong ko at lalong napalapit pero hinatak ako nung isang babae. "Nauna kami dito!" Itinulak niya ako ng malakas at tumama ang aking likod sa kanto ng lamesa. Napaungol ako ng konti. Punyeta. Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag nagkasugat talaga ako ay makakalmot ko tong babae na to. Nanlaki ang aking mga mata ng biglang magtitili si Lantis habang tinatakpan ang tengga.  Nagulat kaming lahat.  "Anong nangyayari?" tanong ko. Parang bumilis bigla ang t***k ng aking puso. She was trashing. Tumigil siyang tumili pero parang kinakapos ang kanyang hininga. She started balling into a fetal position, napapayuko at pilit itinatago ang sarili. Hindi masyadong madami ang tao sa cafe dahil linggo pero napapalingon silang lahat sa direksyon namin. Meron pang ibang nagvivideo.  Akma na namang lalapit yung isa para sana siya hawakan pero umilag si Lantis. "No! Stay away!" bumubulong si Lantis at parang may kumukurot sa puso ko.  "Wala kaming ginagawa," gulat na turan ng isa. Yung crew ay bigla na lang tumakbo sa kung saan.  Lumapit ako at itinulak sila palayo. "Alis! Umalis kayo!" galit kong turan. Whatever is happening to this girl, I think it's very serious.  Agad akong lumapit sa kanya at tsaka siya niyakap. Itinulak tulak niya ako pero di ko siya binitawan. Hinahampas niya yung lamesa. Sinasaktan niya ang sarili niya.  Para akong naiiyak sa nangyayari. "Lantis, si Ate Bobbie to. I'm a friend...." bulong ko sa kanya habang yakap pa din ang kanyang katawan. Sinubukan kong pigilan ang kanyang mga kamay kahit na pati ako ay nalalamog na. Nararamdaman ko ang mga kalmot niya sakin. Nanginginig ang boses ko sa takot at pag aalalala.  Hindi ko alam na may ganitong side ang batang ito. Kaya ba palagi na lang siyang hinahayaan ng mga kuya niya?  "Oh my God she's a freak!" sigaw nung isa. Napalingon ako agad sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko naman na may lumabas sa kusina at agad na lumapit samin.  "Grey?" nag aalalang turan nung lalaki.  "Kuya Dennis ginulo nila si Grey!" sumbong nung isang crew.  "Wala kaming ginagawa! She's crazy!"  Galit na humarap ang lalaki sa mga babae. "Miss, umalis na kayo dito at please huwag na kayong babalik," parang galit na turan nung lalaking tinawag nung isa na Dennis. Nagprotesta naman yung mga babae. Kung hindi ko hawak si Lantis baka nabalibag ko ng lamesa ang mga to.  I heard what they were saying earlier. Pinupwersa nila yung bata na ibigay ang number ng mga kuya niya. "Natawagan niyo na ba si Andrea?" Hindi ko na nasundan kung anong pinag uusapan nila dahil humahagulgol na si Lantis sa dibdib ko. She stopped trashing a little but she was having a hard time catching her breath. "Lantis, listen to ate ha? You're safe. Hindi ka na nila lalapitan. Just breathe, okay?" bulong ko sa kanya.  Para akong tinakasan ng aking kaluluwa. Never once in my life na nakakita ng taong nagpapapanic attack. And I feel so goddamn lucky that despite my problems now, my heart is abke to handle the pain. Pero ang batang ito, para siyang kristal na nagkakalamat.  Hindi niya kaya. "No! Si Grey ang nandito!" nadinig ko si Dennis sa telepono. "If it's Lantis kaya kong bitbiti-" Hinimas himas ko ang kanyang likod.  "Baby girl, it's alright. No one will harm you..." bulong ko pa sa kanya. Naramdaman kong kumapit siya sa damit ko at medyo nanginginig pa din.  Parang nag iba bigla ang tingin ko sa kanya. She's so fragile.  "Grey!" Napalingon kami ng may madinig na sumisigaw. Si Kuya Ice, sa likod niya ay si Chase na seryoso din ang mukha.  "Ice! Wala kaming ginagawa!" paliwanag nung isa. Balak pa sanang magsalita nung kasama niya pero natigil siya ng mapansin ang malamig na tingin ni Kuya Ice sa kanya.  Ice Puntavega, his aura is so different. Yung tipong gusto mo tulog na lang siya? Yung nakakatakot na awra sa paligid niya, mas lamang yata sa kagwapuhan niya. Parang, oo siguro magiging crush mo pero dapat handa kang mamatay, parang ganon.  "Get out of sight," malamig niyang turan bago nilampasan ang mga ito.  Halata ang gulat sa kanyang mukha ng makita si Grey na nakayakap sa akin.  "Bobbie?" takang turan ni Chase.  "She called me using Ulap's phone. Hindi niyo daw siya sinasagot," paliwanag ko at napaungol si Chase. Napamura naman si Kuya Ice. "Grey, pumps..." tawag ni Ice sa kapatid at pati puso ko yata ay natunaw sa sobrang lambot at lambing ng pagkakabigkas niya sa pangalan ng kapatid. Parang naging ibang tao siya bigla. Nag angat naman agad ng tingin si Grey na puno pa din ng luha ang pisngi. "Kuya Yelo..." umiiyak niyang turan. Agad naman akong tumayo at binutawan siya. Grey spread her arms like a little baby at parang naintindihan aga dng kapatid niya.  Lumapit siya agad kay Grey at niyakap ang kapatid.  "Kuya sasaktan nila ako..." sumbong nito sa kapatid at nakita ko kung paano pumikit si Kuya Ice, ang kanyang mga pangga ay nag igting. Hindi ko maiwasang kabahan.  Si Chase ay nagpapasalamat dun sa Dennis at sa crew.  "Okay lang Chase. Pamilya din kayo ni Andrea. Buti na lang at dito napadpad si Grey at hindi sa ibang cafe," sagot nito.  Bahagya naman akong naguluhan. Ito ba ang cafe nila Andrea? "We're taking you home, pumps. Hindi ka na nila masasaktan. They're going to have to go through your kuyas first," bulong ni Ice. My heart melted at the sight of them. Nainggit ako bigla dahil wala akong mga kapatid. Pinanuod ko si Ice na walang kahirap hirap binuhat ang kapatid habang si Grey ay itinatago ang mukha sa dibdib ng kuya niya.  Ang mga tao sa cafe ay parang mga tuod na nakanganga habang nanunuod.  Nagulat ako ng hinarap sila bigla ni Chase. "Sorry but can you all delete the videos and photos that you guys took? Kapag may kahit isa kaming nakita sa internet, we'll make sure to trace them and you'll have to deal with our family lawyer," seryoso niyang turan. Nagbow pa siya  bago ako nilingon.  "Kami ng bahala Chase," nadinig kong turan ni Dennis.  Tinignan ako ni Chase bago napabuntong hininga. He was staring at my arms at napatingin na din ako. Ngayon ko lang napansin ang mga kalmot ni Grey na naiwan sa braso ko, nagsugat pala. Masyado akong pre-occupied, ni hindi ko maramdaman ang hapdi sa katawan ko. "Sama ka muna samin Bobbie. Magagalit na naman ang kambal ko," "Ha?" taka kong tanong. Hindi na ko nakaporma. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang kaming lahat. Si Ice ay nasa likod, sa kandungan niya ay nandoon si Grey at nakayakap pa din sa kuya niya. Tulog yata si Grey. Ako naman ay nakaupo sa harap habang nagdadrive si Chase. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Naubusan yata ako ng lakas. "Thank you..." napalingon ako ng madinig ang boses ni Kuya Ice. Bihira ko lang madinig tong magsalita e. "Salamat at nandun ka para kay Grey. Nakakagulat na napakalma mo siya kahit paano," napabaling ako ulit sa harapan.  Hindi ko masyadong maintindihan ang nangyari pero siguro kahit hindi ako pakialamera ay gagawin ko pa din yun.  "She smells like kuya Ulap..." nadinig kong bulong ni Grey sa kuya niya kaya napalingon ako ulit. Napansin kong nakaangat ang kanyang kilay. Si Chase naman ay natawa.  "Pansin ko din. Naamoy ko. Pareho kayo ng pabango?" tanong ni Chasee sakin at namula ang aking pisngi.  Bigay sakin ni Ulap yun. Para daw bati na kami e nagustuhan ko ang amoy.  "Sino pala ang tumawag sayo kanina? Si Grey o si Lantis?" takang tanong ni Chase at napalingon naman ako.  Ano daw? "Ha?" he must have seen the confusion on my face at agad nalukot ang kanyang mukha.  "Nevermind. Mamaya na lang. Kanina pa stress ang kambal ko kakahanap ng phone niya. Baka daw nagwawala ka na naman at tinatawagan siya. Palagi mo daw siya namimiss e," pang iinis ni Chase at hindi ko napigilan ang pag irap.  Si Ulap, mamimiss ko?  Napalunok ako. Biglang pumasok sa isipan ko yung boxy smile niya.  Hindi kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD