bc

Cloud (PS2)

book_age12+
2.0K
FOLLOW
3.9K
READ
billionaire
pregnant
independent
drama
comedy
campus
city
cheating
coming of age
sassy
like
intro-logo
Blurb

Umalis si Barbara sa kanila at sinuway ang kagustuhan ng kanyang ama na maipakasal sa hindi niya kilala. And then she met Cloud Puntavega and found herself falling for his weird personality.

Kaya lamang ay isnag trahedya ang sisira sa kanilang samahan. But after five long years of being away from each other, she'll find herself coming back dala ang anak na hindi niya nagawnag ipakilala noon rito.

Pwede pa ba?

chap-preview
Free preview
1
Flower... Napaungol ako ng mabasa ang message na nareceive ko mula sa OIC ng Scholars Guild ng aming paaralan. Sa dinami-rami ng pwedeng ma-assign talaga sa akin, naku.   Kahapon ay nagsimula kaming magreview pero ang lalaking yun, isang oras na ay iisa pa lang ang sinasagutan out of 50 questions na inilatag ko. Gusto ko sanang malaman kung saan kami mag uumpisa pero parang napakahirap talagang turuan ng lalaking iyon. "Hinahanap mo ba yung alaga mo?" Napanguso ako ng marinig ang tanong ng aking kaklase. Ang pangit pangit na nga napakapakialamera pa. Nung isang araw pa to kausap ng kausap sakin simula ng makita niya kong kausap yung study buddy ko. Hindi ko nga natatandaan name niya. Tsaka alaga? Ang laki laki nung tao bakit ko magiging alaga? Muntik na kong mapaismid. Sinulyapan ko siya bago pilit akong ngumiti. Kaya ayaw kong pumapasok dito sa scholar's guild. Matatalino nga mga tao pero madami pa ding atribida. "It's fine. Nandyan lang yan. Makikita ko din maya maya," sagot ko. She looked like she wanted to add something pero tinalikuran ko na siya agad habang dala dala ko ang aking libro. Stress na nga ako kung paano ko pagkakasyahin ang oras ko tapos kukwentuhan niya pa yata ako.  Pag labas ko ng silid ay agad akong napabuntong hininga. Saan ko na naman kaya hahanapin ang lalaking yun? Last sem pa ko namomroblema sa kanya. Palagi akong tinatakasan. Muntik na siyang bumagsak last sem. Although halos dalawang araw ko lang naman siyang naturaan last time para lang pumasa siya sa kanyang final exam, nastress pa din ako kase pakiramdam ko ay natalo ako. Natatalo ako ng katigasan ang kanyang ulo at kaabnormalan niya. Two days, it was more than enough to get me stressed out.  Agad akong napabuntong hininga.  Cloud Puntavega, that's his name. Matagal ko na ding nadidinig ang apelyido nila simula ng mag aral ako dito last year. They are famous, not just because of their good looks but because of their wealth too. Malaki ang shares na hawak ng kanilang pamilya sa paaralang ito but surprisingly, hindi ko sila nadidinig na nasasangkot sa anumang g**o. Ganoon naman kase kadalasan hindi ba? Kapag mayaman kayo at sikat, palagi kayong sentro ng problema. Pero sila hindi. Kadalasan ay ilag sila sa mga tao. Meron pang isang spot sa bandang dulo ng paaralan na sila lang ang pwedeng gumamit. Sabi nila dahil daw yun sa bunso nilang si Alexo Gold.  Kaya ko lang yata nadidinig ang mga Puntavega dahil yung isa, yung kakambal daw ni Cloud, ay palaging laman ng Campus site kasama ang nobya niya. Actually, halos lahat naman sila may mga pictures dun kasama ng ibang nga estudyante pero pinakamatunog yung Chase dahil nga hindi na ito single. Last year, wala siguro akong nakita sa kanila bukod dun kay Cloud. Kung hindi nga lang importante sakin tong scholarship na to baka hindi ko din yun kinausap. I don't have time para pag aksayahan ng oras ang ibang tao. Sobrang dami kong priorities na dapat unahin. But I need this, lalo na at hindi ako humihingi ng kahit magkano kila Papa. Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari. Last year, lumayas ako samin sa probinsya. Lumuwas ako ng Maynila na ang tangging dala ko lang ay ang sarili ko, kaunting damit at ang cash na winidraw ko agad bago pa mapahold ni Papa ang mga cards ko. Kahit na laki ako sa probinsya ay hindi naman ako ignorante sa Manila dahil madalas din naman ako dito. But this is the first time that I will be here ng ako lang.  Patigasan kami ni Papa. Hangga't hindi niya binabawi ang mga desisyon niya, hindi ako uuwi. Kahit pa ilang part time jobs ang gawin ko, at kahit pa magtiis ako sa dorm ng school okay lang. Hindi naman ako maarte e. Hindi ako ganoon lumaki kahit pa may kaya kami. Bahagyang nanikip ang aking dibdib ng maalala ang pag aaway namin ni Papa.  I hate him. Okay lang sa kanya na wala ako.  Akala ko kapag lumayas ako ay babawiin niya ang kanyang desisyon at susunduin ako pauwi. Pero wala, ni tawag ay wala along natanggap.  Si Mama minsan tumatawag sa akin pero alam kong patago. Hindi ko din naman matitiis ang mama ko. I assured her that I was fine, na okay lang ako. Marami naman akong dalang pera nung umalis ako pero hindi naman ako tangga para hindi marealize na hindi ako tatagal nang ganito. And I still need to finish my studies. Kaya ayun, I ended up enrolling myself to this school. Sila kase yung nag ooffer ng assistance sa mga tulad kong mga walang pambayad. Ang kapalit lang, I have to so tutoring duties or sometimes, sa mga offices, kelangan kong tumulong kapag kailangan. Sa panggastos naman, nagpupuyat ako para magsulat ng articles. Freelance writer ako at nagbabasa ng mga articles basta may makuha akong gig. Okay naman, hindi ko kailangang magpagod physically. Plus, I love writing. Napapakinabangan ko yung mga thoughts ko na naiipon lang sa utak ko. My hands reached for my pocket. I have his number. Binigay sakin ng OIC. Meron kase silang list ng information ng mga students and kapag may mga students na need ng special attention sa pag aaral ay automatic na nae-enrol dito.  In Cloud's case, hindi ko naman masabi na mahina ang kanyang ulo. Parang, he just seemed uninterested. Kase nakita ko yung mga gamit niya. He has a lot of books about animals and plants. Tapos minsan nahuhuli ko siyang nagbabasa ng kung ano ano. Yun lang, hindi related sa pinag aaralan namin.  Additionally, mas madami pa yung naging pagtakas niya sa akin kaysa yung naturuan ko siya. At kahapon nga ay sinabi ko sa kanya na tuturuan ko ulit siya. Para siyang maiiyak sa stress. Ayun, tinakasan ako ulit. Ano bang dapat kong gawin sa lalaking yun? I was walking on the hallway as I try to dial his number. Kelangan ko ding magsimula dahil kapag bumagsak siya, baka mawalan ako ng scholarship. Nakakailang ring pa lang ng mahagip ng paningin ko yung lalaking palaging kasama ni Cloud. Sa totoo lang ay yung kakambal niya ang kilala ko ang itsura dahil nga palagi itong laman ng online site. Yung iba, alam kong pinsan niya pero hindi ko alam kung anong pangalan. Natawa ako ng bahagya ng huminto yung lalaki tapos nag pout. May binabasa siya sa kanyang phone. Ang daming babaeng nakatingin sa kanya pero parang wala siyang pakialam, o clueless lang siya?  In fairness, may itsura talaga silang magpipinsan e. Kahit yung si Cloud, sobrang perpekto ng mukha. Naalala ko pa nung una ko siyang nakita. Nakaupo siya sa sulok ng room tapos seryosong seryoso. Hindi ko alam kung paano siya lalapitan kase medyo kinabahan ako. Sanay naman akong makakita ng mga gwapo pero yung lalaki na yun, nakakatense ang kagwapuhan. Siguro kaya hindi din ako nakapag concentrate habang tinuturuan siya. Napaangat ang aking kilay ng makita kong umatras yung lalaki ng may babaeng nagtangkang lumapit sa kanya.  Parang nagpapanic ang kanyang mukha pero ang cute pa din. Para siyang bunny. Takot ba siya sa babae? "Lexo!" napasunod ako ng tingin ng may tumawag sa kanyang isang magandang babae, seryoso ang mukha at medyo intimidating.  She's wearing a dress that is just right above her knee. Sa tabi niya ay isnag lalakinh seryoso ding tignan pero agad ngumiti ng makita ang lalaking tinawag nung babae na Lexo. "Kuya Milan!" tawag ni Lexo sa lalaki. Agad naman siyang tumakbo papunta sa kanila na akala mo nakakita ng kakampi.  Weird. Ano siya bata? Yung mga babae, agad namang nagsiatrasan. Dirediretso na din kaseng naglakad yung magandang babae. Hindi naman siya mukhang masungit. Naaalala ko sa kanya ang pinsan kong si Matilda. Ayaw nun sa mga babaeng lapit ng lapit sa mga lalaki. "Nasaan si Ulap?" nadinig kong tanong ni Milan. Ulap? Does he mean Cloud? Nahing interesado tuloy ako sa pinag uusapan nila.  "Sabi niya Kuya may titignan daw siyang flower. Kinakausap niya yun kuya kase sabi ni Kuya Ice sasagutin daw siya kapag lagi niya kausap," Napangiwi naman yung si Milan.  Jusko, ano daw? Bakit paranh napakaweird nun si Ulap? Tsaka flower? Baka nandun siya sa may tapat ng Science lab. May malaking garden dun na kakaunti ang nagpupunta. Naalala ko yung mga books niya. Baka mahilig talaga siya sa mga dun. Turning on my heels, I headed to the garden. Sana this time makicooperate na ang Cloud Puntavega na ito or Ulap, whatever his name is.  Huwag naman po sana akong mastress please.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Disguise (Filipino)

read
434.7K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook