4

1648 Words
Hot... "Teka lang," awat ko sa kanila. Parang nahihilo ako sa mga nangyayari. Kanina lang ay gusto kong saktan si Cloud dahil sa ginawa niya pero ngayon naman ay nakukuliglig ang tengga ko sa ingay ng mga babae.  Dahil nga nahulog ako sa pool ay dinala ako ni Dakota sa taas para makapagpalit na damit. Gusto ko sanang humindi pero naisip ko na mahirap namang umuwi ng basang basa. Tsaka nabasa din ang phone at wallet ko.  Gusto ko na din talagang tanggalan ng buhok yung si Cloud e. Feeling ko siya ang nagdadala ng malas sa buhay ko. "Feeling ko eto ang kasya sayo. Ang cutie nito couz o!" napapatiling turan ni Mattee, tuwang tuwa sa naiisip.  Napanganga naman ako sa nilabas niyang damit. Dala to kanina ni Andrea na mga nakalagay pa sa mga paper bag. Binili daw nila Mattee para sa kanya pero hindi niya carry isuot. Muntik na akong mapamura sa nakita. Damit ba yon? "Gaga ka Mattee, makikita yung n*****s ko dyan ano bang damit yan!" naeeskandalo kong turan na ikinangiwi naman ni Andrea. "Bobbie nasabi ko na yan nung binibili nila pero wala namang nangyari," Nakaupo ako sa gilid habang sinusuklay niya ang aking buhok. Ang sweet neto ni Andrea e. "Cutie to no! Pangit ng fashion sense niyo," umirap pa si Mattee. Napailing ako. I am wearing a bathrobe at katatapos ko lang maligo sa banyo. Kanina pa sana ako nakapagpalit kung hindi ako ginagawang manika ng mga babae na to. Actually, si Dakota at Mattee lang. Si Xantha kase ay hinatak paalis ni Aedree para daw ihatid si Cheska. Pabalik na daw kase yun ng Amerika.  Sobrang dami nila dito and I'm just thankful na naaalala ko pa ang mga pangalan nila. Yung kuya ni Cloud na si Milan ay kanina pa kumakatok at tinatawag si Dakota pero hindi naman niya pinapansin. "Magdress ka na lang!" si Dakota na may kinuhang flower patterned mini dress na sobrang cute sana kaya lang, I don't think tama na yun ang isuot ko ngayon.  I was already wearing some undies underneath the bathrobe. Mabuti na lang ay meron silang mga new and unused spare set in case may mga bisita silang babae. So ibig sabihin, madalas ang iba dito. "Wala bang loose shirt at shorts? Dito lang naman ako. Okay na ako sa ganoon muna," nahihiya kong turan. Natawa ako ng umupo padabog si Mattee na tila nagtatampo. She looked so stressed and down. "I wanted to dress you up!" nakanguso niyang turan. Nakakamiss din tong babae na to e.  Bakit ba hindi ko siya agad tinawagan ng lumuwas ako. "We can go shopping next time and you can dress me all you want," sagot ko na ikinailing ni Andrea. Si Mattee naman ay tila natuwa sa nadinig dahil dinampot niya agad ang ilang damit at animo sinusukat na sa sarili. Si Dakota naman ay nagdadabog na lumabas dahil tawag pa din ng tawag si Milan. "Very wrong yang sinabi mo. Aabutin tayo ng hapon niyan kakashopping," hindi pa man ay parang hapong hapo na si Andrea. Napasunod ako ng tingin kay Dakota. Ang ganda niya talaga pero parang palagi siyang nagseseryoso. Napansin yata ni Andrea ang pansunod ko ng tingin kaya bigla siyang nagsalita. "Hayaan mo yan si Ate. Laging magkaaway yan sila ni Kuya Milan pero di naman mapaghiwalay. Ang weird din," natatawa niyang turan.  Are they together?  Hindi ko na binigkas ang nasa isip at agad na tumayo ng mahagip ng aking tingin ang isang loose black shirt at shorts na dala din kanina ni Andrea tsaka nagpalit sa banyo. Tuyo na ang aking buhok na binlower ni Andrea. Hindi ko alam na ganito sila kabait. Palagi ko lang kase silang nakikita sa malayo and it amazes me how easily they trust people. Dahil ba pinsan ako ni Mattee? Nang lumabas ako ay nakita ko si Andrea na nagkakakawag habang yakap yakap ni Mattee. Natawa naman ako sa itsura nila. Ang clingy talaga ng pinsan ko. "Umamin ka! Nag ano na kayo ni Keso no? Kadiri ka Andengggg!" sigaw niya habang kinikiliti si Andrea. Cute. "Mat-oh em- ano ba!" tawa ng tawa si Andrea. Halos gumulong na silang dalawa sa kama habang nakakalat pa din ang mga damit. They have so many clothes, puro shopping lang ba ang inaatupag nila? Sabagay, they are all hella rich. Napansin yata ni Mattee ang presensya ko kaya pinakawalan na niya si Andrea na halos kapusin na ng hininga. "Huwag kang gagaya kay Andrea Bobbie. She's so marupok and Chase is so kadiri. Super clingy niya kay Andrea nakakainis. Parang jowang jowa na din tuloy ako," natatawa niyang turan na ikinagiwi ko.  "Yak ka!" hinampas siya ni Andrea ng unan tsaka tumawa. "Ikaw nga dyan marupok. Ang dami mong boys na pinapaasa!" Pinagtaasan ko ng kilay si Mattee na umismid lang. "Ewan ko sa inyong dalawa. Di ko kaya bati. Tara na nga sa labas. Baka ano na binubungkal nila Lexo at Ulap doon!" agad niyang turan kaya naalala ko na naman si Cloud. So Ulap pala ang tawag nila sa kanya. Naalala ko talaga nung sinabi niya na di kami close kaya Cloud ang itawag ko. Epal niya kala naman niya gusto ko siya makaclose. Muling umahon ang inis sa aking dibdib. Sisipain ko yun mamaya. Sumunod naman kami ni Andrea palabas na ikinawit agad ang mga kamay sa aking braso. Nang sumulyap ako sa kanya ay nginitian niya lang ako ng matamis. Bakit masyado silang friendly?  "Ulap! Ipapakatay talaga kitang bata ka inubos niyo ni Lexo ying flowers ni Mama!" nadidinig kong sigaw ni Dakota habang pababa kami ng hagdan. Humagikgik naman agad si Andrea na agad ding kumalas at nagtatakbo papunta sa kanyang nobyo na nakaspread ang kamay at hinihintay siya. Punyeta, ang tamis masyado. Nag iwas ako agad ng tingin. Napansin ko na natutulog na si Ice sa couch. "Nagpaalam naman kami sa flowers kanina. Sabi nila pwede daw,"  "Kuya eto pa," Napalingon ako sa gawi nila at kitang kita ang itsura niya. Basa pa din sila ni Lexo at kapwa magulo ang mga buhok.  Nagswimming lang talaga sila? Napalunok ako ng makitabsi Lexo. He's wearing a white shirt at bakas na bakas ang magandang hubog ng katawan nito.  Jusko, e nagbabounce pa siya na parang bata ah? And then I noticed him staring at me. He was pouting at may nakasabit pang dahon sa kanyang buhok. On his hands is a bouquet of what seems to be mixed flowers. Medyo magulo ang pagkakaayos pero may attempt.  Aanhin niya yun? "Kuya bilis na, bigay mo na sa kanya para bati na kayo, dali!" napapapalakpak pa si Lexo na tinutulak ang kuya niya.  Hindi ko alam kung matatawa ako o ano kase parang ang cutie nila na bata. "Mga sira talaga," bulong ni Milan. Si Chase ay yakap yakap patalikod si Andrea na nagthumbs up pa sa gawi ni Cloud. "Kuya bilis! Bilis!" tulak na naman ni Lexo tapos si Cloud ay nagkamot ng ulo bago dahan dahang lumapit sa akin. Parang aabot na sa bubong ang pagtaas ko ng kilay. Napansin ko ang lalong pamumula ng kanyang pisngi. Ang kanyang basang buhok ay nakahawi sa gilid at lalong nahing malinaw sa akin kung gaano kadepina ang kanyang panga. Ang kanyang mata na dati'y mapaglaro ay tila naging malamlam sa aking paningin. Napalunok ako. Why does he suddenly look so different? Nagulat na lang ako ng nakatayo na siya sa aking harapan, ang kayang dila ay mabilis na binasa ang pang ibaba niyang labi.  Hala gago. Bago pa ako nakapagsalita ay naiangat na niya ang kanyang kamay upang iabot ang hawak niyang mga bulaklak.  Napaubo ako ng kaunti. Parang biglang nangati ang aking ilong. "Para saan ang bulaklak Ulap?" nakakalokong tanong ng aking pinsan na nagawa pa akong kindatan. Sisipain ko din tong isa na to e. Napalingon ako pabalik kay Cloud na nakatitig na sa sahig. Nahihiya ba siya? "E si Daddy binibigyan si Mommy ng flowers pag nagsosorry," bulong niya na nakapagpatulala sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong lumukod sa aking puso.  The way his hands fiddles on the flowers before me, the way hisneyes avoided mine....he is such a kid, an adorable one. "Sorry na Barbara... Pwede mo na kong tawaging Ulap. Bati na tayo, di na ko galit.Promise sasagutan ko na yung questions. Hindi na ko tatakas, minsan na lang," bulong niya. Gusto ko sanang awayin ulit siya sa pagtawag niya ulit sakin ng Barbara pero ang cute niyang tignan kaya wag na lang. Isa pa, sabi niya sasagutan niya yung mga questions ko. Iniangat niya ulit ang mga bulaklak at bago pa ako makasagot ay lalong nangati ang aking ilong at sunod sunod akong napabahing. "Achu!" napatalikod ako agad.  Shit, sinisipon ako. "Lagot ka Ulap, nagkasakit yata si Bobbie," nadinig ko si Chase.  "Layo mo yung flowers sa kany. Leche ka talagang bata ka, inubos mo pa yung garden namin," Napansin ko naman na iniitsa ni Cloud kay Lexo.  Bago pa ako nakalayo ay may isang kamay na pumulupot sa aking baywang, and the next thing I knew was my body pressed against his.  Napaawang ang aking labi habang titig na titig sa kanya.  Sinalat niya ang aking noo at agad nagsalubong ang kanyang kilay. "Hot ka Bobbie..." he said before pouting. Napalunok ako.  Punyeta ka, sinong hindi mag iinit kung ganito na parang yakap yakap niya ko. "Naku...may isa pang marupok," may nadinig akong pumalatak pero naramdaman ko na namang kumirot ang akong sentido kaya napaungol ako. Nanlaki agad ang mga mata ni Ulap. Inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha sa akin at para ng mapapatid ang aking hininga. Ay anu ba? He was staring at me so much he was about to take my breath away. Pero nabura ang lahat ng kamunduhan sa isip ko ng madinig ko siya magsalita. "Kuya may virus yata si Bobbie!" Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD