3

2320 Words
Pool... Napabuntong hininga ako habang tanaw tanaw ang malaking gate sa aking harapan.  Kahit nasa labas ako ay tanaw ko pa rin ang malaking bahay sa gitna ng malawak na bakuran.  I was a few inches away but the guard kept looking at my direction. Ano ba ang akala niya, masama akong tao? Naibaba ko ang aking tingin sa suot ko. I was wearing a fitted jeans na pinartneran ko ng plaid off-shoulder top. I was wearing a pair of boots. Siguro ang isang bagay na hindi ko maiaalis sa akin kahit pa maglayas ako ay ang pagiging maarte ko sa pananamit.  Gustong gusto kong binibihisan ang aking sarili but I don't have a specific fashiom style. Kung gusto kong mag loose shirt at short shorts tapos cap, wala akong paki. Nagsusuot ako ng damit base sa kung ano ang maganda sa aking paningin. Naipilig ko ang aking ulo. Kanina pa pumipintig ang aking sentido dahil sa kakulangan sa tulog. Ang dami kong tinapos na write ups kagabi at halos madaling araw na ako nakatulog. Tapos kinailangan ko pang gumising agad dahil.mayroom sana kaming tutoring class nitong si Puntavega pero ang bwisit na lalaki, tinakasan na naman ako. Imagine having only four hours of sleep and having to deal with our OIC. Naalala ko na naman kung paano akong nakarating dito sa harapan ng bahay ng nobya ng kambal ni Cloud. *flashback "Sir, hindi ba talaga pwedeng iba na lang po? Marami pa naman sa list na pwede kong turuan? O kaya swap na lang," dahilan ko. I was following our OIC. Kadarating ko lang kanina at halos umikot na ang ulo ko sa hilo. Kulang ako sa tulog pero nagmamadali pa akong pumunta dito para sana maturaan si Cloud pero isang oras akong naghintay sa wala. Kanina pa ako nakikiusap pero iisa lang ang binibigay niya sa aking sagot - hindi pwede. Nilingon ako ulit ni Sir habang sinusundan ko siya sa loob ng Scholar's Guild. Sobrang stress ko na talaga sa Cloud na yun. Palagi na lang akong tinatakasan. Hindi ko na nga kailangang mag exercise dahil sa paghabol ko pa lang sa kanya ay nalalamog na ang katawan ko. Nung nakaraan ay muntik na akong masubsob sa pagmamadali kong maabutan siya. Naaubos ang sana ay free time ko dahil sa paghahanap at pagsunod sa mga kapritso niya. Halos isang lingo na pero isang beses ko pa lang yata siya naturuan. At yung lintik na fifty questions, ayun, awa ng loob, nabawasan ng labing lima.  Hindi ko nga akam kung dapat ko ba yung ipagpasalamat dahil sa totoo lang, hindi naman ako umaasa noon na aabot sa lima ang tatapusin niya. Tulad ng dati, tinakasan niya lang din ako noon kasama yung pinsan niya yata yun na takot sa mga babae. May kinakanta sila about frogs, sobrang weird. Parang may mga kulto. May mga itsura naman sana, sobra sobra sa gandang mga lalaki pero parang kinulang sa ibang bagay. "I told you, medyo sensitive ang pamilya nila. May dahilan kung bakit hindi sila basta basta nalalapitan especially the youngest. Kaya ko sayo inassign si Mr. Puntavega dahil alam kong makakaya mo siyang ihandle," sagot niya sakin.  Tangina sir, anong makakaya? Gusto ko sanang isigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. E ang weird mga nun si Cloud. Nung minsan nga parang nakita ko siya bumubulong mag isa. Tapos sabi niya nagtatago siya kase nasunog niya daw yung isang pants ng Kuya Milan niya. Paano niya yun masusunog e imposible naman na namamlamtsa siya. Ang yaman yaman kaya nila. Hindi pa ako nakakasagot ulit para sana salungatin ang kanyang sasabihin ay nilingon niya akong muli. Parang naiistress na din ako dito kay sir e.  "Miss Madrigal, I don't need to remind you this but Mr. Puntavega is under your care for the whole semester. You need to give special attention to him dahil sa grades niya nakasalalay ang scholarship mo. Kung di mo siya kaya, then you need to adjust. Ikaw ang may kailangan sa kanya," he deadpanned stated.  Parang sinabi niya na din na batas na sundin ko ang sinabi niya. Magpokpok na lang kaya ako? Parang mauubusan na kase ako ng bait e. Napabuntong-hininga ako. I saw him laughed at my reaction. Mabait din to si sir kahit medyo may edad na. Hindi siya masungit tulad ng ibang prof. Buti na kang talaga ay siya ang may hawak sa mga scholars e. Mukhang naiintindihan niya naman kung bakit ako nahihirapan.  "Bobbie, mabait naman si Cloud. You just need to step up a little. Sa lahat ng magkakapatid at magpipinsan ay siya ang pinakacare-free. Learn to level yourself with him para magkaintindihan kayo," paliwanag ni sir. "Paano ko po yun magagawa e hindi ko nga po mahagilap," nanlulumo kong turan. Tinapik na lamang niya ako sa aking balikat bago ako nilampasan.  Great. Now I am left with no choice. Nakakinis talaga tong Cloud na to. Parang gusto ko siyang kurutin talaga ng pinong pino ganon.  Agad akong napabuntong hininga. Ano bang gagawin ko sa lalaking yun? I heard someone laughing at napalingon ako sa bandang dulo ng room. My eyebrow raised at the sight of her. Andito na naman pala yung babae pero hindi ko napansin. "Hindi mo na naman mahanap ang alaga mo?" natatawa niyang turan. Imbes na magtaray ay tumango na lamang ako. Nakakastress pala talaga ang isang Puntavega. These past few days parang sasabog ang utak ko, pati pasensya ko parang malapit ng mapatid. Gilitan ko na lang kaya yun ng leeg para finish na. Tinignan ko siyang muli. Nagbabasa siya ng books. Ano na ulit pangalan niya? "You know, iilan lang naman ang tinatambayan ng grupo nila. Doon sa bandang dulo ng school pero bawal kase tayo doon. Sa cafe ng girlfriend ni Chase, sa Rkive o sa retaurant ng mga Borromeo," agad niyang turan. Wow updated. Bakit ang dami niya yatang alam tungkol sa kanila? Tila nabasa naman niya ang iniisip ko kaya tumawa siya ulit. "It's hard not to know about them. Kahit anong aloofness ang ipakita nila sa mga estudyanete dito, hindi madaling.balewalain ang angkan nila. Have you seen Aedree? Damn, ang daming nagkakandarapa doon. Kahit yung si Ice may nababakla," tila kinikilig niyang turan pero ako super clueless sa mga sinasabi  niya.  Napailing naman siya sa kawalan ko ng reaksyon. "You know, just search for Matilda. Baka magkakasama sila kase madalas magpost yun sa i********: kapag kasama niya ang mga kababata niya," Napatango na lamang ako bago siya tinalikuran. Nakakapanghina talaga maging tutor ng lalaki na yun. Sana naging palaka na lang siya. Agad kong binunot ang aking telepono habang patuloy na naglalakad. Sino na ulit sabi niya? Matilda? Bigla akong napahinto ng may maalala. Wait, did she just said Borromeo? Without even thinking, I went to my i********: app na nilangaw na yata sa phone ko dahil di ko talaga ginagamit bago hinanap ang profile ng aking pinsan. And there I saw pictures of the Puntavegas. Meron pang picture si Cloud na naka onesie. Iba din.  Magkababata sila? Tignan mo nga naman. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi bago ko inexit ang app at dumirecho magtype mg message. "Mattee, I need help. You're friends with Cloud Puntavega, right? Do you know where he is?" Agad kong sinend sa kanya ang message. Hindi na ko nagpaligoy ligoy. Ang pangit naan kung dadramahan ko si Mattee tapos may hihilingin ako sa kanya. Napatingin ako sa cellphone ko habang hinihintay ang kanyang sagot. Nahagip tuloy ng aking paningin ang numero ni Cloud. Hindi niya din ako nirereplyan na bwisit siya. Wala pang ilang minuto ng madinig kong tumunog ang aking phone. Cousin Matilda: Ulap? Why are you looking for him?  Sinabi ko agad ang dahilan maging ang ginagawa nitong pagtakas sa akin at hindi naman ako nabigo. Ilang sandali lang ay nasa akin na ang address ni Cloud. "Lagot ka talaga sakin na palaka ka," bulong ko na handa na sanang umalis para puntahan ang address na binigay ni Mattee pero nakareceive ulit ako ng message mula sa kanya. Cousin Matilda: Don't mind that address. Dito ka na lamg pumunta kila Andrea dahil nandito naman kami pati Ulap. Text me kapag nasa labas ka na. Naisuklay kong ang aking daliri sa aking buhok, pinag iisipan kung magsesend ba ako ng message muli sa aking pinsan. Kanina pa ko nandito sa labas pero inisip ko muna kung tama bang pumasok ako sa loob.  I mean, yes I need something from Clpud pero hindi naman yata na iinvade ko ang privacy nilang magkakaibigan. Nakakahiya lalo na kay Mattee. Nagulat ako ng biglang tumunog ang akong phone at agad bumulaga ang pangalan ni Mattee. Nagdalawang isip muna ako bago ko siya sinagot. "Please don't tell me na ikaw yung magandang babae daw na nakatayo sa labas according to the guards," bungad niya na nakapagpatawa sa akin. Napalingon pa ako sa mga gwardya saglit. "Andito na ko sa labas pero parang ayoko na kaseng pumasok. Next time na lang siguro. Nakakahiya sa kanila," sagot ko na ikinatawa niya. Nakita ko pa na palapit na sa akin yung isang guard. "Don't even try Barbara. Pumasok ka na kundi ipapabuhat talaga kita sa mga guard nila Dakota," sagot niya at bago pa ako nakapagsalita ulit ay pinatayan na niya ako ng tawag. Napailing na lang ako. Same old Mattee, hindi papayag na hindi nakukuha ang gusto. Ngumiti naman ako guard na lumapit sa akin at sumunod nang alalayan nila ako papasok. Naigala ko ang tingin sa paligid.  The house look elegant. Malaki at malawak ngunit halatang simple lang ang ayos. Kabaligtaran ng iniwan kong tahanan. My Mom loves decorating our place. Nagugulat na lang ako may bago ng landscape sa isang parte ng aming bakuran. Malayo pa lang ako ay nadidinig ko na silang nagkakagulo. "Sisipain ko na kayong dalawa kapag hindi kayo tumigil sa kakapalaka niyo tignan niyo!" "Aedree kapag hindi ka talaga lumayo sakin, ikaw ang sisipain ko!" "Punyeta ka Milan, ibaba mo yang si Dakota, kapag nadamay kami sa pambabatok niyan papalayasin ka talaga namin!" "Kuya punta tayo sa pool. Baka may gagamba!" "Kuya si Mattee o, bebenta niya daw si Baby V! Kuya bagong bili pa lang b*a noon!" Napangiwi ako. Is that Cloud? Iginiya ako ng guard sa side entrance ng bahay kung saan dumaan ako sa gilid ng pool.  Tinanungaan ko na lng ang guard dahil hindi na siya sumunod. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Sakit talaga ng ulo ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may madinig akong sumisigaw. "Bazooka!!!!" Saktong paghakbang ko paliko ay ang paglitaw ng kung sino at bago pa ako nakaiwas ay may dalawang kamay na aksidenteng tumama sa aking bandang dibdib. Agad na nanlaki ang aking mga mata pero ang mas nakagulantang sa akin ay ang reaksyon ng lalaking tumulak sa akin - si Cloud. His face was filled with horror. Napatingin siya sa kanyang mga kamay na tumama sa aking dibdib at tila nanigas sa kanyang kinatatayuan.  Masyado na akong lutang para marealize na ang aking katawan ay unti unti na ding nahuhulog... Para akong lumulutang pero ramdam ko ay dahan dahan kong pagbagsak.  And I felt it, my body splashing within the  cold water. Napapikit ako at ramdam ang biglaang pagkakapos ng aking hininga. I was slowly sinking deeper underwater buy I didn't bother moving my body. It was lile I was in a state of shock. Parang may nakita akong bumaksak din sa tubig pero wala na ako sa tamang katinuan. I was drowning. Marunong naman akong lumangoy pero para akong nablangko. Barbara.... Parang nadinig ko si Dad. He was calling my name.  Agad na nilukob ng hinanakit ang aking puso. I miss my father. I started closing my eyes. Parang ang sarap na lang pumikit. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nagyari pero naramdaman ko ang pares ng mga kamay na pumalibot sa aling baywang. Nagmulat ako ng aking mga mata and I saw him, the same person na nagpapasakit ng ulo ko at nagpapahirap sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Sabay kaming umangat sa tubig at nadinig ko ang pagtawag sa amin ng mga kasama niya. Si Mattee ay isinisigaw ang pangalan ko. Ang aking mga kamay naman ay nakapulot sa kanyang balikat. Nakita kong tumalon din yung lalaking mukhang bunny at tinulungan kaming makarating malapit sa kanila.  Hindi ko na alam kung sino ang sino basta may magandang babaeng naglagay ng malaking tuwalya sa akin. She look so worried. Siya ba si Andrea? "Oh my God, Bobbie, are you okay?" nag aalalang tanong ng aling pinsan pero para akong natulala.  "s**t. Natrauma yata ang pinsan mo Mattee," "Barbara..." Napalingon ako sa nagsalita at para akong lalong nanghina ng makita siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napaiyak sa harapan niya.  Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko, ang sama ng pakiramdam ko. Pagod na pagod ako at namimiss ko si Dad.  "Lagot ka kuya, hinawakan mo kase yung ano niya...." nadinig kong may nagbulong pero ang mga mata ko ay nakatutok lang sa kanya. The glint in his eyes changed. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagbago. Guilty ba siya sa nagawa niya? "Sorry..." parang nanghihina niyang turan but my handa balled into fist.  I gritted my teeth in anger.  Stress na stress na ko.  "I'm going to kill you," bulong ko bago ko siya inambangan ng suntok pero mabilis siyang nakaiwas.  "Woah!" sigaw niya pero dahil nasa bandang pool pa din kami ay na-out balance siya resulting into him falling on the pool.  Pinanuod ko siya ng litaw muli ang kanyang ulo mula sa tubig, ang pagpitik ng kanyang buhok patalikod ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Nakatitig siya sa akin. Napalingon ako ng pumalakpak yung isang lalaki na mukhang bunny.  "Pool party!" sigaw niya bago muli tumalon kaya tumalsik muli ang tubig. "Sira ulo ka talaga Lexo!" sigaw ng isang lalaki na nakakapit sa maputing babae na nakasalamin.  Napatingin ako sa ibang babae. Nakilala ko yung isang babae na naglalakad sa hallway noon. Nagtama ang aming paningin bago siya biglang ngumiti. Ang ganda niya ha. "I like you Bobbie. I'm Dakota, but you can call me Dee," pakilala niya at nagulat ako ng bigla niya akong hinapit ng yakap. Wala akong nagawa dahil nakapalibot ang tuwalya sa katawan ko. "Ang ganda ng pinsan mo Mattee. Nakita ko na siya sa school dati e," sambit naman ni Andrea. "Nadagdagan na naman kayo e ang bubrutal niyo," naiiling na wika nung isnag maputing lalaki na tumalikod na at pumasok sa loob. Everyone was smiling at me.  Fuck. Ano ba tong napasok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD