Closer...
"Ang pabaya mo kase. Paanong nadampot ni Lantis yang cellphone mo? Ano na namang ginagawa niyo ni Lexo?" nadinig kong sermon ni Kuya Aedree kay Ulap.
Si Ulap hindi naman siya pinapansin at nakatitig lang sa mga braso ko na kanina pa ginagamot ni Andrea. Inabutan namin siya dito sa bahay nila Chase. Sakto palang nandito sila ni Keso nung natanggap niya yung tawag mula sa cafe.
Si Kuya Aedree ay kadarating lang at kanina pa nagsesermon sa sala. Pati si Lexo karamay sa sermon dahil nakalimutan daw maghugas ng plato. Ang cutie niya nga magpout.
Bilib din ako sa pamilyang to e. Halatang halata sa bahay nila kung gaano sila kayaman pero sa halos isang oras ko nang pamamalagi rito ay dalawang kawaksi pa lamang ang nakita ko.
Their house was so big. Doble yata ng bahay namin sa probinsya. Mansyon na to at kung paglilinisin ako dito, baka sunugin ko na lang.
Ang marami sila ay mga guards sa na bantay sa bahay.
Sa malawak nilang bakuran ay nakaparada ang limang kotse. Wala kase si Kuya Julio, nasa Rkive. Doon na nga daw halos tumira yon.
"Naghugas nga ako ng plato kuya. Kumain ulit si Kuya Ice pagkagising niya kaya may bagong pinggan doon," bulong ni Lexo na ikinangiti ko. Nalaman kong may toka toka pala silang gawain sa bahay. Minsan kapag trip nila, sila din naglalaba ng mga damit dahil ito daw si Lexo medyo sensitive sa amoy ng damit niya. Pero ang paglilinis ng kabuuan ng bahay ay gawain ng mga kasambahay.
Sabi ni Andrea kanina ay hindi naman sila pinipilit ng mga magulang nila sa ganito pero ang mga lalaki mismo ang nagdesisyon. Nasanay daw sila nung mga bata na nakadepende sa mga sarili nila which I admire. Medyo nahiya nga ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naranasang maghugas ng plato sa amin.
"Nakikinig ka ba Ulap o sayang lang laway ko dito?" naiinis na turan ni Kuya Aedree. Umuwi siya agad ng malaman ang nangyari pero aalis din dahil may klase ito tuwing Linggo.
"I was sleeping Kuya. Hindi ko naman nilalock ang pintuan at kahit kayo ay ganuon din. Sa susunod ay iiipit ko na sa tiyan ko tong phone para hindi niya makuha," nakasimangot na turan ng huli.
Tsk. Pilosopo talaga.
"Hayaan mo na kuya. Maganda nga ang nangyari dahil natawagan pa ni Lantis si Bobbie," Si Chase na sinalo ang nakasimangot na na kakambal. Umupo pa ito sa tabi ni Ulap at tinapik ang likod.
"At sino bang mag aakala na magigising si Grey sa labas? Bihira namang mangyari yan pwera na lamang kung kasama tayo. Kadalasan ay baligtad ang nangyayari,"
Napalingon ako sa direksyon ni Kuya Milan. Isa pa yan sa ikinalilito ko. Napanganga ako ng idinetalye sa akin ni Andrea ang nangyari pati ni Chase. Hindi ko akalain na ganoon pala kakomplikado ang lahat.
So that's why she has that kind of aura. Sa eskuwelahan ay halos hindi mo siya maramdaman pero kanina, kahit na nung natutulog siya sa kandungan ng kuya niya ay parang may dala siyang kung ano na nakapagpapagaan ng aking pakiramdam.
Tulog si Grey sa taas. Plus, what happened earlier made me see Kuya Ice in a different light. He looked so soft and caring na parang pati ako ay nainggit bigla at gusto ng magkaroon ng kapatid. Halatang halata na mahal na mahal niya si Grey, lahat sila. Nang dumating kami ay si Lexo ang bunuhat sa kanyang kakambal. Napakamaalaga nila kay Grey. Ganoon din naman si Chase kay Ulap. Napapansin ko na palaging nakasunod ng tingin si Chase kapag busy si Ulap. Na para bang handa siyang tumalon sa kakambal kung sakaling nasa panganib ito at wala itong alam.
Nakakaingit ang klase ng pamilya na mayroon sila. Hindi ko pa nakikita ni isa sa mga magulang nila pero sa samahang nakikita ko, iniisip ko kung gaano ba sila katatag
Parang may biglang kumirot sa puso ko.
I miss my family.
"Bobbie?" pukaw ni Andrea sa atensyon ko. Masyado na pala akong napapatingin kila Ulap.
"Okay na?" tanong ko. Napangiti ako ng tumango siya. "Salamat Andrea," sagot ko.
"Kuha ka kaya ng damit na pamalit ni Bobbie sa kwarto, babe?" turan ni Chase. Napatingin ako sa puting damit na aking suot. Medyo madumi na nga siya at panay lukot.
Tumango naman si Andrea at naglakad paalis.
"Aalis muna ako. Bantayan niyo si Grey at kapag lumabas yung luka lukang tropa niya, ikaw na bahala Keso. Utang na loob, manahimik ka muna dito sa bahay kahit ilang araw lang," napaangat ako ng kilay. Mukhang stress si Kuya Aedree ah.
"Umuuwi naman ako kuya. Wala ka lang din lagi dito kaya hindi mo ako nakikita,"
"Nagsalita kayong dalawa e pareho kayong palaging wala. Bakit hindi na lang kayo mag alsabalutan? Talo niyo pa sila Ulap at Lexo. At least tong dalawa kapag naglalayas practice lang, umuuwi din" natawa ako kay Kuya Milan.
"Kuya huwag ka nga. Nagbago na kami ni Kuya Ulap," ingos naman ni Lexo.
Nakakatawang isipin na parang bata pa ding umasta si Lexo kahit college naman na. Paano ba mambababae ang batang ito?
Magsasalita pa sana si Kuya Aedree nang biglang magring ang phone niya. Pagkadukot niya pa lang sa kanyang bulsa ay lalong nagdilim ang paningin nito. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagkaintindihan naman silang mga lalaki dahil si Lexo ay bigla na lang nagmartsa paalis na sinundan agad ni Milan.
"Alis na ko. Salamat ulit Bobbie," baling sakin ni Kuya Aedree. Tumango na lang ako kase mukhang bad trip siya. Naglalakad na siya palayo ng madinig ko siyang magsalita habang ang telepono ay nakatapat na sa kanyang tengga.
"Mom..."
"Scars doesn't easily close or heal," napalingon ako ng magsalita si Keso. Nakadekwatro siya at tila wala sa sarili.
"Is that a bad thing?" tanong ko. Naconscious ako bigla. Kahit hindi ako tumingin ay nararamdaman ko ang titig sakin ni Ulap. Kanina pa siya hindi nagsasalita.
"I don't know, maybe?" natawa si Chase ng mapakla. Inisip ko, ano bang klaseng sugat ang meron ang pamilyang ito para maging ganito sila? Kaya ba ang ilap nila sa tao?
"Well maybe it's not the scars. Maybe it's the pain you felt while acquiring them," sagot ko. Ayokong magmagaling. Hindi ko alam kung anong sugat ang mayroon sila, kung mas malalim ba kaysa sa sugat na mayroon ang puso ko.
From the corner of my eyes, I saw Andrea slowly marching her way towards us. May hawak siyang black na shirt.
"Ano yan?" nadinig kong tanong ni Ulap.
Pinakita naman agad ni Andrea ang dala niya. Kay Chase yata iyon dahil pang lalaki. Agad namang nagsalubong ang kilay ni Ulap.
"Para saan?"
Agad akong tumayo at lumapit kay Andrea.
"Isusuot ko para pamalit dito," agad kong turan na aabutin na sana ang damit ng maunahan ako ni Ulap.
Seryosong seryoso ang kanyang mukha at para bang naiinis.
"Susuotin mo damit ng kambal ko?" taka niyang tanong na ikinasimangot ko.
"Unless pwede akong dumampot ng damit ng kambal ni Lexo, de iyon ang isusuot ko. So oo, isusuot ko to. Hindi naman ako maarte, pakialam mo ba?" inis kong turan at akma na sanang aagawin ang damit sa kanya pero mabilis niya itong nailayo sa akin.
"May putok si Kuya, 'wag yung tshirt niya," bulong ni Ulap na agad namang naiitsa sa kakambal ang damit nang bigla itong tumawa ng malakas.
"Hoy mabango ang baby ko ha!" nakapout na turan ni Andeng at hindi ko alam kung matatawa pa ako sa sagot niya.
Si Chase naman ay tawa lang ng tawa na naiiling.
"Tara nga!"
Nagulat ako ng bigla na lang akong hatakin ni Ulap palayo sa magkasintahan. Masyado akong nawiweirduhan sa kanila kaya nagpatianod na lamang ako.
Mabilis kaming nakaakyat sa hagdan. Nakita ko pa si Lexo na parang siraulong naglalakad pero patiptoe ang hayop habang dumaan sa isang kwarto samantalang kami ni Ulap diredirecho lang.
Napalundag pa siya ng bigla siyang sapukin ni Ulap ng madaanan namin.
"Kuya!!!"
Natawa ako ng manlaki ang mga mata ni Lexo. Cutie talaga tong bata na to e.
Nang makapasok kami sa loob ng marahil ay kanyang kwarto ay binitawan niya naman ang aking kamay.
Napalunok ako. Kanina pa pala kami magkahawak.
Pinanuod ko siya ng maglakad papunta sa kanyang aparador bago ito binuksan. Napanganga naman ako ng makita ang kanyang mga damit na karamihan ay hindi pa yata nagagamit dahil may mga balot pa.
Napansin ko na napakadami ng pintuan, isang hilera. Damit lahat yan?
Humarap siya sakin na seryoso pa din ang mukha.
"Pili ka diyan ng pamalit hindi yung damit ng kuya ko ang pinagdidiskitahan mo," pagkasabi nuon ay nagmartsa lang siya sa kanyang kama at pabagsak na dumapa doon.
"Okay?" nakanganga ko pa ding turan. Naigala ko ang aking tingin sa kanyang kwarto.
Considering how he usually acts outside and how people see's him with his personality, his room looks very, very manly.
Napalingon naman ako sa gawi niya at napansin na nakahiga na siya patagilid habang nakatingin sa akin. Nakaangat ang kanyang kilay habang sapo ng kanyang isang kamay ang kanyang ulo.
"Come closer Barbara... Wala kang mapapala diyan..." bulong niya na nakapagpalunok sa akin.
Ano daw? Closer?
He was wearing a plain white shirt and a pair of black chino shorts. So simple yet he look so dashing just lying there.
Parang bigla akong nalito. Bakit nga ulit ako nandito?