Baby...
"Huy..."
"Madrigal..." naramdaman ko ang pag alog ng aking upuan habang nakatungo ako sa aking upuan, ang aking atensyon ay nandito pa din sa sinasagutan ko.
We're having a long quiz at itong kung sinong walanghiya na nakaupo sa likod ko ay nakakadalawang yugyug na sa upuan ko. Hindi ko siya pinapansin dahil sumasakit ang sarili kong utak sa sa pagsasagot. Akala yata ng hayop na to, porke scholar ako e lumuluwa na katalinuhan tong utak ko.
"Barbara!"
Napapikit ako bahagya, ang inis ay unti unti ng umaahon sa aking ulo.
Nagtaas ako ng kamay at agad naman akong napansin ng prof namin.
"Yes, Miss Madrigal?" tanong ni Ma'am. Nasa mid-thirties lang ito at medyo strikto.
"Sorry ma'am but I can't concentrate on asnwering. The girl behind me, whoever she think she is, keep on calling my name. Niyuyugyog pa ang upuan ko. Can I request to be transfered to another seat?" walang takot kong turan. Nadinig ko namang napasinghap ang babae sa likuran ko. I don't know her. I don't even remember kung ano ang itsura niya dahil wala naman ako madalas pakialam sa mga tao sa paligid ko.
Kung hindi ko nga lang tinuturuan si Ulap ay baka hindi ko din nakilala ang mga Puntavega at ang mga babae kahit pa nga pinsan ko si Matilda. Hindi naman kase siya dito nag aaral.
I f*****g hate bullies. Akala yata ng mga tao dito ay kaya nila makapanlamang ng kapwa. I am Barbara Madrigal. Hindi ako pumapayag na naaapi ako. I don't start meaningless fight but I don't back down eaither. Kapag tama ako, tama ako. Tatay ko nga walang nagawa, siya pa kayang boses kalapati siya. Pasalamat talaga to at mahaba haba pa ang pasensya kp kundi baka nasungalngal ko talaga to. Nakakahilo kaya yung pagyugyog niya.
"Is that true, Miss Alonzo?"
Isa pa tong ikinakainis ko. Itatanong pa kung totoo. Alangan na nag iimbento ako.
"No po, ma'am. I'm not even talking to her," naiirap ko ang aking mata bago siya nilingon.
Ang matalim kong tingin ang sumalubong sa kanya. Napansin ko naman na bahagya siyang kinabahan.
"Try doing again what you did earlier and I swear, ipapalamon ko tong test paper ko sayo," turan ko sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata. Ibinalik ko naman agad ang aking atensyon sa sinasagutan kong papel. Ang gigil ko dahil sa nasayang kong oras ay naibuhos ko sa pagdiin ng aking pagsusulat. Hindi na rin naman kami sinita ni ma'am at hindi na ko kinulit pa ng babae sa likod ko.
These past few days ay dumami ang mga pumapansin sa akin. Yung iba nagpapakamusta kay Dakota habang ang iba naman ay pasimpleng nagtatanong tungkol sa mga lalaki. Kahit anong ilap talaga nila ay marami pa ding interesado sa kanila.
Kaya lang malas nila, hindi ako masyadong friendly.
Meron din naman na sinasadya akong bungguin sa hallway. Mga inggitera na pinaglihi sa sama ng loob. Hindi nila alam kapag nabwisit ako baka tumilapon sila pag ako na bumangga sa kanila. Mabuti na lang din talaga marunong akong magpigil. Yun nga lang, yung bunganga ko hindi ko maawat minsan. Mas maganda na sa umpisa pa lang alam na nila na hindi ako papalukob sa takot pagdating sa mga pambubully nila.
Nang matapos ako ay hinayaan naman na akong lumabas ng aming prof. Pagdating ko sa labas ay nagulat pa ako ng makita doon si Ulap at tila naghihintay.
He was wearing a plaid blue polo shirt with a black ripped jeans underneath. He was reading something on his phone at ni hindi binibigyan ng pansin ang ilang mga babaeng panay ang tingin sa kanya. Ang iba ay nakakumpol na malapit sa kanya.
Bagong salta lang ang magtatangkang lumapit sa mga Puntavega. Kalat sa school na bawal silang lapitan lalo na si Alexo.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi ng maalala ang nangyari nung nakaraan. Hanggang ngayon ay nasa akin pa yung tshirt na basta ko na lang dinapot sa closet niya.
Paano ba naman kase, etong si Ulap parang ibang tao minsan. E ang weird weird niya lang dapat pero minsan parang kinakabahan ako sa mga sinasabi at ikinikilos niya. And I don't like that. I don't like getting caught off-guard.
Why is he here anyway? Hindi naman siguro ako ang sadya niya dahil tinatakasan pa din ako ng lokong to e.
Dahil sa naisip ay nag umpisa na akong humakbang sa kabilang direksyon at ni hindi siya tinawag pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako ang may humigit na bigla sa aking braso dahilan kung bakit ako mahatak pabalik.
Isang singhap ang kumawala sa aking labi, ang aking mga kamay ay tumama na sa kanyang dibdib. Naramdaman kong pumulupot sa aking baywang ang isa niyang kamay upang marahil suportahan ang aking katawan at hindi kami biglang matumba. Kaya lamang ay masyado na yata kaming magkalapit.
Napalunok ako. He was staring at me intently at seryosong seryoso ang mukha.
"I was waiting for you... Hindi mo ba ko nakita?" tanong niya, bahagya pa siyang ngumuso. Akala niya yata nakakatuwa siya.
May mga narinig akong nagbubulungan kaya agad ko siyang naitulak, na napalakas yata ng konti.
"Aray ko Barbara ha. Nahahawa ka na kila Dakota. Nagiging mapanakit ka na din," reklamo niya. Inirapan ko naman siya agad at pinakalma ang aking sarili. Parang bigla akong hiningal.
"Hindi kita napansin kanina. Tsaka bakit mo ba ko hinihintay e wala naman tayong lesson ngayon? Ay teka," nanlaki ang aking mga mata ng may maalala. "Paano mo nalaman ang schedule ko? Nung last time din nagpunta ka na lang bigla sa klase ko ah?" taka kong tanong. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Binigay nung babae sa guild nung hinanap kita. Grabe Bobbie, bakit ang dami mong subjects? Nagmamadali ka bang gumraduate?" taka niyang tanong. Nag umpisa naman akong maglakad at sumunod naman siya.
"Wala kang paki Ulap. Anong kelangan mo?" kunwari ay wala kong ganang tanong pero ang totoo ay parang naiilang na ako sa pagsunod niya. Masyado kaseng madaming nakatingin. Nakakastress.
"Wala ka nang klase di ba? Samahan mo akong sunduin si Baby V sa vet. Kawawa naman siya may sakit,"
Napalingon ako sa gawi niya.
"Yun ba yung aso mo daw na nagbabra?" kinwento sakin ni Andrea minsan yun e. Tawa pa nga ng tawa. Hindi nga ako naniniwala pero nung nagkatinginan kami ni Xantha, nakumpirma ko na din na totoo nga.
"Cutie kaya yung baby ko," nakanhiti niyang turan. Yung boxy grin niya talaga nakakawala ng ulirat. Lalo siyang nagmumukhang bata.
Ipinilig ko ang aking ulo. "E bakit ako ang isasama mo e ang dami dami mong kapatid. O kaya si Lexo tutal para naman na kayong kambal," tanong ko. Malapit na kami sa parking lot at gusto kong batukan ang sarili ko dahil ako yata mismo ang naglakad patungo dito.
Ano Bobbie, may kotse ka?
Nagulat ako nga hawakan bigla ni Cloud ang kamay ko at iginiya patungo sa kapaparada pa lamang na asul na kotse. Nagulat ako ng lumabas mula sa driver's seat si Kuya Julio.
Dalawang beses ko pa lang siya nakita pero parang ang manly manly niyang tignan at matalino pa. Ang layo niya kay Ulap.
Nang makita niya kami ay naglakad naman siya pasalubong sakin. Bigla niya oang iniitsa ang susi patungo kay Ulap.
"Hoy Ulap, ingatan mo yang kotse ko. Sasakalin kita kapag nagkagasgas yan. Ayaw mo pa kaseng magpabili ng kotse tapos ngayon napapadalas hiram mo sa iba," napatingin siya sa gawi ko. "Hi Bobbie, ang cute ng t-shirt mo, Harley Quinn, bagay sayo," turan niya tsaka ngumiti. Muntik ng nalaglag ang panga ko ng makita ang malalim niyang dimples.
Naglakad naman siya agad at tinapik pa muna ang balikat ni Ulap bago ginulo ang itaas ng buhok ko. Siyempre nadamay ang bangs.
"Tara na Barbara," nadinig kong sabi ni Ulap pero nakatingin pa din ako sa gawi ni Kuya Julio na patuloy lang sa paglalakad.
Punyeta, ito na lang lagi kong isusuot.
Ang cute pala ni Kuya Julio. Crush ko na yata siya.
"Barbara...." muling tawag sakin ni Ulap pero sinusundan ko pa din si Kuya Julio ng tingin. Ang tangkad niya pa. Parang bagay yata kami e.
Nagulat ako ng lumitaw sa harap ko ang mukha niya, nakakunot ang noo at tila nagtataka.
Napaatras naman ako agad sa sobrang gulat.
"Ano ba, bakit ka ba biglang nanggugulat?" kunwaring naiinis kong turan. Ang bilis kase ng t***k ng puso ko.
Bahagya niya pang inilapit ang kanyang mukha, naging gawain na yata to ng walanghiya. Napatitig ako sa kanyang labi na kumikibot kibot pa.
Punyeta.
"Barbara ang pula ng mukha mo. Mas sakit ka na naman?" tanong niya. "O baka nauuhaw ka na, panay lunok mo e," pagkatapos niyang ngumuso ay lumayo na siya ng konti at hinawakan na naman ang aking kamay.
"Tara na nga. Naghihintay na ang baby ko e," magiliw niyang turan.
Ako naman ay parang tuod lang na sumunod sa kanya.
Ano na bang nangyayari talaga sakin?