2

1315 Words
First Name... "Kailangan ko ba talaga tong sagutan?"  Sinalubong ko ang kanyang tingin. Ang aking mukha na kanina ay kalmado naman san ay para na yatang dinaanan ng limang pison sa sobrang pagpipigil ko sa lalaki na to. My God Bobbie, calm down. Nakangiwi pa siya habang nakatingin sakin na para bang siya pa ang nawweirduhan sa itsura ko. Punyeta. It wasn't even an hour pero nakalampas sampung beses na yata niyang natanong yun.  "Mr. Puntavega, a-" "Cloud," agad niyang putol sa akin. Napaangat ako ng kilay.  Close ba kami? "I don't think we're close enough to go on a first name basis," paglilinaw ko sa kanya pero tinaasan niya din ako ng kilay.  "Kaya nga Cloud kase hindi naman tayo close. Kung close tayo de sana sabi ko Ulap. Pareho? Pareho?" nakanguso niyang turan.  Parang nanggigil naman tuloy ako sa kanya. Bakit ang sungit niya? Pinapasagutan ko lang naman sana sa kanya yung questionare para ma gauge ko kung saan na siya banda pero nakakaisang tanong pa lang siya simula kanina. Ganito din last year. Hindi ko ba alam kung sinasadya niya o tinatamad lang siya. Imposible naman na hindi niya to alam e anong year na siya. Kung tuturuan ko ang lalaking ito ng buong semester, baka siguro maaga akong bumagsak sa kunsomisyon. Grabe, hindi ko nga alam kung oaano kami nakatagal magkasama ng halos isang oras e. Though wala namang point dahil number one talaga ang sinagutan niya na hindi ko pa napapansin kung tama ba o wala namang dulot sa papel niya. Kung alam ko de sana nakipagpalit na lang ako ang tuturuan. Siguro naman maraming may gustong turuan siya d ba. "For the nth time Cloud, yes. You need to answer them. Gawin mo na lang para matapos na at makausap mo na yung mga flowers," nanggigigil kong turan. Parang nagsisisi tuloy ako na pinuntahan siya sa garden kanina. Ang tahimik ko sanang hapon ay napuno ng konsumisyon at init ng ulo  Napailing ako ng maalala ang nadatnang eksena.  If this was a different scene, baka naenganyo pa akong panoorin siya. He was crouched on the ground. Ang mukha niyang puno na kainosentehan ay manghang mangha habang tila kinakabisado ang bawat parte ng bulaklak sa kanyang harapan.  Kanina talaga ay parang ayaw ko siyang istorbohin. Somehow, parang mayroong bumubulong sa loob ko na layuan ko ang lalaking ito at huwag kong sirain ang inosente niyang karanasan. Hindi ko ba alam kung dahil mukhang ang carefree masyado ng personality niya but I have never seen someone stare at something as if he has fallen in love with like he does earlier. Masyadong expressive ang kanyang itsura at hindi nakakatulong na masyadong perpekto ang pagkakahubog ng bawat kanto ng kanyang mukha. Masyadong unfair si God. Wala yatang hindi mapapalingon kapag dumaan siya. Kanina, sa sobrang candid ng pagngiti niya, muntik na kong magdalawang isip na lumapit, kundi lang siya nag angata ng tingin at nakita ako. "E bakit mo ba kase pinapasagutan to e wala namang letters letters kapag magbabayad na kami ni Lexo sa tindahan. Minsan nga hindi pa nagsusukli doon e," nagrereklamo niyang turan. Math kase yung ibang questions na nakalagay doon. "You will need that. Hindi ngayon but eventually," timpi kong sagot. Nasa Scholar's guild kami, sa may bandang dulo kung saan may mga study corners. Yung Scholar's guild kase ay parang library. Pwede kaming mag tutoring sessions dito para walang istorbo. Pero parang di naman namin kailangan ng istorbo dahil napaka out of focus naman niya. "Hindi ko kailangan yan Barbara. Marami kaya akong kuya, si Kuya Aedree, papasagutan ko sa kanya. O kaya kay kuya Julio. Pangit noon e. Gusto lagi siya nakakasagot nung mga tanong laging pabida. Kaya hindi namin sinasama ni Lexo manghuli ng palaka,"  Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko masyadong naintindihan dahil sa dami ng sinabi niya. Sino daw? Tsaka ano? Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtawag niya sa buo kong pangalan.  "Bobbie, don't call me on my first name," naiinis kong turan. Gusto ko Daddy ko lang ang tumatawag sakin ng Barbara. Sumimangot naman siya.  "Sabi mo hindi tayo close? Dapat first name  hindi nick name. Hindi kita bati. Nililito mo ako," he pouted and I was exasperated.  Nilaro laro niya ang hawak na ballpen sa kamay habang ako ay halos matulala sa pagkakaupo sa kanyang harapan. He started removing the covers at isa isa nang dinidistrungka yung kawawang ballpen. Paano ba kami matatapos nito? Parang sumasakit yata ang ulo ko.  Nagulat ako ng bigla na lang siyang dumukwang at inilapit ang mukha sa akin, agad akong napaatras pero dahil may haeamg sa likod ko ay halos kaunti na lamang ang naging pagitan ng aming mga mukha. Napalunok ako.  His brows were furrowed at parang may hinahanap siya na kung ano. Napapatagilid pa ang kanyang mukha. Punyeta. Kung gwapo siya sa normal na tingin, parang gusto kong magrant bigla dahil kahit sobrang lapit na namin sa isa't isa ay ni wala akong makitang kapintasan sa kanya. His face, everything was so godddamn perfect parang nakakatakot tuloy mapalapit sa kanya.  Napailing ako sa naisip.  Ano ba Bobbie. Stop thinking things. That's Cloud Puntavega. Siguradong maraming mga babaeng nagkakandarapa diyan at marami nandin yang napaiyak.  Isa pa ay hindi ka nagpunta dito para lumandi. "Anong ginagawa mo?" Sinubukan kong lakpan ng kahit anong makapagkukubli ng aking kaba ang aking tinig ngunit hindi ako sigurado kung nagtagumpay ako. Nagpout pa siya bigla.  Shit. "Sabi ni Kuya Julio kapag daw may puyo sa kilay bad daw. Pero wala ka namang ganon, tapos maganda naman yung balat mo," namula agad amg aking pisngi sa kanyang sinabi. Ano ba tong lalaking to. Bakit wala lang yata sa kanya kanya yung mga sinasabi niya? "Cute naman mata mo, pati ilong mo," lalo pa siyang lumapit na nakapagpalaki sa aking mga mata. "Pati labi mo parang ang sa-" Fuck. "Stop!" agad ko siyang naitulak sa sobrang kaba. Parang may nagwawala sa loob ko at ang t***k ng aking puso ay pumapailanlang na sa aking tengga. Parang nalukot ang kanyang gwapong mukha. "Ang sakit mo manulak dyan ha," reklamo niya. Is he for real? Bakit parang inosente siya at walang ginawa e halos mawarak na nga ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. "Uwi na kase ako. Baka umiiyak na naman kambal ko dun. Nagagalit na talaga ako dyan kay Andeng e. Sila nung ate niya mapanakit," bigla niyanakong tinitigan ng masama. "Bad kayong mga girls. Si Mattee din ang bigat ng kamay," pagmumuryot niya.  Sino ba ang mga sinasabi niya? Suddenly, I felt my phone vibrating on my pocket indicating that I have received a message. Agad kong kinuha iyon at parang gusto ko biglang magpasalamat dahil nagkaroon ako ng dahilan para madistract sa mga kalokohan ng lalaking ito. There are only a few people who sends me messages or even tries to contact me. Napakunot ang aking noo nang mapansin kung kanino nanggaling ang mensahe. Cousin Matilda: Ang daya mo. Nandito ka pala. Mom wants to see you. Kinakalimutan mo na kami Napiling ako ng mabasa ang sinabi niya ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti. Out of all my cousins, kay Matilda lang siguro ako napalapit. Basta napapaluwas kami ng Manila ay siya ang gustong gusto kong hinahanap. We are close. Pero yung closenesa namin, hindi yung kelangan magkasama kami lagi o magkikita. Yung tipong, pag nagkita kami ay gets na namin, yakap yakap na lang tapos bonding. Kaya lang medyo matagal na nung huli kaming magkita. Nung lumuwas ako dito at umalis sa amin ay hindi ko siya tinawagan. Alam kong pipilitin ako ng mama niya na sa kanila tumira. Isa pa, baka magalit lang si tita kapag nalaman kung bakit ako lumayas. But seeing how Matilda already knew I was here, baka nagkausap na nga ang mga magulang namin. Siguro kapag okay na ang lahat ay bisitahin ko sila. Sa ngayon ay kailangan ko munang mag isip ng paraan kung paano ko ba mahahandle ang lalaking ito. Agad nanlaki ang aking mga mata ng mapansin na nawala na siya sa aking harapan. Nang iginala ko ang aking tingin ay kitang kita ko siya na parang palakang gumagapang palabas ng silid. "Hoy Cloud!" agad kong sigaw at napatayo na din.  Ang walangya, agad na kumaripas ng takbo. Damn it. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD