Hetera's POV
"Wake up, dear."
Nagising naman ako dahil sa boses na narinig ko na nanggaling sa isang mahinahong babae. Nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko, kinusot-kusot ko pa ang mata ko at laking gulat ko ng parang may kakaiba sa mata ko.
Wala 'yong contact lens ko!*
Hindi ako mapakali. "Calm down," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at mabilis ko namang naituon ang mga mata ko sa contact lens na nasa palad niya. "Here."
"Ah, thank you po," sabi ko naman at kinuha na contact lens. Dali-dali akong nagtungo sa salamin at inilagay ang contact lens na gray sa blue eyed ko.
"Kakaiba ang mga mata mo," nanatiling mahinahon ang boses niya, walang bahid na takot.
"Heterochromia ang sakit ko po," paliwanag ko naman.
"It's not an eye disease."
Oo nga pala!* Alam ko naman na hindi sakit 'yon pero pinaparamdam ng ilang tao sa 'kin na isang sakit 'yon o isang curse na para bang kasalanan ko na nagkaroon ako ng kakaibang kulay na mga mata. Sabi pa ng doctor ko, normal naman ang condition na 'yon kaso sa case ko? Hindi. May kakaibang hatid ang mga mata ko kung saan nababasa ko ang isipan ng mga tao. Ako lang din ang nakakaalam na may gano'n akong kakayahan, hindi ko pinagsabi sa iba.
"Ah, okay po," sabi ko na lang at huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit, "Thank you po, doc? Pero kailangan ko na pong pumasok sa classroom. Bago lang po kasi ako dito."
"Dr. Elva," at ngumiti siya. "By the way, bago ka umuwi pagkatapos ng orientation pumunta ka sa coordinator's office pag-uusapan natin ang nangyari sa'yo. Sumabay ka sa akin mamaya, pumunta ka na lang dito. Is that clear?"
What? Anong gagawin ko do'n? Huwag mong sabihin first day ko pa lang dito. Expelled na ako? Dahil sa mga mata ko?* Ayoko namang tumingin sa mga mata niya at baka masaktan lang ako. Tumango na lang ako sa sinabi niya habang nakatingin sa baba, lalabas na sana ako nang magsalita pa ulit siya. "It's a gift."
Umiling na lamang ako nang makalabas ako sa clinic. Gift? Ano 'yon?* Muli akong pumunta sa information board dahil hindi ko nakita kung anong section ako kanina. Luckily, buhay pa ako at nakaligtas ako sa nangyari kanina. Mahina talaga ako lalo na kapag madami akong nababasa sa isipan ng mga tao, idagdag mo pa ang stress sa buhay ko dahil ang daming problema.
4th year - Section A - Einstein*
Si Albert Einstein, isa sa magaling na scientist. Tahimik akong naglakad papunta sa 4th floor gamit ang hagdan, ayoko kasi gumamit ng elevator dahil baka may makasabay pa ako. Mas pipiliin ko pang maghirap kaysa na makasama ko ang mga tao. Mas nakakatakot kaya ang mga tao kaysa sa multo dahil ang tao ay nananakit at ang multo hindi naman, tatakutin ka lang niya at saka there's no such thing as ghost.
Mayamaya pa ay nasa harapan na ako ng section ko. Nakasarado na ang pinto pero kitang kita ko ang mga tao sa loob at may teacher na rin. Naka-glass kasi ang mga window kaya makikita mo ang tao na nasa loob.
Papasok ba ako? Or?* Napabuntong-hininga na lang ako at tuluyan ng kumatok sa pinto.
Bumukas na ang pinto at bumungad naman sa akin ang lalaking guro. Bahagya akong sumulyap sa kanya pero hindi ako nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko siyang ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. "New student?"
"Yes, sir," mahinang sabi ko.
"Come in," sabi niya at gumilid na para makapasok ako.
Pagpasok ko pa lang sa loob, narinig ko na ang bulungan ng mga tao rito.
"Quiet, everyone! May bago kayong magiging kaklase. She's a new student and I believe she's from 'Petria School' it's also an exclusive school. So please, be nice to her," sabi naman ni sir, tumingin siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya. "Magpakilala ka na," Dagdag niya kaya tumango ako.
Imbis na makipag eye contact sa kanila, nakatingin lamang ako shelves na nasa dulo na napapa-gitnaan ng mga upuan. "I'm Hetera Lim. Nice to meet you, all," simpleng pagpapakilala ko.
"Huy! Si bulag, oh!" narinig kong sabi ng lalaki na pamilyar ang boses.
Unti-unti akong napatingin sa kanya at nag-iwas din agad. Siya nga!*
Tumawa naman ang lahat dahil sa pang-aasar sa akin.
Psh, kulang sa pansin.* Sanay naman akong inaasar kaya nga palipat-lipat ako ng school kapag natapos ko na ang isang taon. Hindi talaga ako nagtatagal dahil nadadawit ako sa gulo. Siguro nga, malas ako. Kaya sa taong katulad niya, masasanay rin ako.
"Quiet, class!" sa pagsigaw ni sir natahimik naman ang lahat. "Pumili ka na sa isa sa mga empty seats," Sabi niya sa 'kin.
Pumwesto na ako sa dulo na nasa isang row, wala akong katabi. Nang makaupo ako, muling nagsalita si sir. "Are you okay, Hetera? Wala kang katabi riyan," nag-aalalang tanong niya.
/Kawawa naman ang batang 'to./ Mabait nga talaga.
Thank you, sir.*
"I'm fine, sir," sabi ko naman.
"Okay," Saka tumango.
"Sir!" may nagtaas ng kamay, ang lalaking 'yon!
"What is it?" tanong naman ni sir.
"Paano siya makakapag-aral? Eh, bulag siya? Bingi pa nga, eh," humahalakhak pang sabi niya.
Hindi ka na nga pinapansin, sige ka pa rin!*
Muli na namang tumawa ang lahat.
"Stop it, Wilson Charles Bervara! Ikaw dapat ang maging role model ng lahat pero ikaw ang gumagawa ng kalokohan, stop being so immature!"
Nanatili lang akong tahimik kahit na nagsisisigaw ako sa aking isipan. Huwag ko lang talaga mababasa ang kanilang isipan dahil hindi ko magugustuhan. Nagsisisi na talaga ako dapat pala sinuot ko na lang ang dalawa kong contact lens para hindi ako mahirapan at hindi ako maasar ng lalaking 'yon.
"Sir, I'm still the top 1 in this class. Alam mo 'yan simula dati pa," sabi naman ni Wilson at napalingon pa sa akin na parang nagmamayabang.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at nakapalumbaba akong tumingin sa bintana.
"Yeah, you're right. You're smart but your attitude is not good!" sabi naman ni Sir.
Hindi na nakapagsalita ang lahat maski si Wilson, mabuti na lang.
"Hetera, I'm Alvin Pins. The advisory of this class," pagpapakilala niya sa akin.
Naibaling ko ang tingin sa kanya, "Okay, sir," sabi ko naman.
"Ibibigay ko na lang sa'yo ang requirements mamaya," sabi pa niya at tumango ako.
Nagsimula na rin siyang mag discuss about sa rules and regulations pati na rin sa iba pang bagay. Napansin ko naman na hindi masyado nakikinig ang iba dahil matagal na sila dito, ako lang ang bago dito sa klase kaya wala akong kaalam-alam. Madali ko naman 'tong naintindihan dahil nakatingin ako sa mga mata ni sir, nababasa ko ang susunod na salita na lalabas sa bibig ni sir. Tango lang din ako ng tango at kapag tinatanong niya ako ay nakakasagot naman ako.
Tumunog na ang bell. Oras na para sa break time.
"Bumalik kayo dito after one hour of break," sabi ni sir.
"Yes, sir!" sabi nilang lahat maliban sakin.
Pinauna ko silang makalabas pagkatapos lumapit na ako kay sir at hiningi ko na ang requirements na hindi nakatingin sa mga mata niya. "Nand'yan na lahat. Dapat sa friday kumpleto na 'yan, understand?"
"Yes, sir."
"You may take your break," nakangiting sabi niya, ako naman ay tumango.
Pinauna kong lumabas si sir at nang makalabas ako muli na naman akong napaatras dahil may nakita akong paa na nasa harapan ko, nakatungo kasi ako. Unti-unti kong inangat ang ulo ko upang makita kung sino 'yon.
"What's up, Hetera?"
Von Lim! Ang pinsan ko! No, no. Hindi ito maaari!* Nanlalaki ang mga mata ko nang makita siya. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Ah! Ikaw pala, hindi ko napansin," sabi ko naman na nakatingin lamang sa pisngi niya. This is so embarrassing! Ang dami kasing nakatingin na mga mata sa amin, nakikita ko sa aking peripheral vision.
"Kung saan ka kasi nakatingin, eh. Hindi mo na tuloy ako napapansin. Mabuti naman lumipat ka na. Sino naglipat sa'yo? Si Tito?" walang ganang sabi niya, nakapamulsa siyang nakaharap sa akin.
Hindi niya naman kasi kailangan mag bait-baitan. Si Von na magaling magpanggap. Kaya mabuti na lang nalaman ko kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin na puro naman pang-aasar. Thanks to my eyes kahit papaano nakakalayo ako sa mga taong dapat kong layuan. Sadyang mapaglaro ang tadhana, nandito pala siya. Tulad nga ng sabi ko, ayaw sa akin ng pamilya ni Papa. Tito niya ang papa ko, kapatid ni papa ang mama niya.
"Ah, si mama ang naglipat sa akin dito."
"Bakit naman? Bakit ka pa lumipat?" nakangiting sabi niya. Kung titingnan, wala lang ang tanong niya pero ang totoong ibig sabihin non ay hindi na sana ako lumipat.
Ayan 'yan, eh. Buti naman lumalabas sa bibig mo na, ayaw mo ako dito.*
"Malay ko," sabi ko na lang at umiwas na sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako.
"Hetera, wait!"
Tumigil naman ako at dahan-dahang tumingin sa kanya.
"Sumabay ka na sa akin," sabi ni Von, umiling naman ako pero hinawakan niya na ang kamay ko bago pa ako makalayo sa kanya.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, napaiwas ako ng tingin. /Ipapahiya kitang hayop ka! Bigla mo na lang akong tatalikuran! Akala mo kung sino ka, panget naman ng mga mata mo!/ Alam niya rin ang tungkol sa mga mata ko, nakita niya ang kakaibang kulay ng mga mata ko no'ng bata kami.
Kung ayaw mo sa akin, sana lumayo ka na lang.*
"Hindi na," sabi ko naman at tinanggal na ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi na siya nagsalita pa o pigilan ako, hinayaan niya na ako.
Mag-isa akong nagpunta sa cafeteria. Iniiwasan ko ang mga taong nakatingin sakin. Um-order na ako at umupo sa bakanteng table na isang tao lang ang p'wedeng gumamit non. One table and one chair tamang-tama sa taong katulad ko na palaging nag-iisa. Una kong kinagat ang hamburger ko at saka uminom ng mango shake, mamaya na ang strawberry cupcake ko. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa mga pagkain ko.
"Wow! Si bulag, oh!"
WHAT?*
"Ay, bingi?"
"Par, tara na," narinig kong sabi ng isa. Hindi si Von 'yon at hindi si Wilson, mas lalong hindi ang babae na nasa likod niya kanina, boses lalaki rin ito hindi ko nga lang alam ang pangalan. Hindi ko sila pinansin, ayoko silang tingnan. Patuloy lang ako sa pagnguya sa binili kong pagkain.
"Guys, kumain na lang tayo," rinig kong sabi ng babae, nandito pa pala sila.
"Yoooho! Hoy, Herata!" si Wilson.
"Pangalan na nga lang, mali pa." Bulong ko sa aking sarili. Hetera kasi.*
"Hetera kasi, bro," pagtatama naman ni Von.
"Ay, basta! Huy, bulag!"
Mukhang magtatagal pa sila dito. Dali-dali ko ng inubos ang pagkain ko. Tumayo na ako at umiwas sa kanila pero napatalon ako nang maramdaman ang juice sa katawan ko. Sinadya niya akong tapunan ng orange juice sa damit ko. Puti pa naman ang suot ko, mahahalata!
"Ay, sorry. Nabangga kita. Bulag ka kasi," sabi niya pa, wala man lang awa.
Binalot nang tawanan ang cafeteria. Nakakahiya*
Imbis na magalit kay Wilson padabog akong naglakad palayo sa kanila ngunit muli akong natigilan nang maramdaman ko ang bagay na dumikit sa buhok ko. Hinawakan ko ang malagkit na 'yon at nakita ko sa kamay ko ang spaghetti. Mga walang hiya kayo. Wala man lang kayo awa!* Tuluyan na akong napalingon sa gawi nila Wilson, nag-aalab ng apoy ang aking puso na para bang gusto na nitong sumabog. Imbis na gumanti o sumigaw man lang kay Wilson hindi ko nagawa, napalitan ang galit ko ng luha na tumulo na sa mga mata ko.
"She's crying!" natatawang sabi ng isang babae, tiningnan ko siya kahit nanlalabo na ang mga mata ko. 'Yong contact lens ko baka masira.
"Cry baby!" rinig kong sabi ni Wilson.
At tumawa na naman silang lahat, walang katapusang pagtawa. Masaya sila na may nakikita silang nahihirapan, mas sobra na yata ang school na 'to kumpara sa mga unang pinasukan ko. Mas malala 'to. Hindi lang verbal bullying ang mararanasan ko dito pati pala ganito.
Hindi na naman ako makagalaw. Ito ang ayoko, eh!
"Are you okay?"
Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang matandang nag-aalala sa akin. Tumingin ako sa kanyang mga mata at nabasa ko ang nasa isipan niya. /Are you okay?/
Umiling naman ako.
"Good afternoon, dean!" sabi nilang lahat maliban sa 'kin. Kaya pala tumahimik bigla.
"Everyone, go back to your seats and eat your food with manners," mahinahong sabi niya. Lahat naman ay napaupo sa kanilang mga upuan habang ako ay nakatayo pa rin at bigla niya namang hinawakan ang kamay ko at iniharap sa kanila. Nakatayo pa pala sila, si Von, Wilson 'yong babae at ang lalaki, gulat ang nasa mukha nila lalo na si Wilson. Puro takot ang isinisigaw ng kanilang isipan.
"Tell me young lady, sino ang gumawa sa'yo nito?" mahinahon pa ring sabi niya.
Sasabihin ko ba? Oo tama 'yan, Hetera.*
"S-si..." bahagya akong natigilan.
"Who?"
Tinuro ko si Wilson at tiningnan ko siya sa mismong mga mata niya. /Pakyu ka bulag!/ Talagang minura mo pa ako! Psh!*
"Okay," at tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Thank you, young lady. Ayusin mo na ang sarili mo at umuwi na. Bukas na lang natin pag-usapan ang nangyari ngayon. Is that okay with you? Ako na ring bahala kay Dr. Elva, sasabihan ko na lang siya. Kailangan mo ng magpahinga," sabi naman niya.
Ako naman ay tumango, umalis na ako sa harapan nila at bago pa ako makalayo sa cafeteria. Tumaas ang balahibo ko dahil sa lakas ng boses ni dean. Matanda na siya pero ang lakas niya pa rin.
"Wilson!" sigaw ng dean.
Sana ma-suspend ka Wilson*