Wilson's POV
Sabi nga nila, napaka-swerte kong nilalang. Hindi ko naman maitatanggi na tama nga ang sinasabi nila. Gwapo, marunong sa lahat ng sports, mga babaeng nahuhumaling sa akin na sa isang kindat ko lang ay kinikilig na sila at kung p'wede nga lang mahimatay sila sa daan, ginawa na nila. Mapera rin dahil sa pamilya ko, matalino, nasa akin na ang lahat. Ang problema nga lang kung pag-uusapan ang ugali ko? iyon naman ang kakaiba. Masama, pa-epal, malakas mangtrip at tarantado.
"Baby! Let's eat, na. Bumaba ka na riyan!"
Walang gana naman akong bumangon sa kama. Ang aga-aga kung maka-baby, akala mo siya ang nanay ko. Nagpunta na akong banyo at saka bumaba na. Pagdating ko sa dining area ay umupo na lang ako sa aking upuan at kumain na ng pagkain na nakahain na sa plato ko. Ganito ang buhay ko, masaya, walang problema dahil pagbaba ko nakaayos na ang lahat para sa akin. Kakain, aaral, maglalaro at matutulog 'yon lang halos ginagawa ko sa buong araw.
"Wala ka talagang manners," sabi niya, ang magaling na ate ko. Siya ang kasama ko sa bahay, isama mo na ang mga katulong at si manong guard.
Ang magulang ko kasi ay nasa business trip, puro business ang inaatupag nila. Doon na lang palagi naikot ang buhay nila.
"Who you?" sabi ko sa kanya at tumawa ng malakas.
"Hoy, Wilson! Huwag mo nga akong ginagan'yan!" sigaw naman niya sa akin.
"Yun naman pala! Wilson kasi pangalan ko! Hindi BABY," sigaw ko rin sa kanya. Baby kasi ang tawag sa 'kin parang excited na magka-baby, sinali pa talaga ako sa kalokohan niya.
"Arte mo! Ang laki-laki mo na, gumagan'yan ka pa? Mahiya ka naman!" palagi na lang kaming nagsisigawan, ganito na talaga kami dahil nasanay na.
"Spell, wala akong pake," sabi ko naman sa kanya at sinubo na ang bacon na kanina ko pa gustong kainin.
"Hindi ka marunong mag spelling, non? Kawawang baby," sarkastikong sabi niya.
"Wow! Alam mo ba 'yong biro?!"
"Biro? Wala 'yon sa vocabulary ko, eh," nagmamaang-maangan niya namang sabi.
"Pwes! Mag--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sumingit na ang pinagkakatiwalaan at nag-alaga sa amin no'ng kami ay limang taong gulang pa lamang. Hanggang ngayon nandito pa rin siya, si Manang Thea.
"Ang aga-aga, ey! Nagsisigawan kayo riyan, nasa harap kayo ng pagkain," paalala naman ni manang.
Sumimangot na lang ako at itinuon na ang atensyon ko sa pagkain. Nanahimik na ako, may respeto naman ako kay manang.
"Sera, ikaw ang panganay dapat tinuturuan mo 'yang kapatid mo na napaka-tigas talaga ng ulo," nagsisimula na ang mahabang speech ni manang. Sera Bervara, ang pangalan naman ng Ate ko.
"Manang naman! Stop it. I know, I know," sabi naman ni ate, ayaw niya rin kasing magsalita si manang ng napaka-haba dahil nakakaabot 'to ng mahigit na isang oras dahil sa sermon niya.
"Hay," narinig pa naming bumuntong-hininga si manang at bumalik na sa kusina.
"Bilisan mo na riyan."
Tumango na lamang ako kay ate at inubos na ang pagkain ko. Anong oras na rin, wala na akong oras para makipag-sigawan ulit sa kanya.
Nang makarating na kami sa St. Vincent Academy. Sabay kaming nag park ni ate ng sasakyan, bumaba na ako at nakita ko si ate na nakasandal sa kanyang kotse.
"Bye!" tipid na sabi ko sa kanya dahil pupuntahan ko pa ang best friend ko.
"Huwag ng matigas ang ulo, Wilson," seryosong sabi naman ni ate.
Aware naman ako sa pinaggagawa ko sa buhay. Sanay na rin ako na sinasabihan nila na tumatanda akong paurong, I f*****g know it all. Sadyang, ginagawa ko lang 'to para sa atensyon na gusto kong maramdaman muli.
"Oo na," sabi ko na lang sa kanya at tinalikuran na siya.
Napatingin naman ako sa mga bagong estudyante, gusto ko rin sanang mag civilian clothes kaso pinilit ako ni ate na magsuot na ng academic uniform dahil old student naman na ako rito. First day of class kaya orientation pa lang.
Nagtungo na akong cafeteria at nakita ko na siya kahit nakatalikod pa lang. "Huy!" ginulat ko siya galing sa likod.
"Ay, kabayo!" nanlalaki ang mga mata niyang sabi, gulat na gulat. Hinarap niya na rin ako kaya sinalubong ko siya ng aking ngiti. Sa kanya lang kasi ako ganito. "Ano ba 'yan, Charles!" Dagdag niya pa. Ang bilis niya talagang magulat kaya nasisiyahan ako kapag ginagawa ko 'to.
"Sa itsura kong 'to? Kabayo?" natatawang sabi ko naman.
"Gwapo!" sabi naman niya at marahan ding tumawa, she's like an angel.
Sa maamo niyang mukha, makinis na balat, malambot na buhok at hubog ng katawan. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa magandang babae na kasama ko ngayon?
Iyan ang gusto ko sa'yo, eh. Nagsasabi ng totoo.*
"Crush mo talaga ako Reya, ah?" sabi ko at ginulo-gulo ko ang buhok niya. Ngumuso naman siya. Cute*
"Huwag kang feeler!" sabi naman niya at inirapan ako. Tumawa na lang ako sa kanya.
Itong best friend kong babae. Kilalang kilala na ako niyan dahil matagal na kaming mag best friend, simula no'ng kami ay first year high school. Ngayon na fourth year na, ilang years na kami? Four years na! Ang galing ko talaga sa math.
Bumalik na lamang ako sa reyalidad nang tawagin niya ang pangalan ko. "Charles."
"Oh?"
"Let's go? Tingnan natin 'yong section," sabi niya at kinuha niya na ang gamit niya sa table.
"Oo nga pala," sabi ko at bahagya ko namang nilibot ang aking paningin sa palagid. Wala pa ang dalawang asungot na 'yon. Kaibigan ko rin ang dalawang 'yon, si Von Lim at Brentt Peralla. Kung may best friend akong babae, syempre may lalaki rin at 'yon ay si Von.
Habang papunta kami sa information board, dumarami na ang mga taong nakakasalubong namin kaya naririnig ko na ring ang mga bulong-bulungan nila tungkol sa akin.
"Shet! Ang hot niya talaga!"
"Gwapo!"
"Crush ko na siya!"
"Oh my gee! Tumingin siya sa akin!"
May tainga ako naririnig ko kayo, peste.* Natutuwa naman talaga ako sa mga sinasabi nila pero 'yong lumalabas ba sa bibig nila ay totoo? Hindi porket kilala ako ng mga tao rito, magaganda na dapat ang lumalabas sa bibig nila. Malay ko ba na pakitang tao lang nila 'yon? Mas gugustuhin ko pa na masasamang salita ang sinasabi nila at least totoo naman at alam ko 'yon sa sarili ko. Hindi naman ako perpektong tao kahit sinasabi nila nasa akin na ang lahat.
"Iba ka talaga," sabi naman sa 'kin ni Reya.
"Gano'n talaga kapag gwapo," nakangising sabi ko naman at kumindat pa sa kanya na nagpangiti sa kanya. Bahagya pa akong napatingin sa isang babae, nakita ko naman na namula ang pisngi niya. Iba talaga ang charismang dala ko.*
Malapit na kami sa bulletin board nang makita ko ang isang babae na new student. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero naisip kong pagtripan siya dahil mukhang inosente pa ang babaeng 'to.
"Tabi!" sigaw ko sa kanya.
Unti-unti naman siyang napalingon sa akin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, she's kinda cute. Natigilan na lamang ako nang makita ang ekspresyon sa mukha niya, ang weird lalo na't ramdam ko ang kaba niya at nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Bulag ba siya? Hindi kasi makatingin sa akin, eh.
Tingnan natin. Masarap kang pagtripan sigurado ako.*
"Ako?" sabi niya sabay turo sa kanyang sarili.
"Bulag ka ba? Saan ka ba nakatingin?!" muling sigaw ko sa kanya.
Tumikhim ako nang bigla akong nakaramdam nang pagkainis dahil imbis na sagutin niya ako, hindi niya ako pinansin!
"Hayaan na natin, Charles," saway naman sa 'kin ni Reya pero hindi ko siya pinansin.
"Huwag mo akong tatalikuran!" sigaw ko sa kanya, hindi pa siya nakakalayo at dahil sa lakas ng boses ko alam kong maririnig niya 'yon. Huwag niyang sabihin na bingi siya? Eh, mukhang hindi naman at hindi rin siya bulag! Ang weird lang, amp!
Hindi niya pa rin ako pinapansin! Hindi man lang lumingon sakin at dahil sa eksenang ginawa ko mas dumami ang mga tao na nandito, nakapalibot na sila sa amin na para bang nanonood ng palabas. Madami rin akong naririnig na bulong-bulungan.
"Iyan, tingnan natin," Mahinang sabi ko. Bahagya akong napangisi nang makitang may humarang na sa kanya, mga babae na halata naman paganda lang ang alam.
Natigilan naman si Reya. "Gosh! Charles?"
"Let's watch, Reya," sabi ko naman sa kanya at umiling na lamang siya na para bang dismayado na naman sa ginagawa ko. Wala siyang magagawa ganito ako, eh.
Ibinaling ko na lang ulit ang aking paningin sa babae nang bigla na lang siyang himatayin. Wala pa namang ginagawa ang mga babae sa kanya, ah! s**t!*
Kaagad akong lumapit sa kanila. Malaking gulo na naman ang pinasok ko, hindi dapat ako kabahan ng ganito pero ang babaeng 'to. Napasinghap na lamang ako.
"Oh, gahd! I'm sorry," narinig ko pang sabi ng isa pero hindi ko na lang siya pinansin.
Kapag may ginawa ka nga namang kasalanan, una mong gagawin hihingi ka ng tawad. Ang tanong, hindi mo na ba uulitin?
Tuluyan na akong lumuhod para makapantay ang babae. Marahan kong tinapik ang pisngi niya pero hindi siya magising. Bwiset!
"Wala pa kaming ginagawa," sabi naman ng isa.
"Shut up!" inis na sigaw ko sa kanila kaya natigilan sila, "Tapos na ang palabas! Umalis na kayo dito!" Sigaw ko naman sa kanilang lahat, hindi na sila nagdalawang-isip na sundin ako.
Pambihira! Lagot ako!*
"Dalhin na natin siya sa clinic," sabi naman ni Reya nang makalapit sa amin kaya binuhat ko na ang babae at dali-daling pumunta sa elevator at sumakay na.
"I hope, she's okay," nag-aalalang sabi naman ni Reya.
Pagbukas ng elevator, lumabas na kami at nagtungo na sa clinic. Si Reya na ang nagbukas ng pinto at inilagay ko na agad ang bagong student sa kama.
"What happened?" tanong ni Dr. Elva.
"Nahimatay po siya," si Reya na ang nagpaliwanag.
Hindi ako makapagsalita, kinakabahan talaga ako. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'to. Sino ba naman kasi ang mahihimatay ro'n? Nilapitan lang naman siya.
"Oh, okay," Sabi naman ni doktora at kaagad na tiningnan ang kalagayan ng babae, "Wilson?" Napalunok naman ako, alam ko na ang susunod na punta nito.
"Doc?"
"Wala ka namang kinalaman dito, 'di ba?" seryosong tanong niya.
Wala naman talaga! Hindi ko nga siya nahawakan, eh!*
"Y--yes," nautal na sabi ko pa.
"Hmm, okay. Bumalik na kayo sa classroom niyo dahil anong oras na ay magsisimula na ang class orientation niyo. Ako ng bahala sa batang 'to," sabi naman niya at tumango ako.
"Thank you, doc," sabi naman ni Reya at lumabas na kami sa clinic.
"Charles?" muling tawag sa akin ni Reya.
Tiningnan ko siya. "Oh?"
"Mabuti naman hindi mo ginalaw 'yon dahil oras na magising siya makakarating ang reklamo ng babae na 'yon sa lola mo," mahinahong sabi naman niya.
"Reya," Napabuntong-hininga naman ako. "Hindi mo na sana pinaalala sa akin. Ayoko ngang isipin si lola dahil paniguradong problema ang aabutin ko ro'n," sabi ko pa sa kanya.
Ayoko talaga kay lola dahil si lola lang ang may lakas-loob na pagalitan ako. Siya kasi ang may ari ng academy na 'to.
"Sorry na, halika na nga," sabi niya sabay hila na sa akin.
Nagpahatak na lang ako sa kanya habang naiisip pa rin ang babaeng 'yon. 'wag na 'wag ka talagang magpapakita sa aking weirdo ka!*