[BOOK 1]
Minsan ba naiisip mo na gusto mong malaman kung ano ang iniisip o takbo ng isipan niya? Tipong gusto mong malaman 'yong totoo. Totoong nararamdaman niya, hindi kasinungalingan.
Hetera Lim, ang pangalan niya. Isang babae na nababasa ang isipan ng tao. Kaya niyang alamin ang katotohanan gamit ang kanyang mga mata. Babaeng natatakot magkaroon ng kaibigan dahil halos lahat nang natutuklasan niya ay hindi totoo, pagpapakitang tao lamang. Ngunit, may pagkakataon na alam niya kung sino 'yong mga taong dapat niyang pagkatiwalaan pero paano kung malaman ng mga tao ang totoo niyang anyo? Ang tinatago niyang sikreto na ayaw niyang mabunyag. Mananatili ka pa rin ba o tuluyang lalayo?
---
Credits to the book cover, Renee Santiago