CHAPTER 4: BAD LUCK

1351 Words
Von's POV  Ang malas talaga ni Hetera kahit kailan! Sumbungera pa, nadamay tuloy ako dito. "Wilson!" ang lakas ng boses ni dean, lola ni Wilson.  Ni-hindi kami makagalaw. Nakayuko lamang kami at naririnig ko pa ang pagmumura ni Wilson kahit mahina lang 'to. Papalapit na siya sa'min dahil naririnig na namin ang tunog ng takong ni dean. Nang mai-angat ang ulo namin, ang sama ng tingin niya lalo na kay Wilson. "Wilson," muling tawag ni dean sa kanya, mahinahon na ito kumpara kanina. "Y-yes l-lola?" nauutal na sabi naman ni Wilson.  Napailing na lamang ako, walang wala si Wilson pagdating sa lola niya. Kanina para siyang tigre kay Hetera, ngayon na kaharap niya si dean nagmukha siyang pusa. "Tapos na kayo kumain?" tanong ni dean. "Opo," sabi ni Wilson. "Bumalik na kayo sa classroom. NOW," sa pagkasabi ni dean, umalis na kaming apat. Nakahinga naman kami ng maluwag nang makalabas na kami. "Hindi man lang tayo pinagalitan," sabi ng magaling na kaibigan naming si Brentt. "Gusto mo mapagalitan pa tayo? Ayos ka rin, tol!" natatawang sabi ko. "Mas lalo akong kinakabahan! Bwiset kasi 'yong Hereta na 'yon, eh!" sigaw naman ni Wilson. Napailing na lamang ako, Hetera kasi 'yon. "Hetera," pagtatama ni Reya sa kanya. "Bumalik na nga tayo sa classroom," sabi ko naman kaya naglakad na ulit kami pabalik sa classroom hindi na rin namin nakita si Hetera malamang nakauwi na. Ang baho na non, eh. Nang makapasok kami sa room umupo na kami sa upuan na kung saan tabi-tabi kami. Ako ang una, sumunod si Brentt tapos si Wilson at sa dulo si Reya. Tig-four seats kada-isang row, sa kaliwa at sa kanan. "Tayo pa lang ang nandito, boring," Sabi naman ni Wilson. "Pero malakas ang kutob ko may pina-plano si Lola, eh!" dagdag niya pa. Kabado, amp!* "Oo nga," pagsang-ayon ni Brentt. "Von," tawag sa akin ni Reya. "Bakit kayo late?" tanong niya.  10 mins late kami ni Brentt. Sa subdivision namin magkatapat lang ang bahay namin kaya sabay kaming napasok sa school.  "Na-late ng gising," sabi ko naman. "Ako rin," sabi ni Brentt. "Mga tamad!" at tumawa pa si Wilson. "Ikaw nga diyan ang pinakatamad sa 'tin," pang-aasar ko naman sa kanya. "At least, matalino," mayabang na sabi niya.  Matalino naman talaga siya, dati pa siyang top 1 na sumunod si Reya at ang pangatlo ay si Brentt. Ako, walang pake sa grades o top. Okay lang naman sa pamilya ko basta hindi ako bagsak. "Ang aga niyo," sabi naman ni sir na kakapasok lang. "Good afternoon, sir!" sabi naming tatlo maliban kay Wilson. Tumango lamang si Sir at umupo na sa kanyang swivel chair. Nagkwentuhan lang kaming apat nang magtanong si sir. "Von Lim?" tanong niya. Ano ba 'yan sir. Tanga lang?* "Bakit sir?" "Kapatid mo ba si Hetera Lim?" tanong niya. ANO?* "WHAT THE f**k!" pagsigaw ni Wilson, napatayo pa siya dahil sa gulat. "Kapatid mo si Herata? Kaya ba Lim?" dagdag niya. "Teka nga!" sigaw ko na rin sa kanya, "Una! Hetera kasi 'yon, Wilson," pagkatapos ibinaling ko ang tingin kay sir, "Pangalawa, sir. Hindi ko siya kapatid, pinsan ko siya," paliwanag ko naman kay sir. Ayoko sanang sabihin ang totoo pero mukhang kailangan ko ring ibunyag na pinsan ko ang creepy eye monster na 'yon. Pasalamat siya hindi ko sinabi ang tungkol sa mga mata niya dahil maapektuhan ako kapag nagkataon. "Ah, okay," patango-tangong sabi ni sir. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong naman ni Wilson, nakaupo na siya. "Hindi naman kayo nagtanong," sabi ko. "Kahit na! Bwiset ka!" mahinang sigaw naman niya sa akin. Mahiya ka naman kay Brentt*  Nag-uusap kaming dalawa tapos nasa gitna si Brentt.  Wilson's POV  Unti-unti ng dumadami ang tao dito sa classroom. Gusto ko ng umuwi dahil mag di-discuss lang naman ulit si sir. Hindi naman mawala sa isip ko si Hereta! Malas talaga siya. Hetera kasi*  Hetera! Bwiset. Hindi ko rin alam na pinsan niya si Von kaya pala gano'n na lamang ang pagtataka ko sa 'Lim' na apelido niya, akala ko nagkataon lang. Tapos, si lola na nakakainis at hindi ko siya p'wedeng hindi respetuhin dahil mapapatalsik ako dito kahit na apo niya ako. Ayoko nga ng problema, eh. Bwiset! Alam ko namang kasalanan ko, hindi ko lang talaga inaasahan ang pagdating ni lola sa cafeteria. Kung hindi siya dumating, hindi naman malalaman ni lola lalo na't walang magsusumbong. Nagkaroon lang talaga ng oportunidad na makapagsumbong ang babaeng 'yon. "Let's start. I'll just discuss all the clubs na p'wede niyong salihan," sabi naman ni sir. "Oh, wait! Where's Hetera?" Dagdag niya habang palinga-linga. Hetera na naman!* "Umuwi, sir!" sigaw ko at lahat sila tumawa. "Natapunan kasi ng orange juice sa damit niya at spaghetti sa buhok. Ang baho nga, eh!" dagdag ko pa at muli na namang tumawa ang lahat maliban nga lang sa dalawang katabi ko na si Brentt at Reya. Ayaw nilang ganito ako pero wala silang magagawa. "Sino naman ang may kasalanan?" napasinghap naman siya, feeling frustrated. "Si Brentt po!" pagsisinungaling ko.  Lahat naman napatingin sa akin. Hays, wala kayong magagawa.  "Gago ka," mahinang sabi sa akin ni Brentt at nginisian ko lang naman siya. "Is that true?" tanong ni sir kay Brentt. "No, sir," sabi ni Brentt. "Then, who?" galit na tanong na ni sir. Tsk. Ano ba 'yan* "Si B---" natigilan naman ako. "Si Wilson po talaga," sumabat naman si Reya.  Kung hindi lang kita gusto, eh.* "Totoo ba, Wilson?" Nagkibit-balikat naman ako. "I guess."  "Okay," sabi naman ni sir at napabuntong-hininga na lang. Iyon lang? Wala man lang sermon?*  Hinayaan ko na lang sila, hindi na ako nagsalita pa. Labas sa kanan at labas sa kaliwa ng tainga ko lahat ng mga sinasabi ni sir.  Nang matapos ang orientation. Sabay naman kaming nagpunta sa parking lot, wala na ang kotse ni Ate mukhang nakauwi na siya. "Bye, guys!" paalam naman ni Reya. "Bye!" sabay na sabi ni Von at Brentt. "Good bye, Reya. Ingat!" sabi ko naman at sumakay na siya sa kotse niya. "Uwi na rin ako," sabi naman ni Brentt kaya nagpaalam na rin kami sa kanya. Lumapit naman sa akin si Von at inakbayan ako. Tiningnan ko naman iya  na para bang nandidiri kaya tinanggal niya naman ang kamay niyang nakaakbay sa akin. "Arte mo, bakla ka," natatawang sabi niya. "Ano ba kasi?" sabi ko naman, magyayaya naman siguro 'to. "Tara, laro tayo." Hindi naman ako nagdalawang-isip, pumayag agad ako. "Sige, sa orchard golf. Kita tayo ro'n," sabi ko sa kanya at tumango siya.  Sumakay na ako sa kotse at nag drive na patungo ro'n. Hetera's POV  Nang makauwi ako, napansin kong tahimik ang paligid. Sigurado akong nagpunta sila sa condo ni kuya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni yaya. "3 pm pa lang, tapos na kayo?" Tanong niya. "Opo, ya," sabi ko naman. /Pumasok ka na./  Katulad ng nasa isipan niya pumasok na ako sa bahay. "Anong nangyari sa damit mo?" nagtatakang tanong niya. "Mahabang kwento, yaya. Akyat muna ako."  Umakyat na ako at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. Nanlalagkit na kasi ako. Hindi ko talaga lubos na maisip na gano'n ang mga tao do'n lalo na si Wilson. Naiinis ako na naiiyak, ang sakit lang dahil unang araw pa lang napahiya na ako. Wala naman akong ginagawa sa kanila, hindi man lang ako tinulungan ng sarili kong pinsan.  Wala nga siyang pake sa'yo.*  Pero kahit man gano'n, hindi ako nawawalan ng pag-asa na may mababait pa ring tao. Katulad na lang ni sir Alvin, Dr. Elva at si Dean.  Pagkatapos kong maligo sakto may kumatok sa pinto. "Come in," sabi ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mama. Nakauwi na pala sila. "Hetera, hindi ka man lang nag text sa akin na nakauwi ka na pala," nag-aalalang sabi niya. "Sorry, ma. Nag commute naman po ako."  "Kahit na, paano kung may mangyari sa'yo?" Umiling naman ako. "Wala naman po," sabi ko at tipid na ngumiti matapos kong umupo sa kama. Wala namang masamang nangyari sa akin. Nakatingin lang ako sa kahit saan basta hindi lang sa mga mata nila kaya nakauwi ako ng ligtas. Bukas na bukas dalawang contact lens na ang gagamitin ko para hindi na ako makaramdam ng kaba at makatingin na ako ng diretso sa mga mata nila.  Niyakap naman ako ni mama nang makalapit siya sa akin. "Bukas dadalaw dito ang kuya mo, okay ba 'yon?" "Opo, ma," sabi ko naman at kumalas na siya sa pagkakayakap saka tiningnan ako sa mga mata habang marahang hinahaplos ang buhok ko, masaya akong nandito si kuya bukas. /I'm glad you're okay, anak./ "Here, open it," sabi niya at nakita ko na lamang may hawak na siyang pasalubong sa akin na naka-kahon. Binuksan ko 'to at nakatanggap ako ng galaxy na sling bag. "Wow," sabi ko naman, "Thank you, ma!" at niyakap ko siya. "Your welcome, anak. Sige na, magpahinga ka na muna," sabi naman niya at lumabas na sa kwarto. Matapos kong ilagay ang bag sa cabinet ay napatalon ako sa higaan ko at saka humiga. Bumuntong-hininga ako at inisip muli ang mga sinabi ng tao sa akin kanina habang nakatingin sa kisame. We're all hypocrites.*  Napapikit na lamang ako at hinayaan ang sarili ko na makatulog sa kabila ng mga nangyari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD