Wilson's POV
"Yummy!"
Kailangan pa talagang sabihin, tsk.*
Kumain lang ako ng kumain at kasama ko pa ring kumain si ate. Nasa ibang subdivision kasi si Lola kaya wala siya dito. Malapit ang tinitirhan niya sa academy kaya mas pinili niyang doon tumira kaysa dito dahil nandito naman si ate at manang kahit wala sila mama, may makakasama naman ako.
"Baby bro. May kabaliwan ka na namang ginawa kahapon, 'di ba?" panimula niya ng topic.
"Saan mo naman nakuhang balita 'yan?" iritado ko namang sabi sa kanya, panira ng umaga. Kahit totoo namang may ginawa ako kahapon hindi naman ako pinagalitan kaya okay lang.
"Kay lola," seryosong sabi niya.
NO WAY!* Nanlaki ang mga mata ko. "Ano 'yong mga sinabi niya?" pinatili kong normal ang pananalita ko dahil baka malaman niyang kinakabahan ako at mai-kwento niya pa 'to kay lola.
"Nothing," sabi naman niya at nakita ko ang pagkurba ng labi niya, she's enjoying it! Nang-aasar ang ngiting 'yon.
Padabog akong tumayo pagkatapos kong kumain at hindi man lang siya nagalit. Kinakabahan na tuloy ako, ano bang plano nila? Alam ko na meron 'yan, eh! Kung nababasa ko lang ang nasa isipan nila, hindi na ako mahihirapan ng ganito kakaisip kung anong mangyayari mamaya.
Tuluyan na akong umakyat para maligo. Gusto ko ng pumunta sa school. Mayamaya pa ay natapos na akong maligo. Nakabihis na rin ako at bago bumaba ay muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at kinausap ang sarili ko. "Gwapo mo," sabi ko sabay ngiti. Lumabas na ako sa kwarto. Nagpaalam na rin ako kay manang at lumabas na sa bahay. Nakita ko naman si ate na nasa labas na. Hindi ko alam kung babae ba 'to o sadyang mabilis lang siya kumilos. Daig pa ang mga lalaki.
"Bye!" sabi ko kay ate at dali-daling sumakay sa kotse at nag drive na papuntang school.
Nang makarating na ako sa school, napailing na lamang ako nang makita ang ilang babae na gusto pa akong lapitan.
"Wahhhhh! Nandito na si Wilson!"
"OMG! My labs!"
"Wilson!"
Nilampasan ko lang sila at habang naglalakad ako papunta sa classroom naaaninag ko na silang tatlo papalapit sa akin. Ang aga nila, ah!
"Wilson!" masiglang tawag sa akin ni Von, kinawayan ko naman siya.
Nang makalapit ako sa kanila marahan ko namang ginulo ang buhok ni Reya at ngumiti lang naman siya sa akin.
"Sup, bros!" sabi ko sa kanila.
"Ang aga ang saya, amp!" sabi naman ni Von kaya binatukan ko naman siya, "Aray!"
Tinawanan ko lang naman siya.
"Tara na," singit naman ni Brentt.
Bago pa kami makapasok sa classroom hinarangan naman kami--This is not going to happen! No, no way!*
"Ms. Magi," mahinang sabi ko.
"Pinapatawag kayong apat sa Dean's office," seryosong sabi niya.
Hetera's POV
Hindi na ako gaanong kinakabahan ngayon dahil suot ko na ang dalawang contact lens ko. Komportable na ako sa sarili ko. Habang ako'y naglalakad hindi ko naman naiwasang mailang dahil tumatawa sila habang dumadaan ako, sigurado ako na dahil ito sa nangyari kahapon. Nakakahiya naman talaga ang pangyayaring 'yon.
"Come with me," sabi ng babae sa akin nang ako'y lapitan niya.
"Ah, ako?" paninigurado ko naman.
"Yes, I'm Magi. We need to go to the Dean's office," malumanay ang boses niya, tumango lamang ako sa kanya at sumunod na. Hindi ako natatakot dahil alam ko na wala akong ginawang masama. Depende na lang kung tungkol 'to sa mga mata ko, doon na ako kakabahan.
Nasa harap na kami ng Dean's office. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakita ko ang naka-crossed fingers na si dean habang nakaupo sa kanyang swivel chair, nakapatong ang dalawang kamay niya sa table niya. Nang makita niya ako ay dahan-daha siyang ngumiti. Siya nga ang dean na kahapon ay tinulungan ako.
"Dean, Hetera's here," sabi ni Ms. Magi.
Pumasok na kami. "Sit down," mahinahon niyang sabi at umupo na ako sa upuan na napapagitnaan ng table niya.
"Thank you po, kahapon," sabi ko naman sa kanya, ngayon lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
"No problem, iha," sabi naman niya, nakakatingin na ako sa mismong mga mata niya. Hindi naman siya nakakatakot, mukhang namang mabait. Nakakapagtaka lang dahil kahapon nakita ko kung paano matakot sila Wilson.
May pumasok naman kaya napatingin ako sa taong pumasok na si Dr. Elva. "Oh, nandito ka na pala." Sabi niya nang makita ako.
"Hello po," sabi ko naman.
"Good morning, dean," sabi naman ni doktora kay dean. "Good morning, Elva," sabi naman ni dean sa kanya.
"Dapat sa coordinator's office kami pupunta ni Hetera kahapon pero mukhang nalaman mo na Dean," nakangiting sabi ni doktora sa kanya.
"Well, I have eye's everywhere." biglang seryosong sabi niya.
Kinabahan ako bigla dahil kapag mata ang usapan talagang hindi ako mapakali.
Naibaling naman ang tingin ni dean sa akin. "Your eyes," napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. "You should be proud of it," dagdag niya pa.
Bahagya pa akong nagulat dahil sa sinabi niya. For the first time, silang dalawa ni doktora ay gusto ang mga mata ko. "Salamat po," iyon na lamang ang nasabi ko.
"Bakit mo tinatago 'yan?" seryosong tanong niya.
"Because, everyone will be scared of me. They'll say, I'm a monster," paliwanag ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang awa nila sa akin dahil sa ipinapahiwatig ng mga mata nila. "I know, I'm different," dagdag ko pa at tipid na ngumiti sa kanila.
"Kaya ba lumipat ka dito dahil sa school mo dati na may kinalaman sa mga mata mo?" tanong naman ni Dr. Elva.
"Yes."
Lumabas naman si Magi.
Noon pa man problema ko na ang mga mata ko. Simula pagkabata, palagi na akong lumilipat ng school dahil sa mga mata ko. They're scared of me. Sinasabi nila, 'Lumayo ka diyan, nakakahawa ang mga mata niya, monster, masamang tao 'yan' At kung ano-ano pa. Isa rin sa hindi ko makalimutan ay ang 'Creepy eye monster' na sa mismong pinsan ko nanggaling. Nalaman ko ang sinabi niya tungkol sa akin dahil nabasa ko sa kanyang isipan, simula non lumayo ang loob ko sa kanya. Kahit hindi sila magsalita kung nababasa ko ang isipan nila, nalalaman ako ang tunay nilang pagkatao. Nagkaroon na rin ng pangyayari kung saan ako ang dahilan kung bakit nag-away away ang mga tao sa paligid ko dahil sa aking kakayahan. Sinasabi ko lang naman ang totoo sa kanila at dahil do'n natakot sila sa akin. Binansagan pa nga ako ng iba na witch na hinayaan ko lang naman sila na pagsabihan ako ng gano'n. Mabuti na lamang hindi nila alam na nakakabasa ako ng isipan ng tao kaya simula non naisipan ko na isarili na lamang ang kakayahan ko at hindi na magsasalita pa tungkol sa mga nalalaman ko. Kaya hangga't maaari lumalayo ako sa kanila, ayoko ng magkagulo pa dahil sa akin.
Nawala din ang kauna-unahang best friend ko no'ng bata ako dahil na naman sa mga mata ko. Akala ko maiintindihan niya ako pero nagkakamali ako, hindi pala.
"Best!" nakangiting sabi ko sa kanya, "Di ba, sabi mo 'wag akong maglilihim sa'yo?" at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Of course, best!" nakangiti pang sabi niya.
"Promise?"
"Oo naman, ano ba 'yon?"
Dahan-dahan kong tinanggal ang contact lenses ko at ipinakita sa kanya ang tunay na kulay ng mga mata ko pero laking gulat ko ng napatakip siya sa kanyang bibig dahilan para mabitawan ko ang kamay niya at bahagya pa siyang napapaatras nang makita ang katotohanan sa mga mata ko.
"Heterochromia ang tawag sa mga mata ko," pinaliwanag ko sa kanya.
"What? Palagi akong nakadikit sa'yo tapos may sakit kang gan'yan?"
Lumapit naman ako sa kanya pero, /Stay away from me!/ Kaya natigilan ako.
"Hindi siya sakit," umiiling na sabi ko pa, gusto ko siyang maniwala.
"No! Hindi ako naniniwala! Huwag ka ng lalapit sa akin!" sigaw niya sa akin at tuluyan akong iniwan sa playground. Iyak ako ng iyak nang malaman na ang best friend ko ay ayaw sa 'kin dahil sa mga mata ko.
Matapos ang pangyayaring 'yon lumalayo na ako sa mga taong gusto akong maging kaibigan dahil alam ko na pag nalaman nila ang tungkol sa mga mata ko iiwan din nila ako.
"It's a gift, Hetera. Katulad ng sabi ko sa'yo kahapon. You're gifted and you should be grateful," sabi naman ni doktora.
"Hindi gano'n kadali, doktora," sabi ko naman at natigilan siya.
"Don't worry, Hetera. We'll keep it a secret," sabi naman ni dean.
Nakahinga naman ako ng maluwag. "Thank you," sabi ko naman at saka tumango.
Mayamaya pa ay bumukas ulit ang pinto at bumungad sa akin ang apat na tao sa harapan ko. Sila ay si Wilson, Von, 'yong isa pang lalaki at 'yong babae, kasama nila si Ms. Magi. Nakita ko naman na napatingin sa akin si Wilson kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Gulat ka dahil nakatingin na ako ng maayos sa'yo? Psh*
Wilson's POV
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Hetera, nakakatingin na siya sa mga mata ko. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya, she's actually beautiful. Huy, Wilson! Magkaaway kayo, magtigil ka riyan!*
"Umupo kayong lahat," nakuha ni lola ang atensyon ko kaya umupo na kami sa kanang upuan at kaharap namin si Hetera. Pinapagitnaan kami ni Magi, lola at Dr. Elva. Mabuti wala si ma'am Cora isa pa 'yon sa mga kailangan kong respetuhin dahil siya ang coordinator ng junior's.
"Good morning, dean," sabi naming apat.
"Well, alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito."
"Yes, dean," nagsalita si Brentt.
"She's a new student at dapat kina-kaibigan niyo siya hindi 'yong ginagawa niyo siyang kahiya-hiya sa harapan ng iba," panimula ni lola.
Naghihintay na lang ako sa sermon niya.
"Hindi na kailangan, dean," sabi naman ni Hetera.
Arte mo, tsk! Dapat masaya ka na maging kaibigan ko!*
"Ikaw, Von. Pinsan mo si Hetera, hindi ba? Anong ginawa mo kahapon?" sabi naman ni Lola kay Von at nakayuko lang si Von, hindi makasagot.
"Von," tawag ulit ni lola sa kanya.
"Y-yes, Dean."
"Then? Hindi mo man lang siya tinulungan."
"Dean, hindi kami close," sumingit naman si Hetera.
"Kahit na," sabi naman ni lola sa kanya.
"Hindi na mauulit, dean," sagot naman ni Von.
"Okay," at bumuntong-hininga 'to. "And you, Wilson," sabi niya kaya napatingin na ako sa kanya. "Ikaw ang pasimuno, 'di ba?"
"Ah, yes," sabi ko naman.
"Apo kita pero ang tigas ng ulo mo!" napasigaw na siya sa 'kin.
Ngayon ko lang napagtanto na ang pamilya namin mahilig talagang sumigaw, nakasanayan na talaga namin. Namana ko sa kanila.
"Lola, I'm sorry," paghingi ko ng tawad sa kanya.
"I will not accept that!"
"But, lola!" napatayo na ako.
"Kanino ka ba nagkasala, ha?!"
Hindi ako nakasagot. "Sino!" muling sigaw ni lola.
"Calm down," narinig kong sabi ni Dr. Elva.
Tuluyan na akong humarap sa kanya. "Hetera, I'm sorry," pilit naman akong ngumiti para masabing sincere ako.
"That's not sincere," sabat naman ni doktora, Anak ng pu--*
"I'm sorry, Hetera," mahinahon at malumanay ko nang sabi.
"Okay," sabi naman niya at tumango. Iyon lang?*
"May punishment kayo," sabi naman ni dean.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. AYOKO!* Gusto kong isigaw.
"Dean, wala silang ginawa, hindi nila kasalanan," sabi naman ni Hetera sabay turo kay Brentt at Reya.
Bwiset ka! Hetera!*
"Is that so?"
"Yes, dean," sabi ni Hetera.
"Okay, Brentt Peralla and Reya Pasqua lang ang exempted sa punishment," Sabi ni lola, "You and you!" dagdag pa ni lola sabay turo sa akin at kay Von.
"Thank you, dean," sabay na sabi nila Brentt at Reya.
Ang daya!*
"May punishment kayo," seryosong sabi ni lola sa amin ni Von.
"Ano naman 'yon, lola?!" padabog naman akong napaupo muli.
"Stop acting like that Wilson! Wala kang manners," sigaw na naman niya sa 'kin kaya napatikom ako ng bibig.
"Lilinisin niyo ng 2 weeks ang Boy's restroom. Is that clear, Von and Wilson?"
Ayoko, lola! No way!*
"O-kay," sabi ko na lang kahit labag sa kalooban ko.
"Yes, dean," sabi naman ni Von.
"Ayoko ng maulit 'to!" sabi pa ni Lola kaya napatango kami. "P'wede na kayong bumalik sa classroom niyo," dagdag niya.
Tumayo na kami at tumungo para magbigay-galang kay lola. Nagpaalam na kami sa kanila at bago ko pa masara ang pinto narinig kong kinausap ni lola si Hetera.
"Hetera, I'm sorry for the behavior of my apo."
Tsk, ikaw lola nag so-sorry sa kanya? Sino ba siya?* Napailing na lamang ako at sinara na ang pinto.
Nasa labas na kami ng Dean's office. "Hindi ako makapaniwala!" sabi ko sa kanila.
"I'm thankful for Hetera," nakangiting sabi ni Reya.
Wala naman akong problema kay Reya, masaya ako na hindi siya kasama sa punishment pero kay Brentt hindi ako masaya, tsk!
"Me too," sabi naman ni Brentt.
"Walang kwenta talaga 'yon," inis na sabi ni Von. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw niya sa pinsan niya. Ang weird pa naman non.
"I swear! Hinding hindi ko 'yan papansinin!" sabi ko at natigilan dahil nakita kong nasa labas na siya nakatingin sa akin. "Anong tinitingin-tingin mo riyan?" inis na sabi ko sa kanya.
"Ay! Hey, Hetera! Thank you nga pala," sumingit si Reya.
"Welcome," sabi niya, hindi man lang ngumiti.
Pamisteryosong babae, hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya. Mukha naman siyang inosente na parang hindi. Alam mo 'yon? Parang madami siyang nalalaman pero nananahimik na lang siya. Iyon ang dating niya sa akin kaya ayaw na ayaw ko sa kanya.
"Thanks and nice to meet you," sabi naman ni Brentt at inilahad niya pa ang kamay niya kay Hetera para makipagkamayan pero hindi 'to kinuha ni Hetera, lakas ng loob niya na gawin 'yon sa kaibigan ko.
"Welcome," sabi niya na lang at ngumiti imbis na makipagkamayan. Halata namang pilit 'yon. Agad na ibinaba naman ni Brentt ang kamay niya nang mapahiya siya.
"Cous! Bakit mo naman ginawa sakin 'yon?" tanong naman ni Von kay Hetera.
"Trip ko lang," Sabi niya at naglakad na palayo sa amin.
Ano trip?*
"The f**k?!" mura naman ni Von.
"Hoy! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ko naman sa kanya, hindi man lang ako nilingon. Hindi niya talaga ako pinapansin. Makakatikim ka talaga sakin, eh! Bwiset!*