Hetera's POV
Psh, sabi nga niya hindi niya ako papansinin tapos ganito. Lakas ng trip.* Naiinis ako kay Wilson. Alam kong wala akong karapatang na mainis sa kanya dahil iba ako sa kanila pero ang lakas kasi ng trip niya sa dinami-dami ng tao dito, bakit ako pa?
Bumalik na akong classroom at sakto wala pang teacher. Iilan pa lang din ang tao na nandito. Nagpunta na ako sa pinaka-likod kung saan ako naka-pwesto.
"Woy! Master is here!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
Master? Ah, si Wilson. Bakit nga ba master? Psh, ang corny.*
Tuluyan na nga silang pumasok pagkabukas ng pinto.
"OMG! Ang cute talaga ni Von!" Narinig ko pang sabi ng isang babae na kausap ang katabi niya. Ang lakas pa ng boses, nakakahiya.
Hindi naman siya cute. Ang peke nga niyan, eh!* Sabi ko naman sa aking isipan. Madalas ko 'tong ginagawa. Kahit hindi ako magsalita, ang ginagawa ko na lang ay kausapin ang sarili ko sa pamamagitan ng aking isipan. At least, sa paraang 'yon nagagawa kong sabihin kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa mga taong 'yon.
"Look, Brentt is so handsome! Wah!"
"Mas gwapo pa rin si Wilson! Kyahhh!"
"Ang ganda talaga ni Reya!"
Pagtapak ko pa lang sa paaralan na 'to, sila na ang napansin ko. Sikat talaga sila sa buong campus, bukambibig halos lahat ng mga babae sila Wilson. Hindi na ako magtataka pa dahil nalaman ko na apo siya ni dean, napapaisip na lang ako kung ampon ba si Wilson dahil sa ugali niya.
Hindi na ako nag-abala pang pagmasdan sila, naramdaman ko na lang na umupo na sila. Malapit lang din ang upuan nila sa pwesto ko kaya maaari ko ring marinig ang usapan nila kung susubukan kong makinig.
Mayamaya pa dumating na si sir, "Good morning, students!" Masiglang bati niya sa amin.
Tumayo na kami, "Good morning, Sir Pins!" At saka bumalik na sa pagkakaupo.
"I have an important announcement, mamaya ipapatawag kayo ng mga Disciplinary committee--"
"Sir? Bakit?" Sabi ng isang lalaki.
"Patapusin mo muna kasi ako Gapiya!' Sabi naman ni sir kaya natahimik si Gapiya. Iyon yata ang apelido non, 'So back to the topic. Ipapatawag kayo ng disciplinary committee, lahat ng students. May meeting mamaya kasama si Dean sa white room." Dagdag naman ni sir.
White room?*
"Wilson and your friends mukhang nalaman niyo na ang punishment niyo?" Sabi pa ni si kaya muling umingay.
"Yung issue nila ni Hetera." Sabi pa ng isang babaeng hindi ko kilala. Ang bilis naman kumalat ng pangalan ko at ang dami na namang bulungan na naririnig ko naman, minsan napapaisip ako kung pati tainga ko may problema, eh.
"Yes, sir." Walang ganang sagot ni Wilson.
"That's good.' Nakangiting sabi pa ni sir. Nakita ko naman na tumingin sa akin si sir at tumango sa akin na para bang sinasabi na 'okay na.' Kaya ngumiti na lang ako sa kanya, 'Wilson." Tawag ni sir sa kanya.
"What, sir?"
"Oh, nothing." Sabi naman ni sir at nag discuss na tungkol sa ibang subjects at courses na maaari naming kunin pag naka-graduate na kami sa 4th year.
Wala akong natanggap na asar o kahit ano. Mga tingin lang nila na wala naman akong pake. Mukhang tahimik din sila Wilson, payapa ang buhay ko ngayon.
Tahimik akong um-order ng aking pagkain pagkatapos pumwesto ulit ako sa dulo at umupo na sa iisang upuan. Habang kumakain ako, may lumapit naman sa akin.
"Hey!' Sabi niya at tumango lamang ako, 'Umm?"
"Bakit?" Tanong ko na dahil hindi pa siya umaalis sa harapan ko.
"Can we be friends?' Tanong niya. Bahagya ko siyang pinagsingkitan ng mga mata, inaalala kung sino siya. Siya yung babaeng nagsalita kanina. Hindi naman ako sumagot sa kanya at nagpatuloy lang ako sa pagnguya ng pagkain ko, 'I'm Carly!" Sabi niya pa at inilahad ang kamay niya.
Napa-pikit na lamang ako. Hindi niya yata naramdaman na ayokong makipagkaibigan, "Okay." Malamig kong tugon sa kanya para umalis na siya. Ibinaba niya na ang kamay niya nang malaman na hindi ko 'to aabutin.
"Hetera,' Tawag niya sa pangalan ko. Tumingin lang naman ako sa kanya, 'So? Friends na ba tayo?" Nakangiti pang sabi niya.
"Sorry, ayokong makipagkaibigan." Sabi ko at tumayo na, iniwan ko na siya do'n. Tapos na rin naman akong kumain, eh. Sorry, kung alam mo lang maiintindihan mo rin ako.*
Naglakad na ako palayo sa cafeteria at hindi ko naman inaasahan na may hahawak bigla sa kamay ko galing sa likod, natigilan ako upang tingnan kung sino 'yon. Wilson.*
"Gan'yan ka ba talaga?!" Sigaw niya.
Ano ba 'yon?*
"Bakit mo biglang iniwan si Carly? Alam mo bang pinahiya mo ang president ng disciplinary committee! At alam mo bang president din siya sa classroom natin? Mahiya ka naman!" Nakakarinding pagsigaw niya.
Hindi ko naman siya pinansin nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
Alam ko na mali 'yong ginawa ko pero kailangan kong gawin 'yon dahil hindi ko pa kayang pagkatiwalaan kahit na sinong tao dito.*
"Huy! Talk to me!"
Sabi mo, hindi mo ako papansinin tapos ano 'tong ginagawa mo?!*
"Wala ka ba talagang pakialam sa tao!" Sigaw na naman niya.
Isigaw mo na lahat!*
Huminga muna ako ng malalim, "Ano ngang sabi mo? Hinding hindi mo ako papansinin. Anong ginagawa mo ngayon? hanggang salita ka lang pala." Sabi ko naman sa kanya kaya natigilan siya.
Napabuntong-hininga naman 'to, "Pake mo ba?"
"Pake ko? Wala, wala akong pake.' Sabi ko naman sa kanya, ' Bitawan mo na ako." Dagdag ko pa at tumingin sa kamay niya na hawak pa rin ang kamay ko kaya tinanggal niya 'to. Pinunas niya pa talaga ang kamay niya sa pants niya na akala mo may germs ang kamay ko.
Tinalikuran ko na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya na 'ko pinigilan pa at naglakad na ako pabalik sa room muli ko na namang ginamit ang hagdan. Ayokong ng mag elevator, eh.
Kapag hindi ko talaga nababasa ang isipan ng mga tao, nagiging matapang ako kahit papaano. Nagagawa ko silang pantayan kaya gano'n na lamang ang naging ugali ko nang makausap ko si Carly at Wilson. It's like my defense mechanism para hayaan na nila ako at malayo ko rin ang sarili ko sa gulo.
Nang makapasok ako sa loob ng classroom, bago pa man ako makaupo bigla namang tumunog ang bell at may nagsalita mula sa speech room kung saan doon ginaganap ang pag announce sa mga mangyayari at kung may ipapatawag ka doon mo kailangang pumunta. "Everyone, Carly Reyes from disciplinary committee. Please go to the White room. Immediately!" Sabi niya kaya muli na namang akong lumabas kasama na'ng iba at sumunod na sa kanila dahil hindi ko alam kung saan ang white room. Kailangan kong sumabay sa elevator dahil walang dumadaan sa hagdan at saka wala akong choice. Madaming elevator dito pero nakasabay ko pa sila Wilson pati na rin ang mga kaibigan niya, tahimik lamang ako sa gilid.
"Wilson, sa tingin mo ano na naman ba ang gagawin natin sa white room?" Tanong ng isa na si Brentt.
"Malamang, meeting." Walang ganang sagot niya.
"Charles, kung ano kasi ang pag-uusapan." Sabi naman ni Reya.
"I have no idea." Wala pa ring ganang sagot niya.
"Ang tamad mo naman magsalita, par!" Sabi naman ni Von at nakita kong tinapik niya pa ang balikat ni Wilson.
"Pilosopo pa." Sumingit si Brentt.
"Okay lang 'yan, master!" Masiglang sabi ng isang babae.
"Oo nga, oo nga!" Pag sang-ayon ng iba.
Ako naman tahimik ko lang silang pinagmamasdan.
"Tahimik nga!" Sigaw niya sa kanila, tumahimik naman ang lahat.
Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto ng elevator, lumabas na kami.
Sumunod lamang ako sa kanila at bumungad sa akin ang pintong puti na nasa harapan namin, ang laki. May guard pa sa gilid nito at binuksan na nilang dalawa na sabay ang pinto kaya pumasok na kami. Namangha naman ako sa lawak ng paligid, mayroong stage sa harapan, ang sahig ay katulad ng sahig na makikita mo sa cinema at ang upuan na mala-hagdan tapos sa baba ng stage may parihabang lamesa at mga upuan. Mas malaki ito kaysa sa Petria school. Pumwesto na ako sa pinakamataas na bahagi ng room sa pinaka-likod at mula sa pwesto ko mas nakikita ko ang stage.
Wilson's POV
Ilang araw na ang nakakalipas, mas lalo akong naiinis sa babaeng 'yon. Bakit ba hindi niya na lang sabayan ang pangti-trip ko? edi sana hindi mangyayari 'to?! Nakakainis, napahiya pa ako sa kanya dahil narinig niya pala ang sinabi ko na hindi ko siya papansinin. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang nangyari kay Carly kanina. Nakapagsumbong lang siya, ang lakas na talaga ng loob niya. Binabawi ko na ang mga sinabi ko tungkol sa kanya, isa talaga siyang demonyo na nagkatawang tao lang.
Kaibigan ko rin si Carly pero ayaw niya sa ugali ko at naiintindihan ko 'yon. Kahit man gano'n kailangan naming maging magkaibigan dahil magkakilala ang parents ko at parents niya. Magkalapit ang table namin ni Hetera kaya narinig ko ang usapan nila ni Carly. Akala mo kung sino ng tao na nakakatingin nasa mismong mga mata ko, hindi ko na tuloy siya maasar.
Nang maka-pasok kami sa white room, iginala ko ang aking mga mata at nakita ko naman si Hetera sa pinaka-dulo na pumwesto. Kami naman ay pumwesto sa unahan dahil kailangan akong makita ni dean na um-attend ako.
"Wala ka yata sa mood, par." Sabi sa 'kin ni Von nang makaupo kami.
"Iyong pinsan mo ka-bwiset!" Sabi ko naman at tiningnan siya ng masama. Gano'n rin ang ginawa niya at nang hindi niya makayanan ay tinawanan niya na lang ako. Ako pa rin talaga ang magaling makipag-eye contact sa mga tao.
"Anong meron do'n? Dahil ba sa punishment?"
"Malamang!" Kahit hindi naman. Hindi ako naiinis dahil sa punishment na 'yon dahil alam kong kasalanan ko rin. Inaamin ko na nakaramdam naman ako ng awa sa mga ginawa ko kay Hetera kaya gano'n na lamang kadali na tanggapin ko ang punishment. Dati, tinatakot ko mga pinagti-tripan ko kaya ayon ligtas ako sa punishment. Ngayong taon lang talaga, hindi ako makatakas dahil sa babaeng 'yon.
"Hayaan mo na. Epal talaga 'yon, eh." Sabi niya pa at tumawa muli.
"Bakit ka gan'yan sa pinsan mo?" Tanong ko naman. Na-curious lang ako parang sobra ang galit ni Von kay Hetera.
"Ano ba, par! Kung naiinis ka sa kanya, gano'n din ako! Best friend, first!"
"Lul mo! Walang gano'n. Kamag-anak first, 'di ba?!" Napailing na lamang ako.
"Lul ka rin! Gusto ko best friend first, eh!" Sabi niya kaya tumango na lang ako. Hindi ko na siya pinansin pa dahil nagsimula na ang meeting.
"Good afternoon, everyone!" Sabi ni Carly mula sa stage.
Bumati naman kami sa kanya maliban sa 'kin na nakaupo lamang at nakatingin sa kanya.
"Charles? Are you okay?' Tanong naman ni Reya nang makaupo na sila. Pinapagitnaan ako ni Reya at Von habang si Brentt ay katabi si Reya, bagay talagang magtabi ang dalawa kasi tahimik. Maiingayan lang si Brentt kung tumabi siya kay Von, 'Napapansin kasi kita na parang wala kang gana pati pakikipag-usap kay Von."
Nginitian ko siya, "Okay lang ako. Kilalang kilala mo na talaga ako."
"Syempre! Best friend kita, eh!" Sabi naman niya at ngumiti.
Best friend zone! Ouch!*
"Ako, noh!" Sumingit naman si Von. Epal rin to, eh.
"Tahimik na." Narinig ko namang sabi ni Brentt. Siya lang talaga ang matino naming kaibigan.
"Let's all welcome, Dean Bervara!' Sabi ni Carly at umakyat na sa stage si Lola. Lahat naman kami pumalakpak, 'Sumunod ang iba pang members ng disciplinary committee and also the teachers." Dagdag pa ni Carly at umakyat na rin sila. Ang disciplinary committee ay pinapanatili nilang maayos ang school. Mayroon ding SG means student government pero hindi pa ngayon dahil magbobotohan pa.
Nang makaupo na sila sa kanilang upuan na nasa stage, tumayo naman kaming lahat at binati sila, "Good afternoon!" Sabi naming lahat. Nagsalita ako dahil nakatingin sa akin si lola. Kailangan, eh.
Umupo na kami at muling tumayo si Dean para lumapit kay Carly. Binigay na ni Carly ang microphone kay Dean at si Carly ay nanatiling nasa tabi ni Dean, "Good afternoon, freshie's, juniors, and seniors.' Bati ni Dean sa amin. Ang freshie's 'yon ang mga first and second year high school, Ang mga juniors ay kami namang third and fourth year at ang seniors naman ay mga college students sa school namin, 'We're all here to welcome our new student."
"Ano? Ngayon lang nangyari to, ah.' Gulat na sabi ko. Biglang ipapakilala ang new student ngayon? Sino? Student? Isa lang?! What the! Anong nangyari sa'yo, lola!
"Mukhang may plano ang lola mo." Sabi ni Von.
"Maybe." Sabi pa ni Reya at si Brentt ay tahimik lamang na nakatingin sa harapan.
"Unfortunately, only one new student ang nakapasok sa school natin ngayong taon.' Sino? si Hetera ba?!* 'We all know na kahit gaano ka kayaman kung wala kang utak hindi ka makakapasok dito.' Dagdag pa ni Dean, "Brain is important to our daily lives. Pag wala kang utak, wala ka ring makukuha. The brain is our intellectual capacity, sumunod ang skills at ang last ang ating puso kung saan tayo kumukuha ng lakas ng loob. Kaya naman let's all welcome, Hetera Lim." Lahat naman ay nagpalakpakan.
Totoo ang sinabi ni Dean. Sa school na 'to, kailangan matalino ka at may alam ka para makapasok ka dito. Dapat ang makuha mong score sa practical exam na ibibigay sa'yo ay dapat maka-90 ka at kapag hindi? Hindi ka talaga makakapasok dito and there's more, may final exam ka pa na kailangang i-take at dapat maka-98 ka, kung hindi ka nakapasa mas lalo kang kawawa. Iyon ang basehan dito, halos lahat ay nakakapasa sa practical pero kapag final, hindi na. Mataas ang standard ng school ni lola kaya kailangan kong mag-aral dahil oras na hindi ako pumasa lagot ako kay lola.
Tapos si Hetera? Siya lang mag-isa? Imposible!
"Kakaiba talaga si Hetera." Narinig kong sabi ni Reya.
"Yeah, she's amazing." Sabi naman ni Brentt.
"Wala pa nga, eh. Kung maka-react kayo, wagas." Sabi ko naman sa kanila. Tiningnan ko naman si Von na tahimik lang at ang talas ng tingin kay Hetera habang umaakyat 'to sa stage. Bigla naman akong nainis dahil nakangiti pang umakyat si Hetera sa stage.
"This is the first time, I encounter a lady that has amazing IQ. Akalain mo nga naman sa practical exam niya ay naka-perfect score siya. Do you think it's possible?" Sabi naman ni Dean, nasa tabi niya lang si Hetera.
"Tsk, baka ang galing niya lang sa practical exam." Nakangising sabi ko.
"Pero, Charles. Hindi naman siya makakapasok dito kung hindi siya nakapasa sa final, eh."
"Kahit na, Reya. Baka pinerahan niya 'yong teacher na nagbigay ng exam sa kanya." Sabi ko naman. Maaari kayang mangyari 'yon lalo na't pera ang usapan.
"Kung gano'n, edi sana sira na ang pangalan ng school niyo, Wilson." Seryosong sabi ni Brentt.
"Ang epal mo." Sabi ko naman.
"Sinasabi ko lang ang totoo." Sabi ni Brentt.
"Guys." Sabi ni Von kaya muli kaming tumingin sa harapan.
"Impossible!" Sabi ng lahat, maliban sa amin.
"It's possible.' Seryosong sabi ni lola, 'Ako na mismo ang nag check ng exams niya at walang bahid na kadayaan. Maski ang mga professor ay nagulat. Dahil sa final exam, gano'n din ang nakuha niya. Perfect score!" Dagdag pa nito.
"Ako nga saktong 98 nakuha ko tapos 100? Grabe!" Sabi ng nasa likod namin.
"Mukhang kakaibang babae 'to, pare!" Ang ingay ng nasa likod.
"Kaya naman Hetera magpakilala ka sa kanila." Sabi ni lola kay Hetera at si Hetera ay kinuha na ang mic sa kanya.
Napailing na lang ako at saka napabuntong-hininga, halatang gusto ni lola si Hetera.
"I'm Hetera Lim. 4th year high school." Simpleng pagpapakilala niya at nag bow pa siya. Lahat naman ay nagpalakpakan, maliban sa 'kin.
"Wilson Bervara, please stand up and come here." Sabi ni lola. Wahhh!!
Ako? No!*
"Nice, par!" Sabi ni Von.
Wala akong nagawa kundi ay umakyat, nagkaharap naman kami ni Hetera.
"Sa darating na quiz bee ngayong june tungkol sa Science. Gusto kong manood kayo para matunghayan kung sino ang mananalo. Si Hetera ba o ang aking apo na si Wilson.' No way! Hindi ko gusto 'to! June pa lang! May quiz bee na?! 'Sa mga hindi nakakaalam ang apo ko rin ay nakakuha ng perfect score sa practical and final exam. Wala namang imposible sa taong nag-aaral, hindi ba?' Dagdag pa ni lola. Tama ang nabasa niyo, isa rin ako sa naka-perfect score. Kaya hindi ko matanggap na si Hetera ay gano'n din, 'Give them a round of applause!" Muling nagpalakpakan ang lahat. Pagkatapos, nag bow na kaming dalawa ni Hetera.
"Apo, makipagkamayan ka kay Hetera." Bulong sa akin ni lola na ngayon ay nasa gitna na namin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod at makipagkamayan kay Hetera. Mag a-alcohol ako mamaya dahil may germs 'yang kamay niya, ayoko sa kanya! Inilahad ko na ang kamay ko kay Hetera.
"Kunin mo." Seryosong sabi ko at unti--unti niya naman 'tong hinawakan. Ramdam ko ang lamig sa kamay niya, kinakabahan siya.
Hindi naman natapos ang pag cheer nila sa amin, halos lahat ng nandito ay pinuri ako. Hindi ko naman ginusto 'to, ginagawa ko lang naman 'to para sa magulang ko na walang ginawa kundi magtrabaho. Kahit anong gawin ko, wala pa ring nangyayari. Kahit anong pagpapapansin ko, wala pa rin.
Seeing all this people cheering for me, makes me sick.
Tinanggal ko na ang ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya at muling tumingin sa mga tao. Tingnan natin kung hanggang saan patungo ang galing mo Hetera.*