"Tskk! Nasan na ba ang babaeng yon?!" inis na wika niya sa sarili. Patuloy siyang naglakad, tinitingnan niya ang dinaanan ng babae halata naman dahil sa mga damong nahawi ng bahagya. Ang tigas talaga ng ulo nito, siguradong magagalit si Shaymay kapag matuklasan nitong nawawala si Camille. Nakahinga siya ng maluwag ng makita itong tila patawid na sa hangganan. Natatakot siya sa mangyayari dito pero parang nais na din niyang makipagsapalaran. Baka makaya nilang makalabas ng barekada lalo pa at natatanaw na nila ang kalsada. Kapag nakalabas siya, makakahingi siya ng tulong sa mga kinauukulan. Tangka na siyang lalapit kay Camille ng bigla siyang matigilan. Biglang lumitaw ang isang lalaking nakaputi, kong hindi siya nagkakamali ito si Ezekiel. Pero bakit pinagkaabalahan pa nitong puntahan