bc

SITIO SINAKULO

book_age18+
1.5K
FOLLOW
8.0K
READ
zombie
bxg
scary
soldier
small town
apocalypse
witchcraft
supernatural
horror
ancient
like
intro-logo
Blurb

Halos maglabasan ang ugat sa leeg ni Jovannie dahil sa galit ng pabalang na sagutin siya ng kanyang bayaw, asawa ng nakababata niyang kapatid na si Lyka. Nagtungo kasi siya sa Sitio Sinakulo para lamang sunduin ito dahil sa kahilingan ng kanilang Ina na may taning na ang buhay.

"Kahit anong mangyari isasama ko si Lyka pabalik ng Manila!" mariing wika niya kahit pa tumanggi na ang lalaki.

"Hindi aalis si Lyka dito! Isa pa mamamatay na rin naman ang Nanay nyo! Wala na syang magagawa pa don!" tila nagliliyab sa galit na sagot nito sa kanya.

"Aba't tarantado kang hayop ka!" sa sobrang galit ni Jovannie nasuntok niya sa mukha ang bayaw. Ngunit laking panghihilakbot niya ng matalupan ang parte ng panga nitong tinamaan ng kanyang kamao. Naglaglagan doon ang mga uod na puti na tila sarap na sarap sa pagkain ng laman sa panga nito.

Tila demonyo itong ngumisi sa kanya. Ngunit mas lalo siyang kinilabutan ng unti-unting bumalik sa dati ang mukha nito. Nanlalaki ang matang nakatingin lang siya dito, kahit nais niyang kumaripas ng takbo hindi niya magawa. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga paa ng oras na iyon.

"Ngunit kung mahal mo talaga ang iyong Ina, dalhin mo sya dito sa SITIO SINAKULO! Dito mabubuhay siya kahit ilang daang taon pa! Bwahahaha!" wika nitong muli, sinabayan pa ng halakhak na tila sa isang demonyo na lalo namang nagpatindig ng kanyang balahibo.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Tao po! Tao po!" malakas na sigaw ng kung sinong taong nasa labas ng bahay nina Lyka. Kunot noo siyang bumangon para alamin kung sino iyon, wala ang kanyang asawa dahil kagabi pa ito nagtungo sa laot kasama ang ilan pang kalalakihan sa kanilang sitio. Binuksan niya ang kanyang tarangkahan at gano'n na lamang ang kaniyang pagkagimbal. Ang kaniyang mahal na asawang si Melvin, tila wala ng buhay na buhat-buhat ng tatlo pang kasama nito sa paglakaya. Mabilis siyang lumapit dito at umiiyak na niyakap ang wala nang buhay na katawan ng asawa. "A-Ano ang nangyari sa asawa ko?!" umiiyak niyang tanong sa mga kasama nito. "Inabot kami ng malalakas na alon Lyka, tumaob ang aming bangkang panlaot. Sa kabutihang palad, kaming apat ay nakaligtas dahil bihasa naman kami sa paglangoy ngunit si Melvin ang hindi pinalad. Buti na lang hindi natangay ng alon ang kaniyang katawan kaya naman naiuwi pa namin siya sayo," mahabang pahayag ng isang kasama nito. "Dyosko, asawa ko! Melvin! Gumising ka, parang awa mo na mahal na mahal kita pano na kami ng anak mo. Hindi ako mabubuhay ng wala ka!" panaghoy niya, hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin ngayong wala na ang kanyang mabait at mapagmahal na asawa. Tutol ang kanyang pamilya sa lalaki dahil isa lamang itong tindero ng gulay sa palengke. Samantalang siya ay graduating na ng college noon, kaya naman sekreto silang nagpakasal ng sila ay nasa Manila pa. Halos itakwil na siya noon ng kaniyang Mama ngunit namagitan ang kaniyang Kuya Jovannie, simula maliit pa sila ito na ang kaniyang tagapag-tanggol. Kinausap nito ang kanilang Mama at kalaunan ay napapayag na rin nito na sila ay manirahan sa poder ng kanyang mga magulang. Wala naman silang ibang matatakbuhan kaya tiniis nila ang ipinapakitang di kanais-nais ng kanyang Mama sa kanyang asawa, hanggang sa mamatay ang kanyang Papa ng atakihin ito sa puso. Ang kaniyang Papa lamang ang nag-iisang taong nagpakita ng kabutihan sa kaniyang asawa. Oo at mabait din naman ang kaniyang Kuya ngunit batid niyang hindi pa rin nito lubos na tanggap ang kaniyang asawa. Kaya naman matapos na makababang luksa sa kanyang ama, nagpasya silang manirahan sa probensya ng kanyang asawa. Ngunit hindi ganon kadali ang buhay sa probensya lalo pa at ulilang lubos na din pala si Melvin. Ngunit dahil likas talaga itong masipag, unti-unti ay natuto itong manglakaya kaya kahit papano nakakaraos sila sa araw-araw na pamumuhay. Nakaraos sila ng halos tatlong taon kahit pa nagkaron na sila ng supling. Biniyayaan sila ng anak na lalaki kaya naman lalong naging napakasaya ng kanilang pagsasamang mag-asawa. "Lyka, halika na patay na ang asawa mo wala na tayong magagawa pa. Asikasuhin mo nalang ang inyong anak at kami na ang bahala sa bangkay ng iyong asawa," wika ng isang tiyahin ni Melvin dumating na pala ito at maging ang mga kapitbahay nila ay nagsidatingan na din. "Hindi!Ayoko! Buhay pa ang asawa ko! Wag ninyo siyang kuhanin sa akin!" humahagulhol na pakiusap niya sa mga ito. "Pero Lyka, isang malamig na bangkay na ang iyong asawa. Mahirap mang tanggapin ngunit kailangan, kailangan mong maging malakas alang-alang sa anak mo." "Hindi! Ayoko! Handa kong gawin ang lahat, handa kong gawin ang lahat kahit pa isanla ko ang kaluluwa ko sa impyerno gagawin ko basta maibalik lamang ang buhay ng asawa ko!" sigaw niya habang hindi na magkandamayaw sa pag-iyak. Punong-puno ng paghihinagpis ang kanyang puso. Hindi siya makakapayag na mawala ang kanyang mahal kung kinakailangang lumuhod siya at magmakaawa sa kampon ng kadiliman ay gagawin niya basta maibalik lamang ang buhay ng kaniyang pinakamamahal na si Melvin. Maya-maya'y makahulugang nagkatinginan ang tiyahin ni Melvin at isa pang lalaking agad na tumalilis ng sumenyas ang tiyahin ni Melvin dito. Nang makaalis ang lalaki, ang tiyahin naman ni Melvin ay agad na lumapit kay Lyka at may ibinulong dito na nagpatigil sa pag-iyak nito. "T-Talaga po Tiyang? Salamat, dahil makakasama ko na muli ang asawa ko," umiiyak na pasasalamat niya dito. "Shhh, wag kang maingay, lihim lamang ang gagawin nating ritwal. Iilan pa lamang ang nakakaalam ng lihim na ito sa sitio pero darating ang panahon wala ng mamamatay sa buong mundo. Ang lahat ay hindi na makakaranas ng paghihinagpis dahil nandito na ang panginoong Ezekiel. Siya ang ipinadala ng Diyos upang tayo ay iligtas!" tila nahihibang na pahayag nito. "Teka Tiya, ano po ang ibig ninyong sabihin? Ang misteryosong lalaking palaging nakaputi na napadpad sa atin dito sa sitio ilang buwan na ang nakararaan ang gagawa ng himala para mabuhay ang aking asawa?" nagtatakang tanong niya sa Ginang. Ilang buwan na ang nakararaan ng may isang lalaking nakaputi ang napadpad dito sa kanilang sitio. Napakabuti nito sa mga taga sitio at may kakayahan din itong magpagaling ng kahit anong karamdaman. Dayo man ito sa kanilang lugar ngunit mararamdaman mo talagang may malasakit ito sa mga tao. Ngunit hindi niya alam na may kakayahan din pala itong bumuhay ng taong namatay na. Pero ikinatuwa niya ang nalamang iyon dahil handa siyang gawin ang lahat kahit ano pa ang hilingin ng Ezekiel na yon basta mabuhay lang muli ang kanyang asawa. "Oo Lyka, tama ka. Siya nga, ang aking panginoong si Ezekiel," nakangisi nitong sagot sa kanya. "Paano nyo po Tiya nalaman na kaya niya palang bumuhay ng isang patay?" usisa niya ngunit para tuloy nais niyang magsisi na itinanong pa niya iyon dito dahil baka isipin nito na nagdududa siya sa kakayahan ng Ezekiel na iyon. "Ang iyong Tiyo Jun, namatay siya tatlong araw na ang nakararaan dahil inatake siya sa puso. Ilang oras na siyang patay ng lumapit sa akin si Mang Aloy at sinabi sa akin ang magandang balita kaya naman wag ka ng mag-alala, sa gagawin natin mamayang gabi babalik na ang iyong asawa sa dati at kaylanman hindi na sya mamamatay pang muli," mahabang pahayag nito tsaka sinundan pa ng halakhak. Ikinatuwa niya ang nalaman ngunit may konting takot din siyang nararamdaman. Ilang sandali lamang inayos na ang bangkay ng kanyang asawa sa kanilang sala, inihiga ito sa papag at inutusan ng tita ni Melvin ang isang kamag-anak na bantayan ang katawan ng kanyang asawa. Tsaka siya inaya na nito na magtungo sa kubol kung nasaan si Ezekiel. Inaatake siya ng kaba pero mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang mabuhay muli ang asawa. "Magandang umaga panginoon, may isa nanaman pong nangangailangan ng inyong tulong. Ang aking pamangkin na kaniyang asawa ay namatay kaninang madaling araw nais po nitong si Lyka na muling mabuhay ang kaniyang asawa. Matutulungan mo po ba sya panginoon?" magalang na pahayag ng kanyang Tiya, medyo hindi niya gusto na tinatawag nitong panginoon ang lalaki pero kahit sinong nagbabalat kayong santo ay handa niyang sambahin at luhuran basta maibalik lamang ang buhay ng kaniyang asawa. "Handa akong tumulong sa lahat ng nangangailangan aking mahal na alagad, ngunit alam na ba niyang may kapalit ang paglapit niya sa akin?" wika ng lalaki, nakangisi ito sa kaniya na lalo namang nagpatindig sa kaniyang balahibo. "Sinabi niyang kaya niyang gawin ang lahat panginoon basta mabuhay lamang ang kaniyang asawa," wika ulit ng kanyang Tiya. "Kaya mo bang kumitil ng buhay ng iba para ialay sa akin kapalit ng buhay ng iyong mahal na asawa?" nakangising tanong nito na ikinagimbal naman niya. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.6K
bc

His Obsession

read
88.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook