Ilang araw pa bago nakausap ni Shaymay ang kanilang pinuno tungkol kay Mira. Naging mahigpit ang pagmamatyag sa kanya ng kanyang Kuya Zandro. Alam naman niyang hindi pa rin ito nagbago kahit na sinaktan siya nito hindi pa rin maitatatwang nag-aalala pa rin ito sa kanya. Iyon nga lang mukhang nakasubaybay na ito sa lahat ng kanyang ginagawa. Nag-aalala tuloy siya sa nailigtas nilang bihag dahil hindi niya natupad ang pangako ditong dadalhan ng maipampapalit sa suot nito. Isa pa mukhang mayaman ang babae at hindi sanay na matulog sa kong saan-saan lamang kaya nag-aalala Mabuti na lamang palaging wala ang kanyang Kuya Zandro, halos dalawang araw na kaya ngayon nakapuslit siya para makausap ang kanilang pinuno. "Totoo ba ito Ening? Diyos ko, sa wakas kinaawaan din tayo ng ating mahal na Pan