"Nanay! Tatay!" masayang sigaw ni Mira ng makita silang papalapit kasama ang Nanay at Tatay nito. "Anak ko!" ganting sigaw din naman ni Minerva. Agad nitong sinalubong ang tumatakbong anak tsaka niyakap ng buong higpit. "Sorry nak ha, may ginawa lang si Nanay kaya naiwan kita dito. Sorry kong di agad nakabalik ang Nanay ha." hinging paumanhin nito habang hinahagod ang likod. "Okey lang po Nanay, naglalaro lang naman po kami ni Lila kaya po hindi po ako nainip." nakangiting sabi sa Nanay tsaka gumanti ng yakap at halik. Masaya naman siyang pinagmamasdan ang mga ito. Talagang malaki ang pasasalamat niya na nahikayat nila ang mga ito tanggapin muli ang anak. "Uuwi na po ba tayo sa atin Nanay? Pwede po bang mamaya na tayo umuwi? Gusto ko pa po kasing makipaglaro kay Lila," pakiusap