Kabanata 6

1581 Words
"Diyos ko, p-pumapatay sila ng tao para ialay sa dyablo na yon?!" bulalas niya sa sinabi ng pinuno. Nakabalik na sila ni Shaymay mula sa bukal kung saan karugtong pala iyon ng dagat. Naginhawahan siya kahit papano na nawala na ang masang-sang na amoy, nilabhan na rin niya ang kanyang damit para matuyo iyon. Mabuti na lang talaga hindi niya naiwan ang kanyang bag kaya may naipampalit siya. "Oo Jovanie, lahat sila pumapatay kapalit ng buhay ng kanilang mga mahal. K-Kahit ako, n-nagsisisi ako sa aking nagawa. Nang dahil sa pagmamahal ko sa aking asawa, n-nagawa kong patayin ang aking pamangkin! Sa kabilang ibayo siya nakatira, kaya maaari ko syang ialay. Kapalit non, nabuhay muli ang aking asawa pero ibang-iba na siya pagbalik nya. Palagi syang galit at kung sino-sino din ang kinakatalik. Tsaka nakakatakot na sya, pakiramdam ko palagi papatayin nya kami ng mga anak niya. Hindi ko naman magawang ilayo ang mga anak namin. Simula ng mamuno ang hayop na demonyo na yon sa Sitio. Siya na ang palaging nasusunod!" naluluhang wika ng isa nilang kasama. "I-Ibig bang sabihin, p-pumatay din ang kapatid ko? N-Nagawa nyang pumatay, para lang muling mabuhay ang kanyang asawa?" maluha-luhang tanong muli niya. Hindi niya akalaing magagawa yon ng kanyang pinakamamahal na kapatid. Halos hindi nga nito kayang pumatay ng langgam noon nong mga bata pa sila. Pero ngayon, nagawa nitong pumatay ng tao para lamang sa asawa nito. "Uhmm, i-isang dalagang nagmula sa kabilang nayon ang inialay ng iyong kapatid, Jovanie. N-Nandon ako ng gabing iyon at nasaksihan ko ang pagpatay. Ang p-pagpugot niya sa ulo ng dalagang bihag. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang sandaling iyon. Pero nasaksihan ko rin ang paghihirap ng kapatid mo, simula ng mangyari iyon. Minsan nga natutulala na lamang siya at minsan umiiyak. Pero ang kanyang demonyong asawa, halos baboyin na ang pagkatao ng iyong kapatid. Mga hayop na ang asal nila masahol pa sa isang demonyo kaya dapat silang puksain! Uunahin ko ang dalawa kong kapatid,ako mismo ang magpapalaya sa kanila sa kampon ng kadilimang iyon!" nanggagalaiting wika naman ni Shaymay. Napakuyom naman ang kamao niya, hindi niya matanggap ang sinapit ng kanyang kapatid. "Lahat kami dito ay kaanak ng mga tagasunod na ngayon ni Ezekiel. Noong una, nalinlang niya kami. Syempre ginamit nila ang matinding pangungulila namin sa aming mga mahal ngunit hindi manlang namin naisip na isang malaking pagkakamali ang makipagkasundo sa kampon ng dyablo. Lahat kami pumatay, para mabuhay ang aming mga namatay na kaanak, pero lahat ng iyon ay pakulo lamang ng hayop na Ezekiel na yon! Dahil ang totoo, siya din ang sanhi ng pagkamatay ng mga mahal namin sa buhay. Bigla-bigla nalang sila dinadapuan ng sakit na nakamamatay at kapag namatay na, saka na lalapit sa amin ang Ezekiel na iyon. At kami ang kinakasangkapan niya sa kasamaan niya! Pero namulat na kami, kaya bumuo kami ng grupo na kakalaban sa kanya," mahabang pahayag naman ng kanilang pinuno. Parang pinanghihinaan siya ng loob, pano sila lalaban sa mga kampon ng dyablo na iyon kung sarili nga nila hindi nila kayang ipagtanggol. Ni wala silang mga sandata para gawin iyon. Ngunit siya pa ba ang dapat panghinaan? Dapat nga siya ang maging malakas para matulungan ang mga ito, isa pa kailangang mailigtas niya ang kanyang kapatid. Hindi maaaring hayaan niya itong magdusa kasama ang demonyo nitong asawa. "Wala tayong mga sandata, papano tayo lalaban sa mga ganong nilalang pinuno?" tanong niya dito. Kung sana may mga armas lamang siya, bakit hindi manlang niya naisipan magdala, tanging patalim lamang ang kanyang nadala. "Isa lang ang paraan para mapuksa ang mga halimaw na iyon Jovanie. Kailangang puntiryahin ang ulo nila. Hindi nga tayo, kasing liksi at kasing lakas nila pero may utak tayo. Utak ang gagamitin natin, hindi natin sila kaya lahat pero kaya natin sila kung nag-iisa," wika nito. Nakuha niya ang nais nito, ibig sabihin iisa-isahin nila ang mga ito ng palihim. Tama nga naman ang pinuno nila, hindi nila kayang makipagsabayan pero kapag utak ang kanilang gagamitin maaaring magtagumapay sila. "Mamaya bago magbukang liwayway, aalis kami dito Jovanie. Kami ay mananatili sa piling ng aming mga pamilya. Magkukunwari na kaisa nila kami. Sa umaga hindi sila masyadong lumalayo sa Sitio kaya hindi kami makabwelo. May ilang mga prutas na pwede mong makain sa paligid ng kwebang ito. Hindi ka namin maaaring dalhan ng pagkain dahil baka mahalata kami. Kaya gawin mo ang lahat para mabuhay. Tumetyempo lang kami sa gabi dahil ito ang oras para sila ay mandukot ng mga walang kamuwang-muwang na biktima mula sa ibang lugar. Ngunit ngayon lang nangyari ang pagkabulilyaso ng kanilang plano dahil nga sa pagtugis sayo kaya mapaabot kami ng bukang liwayway para makabalik. Gawin mo ang lahat para hindi ka nila dito matuklasan, wag na wag kang lalabas kapag may maramdaman kang pumasok dito sa kweba. Hintayin mong tawagin namin ang pangalan mo," mahabang pahayag ng pinuno. "Sige po, maraming salamat pinuno. Paki-check naman po ang aking kapatid para mapanatag ang aking kalooban. Hindi po kasi ako mapakali lalo pa at baka malaki ang galit sa akin ng halimaw niyang asawa dahil hindi nila ako nahuli," pakiusap niya dito. "Wag kang mag-alala Jovanie, ako ang bahala kina Ate Lyka. Hindi naman ako pinaghihinalaan ng asawa non dahil dati na kaming close ng asawa niya. Alam din niya ang tungkol sa amin kaya dito ka niya itinurong dumaan. Nagsisisi na rin siya sa pagbuhay sa kanyang asawa ngunit hindi siya maaaring makianib sa amin lalo pa at may anak siya. Nais mo bang ipaalam sa kanya na nandito ka at ligtas?" wika naman ni Shaymay. "Maraming salamat Shaymay, utang ko sayo ang buhay ko. Pati na ang pabor na ito, pakisabi sabi sa kapatid ko na wag na siyang mag-alala, ligtas kamo ako at gagawa ako ng paraan para matulungan siya at ang iba pa," wika niya dito. "Makakaasa ka, sige na humanap ka na ng pwesto mo dito muna kami magpapalipas ng gabi," wika nito. Iyon lang at umalis na ito sa kanyang harapan, humanap na ng pwesto na maaaring tulugan. Siya naman ay pumwesto sa may kalakihang bato, doon sumandal habang habang abala ang kanyang isipan. Hindi niya alam kong ano ang mangyayari sa kinabukasan pero kailangang maging positive siya sa lahat ng bagay. Makakaya niya, para sa mga taong nangangailangan higit sa lahat para sa kanyang kapatid at mga pamangkin. SAMANTALA SA BAHAY NINA LYKA Matindi ang kanyang pag-aalala habang lumilipas ang oras, hindi pa rin bumabalik ang kanyang asawa. Ibigsabihin patuloy pa rin nitong tinutugis ang kanyang Kuya Jovanie. Natatakot siya para sa kaligtasan ng kapatid. Isa ng halimaw ang kanyang asawa at tiyak na papatayin nito ang kanyang kapatid kapag nahuli nito. O baka gawin din itong katulad ng mga taong nakagat ng mga kauri ng kanyang asawa. Magiging patay na buhay na rin ang kanyang Kuya katulad ng ilang mga taga Sitio, pero hindi ito katulad ng kanyang asawa na tila isang normal na tao. Ang kanilang mga taga Sitio na hindi sumusunod sa nais ni Ezekiel ay pinapakagat nito sa mga alagad nito at kapag nangyari yon. Mamamatay ang sinumang makagat ng mga ito pero muling mabubuhay ngunit unti-unti na ring matutulnas ang mga ito pero patuloy pa rin silang kumikilos. At palaging maghahanap ng sariwang dugo at laman, pero nakakulong lamang ang mga ito. Ito ang naging panakot sa kanila ni Ezekiel, kaya naman lahat sila ay nagiging sunod-sunuran dito. Pero may lihim na grupo na nais kalabanin ito, alam niya ang tungkol doon kaya nga sinabi niyang sa paanan ng bundok dumaan ang kanyang Kuya. Sana lang nailigtas ng mga ito ang kanyang kapatid. Umaasa itong makakaalis ito ng buhay, hindi na siya nangangarap na makakaligtas pa sa kasalanang ginawa niya. Ito ang kapalit ng kahibangan niya, kahibangang ibalik ang buhay ng kanyang asawa. Pero hindi asawa niya ang bumalik sa kanya kundi isang halimaw. May naiisip na rin siyang paraan para maituwid ang kanyang pagkakamali. Hindi pa napapanahon, humahanap pa siya ng tyempo. Pero ipinapangako niyang isasama niya sa impyerno ang demonyo niyang asawa. "Wala Melvin! Hindi talaga namin mahanap!" narinig niyang wika ng isang kasamahan ng kanyang asawa. Kung hindi siya nagkakamali ito ang panganay na kapatid ni Shaymay na katulad ng kanyang asawa ay naging halimaw na rin. Halos hindi siya humihinga para hindi mahalata ng mga ito na gising pa siya. Napaluha siya dahil ngayon tiyak na niyang ligtas pansamantala ang kanyang kapatid. "Hindi maaaring makalabas siya ng buhay dito sa Sitio! Magagalit sa atin ang ating panginoon! Magsikalat kayo, babalik tayo sa gubat ngayon din! Ayokong humarap sa panginoon na hindi kasama ang hangal na iyon!" galit na wika ni Melvin. Mariin namang napapikit si Lyka, siya pa ang naglagay sa alanganin sa kanyang kapatid. Hiling lamang niya ay tuluyan na itong nakalabas ng Sitio. Sana natulungan ito nina Shaymay. "Ngunit Melvin, malapat ng sumikat ang araw. Ipapatawag na tayo ng panginoon oras na para sa pagsamba!" wika naman ng isa. Napatingin si Lyke sa orasang nasa dingding, nakahinga siya ng maluwag ng makitang malapit na palang mag alas singko. Oras na para sa pagsamba ng mga ito sa itinuturing ng mga itong panginoon. "Sabagay tama ka Gaston! Tayo na, mamayang gabi itutuloy natin ang paghahanap! Napatay niya ang isa sa ating mga kasamahan, hindi ko siya mapapatawad!" galit na wika ni Melvin. Sa narinig tiyak niyang natagpuan ito ng grupo nina Shaymay. "Dyosko, salamat po! Salamat po at hindi nyo hinayaang mapahamak ang kapatid ko!" piping panalangin niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD