Naalimpungatan si Jovanie sa mahihinang tapik sa kanyang balikat. Nakatulog na pala siya ng hindi niya namamalayan.
"Aalis na kami Jovanie, malapit na ang bukang liwayway sigurado akong nasa kubol na ni Ezekiel ang kanyang mga kampon. Tamang-tama lang na makakauwi kami ng ligtas. Mag-iingat ka dito, pakiramdaman mo kong may ibang papasok. Hindi rin namin sigurado kong ligtas ang lugar na ito para pansamantalang tirhan mo. Basta mag-iingat ka dito lalo na kapag lalabas ka ng yungib," bilin sa kanya ng kanilang pinuno.
"Maraming salamat po pinuno, kayo rin po mag-iingat. Mapanganib ang ating mga kalaban kaya dapat doble ingat tayo," nasabi na lang niya.
"Salamat," pasasalamat nito. "Mga kasama, tayo na pero maghiwa-hiwalay tayo para hindi tayo mapansin!" aya nito sa mga kasamahan. Napatingin naman siya kay Shaymay, tumango lamang ito ng bahagya sa kanya.
Marami ang mga ito kaya hindi niya mawari kong papano ang mga ito makakabalik ng hindi napapansin.
Madilim pa kaya minabuti niya ang matulog muli ng konting oras. Mga bandang alas sais nagising siya dahil sa pagkalam ng sikmura, kaya minabuti niyang lumabas ng yungib pero maingat pa rin siya sa kanyang bawat pagkilos. Baka kasi may ibang tao o kauri ng mga nilalang kagabi na naligaw sa lugar na iyon. Pero laking pasasalamat na lamang niya dahil hindi pa man siya nakakalayo, nakakita agad siya ng isang buwig na bunga ng saging na hinog na ang ibang parte niyon.
Hindi nga nagkamali ang kanilang pinuno. Marami ngang mga prutas na maaari niyang ipantawid gutom. Pero hindi niya alam kong hanggang kailan siya tatagal sa ganon, kailangang kumilos na agad sila sa lalong madaling panahon. Kapag nagkaron ulit ng pagkakataong magharap-harap ulit sila. Nag-aalala siya para sa mga ito tanging ang grupo na lamang ang makakasangga niya kaya dapat maging ligtas ang mga ito.
Nakaapat na piraso lamang siya ng saging busog na siya. Kaya minabuti niyang magtungo sa bukal na karugtong ng dagat. Meron kasing bukal doon na tinuro si Shaymay na maaari niyang inuman.
Inilibot niya ang paningin sa paligid, napakaganda ng nasa dulong bahala ng kweba, napakaputi ng buhangin sa may baybayin sa bandang kanan. Ang bandang kaliwa kasi ay puro tubig na ang nakikita. Kung magkagipitan, maaari pala niya itong takbuhan para makatakas kong sakaling may mga nilalang na hahabol sa kanya. Ang papasok kasi sa bahaging ito ng kweba ay hindi mahahalata ng sinumang hindi kabisa ang kweba. Isang makitin na daan na tinurubuan ng damo ang batong nakatumba doon kaya madali lang siyang makakapuslit.
Matapos uminom, bumalik siya sa loob ng kweba at tiningnan kong may signal na ang kanyang cellphone. Ngunit napailing siya dahil may ekis na pula pa rin ang signal. Kung sana may signal lang makakatawag siya para humingi ng tulong. Kaninang paglabas niya para kumuha ng makakain, napansin niya na parang maaari niyang akyatin ang tuktok ng kweba, siguro mainam na i-check niya para makabisa niya ang lugar.
Siniguro muna niyang walang tao sa paligid, bago umakyat sa matarik na mga batong tila sadyang nilikha para maapakan niya. Iyon nga lang dahil malumot at may mga damo, muntik-muntikan na siyang magkamali ng tapak buti nalang nakakahawak siya kaya hindi siya nahulog. Siguradong mababasag ang bungo niya kapag nagkataon.
Nang marating niya ang dulo, napaawang siya sa ganda ng lugar na iyon. Talagang nasa tuktok na pala siya, kitang-kita niya ang luntiang mga punong nagtataasan at mayayabong ang sanga. Maging mga ligaw na mga halaman at ang napakagandang karagatan na halos kulay blue na ang kulay ng tubig. Tanaw din niya ang pinakang bayan at ang maliit na Sitio, at maging ang ilang mga karatig nitong lugar. Pero animo sadyang nakabukod ang lugar ng Sitio Sinakulo. Ito kasi ang nag-iisang nakalayo sa lahat ng lugar. Kita kasi ang bubungan ng mga kabahayan lalo pa at gamit niya ang kanyang telescope.
Napakunot noo siya ng may mapansing kakaiba sa isang lugar na tila nasa gitna ng kakahuyan na malapit sa Sitio. Tila may isang lugar doon na parang sadyang nilinis at nilagyan ng tila mga nakatayong kahoy na parang malaking kulungan. Naisip niya na baka kulungan ng alagang baboy pero bakit naman napakalaki. Napansin niya na may mga tao, kaya inisip na niya na kulungan nga ng mga alagang hayop. Napansin niya ang papalapit na matanda sa tila malaking kulungan na yon. Pinalapit pa niya para makita ng maayos iyon.
Ngunit ganon na lang ang kanyang pagkagimbal ng makita ng maayos ang tila nais nitong yakaping lalaki. Marahil kamag-anak nito iyon, animo isa iyong bangkay na umahon sa hukay at nagtutulnas na ang buong katawan nito maging ang kanang parte ng pisngi nito. Hindi niya kaya pang matagal na titigan ang itsura ng lalaki kaya nasuka siya ng wala sa oras. Talagang kahit sino ay hindi kakayanin ang makakita ng ganong nilalang. Patay na ito sigurado siya pero patuloy lang ito sa paglakad na tila walang kapaguran. Nang makabawi, muli niyang sinipat ito at ganon na lang ang kanyang panghihilakbot ng nilalapa ng ng napakaraming kauri nito ang babaeng dumating kanina. Animo, gutom na gutom ang mga ito sa pag-aagawan ng sariwang laman ng matandang babae.
Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa nasaksihan. Akala niya kanina nag-iisa lamang ang lalaking bangkay pero nagkakamali pala siya dahil nasa mahigit dalawapu ang nakikita niya ngayon. Marahil nanggaling ang mga ito sa kabilang panig na nalililiman ng puno. Lubhang mapanganib ang mga ito kapag nakalabas, marahil ito ang sinasabi ng kanilang pinuno sa kanya. Iyong mga taong sumusuway sa utos ni Ezekiel ay pinaparusahan nito. Papatayin ng mga tauhan nito sa pamamagitan ng kagat pero muling mabubuhay ngunit unti-unti itong matutulnas at patuloy na mauuhaw sa dugo at laman ng tao. Talagang kahindik-hindik ang itsura ng mga ito. Maihahalintulad na niya ang mga ito sa zombie.
Katulad na katulad ng sa mga pelikula, maihahalintulad sila sa isang zombie! Pero hindi sila katulad nong mga nilalang kagabi, mababagal ang mga itong kumilos. Ngunit tiyak na kapag nahawakan o nalapitan nito ang mabibiktima, hindi na mabubuhay. Katulad ng babaeng ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga itong lapain.
Ilang sandali lamang at nagsialisan na ang mga ito sa pinagkukumpulang babae. Na ng tuluyang mahawi ang mga zombie ay tanging buto na lamang nito ang natira. Halos maduwal-duwal siya sa nasaksihan. Hindi manlang sumagi sa kanyang isipan na, mangyayari ang bagay na ito sa totoo. Hindi magiging problema ang mga zombie kong hindi sila makawala sa pinagkukulungan sa kanila. Ngunit dapat mapuksa din ang mga ito dahil manganganib ang mga normal na tao sa Sito at ang mga karatig pang lugar. Kung sa mga pelikula ang pagbabasehan, kapag nakagat nito ay magiging kauri na rin nito. Sana naman hindi ganon sa totoo, dahil kapag kumalat ang mga nilalang na katulad ng mga ito. Katapusan na ng mundo, maging siya na naturingan pang sundalo ay walang maisip na paraan para labanan ang mga kampon ng dilim. Pano na lang kong may masama palang balak si Ezekiel sa mga zombie na inaalagaan nito.
Matapos ang ilang sandali, minabuti niyang pumasok na lamang sa loob. Hindi niya tiyak kong wala ng mga nilalang na naghahanap sa kanya, mahirap na kailangang doble ingat siya para kapag dumating ang time na oras na ng paglusob ng grupo, makasama siya para sa kanyang kapatid at pamangkin, maging para na rin sa iba pang mga normal na taong nakatira sa Sitio. Pansin niya ang presko at sariwang hangin ang kanyang nasasamyo pero sa mismong Sitio, ramdam niya ang mainit na hangin na dumadapyo sa kanyang balat. Natitiyak niyang hindi normal ang init na iyon, animo may masamang enerhiya ang pinanggagalingan non.
SAMANTALA SA SITIO
"Mga hangal! Iisang tao lamang hindi ninyo mahanap?! Sa dami ninyo wala manlang sa inyo ang nakapaslang sa kanya? Nalagasan pa kayo ng kasamahan?! Hindi ko kayo binuhay para lamang maging mga inutil! Wala kayong silbi! Kailangang maiharap ninyo siya sa akin ngayon din!" halos dumagundong ang boses ni Ezekiel sa kubol na iyon dahil sa galit.
Hindi maaaring makaligtas ang sino mang susuway sa kaniya! Siya ang pumapangalawa sa panginoon niyang si Lucifer kaya hindi maaaring may sumuway sa kanya! Ang susuway gagawin niyang bangkay na nabuhay muli, wala itong kamatayan ngunit habang buhay itong mauuhaw sa dugo at laman ng tao. Habang ang mga balat ng mga ito ay unti-unting matutunaw at katulad ng isang bangkay.
Nagtungo siya sa mundong ito para maghasik ng lagim. Iyan ang kanyang misyon para tuluyan ng maging kanang kamay ng kanyang panginoon. Malapit na ang nakatakdang pagpapakalat ng mga taong bangkay, katulong ang kanyang mga alagad. Lilipulin nila ang buong mundo. Magsisimula sa Sitio, sa mga kalapit na bayan at sisiguraduhin niyang magiging alipin niya ang lahat ng tao.
Ngunit hindi maaaring matuklasan ng sinuman ang nangyayari dito sa Sitio, hindi pa sila handa. Hindi pa sapat ang kanyang paghahanda pero nalalapit na kaya kailangang mapatay o maging alagad niya ang dayuhang iyon. Kapag nakalabas ito ng Sitio, siguradong puputok ang balita tungkol sa kanyang mga alagad at sa kanyang kakayahan. Hindi maaari iyon, kapag sapat na ang kanyang lakas at nasa takdang panahon na siya mismo ang magpapalaganap non. Sa pamamagitan ng paglipon niya sa mga tao.
"Patawad panginoon, wag kayong mag-alala hahanapin namin ang hangal na iyon at ihaharap sa inyo! Kapag hindi siya pumayag na maging kaanib natin, papaslangin ko siya at itutulad sa mga mababahong bangkay sa ating tangkal!" mabalasik na wika ni Melvin.
"Isa kang hangal Melvin! Marahil sinadya mong pakawalan ang dayo na iyon dahil ang balita ko ay kapatid siya ng iyong mahal na asawa. Mapatunayan ko lang na isa kang taksil, titiyakin kong mawawalan ka ng hininga sa oras na mabatid ko iyon!" nanlillisik ang matang wika banta niya kay Melvin.
"Panginoon! Hindi totoo yan! Tapat ako sa inyo, at kaylan man hindi ko inisip na linlangin kayo! Kayo ang aking diyos at sinasamba kaya papano nyo iyan nasasabi sa akin?!" halos maglumuhod na tanggi nito sa kanyang paratang.
Ngunit sinabi ng isang kasamahan nito na sinadya nitong ilihis ang lugar na kanilang paghahanapan sa dayo. Marahil hindi pa lubos na nababalot ng kasamaan ang walang hiyang ito kaya balak pa yatang suwayin siya. Pero mamatyagan muna niya ito, ito pa naman ang pinakamagaling niyang mandirigma. At ito rin ang namumuno sa pagdukot ng mga alay kaya hindi pa niya maaaring ibasura ito.
"Sige, bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon! Hanapin nyo ngayon din ang nilalang na iyon, gusto ko bago dumilim nasa harapan ko na siya!" wika niya dito.
Lumiwanag naman ang mukha nito.
"Salamat panginoon! Salamat!" malawak ang pagkakangiting wika nito tsaka tumayo na at nagpaalam sa pamamagitan ng yukod.
"HAHAHA! Ang sarap talagang maging diyos ng mga mangmang na ito!" masayang wika nito at humalakhak pa na katulad ng halakhak ng demonyo.
ITUTULOY