Kabanata 5

1328 Words
Muli siyang sinugod ng nilalang, mabilis naman niyang naiwasan ang mga pag-atake nito ngunit ng tumama ang kamao nito, kasabay ng pagkabasag niyon ay ang pagtilapon niya. Napakalakas ng nilalang, na kahit mawasak ang kamao nito maya-maya ay bumalik din sa dati iyon. "Diyos ko, anong klaseng mga nilalang ito!" naibulalas nalang niya, tsaka nagtangkang tumakbo dahil batid niyang kahit anong galing niya sa pakikipaglaban. Wala itong panama sa kalaban niyang wala yatang kamatayan. Mabilis siyang tumalilis, sa bawat dadaanan niya dumadampot siya ng bato at itinatapon sa ibat-ibang sulok pero hindi niya malinlang ang isang ito kaya ginawa niya ang lahat para makalayo dito. Kahit anong mangyari, kailangan niyang mabuhay. Kailangang makalabas siya ng buhay sa lugar na iyon para makahingi ng tulong. Hindi niya pwede ewan ang kanyang kapatid at mga pamangkin sa halimaw nitong asawa! Ngunit dahil sa tanging liwanag lamang ng buwan ang kanyang nagsisilbing tanglaw at makahoy ang parteng iyon na kaniyang tinatakbuhan. Napatid siya sa isang nakausling ugat at napaigik na lang siya ng pataob na bumagsak sa lupa. Namilipit siya sa sakit dahil hindi basta lupa lamang ang kanyang binagsakan. May mga tuyong sanga ng kahoy doon kaya halos mapaluha siya habang dahan-dahang tumatayo ngunit agad na nanlaki ang kanyang mga mata ng sa pag-angat ng kanyang ulo makita niya ang nilalang na iyon na tila nakakaluko pang nakangisi habang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang tumayo, tila agad na napalis ang sakit ng likod na kanyang nararamdaman. Ngunit agad na nasaklit siya nito sa kanyang suot na damit. Nagpumiglas siya at sinubukang sipain ito sa may tagiliran pero animo malambot na bagay ang kanyang sinipa na nabutas lamang. Halos masuka siya sa amoy ng tagiliran nitong tila binubulusan ng kulay itim na dugo na may mga uod pang kasama, kitang-kita niya sa sinag ng buwan. Bigla siyang ibinalibag nito. "Aah!" daing niya, animo nagkabali-bali ang kanyang buto. "Hangal ka kong kaya mo akong patayin dayo! Hindi mo ako kaya, sumuko kana para maging kaanib ka namin. Humingi ka ng tawad sa mahal naming panginoon para bigyan ka rin niya ng natatanging lakas at kapangyarihan!" malakas na wika nito, na animo dumadagundong sa kailaliman ng gabi, kasunod niyon ang malademonyo nitong tawa. Bigla itong tumalon sa kinaroroonan niya at agad siyang kinubabawan. Mariing diniinan ang kanyang ulo at animo handa ng sakmalin ang kanyang leeg ngunit ganon na lang ang kanyang pagkagulat ng sa isang iglap. Bumulwak sa kanyang mukha ang dugong nagmula sa nawakwak na ulo ng nilalang na nakakubabaw sa kanya. Nakakasulasok ang amoy ng bumulwak na dugo mula dito kaya minabuti niyang itulak ito papunta sa gilid niya para makatayo siya. Hindi niya alam kung anong nangyari pero may nakatayong tao sa harapan niya, hawak-hawak ang tila palakol na ginamit nito para puksain ang halimaw na nais pumatay sa kanya. Magsasalita na sana siya pero agad na hinawakan siya nito sa kamay at tumakbo silang patungo sa isang deriksyon. Napausal siya ng piping panalangin dahil may dumating para iligtas siya. Hindi man niya nakikita ang mukha nito dahil balot ito ng jacket na may hood at may mask ang mukha ngunit batid niyang normal ito na katulad niya. Wala itong amoy na nakakasulasok. Mabilis silang pumasok sa isang tila pinagdikit na bato, makitid ang daang tinatahak nila halos isang tao lamang ang kasya doon. Pero tiyak niyang ligtas ang lugar na iyon lalo pa at wala na siyang nasasamyong masang-sang na amoy. Tanging siya na lamang ang mabaho pero sana lang maaari siyang maligo sa patutunguhan nila. Hanggang sa may natanaw siyang tila liwanag sa dulo ng kanilang tinatahak. Ganon na lamang ang kanyang pagkamangha ng matuklasang isang kweba pala iyon. Malawak ang loob ng kweba, at lalo siyang namangha ng makita niyang hindi lamang sila ang taong nandoroon kundi halos limampu silang lahat doon. "Siya na ba iyong dayuhan?!" tanong ng isang lalaking nakatayo. Siguro ito ang kanilang pinuno. "Siya nga pinuno, mabuti nalang hindi pa huli ang lahat. Naabutan ko siyang inaatake ng kampon ng demonyong iyon," sagot ng nagligtas sa kanya. Napakunot noo siya dahil parang boses babae ito, kaya napatingin siya dito. Inalis nito ang hood na nakasuot dito pati na ang mask. Napaawang ang kanyang bibig ng mapagtantong babae nga ito at ito iyong babaeng nagturo sa kanya sa bahay ng kanyang kapatid. Hindi niya akalaing ito pa ang magliligtas sa kanya. "Magpakilala ka dayuhan!" wika ng tinatawag na pinuno ng babaeng nagligtas sa kanya. "Ako po si Jovanie, nakatatandang kapatid ni Lyka," pakilala niya. "Ano ang iyong pakay bakit nagtungo ka sa aming lugar?" maawtoridad na tanong ulit ng pinuno. "Para sunduin sana ang aking kapatid na si Lyka dahil ang aming Ina ay nasa bingit na ng kanyang huling sandali dito sa mundo. Nais niyang makita manlang at makausap ang aking kapatid bago siya mamaalam. Ngunit hindi ko inaasahan na ganito pala ang sitwasyon sa lugar na ito? Pwede po bang malaman kong anong klaseng mga halimaw ang humahabol sa akin kanina? Tsaka maaari ko rin bang malaman kong sinong panginoon ang binabanggit nong nakasagupa ko kanina?" sunod-sunod na tanong niya. Nagkatinginan ang mga ito. "Ang mga nilalang na iyon na humahabol sa iyo ay ang mga kampon ni Ezekiel. Ang kanilang diyos-diyosan, ang mga nilalang na iyon ay mga taga Sitio Sinakulo. Ngunit matagal na silang patay!" sagot sa kanya ng pinuno ng mga ito. "Ho?! P-Patay, p-pero bakit sila nananatili pa rin dito sa ating mundo at tsaka bakit ganon sila? Nakakakilos na animo normal na tao! Katulad ng asawa ng kapatid ko, ang kakaiba lang sa kanila. Ang matatalim na mga mata at masangsang nilang amoy tsaka iyong kilos nila. Hindi kilos ng isang normal na tao at ang nasa isipan nila ay pumatay!" wika muli niya, gulong-gulo siya sa sinasabi ng pinuno. Ano ito? Nasa isang pelikula ba siya o nananaginip lang? Panong nagkaron ng mga ganitong nilalang sa mundo? "Kahit kami, hindi rin namin maipaliwanag Ginoo. Pero isa lang ang natitiyak namin. Hindi na sila ang aming mga kamag-anak kaya dapat lamang silang puksain. Ang problema hindi namin alam kong papano, pero may nabuo na kaming plano. Ngunit bago iyon dapat munang mailikas ang mga normal pa," wika ulit ng pinuno. "Sino ho ang Ezekiel na iyon pinuno? Bakit tila may kakayahan siyang kontrolin ang mga bangkay na muling nabuhay?" tanong muli niya. "Siya ay isa ring dayuhan katulad mo Ginoo. Pero bago yan, mabuti pa ay maghilamos ka muna doon sa may bukal sa unahan ng malaking tipak ng batong iyon. Medyo masangsang kasi ang amoy tsaka mukhang ipinanghilamos mo yata ang nabubulok na dugo ng nakalaban mo kanina," natatawang wika nito. Natawa din ang mga kasamahan nito habang nakatingin sa kanya. "Samahan ko na siya Mang Quintin, hinawakan ko rin kasi ang kamay niya na punong-puno ng nabubulok na dugo ng halimaw na iyon. Hindi ko na rin po kaya ang amoy, nasusuka na ako," wika naman ng babaeng tumulong sa kanya kanina. "Naku, mabuti pa nga Shaymay. Kailangan niyang malaman ang lahat ng nangyayari dito sa ating lugar ng sa gayon kapag natulungan natin siyang makalabas dito ng buhay. Makakahingi siya ng tulong mula sa mga pulis," wika muli ng pinuno. "Mabuti naman kong ganon, salamat naman at mukhang may makakatulong na sa atin," wika ng isa pang medyo may katandaan na. "Sana nga po, makahingi tayo ng tulong para matapos na ang delubyong nararanasan natin dito pinuno," wika pa ng isa. Siya naman ay inaya na ni Shaymay, ang babaeng tumulong sa kanya. "Ngunit pinuno, natitiyak ninyo po bang matutulungan tayo ng lalaking iyan?" narinig naman niyang tanong ng isa. Siya ang sumagot dito. "Sigurado po ako, gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mga taong nananatiling normal katulad ng aking mahal na kapatid. Kaya po nagmamakaawa akong tanggapin nyo ako sa inyong grupo," pakiusap niya sa lahat. "Maraming salamat Ginoo, tanggap kana sa grupo," nakangiting wika ng pinuno. "Salamat po pinuno!" masayang pasasalamat niya tsaka nagpatuloy na sa pagsunod kay Shaymay. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD