"Jovanie, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam ko mahirap pero sana kahit papano makayanan niya dito. Maghanda kayo sa pagsapit muli ng kabilugan ng buwan. Kung ano ang magaganap sa atin, bahala na ang Panginoon," paalam ng kanilang pinuno kay Jovanie. Medyo nag-aalangan siyang makasama ang babae sa kweba pero ito lamang naman ang natatanging paraan para matiyak nilang ligatas ang babae. "What?! Hahayaan nyong makasama ko ang lalaking yan?!" nanlalaki ang matang wika ni Camille. Pangalan ng babae na sinabi nito sa kanila. "No choice ka Camille, hindi ka rin naman namin pwede isama sa Sitio. Dahil kapag ginawa namin iyon, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi kaming lahat din," wika naman ni Shaymay. Napatingin si Jovanie dito, ibang-iba ang katangian nito kumapara sa mga babaeng nakat