"W-Wag Mira," bulong niya sa sarili, habang nakatingin dito. Nagbabakasakaling maagaw niya ang pansin nito. Hanggang sa napatingin ito sa kanya, dahan-dahan nagbago ang aura nito maging ang matalim titig ay unti-unting nagbago. Muli siyang umiling, tila nakuha naman nito ang nais niya kaya napansin niyang dahan-dahang bumaba ang malaking kahoy na pinaangat nito kaya naman nakahinga na siya ng maluwag kahit papano. "Ate Shaymay! Tama na po kuya, nasasaktan na po si Ate!" sigaw naman ni Lila. Si Mira naman ay nananatiling animo normal lamang pero matalim ang tingin nito sa kanyang kapatid. "Zandro! Tama na yan, baka mapatay mo ang kapatid mo!" sigaw naman ng kanyang Nanay na ngayon ay papalapit na sa kanila. "Manahimik ka diyan matanda ka! Bibigyan ko lamang ng leksyon ang isang to!"